Home / Lahat / Mission: Kill Jaguar / Chapter Two: Riot

Share

Chapter Two: Riot

Author: praluemn
last update Huling Na-update: 2021-10-09 21:50:12

"K.O!" 

Ang lahat ay napatingin sa matangkad at payat na lalaki na kulay blonde ang buhok. Nasa isang mesa ito hindi kalayuan na hula ko ay kanina pa nanonood sa amin. 

Tumatawa siyang lumapit sa direksyon namin habang sa likod niya ay ang isa ring matangkad na lalaki, nakapamulsa habang malamig ang tingin kay Baron na nakangising nakatayo na habang pinupunasan ang iilang dugo ng lalaki na tumalsik sa mukha niya. 

Sa hindi malamang dahilan ay nanginig ang tuhod ko dahilan ng pag-atras ko nang makalapit na sila sa amin. 

"Gago ka talaga, Baron! Wala pa nga si bossing, nakikipagpatayan ka na!" sabay halakhak ng blonde guy habang akbay-akbay si Baron sa leeg. Tinawanan lang siya ni Baron bago pabirong sinuntok sa tiyan.

"Baka gusto mong ikaw patayin ko," Baron said.

"Ulok!"

"Hahahaha!" Tumawa silang dalawa na umalingawngaw sa buong resto-bar.

Napaatras naman ulit ako nang tumigil sa tapat ko ang kasamang lalaki nung blonde guy. Pagilid itong sumulyap sa akin. Napalunok ako sa dumobleng kaba na nararamdaman.

Naaalala ko pa kung kailan ko huling naramdaman ang ganitong klaseng kaba. It's almost ten years ago...

"He didn't help you." 

Napakurap-kurap ako sa gulat ng magsalita ito, "A-Ano?"

"That dumbass didn't help you. He just want to punch someone," he said coldly. 

Wala naman ako sinasabi... I said on my mind.

Hindi ko rin nagawang sagutin ito dahil dumiretso na siya sa dalawa na nagtatawanan at kinakausap na ang dalawang babaeng kasama nung Bruno. Pareho niyang binatukan ang dalawa pagkalapit niya. 

Napapabuntong-hininga akong tumingin kay Bruno na binubuhat na ng dalawang guard palabas. Ang mga tao sa resto-bar ay bumalik na rin sa kani-kanilang mga mesa na tila wala nangyaring suntukan sa lugar na 'to. 

Sino ba ang mga 'to? 

Nagtataka kong pinagmasdan ang tatlong lalaki na agaw pansin ngayon sa resto-bar. Sa isang buwan ko rito ay ni minsan hindi ko pa sila nakita. Ngayon lang. At ngayong binabalikan ko ang sinabi ng masungit na lalaki kanina mukhang tama nga siya dahil tumatawa nang tinabihan ni Baron ang isang babaeng kasama nung Bruno, ni wala ng pakealam sa akin. 

Napairap naman ako sa sarili ko. Ano naman kung wala na siyang pake sa akin ngayon? 

"Leanne," tawag sa akin ni Mrs. Bub dahilan ng paglingon ko sa kaniya. Napalunok ako sa kaba nang makita kung gaano kasama ang timpla ng mukha niya ngayon, "Sumunod ka." 

Nanginginig man ang tuