Share

Chapter 4

Author: Diena
last update Last Updated: 2023-11-09 13:42:49

Apat na araw na ang lumipas mula ng mailibing si Selvia. Masakit para kay Nadia ang nangyari dahil ang kaisa-isa niyang pamilya ay bigla nalang nawala sa isang iglap.

Sa pangyayari na ito si Peter ang kanyang sinisisi. Kasi kung inalagaan niya at tunay na minahal ang Ate Selvia niya sana ay buhay pa ito ngayon. Kung sana hindi niya ito niloko at pinangakuan wala sanang sanggol na isinilang na isang ulila.

Pagod ang katawan na sumalampak si Nadia sa kama. Sa dalawang oras na pagsasayaw karga ang pamangkin sa wakas nakatulog rin ito.

Ganito ang sitwasyon ni Nadia tuwing gabi. Pakiramdam niya losyang na siya apat na araw makaraan sa pag alaga ng pamangkin.

Gusto na niyang sumuko. Wala naman siyang alam tungkol sa pag aalaga ng bata. Nangako siya sa kanyang ate ngunit hindi niya inaasahan na kargo niya pala ang lahat ng responsibilidad sa pamangkin.

Kakapikit palang ng mata niya ng bigla na naman umiyak ang bata. Mangiyak-ngiyak na bumangon si Nadia para kunin ang umaatungal na bata.

"Patulugin mo na ako. Kailangan ko rin magpahinga. Pagod na pagod na ako, " lumuluha na wika ni Nadia habang pinapatahan ang pamangkin.

Hindi na niya alam ang gagawin. Ang lahat ng pagod, puyat, konsimisyun na nararamdaman niya idinaan nalang sa pag iyak. Hindi naman siya maintindihan ng bata kung sisihin niya ito. Kahit magalit siya hindi naman kaya ng loob niyang hayaan nalang ito dahil pamangkin niya ito.

Pasandal siyang huminga karga ang pamangkin. Mahina siyang kumanta at sinasabayan ng mahinang tapik sa puwet ang bata. Sa paraan na iyon ay kumalma ito. Natulog ulit ang bata sa bisig niya.

Nakangiti na tinitigan niya ang pamangkin. "Magkapatid naman kami ng mama mo. Sa akin mo nalang damhin ang yakap ng isang ina sa oras na pakiramdam mo ay natatakot ka. "

Sa ganoong posisyon sila nakatulog. Paggising ni Nadia kinabukasan parang hinampas ng makapal na tabla ang balikat niya.

Mahimbing parin ang tulog ng bata. Dali-dali siyang naligo at nagluto ng agahan niya. Nang matapos sa gawain sakto ring nagising ang pamangkin. Pinadede niya ito at binihisan. Ihahatid niya ang bata sa bahay ng komadrona para doon paliguan dahil hindi pa siya marunong sa bagay na iyon.

"Naiparehistro mo na ba itong pamangkin mo? " tanong ni Aling Tessa. Binibihisan nito ang bata na kakatapos palang maligo.

"Hindi pa ho," mahinang napabuntong hininga si Nadia. "Ang totoo niyan, gusto ko sana na ipaalaga siya sayo, Aling Tessa. Hindi ko siya kayang alagaan lalo na at bago palang sa akin ito. "

"Naku Nadia, hindi ko matatanggap ang alok mo. May mga anak at apo rin ako na inaalagaan, " sagot ng Ale.

"Babayaran ko naman kayo, Aling Tessa. "

Umiling ang Ale. "Pasensiya na, Nadia, pero hindi kita matutulungan dito. "

Laglag ang balikat ni Nadia na sagot ng Ale. "Naintindihan ko... Pero pwede bang makisuyo na bantayan muna siya ngayon? Bibili lang ako ng gatas niya. Babayaran ko lang ang oras sa pagbabantay mo sa kanya. "

Isa rin sa ikinasuko ni Nadia ang pagiging matakaw ng bata. Nabawasan na ang ipon niya. Hindi rin siya maka raket sa pagkanta dahil walang may magbabantay sa pamangkin.

Para siyang isang ina na walang asawa sa kanyang sitwasyon.

Subrang stress na niya. Ni hindi niya rin magawang buksan ang kanyang maliit na tindahan dahil sa pamangkin pa lang ubos na ang oras niya.

"Miss ganda! "

Sa lalim ng kanyang iniisip kanina pa pala siyang nakatayo sa paradahan ng trycicle. Kung hindi siya tinawag ni Nenita hindi pa siya natinag doon.

Sumasakit ang ulo niya kung paano kayanin na alagaan ang pamangkin. Paano nalang kung maubos ang pera na inipon niya? Saan siya kukuha na Ipanggastos para dito? Paano na ang pangarap niyang makapunta sa Manila? Ang kanyang pangarap na maging sikat na mang aawit kung matutuon ang buhay niya sa pag alaga ng kanyang pamangkin?

"Nenita. Ikaw pala, " matamlay na wika niya. Ni hindi nga siya nasasabik sa ikuwento sa kanya ng dalaga.

"Sahod ko kahapon. Ikaw naman ang ilibre ko ngayon, " nakangiti na wika ni Nenita.

Dahil tanghali na sa karenderya siya dinala ni Nenita. Hindi siya nakaramdam ng gutom pero bilang respeto ay kumain na rin siya.

As usual, panay parin ang kwento ni Nenita. Ngunit lumilipad ang kanyang isip kung paano sulosyonan ang kanyang problema. Nangako siya sa kanyang ate na aalagaan niya at hindi pababayaan ang pamangkin. Pero sa kanyang sitwasyon ngayon, hindi niya masiguro kung magagawa niya pa ba ang pangako na iyon.

Ang kanyang sulosyon na naisip ay ipaalaga nalang sa iba ang bata. Babayaran niya ang magbabantay dito. Pero naisip niya, mas mapapagastos pa siya lalo. Sa gatas palang ng kanyang pamangkin ay masisimot na ang ipon niya.

"Ayon nga, lalo pa naging babaero si Sir Enrico. Mantakin mo ba namang kahit saang lugar kaliwa't kanan ang babae."

"Noong nakaraang araw nga nakita ko siya. At alam mo kung ano ang na diskubre ko? " inilapit ni Nenita ang kanyang mukha sa kanya sabay bulong. "Doon sila sa sasakyan gumawa ng milagro. Dapat talaga ma sampolan yang si Sir, e. Bigyan ng leksyon ba, ganun. "

Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Tama ka. Dapat talaga ma sampolan ang ganyang mga lalaki. Kasi hindi naman tayo mga laruan para pagpipilian niya upang laruin ng isang gabi kapag gusto niya. "

"Basta, miss ganda. Kapag iyon nakita mo, lumayo ka na at magtago. Dahil kapag kumati ang sakit non, ay naku! Wala iyon sinasanto lalo na sa katulad mong maganda. "

'Kahit bigyan niya pa ako ng milyones niya, Hinding-hindi ko siya papatulan. Never niyang mahawakan at makita ang aking hubad na katawan,' wika ni Nadia sa kanyang isipan.

Nang matapos kumain, sabay silang dalawa na umuwi. Ni libre na rin siya ni Nenita ng pamasahe dahil uuwi ito sa bahay nila. Dadalawin raw nito ang kanyang pamilya.

Naunang bumaba si Nenita. Papasok pa kasi ang kanilang bahay at hindi maka daan ang sasakyan. Dumiretso si Nadia sa bahay ni Aling Tessa para kunin ang pamangkin. Panigurado gutom na iyon ngayon.

"Mabuti naman at nakabalik ka na, Nadia. Kanina pa ito umiiyak, " kaagad na wika ni Aleng Tessa at inabot kay Nadia ang bata. "Siya nga pala, kung maghahanap ka ng magbabantay dyan sa pamangkin mo puntahan mo si Ibyang. Baka gusto niya at baka magkasundo kayong dalawa sa pasahod mo sa kanya. Saka nalang kita sisingilin sa one five na kulang mo noong nanganak ang ate mo. Hindi pa naman ako kinakapos ngayon. "

"Sige ho, Aling Tessa. Maraming salamat. "

Gustong bawiin ni Nadia ang kanyang mga binitawang pangako. Habang nakatitig siya sa kanyang pamangkin sumasagi sa isip niya na sana hindi nalang namatay ang kanyang Ate Selvia. Sana narito si Peter para akuin ang reponsibilidad sa bata. She's tired, drained, and stressed sa mabigat na responsibilidad na iniwan sa kanya ng ate. Nais na niyang bumitaw.

Ang kanyang maliit na tindahan wala ng laman dahil doon siya kumukuha ng pang araw-araw niyang pagkain. Ang naipon niya sa mga alkansya biniyak na niya kanina para sa pangangailangan ng pamangkin. Kung ganito ang kanyang sitwasyon panigurado mauubos ang kanyang ipon.

"Wala man lang iniwan na pera si Ate Selvia para sa anak niya, " wika ni Nadia habang hinahalungkat ang mga gamit ni Selvia. "Saan ko naman hahanapin si Peter para humingi ng sustento dito--itinanggi niya pala ang bata na ito. "

Mariing nakakuyom ang kamao na wika ni Nadia. "Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako lalapit sa Peter na iyon. At kapag dumating ang araw na hahanapin niya ang anak niya, hinding-hindi ko ito ibibigay sa kanya. "

Sa kanyang pagmuni-muni bigla siyang naka idea kung ano ang dapat na gawin sa pamangkin. Wala siyang pinalampas na oras. Dapat maisagawa na niya ang kanyang balak nang sa ganon hindi maging kawawa ang pamangkin sa kanyang poder kapag siya ay naubusan na ng pera.

"Bahala na. Mali man itong gagawin ko ngunit para sa kalagayan ng aking pamangkin, ito ay tama. "

Malalim na ang gabi at tahimik ang buong paligid. Palinga-linga ang isang matandang babae na may bitbit na basket at ang laman ay ang mahimbing na natutulog na sanggol.

Tiningala niya ang mataas na gate. Kasing taas ito ng pader na hindi kayang akyatin sino man.

Nang masiguro na walang tao, inilapag niya ang basket sa tapat ng gate. Inayos niya ang pranela na nakabalot sa sanggol. Gumalaw ang bata nang marahan niyang haplusin ang pisngi nito ngunit hindi naman nagising.

Bago pa may makakita sa kanya, pinindot niya ang doorbell ng ilang beses at nagtago sa poste ng kuryente sa kabilang kalsada. Madilim iyon kaya nasiguro niyang walang makakita sa kanya habang naka tanaw sa mataas na gate ng mansiyon.

Ilang minuto ang nakalipas, lumabas ang isang babae na naka suot ng maid uniform, si Nenita. Nakita nito ang gulat sa mukha ng babae at nagmadaling pumasok ulit sa loob ng mansyon. Nang lumabas ito ulit kasama na niya ang matandang si Don Emmanuel at ang bunsong anak na si Enrico. Naka pantulog na ang kanilang suot.

Kagaya ni Nenita, nagulat rin ang mag ama sa nakita. Hindi nito alam kung ano ang gagawin. Kaya si Nenita nalang ang dumampot sa bata nang umiyak ito.

Nasa malayo ang matandang babae kaya hindi niya marinig kung ano ang pinag uusapan ng tatlong tao na nakatunghay sa sanggol.

Nang makita ng matandang babae na dinala nito sa loob ang sanggol, nakahinga siya ng maluwag. Naging kampante ang kanyang damdamin dahil ang buong akala niya pagsarhan lang nila ito ng pinto.

Lumabas ang matanda sa kanyang pinagtataguan. "Nasisiguro ko, na nasa mabuting kamay ka ng pamilyang Montefalco. "

Related chapters

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 5

    Madaling araw na at kailangan ng umuwi sa mansyon ni Enrico. Kakatapos niya lang magparaos ng init ng katawan. Hindi na siya bumaba sa bar upang magpaalam sa kaibigan. Dumiritso ito na lumabas sa building at tinungo kung saan naka park ang kanyang sasakyan at nilisan ang lugar. Simula noong namatay ang kanyang ina na si Debbie Mae Layson-Montefalco, naging tambayan na ni Enrico ang Thumbayan Resto Bar na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan at kasusyo dito sa tagong lugar sa maliit na bayan ng Malasila. Isa itong abandonadong building na matatagpuan sa gitna ng malawak na palayan na pagmamay-ari niya. At hindi alam ng kanyang ama na si Don Emmanuel Montefalco na siya ang may-ari ng malawak na lupain na ito. Ang tanging alam lang ng kanyang ama at dalawa nitong kapatid na lalaki ay puro lang siya lakwatsa, pambabae, pa sarap sa buhay at hindi siniseryoso ang kompanya na pinamana sa kanya dahil inuumaga na ito sa pag-uwi sa kanilang bahay at iba-ibang babae ang nakikita nilang kasama ito.

    Last Updated : 2023-11-09
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 6

    Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw narin na nag aabang si Nadia sa bayan kay Nenita para makibalita sa pamangkin nito. Hindi siya mapakali. Kahit nasisiguro niyang maging maayos ang pamangkin niya roon hindi parin siya kampante hanggat hindi niya malalaman ang sitwasyon ng pamangkin. Hindi pumunta ng bayan si Nenita noong sabado. Noong linggo bumalik si Nadia doon pero buong araw siyang naka abang walang Nenita na dumating. Laglag ang kanyang balikat na umuwi, dahil kagaya kahapon, nag abang lang siya sa wala. .....Mansion.... Hindi alam ng mga kasambahay paano patahanin ang sanggol. Kanina pa ito umiiyak. Salitan ang mga kasambahay sa paghele pero ayaw parin matigil sa pag iyak ang bata. Stress na si Enrico. Wala siyang alam dito kaya hindi niya rin alam kung ano ang gagawin. Kung paano patahimikin ang bata, kung paano ito patulugin. Dahil hindi naman niya ito naranasan sa mga pamangkin. Umuwi na ang mga kuya niya kaya wala siyang mapagtanungan. Tulog na rin panigurado ang

    Last Updated : 2023-11-11
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 7

    Ubos na ang pasensya ni Enrico sa walang sawa na pagbasa sa mga resume na nag apply bilang yaya ng anak niya. Maaga palang marami ng nakapila sa labas ng mansyon para mag apply. Kaya naisipan niyang kunin nalang ang mga resume ng mga ito at tatawagan nalang kung sino ang capable bilang tagapag-alaga ng kanyang anak. Kanina pa niya ito sinimulan pero wala parin siyang napili. Iyong iba nag apply lang para masilayan siya. May minor de edad pa. Senior citizen, at mas malala may modelo at artista. "Ugh! Sana hindi nalang yaya ang kinuha mo kung ganito naman ang mag aapply, " himutok ni Nenita na siyang tagasunod magbasa sa mga resume. "Anong alam ng modelo at artista na ito sa pagbantay ng bata? Baka kamo ikaw ang i babysit ng mga iyon. ""Can you just keep quite, " inis na singhal ni Enrico. "Hmp, " pabagsak na inilapag ni Nenita ang folder na hawak sa mesa at hinarap siya. "Iyong kaibigan ko gusto ring mag apply. Baka iyon magustuhan mo na mag alaga sa anak mong iyakin. Wag kang mag

    Last Updated : 2023-11-12
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 8

    Paungol na dinakma ni Enrico ang kanyang ari ng makapasok siya sa loob ng kanyang sasakyan. "Ugh, fuck! " mahinang d***g niya. Napasandal siya at mariing napapikit sa sakit na naramdaman sa kanyang puson. "Bakit hindi sinabi ni Nenita na ang kaibigan na tinutukoy niya ay iyong babaeng hindi tinanggap ang alok ko," gigil na himutok niya. Mabilis na minaubra niya ang sasakyan papunta sa Thumbayan nang maibsan ang init ng katawan. Ngunit ng makarating doon, bigla nalang ay ayaw niyang may babaeng lalapit sa kanya. Bigla ay naging lupaypay ang tore niya na kanina ay tayong-tayo. "Pass, " aniya ng sasalinan siya ng kaibigan ng alak. Tumaas ang dalawang kilay ni Ervin at ibinalik sa ayos ang alak saka tumabi sa kanya. "Bago iyon, a. Papunta na ba tayo sa bagong buhay? " may halong pang aasar na wika ni Ervin. Napailing si Enrico. Umalis siya sa mansyon dahil gusto niyang makapagrelax. Pero ilang segundo palang siyang naka upo gusto na niyang umuwi. He didn't know the real reason. Kung d

    Last Updated : 2023-11-15
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 9

    The joy that Nadia felt was indescribable nang malamang siya ang napili ni Enrico bilang maging yaya ng anak nito--este ng kanyang pamangkin na pina angkin niya kay Enrico. Ngunit sa puntong ito kailangan ng itatak ni Nadia sa kanyang isipan na ang batang ito ay hindi niya pamangkin sa loob nitong mansyon kundi isang alaga niya at yaya naman siya nito. Mangiyak-ngiyak siya sa tuwa kanina habang mahigpit na niyakap ang pamangkin ng umalis si Enrico. Na miss niya itong hawakan, kargahin, alagaan, lahat-lahat namiss niya sa pamangkin kahit pa mahirap ang naging karanasan nito ng maisilang siya. "Nenita," tawag pansin niya sa katulong na nakadikuwarto na nakahiga sa malaking sopa. "Uuwi muna ako sa bahay saglit. Kukuha ako ng mga damit ko."Tumayo ang dalaga at itinago sa bulsa ang cellphone na kanina ay hawak niya. "Tara, samahan kita. Pahatid tayo sa driver ng makabalik ka kaagad. "Hindi na siya tumanggi dahil pahirapan ang pagsakay dito sa loob ng village lalo na kapag gabi. Safe na

    Last Updated : 2023-11-16
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 10

    Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwatro para maligo habang tulog pa ang alaga niya. Nanggigigil siya kay Enrico ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili na hindi makasabi dito ng masamang salita. Baka bukas ay wala na siyang trabaho kung pairalin niya ang galit at inis dito. Matapos mag ayos ng sarili binalikan niya ang sanggol. Gising na ito ngunit tahimik lang. Nasa banyo parin si Enrico. Kinuha niya ang sanggol upang papaarawan ito saglit. Hindi niya kasi alam kung paliguan ba ito muna, o sino ang magpapaligo. Hindi niya pa kasi nasabi kay Enrico na hindi siya marunong magpaligo ng sanggol. "Good morning ho, Don Emmanuel. " nakangiti na pagbati ni Nadia ng makasalubong niya ang matanda sa hagdan. Pa akyat ito. Siguro ay pupunta sana ito sa kwarto ni Enrico para silipin ang apo. "Magandang umaga, hija. Magandang umaga rin sa aking apo, " magiliw na wika niya na may matamis na ngiti sa labi. Hinaplos niya ng marahan ang ulo ng sanggol. "Tanggalin mo ang lahat ng suot niya bag

    Last Updated : 2023-11-17
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 11

    Si Nadia ang may hawak sa sanggol habang tinuturuan siya ni Liel kung ano ang kanyang gagawin sa tamang pagpaligo sa bata. Hindi naman nahirapan si Nadia at nakuha niya kaagad ang mga tinuro dito. Behave ang pamangkin niya. Gustong-gusto niya na pinapaliguan siya. Doon lang siya umiyak nang iahon na siya sa tubig. "Itong bata talaga na ito baliktad ang iyak, " magiliw na saad ni Liel. "Saka ka na magtagal sa tubig kapag malaki ka na. Naku, baka magka pulmonya ka ako pa sisihin ng tatay mo. "Hindi na siya tinuruan ni Liel sa pagbihis dito dahil alam na niya iyon. Pagkatapos bihisan ay pinadede na niya ito at nakatulog ang kanyang pamangkin. "May pangalan na ba iyang anak mo?" Tanong ni Liel habang pumapapak ng apple na sinasawsaw niya sa bagoong. Napangiwi si Nadia at parang nasusuka na nakatingin kay Liel na sarap na sarap sa kinakain."Oo nga. May pangalan na ba iyan? Mag isang linggo na iyan dito, " segunda ni Ethan. "Wala pa--""Anak ng tupa! " palatak ni Liel. Mahinang tinapik

    Last Updated : 2023-11-21
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 12

    Napaayos ng pag upo si Don Emmanuel sa sinabi ng anak. Lalo siyang nagtaka at naguluhan dahil hindi naman kusang lumalapit sa kanya si Enrico kapag ito ay may kailangan. Madalas ang mga kuya niya ang nagsusumbong sa kanilang Ama na siya ay may problema at kailangan nito ng kausap at doon lang mangingialam si Don Emmanuel. Kilala niya ang anak. Hangga't kaya nitong hanapan ng paraan at sulosyonan ang problema hindi ito lalapit kahit pa sa kanyang pamilya. Kaya ganito nalang ang nararamdaman ni Don Emmanuel ngayon habang kaharap ang anak at humihingi ng tulong sa kanya. "Maupo ka muna, " aniya kay Enrico. Umupo si Enrico sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. "Ano ba iyang problema mo? Bakit kailangan mo ang opinyon ko? ""Dahil sa bilis ng pangyayari na dumating ang anak ko ng biglaan sa bahay, hindi ko naisip na hindi ko pa pala siya nabigyan ng pangalan, " napahaplos siya sa kanyang batok na para bang kay bigat ng problema niya. "Ni hindi ko naiparehistro ang birth certificate ni

    Last Updated : 2023-11-24

Latest chapter

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Epilogue

    Wala pa man si Nadia pero naging emosyonal na si Enrico at hindi mapakali habang nakatayo ito sa harap ng altar. Ikakasal na sila ng babaeng mahal niya. Sa babaeng ipinagpasalamat niya na dumating sa kanyang buhay. Hindi lang siya ang masaya at emosyonal ngayong araw, kundi pati ng mga tanong narito sa loob ng simbahan. Mga tao na naging saksi sa kanilang masakit na pagmamahalan. "Kahit kailan talaga ang iyakin mo, " pagbibiro ni Javier kay Enrico nang makita nito na nagpupunas ng luha sa pisngi ngunit pati siya ay emosyonal rin na nakatanaw sa nakasaradong pinto ng simbahan. "Kung narito lang si mommy, malamang humagulgol na iyan sa bisig ni mommy, " segunda ni Ethan na nagpupunas rin ng kanyang luha. They were both emotional. Saksi kase sila kung paano magmahal ang kanilang bunsong kapatid. Kung paano ito nasaktan at nabigo. Nasaksihan rin nila kung paano niya suyuin si Nadia. Ang ipakita sa babae na karapat-dapat siya. Hindi siya sumuko kahit alam nilang magkapatid na pagod na

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 45

    "Nabalitaan ko kay Nenita ang nangyari sa barangay namin. Ang sabi niya pa ikaw raw iyong bumili ng lupa ni congressman, " umalis siya mula sa pagyakap sa lalaki at hinarap ito ng maayos. "Nangangamba lalo ang ka baryo ko baka tuluyan na talaga silang mapaalis doon. "Ginawang unan ni Enrico ang magkabilang braso. Walang damit ang lalake kaya kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan. "Wag mo akong akitin sa maganda mong katawan. Hindi parin ako bibigay. "Natawa si Enrico sa reaksyon ni Nadia. Nakasimangot ang babae ngunit nasa mata nito ang natutukso sa kaharap na n*******d. "Binili ko iyon pero hindi ako ang may-ari... Binili ko iyon para sayo. Pagmamay-ari mo iyon. "Nanlaki ang mata ni Nadia. Kumikibot ang kanyang bibig ngunit wala siyang mahagilap na salita. "Isa ang bahay mo sa masali sa demolisyon. Alam ko kung gaano ka importante sayo ang bahay niyo. So I bought it. ""P-pero sabi mo ako na ang may-ari niyon... B-bakit? ""Kolatiral... Baka maisipan mong ayaw magpa

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 44

    Magtatlong buwan na since she gave birth. Pero pakiramdam ni Nadia kahapon lang iyon nangyari. Lumilikot na rin ang kanilang anak at marunong nang dumaldal kaya naaaliw ang lolo nito sa kanya. Para raw kase siyang nag-aalaga sa isang Enrico na maliit dahil kamukha ni Jayjay si Enrico noong baby pa ito. Kaya si Nadia ay naroon lang sa kwarto, nakahiga at boryong-boryo sa buhay. Hindi kase siya makababa kapag wala si Enrico na nakaalalay sa kanya. Natatakot rin siya na baka bumuka ang tahi niya sa paakyat-baba sa hagdan. Naghilom na iyon pero may nararamdaman parin siya na kaunting sakit lalo na kapag biglaan ang mga galaw niya. "Hi. Kamusta ka habang wala ako? " Malambing na wika ni Enrico nang nilapitan si Nadia na nakahiga sa sofa pagkauwi niya sa mansyon. Mag-isa lang ang babae sa kanilang kwarto at makikita sa kanyang mukha na may bumabagabag sa isip nito. Umupo si Enrico sa tabi ni Nadia saka hinalikan sa noo ang babae. "Hindi ka ba nahirapan sa pag-alaga sa anak natin? "Napan

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 43

    "Ayos ka lang? " Nanindig ang balahibo ni Nadia nang dumampi ang mainit na hininga ni Enrico sa kanyang tainga at leeg ng pabulong siyang tanungin nito. Nakasiksik sa kanya si Enrico sa pang isahan na couch kung saan naka upo si Nadia. Hindi makatingin kay Enrico na tumango si Nadia. "Ayos lang ako. Nanghihina nga lang ako kaya ayaw kong gumagalaw, " sagot niya. Nang makarating sila kanina saglit lang siyang nakisalamuha sa mga bisita dahil bigla siyang nahilo. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kakapanganak niya pa lang o sa kaba na nararamdaman. Pinahinga siya muna ni Enrico at sinabihan ang mga kamag-anak na huwag munang guluhin si Nadia. Nang dahil sa sinabi ni Enrico, naging pulutan siya ng tukso. Ngunit imbis na magalit o mainis ay natutuwa pa siya at proud pa. "Sa kwarto ko na lang ikaw magpahinga. Maingay rito, magulo. "Nag-aasaran kase ang mga kamag-anak niya. Pinag-aagawan ang kanilang anak, nagtutulakan, nagtatalo kung sino ang susunod na hahawak. "Hep! Wala ng hah

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 42

    Nasa mansyon sila habang nagl-labor si Nadia. Tumawag rin si Enrico sa pinsan niya para humingi ng advice sa kalagayan ni Nadia. "Kapag may kakaibang vaginal discharge nang lumabas sa kanya dalhin niyo na siya rito sa hospital. Sa ngayon, maglakad-lakad muna siya o mas mas maigi sa kama kayong dalawa mag-exercise."Naroon si Janice at Liel umaalalay kay Nadia kung ano ang gagawin. Naka hawak naman si Enrico sa kanya upang doon kumuha ng lakas ang babae sa tuwing hihilab ang tiyan niya. Hinahaplos ni Enrico ang balakang ng babae at paulit-ulit na hinahalikan ang ulo ni Nadia and saying kung gaano niya ito ka mahal. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? " masuyong tanong ni Enrico. Kahit hindi maintindihan ni Nadia kung alin masakit sa katawan niya, nagawa niya pang irapan si Enrico. "Sa tingin mo makakain ako sa lagay kong 'to? ""I'm sorry... Kung pwede lang ipasa sa akin ang sakit at hirap na naramdaman mo para hindi ka na mahirapan ginawa ko na. ""Ayos lang ako. Ayusin mo lang i

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 41

    "Sorry kung iyan ang naiisip ko. Hindi ko kasi maiwasan. Ayaw mo kase, e, " namumula ang mukha sa hiya na paninisi ni Nadia. Enrico gently kiss her forehead. Kailangan ni Enrico ipaliwanag ng maayos kay Nadia nang sa ganon hindi niya iyon masamain. Ayaw niyang mangyari na nang dahil lang sa bagay na ito ay ma stress ang babae. "Hindi sa ganon, Nad. Gusto ko rin pero nagpipigil lang ako. "Ang namamaos at malalim na boses ni Enrico ay naghatid ng init at kiliti sa katawang lupa ni Nadia. Sa pagtigil niya kanina alam niyang nahihirapan na ngayon ang lalaki. Ewan ba niya at sabik siyang makaniig ang lalake. Na palaging nag-iinit ang katawan niya wanting more kapag nakadikit o nakayakap sa kanya si Enrico. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa pananabik sa lalake o dahil sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya naman kase ito naramdaman noong hindi niya pa nakasama si Enrico. "Pagbigyan mo na ako, please... " namumungay ang mata na pakiusap ni Nadia. Mariing napalunok si Enrico. He's sti

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 40

    "Balak ipa-demolished ang ibang parte ng mga kabahayan sa Malasela. At isa ang bahay ni Nadia ang maapektuhan. May iba palang nagmamay-ari ng lupa na iyon na kinatitirikan ng bahay ni Nadia. May mga dokumento siya na nagpapatunay na nasa kanya iyon. Sa susunod na linggo na iyon gagawin o baka ay mas maagas pa. Nagkagulo na ang mga tao roon."Wala naman sanang pakialam si Enrico dahil wala siya sa posisyon para magprotesta sa agarang demolisyon na mangyari. Ang kaso lang damay ang bahay ni Nadia. Ayaw niyang bigyan ng isipin ang babae. Kahit matagal na itong hindi umuuwi sa bahay niya alam ni Enrico na mahalaga kay Nadia iyon. Kaya hindi niya hahayaan na ang isang bagay na naiwan kay Nadia ay mawala pa. Iyon nalang ang alaala na naiwan ng kanyang pamilya sa kanya. Magkasama sila ni Ervin na tinungo ang barangay nila Nadia. Malayo palang nagkagulo na ang mga tao sa labas ng kanilang bahay habang isa isang inilalabas ang kanilang kagamitan. Masakit iyon para kay Enrico. Ang makita ang

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 39

    "May isang anak na naman ang magselos sa kanyang ama. " Patay malisya na pagparinig ni Janice kay Enrico dahil hindi maipinta ang mukha nang binata ng salubungin ni Don Emmanuel ng yakap si Nadia samantalang siya ay hindi pinansin ng ama. Nag ulap ang mga mata ni Nadia nang mainit siyang salubongin ng buong pamilya. Kompleto silang lahat. Pati mga magulang ni Liel ay narito ang mga ito upang makilala siya. Ang tiyahin ni Janice at si Manang Sonya. Maliban sa mga angkan ng Montefalco walang ni isa na narito at ipinagpasalamat iyon ni Nadia dahil wala pa siyang lakas ng loob para harapin ang mga ito. Hindi naman kase malabo na wala silang alam tungkol sa pinagdaaan ng pamilya dahil sa ginawa niyang panloloko dito. Nag mistulang fiesta ang ibabaw ng mesa sa dami ng handa. Iba-ibang putahe iyon ngunit wala man lang sa mga iyon ang nagustuhan ni Nadia. Ang paging matakaw niya sa pagkain ay biglang nawala dahil sa samo't saring emosyon na kanyang nararamdam kasama ang mga taong may mala

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 38

    "Sino ba ang nagsabi na ipagkait ko siya sayo?" salubong ang kilay na tanong ni Nadia. "Hindi ko gagawin sa anak natin iyong ginawa ko kay Baby Gio." Inaamin niya na naging selfish siya kay Enrico nitong mga nakaraang buwan nang matagpuan siya nito. Ngunit nang makita niya ang sinseridad ni Enrico at ang kagustuhan nito na magka-ayos silang dalawa, napagtanto ni Nadia na kailangan nilang mag-usap dalawa nang masinsinan. Wala ring patutunguhan kung magmatigas pa si Nadia dahil kahit siya mismo alam niya sa sarili na gusto niyang makapiling muli si Enrico. Hindi lang dahil sa kanilang maging anak kundi dahil ito ang sinisigaw ng kanyang puso. "Hindi ko siya ilalayo sayo, " nag ulap ang mga mata ni Enrico nang marahang haplusin ni Nadia ang kanyang pisngi. "Sorry dahil iyon ang iniisip mo. "Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Enrico kahit nangangatal ito dahil sa pagpigil ng kanyang emosyon na huwag umiyak. "Thank you... I am happy to heard that, Nad. Pero kahit ilayo mo siya sa

DMCA.com Protection Status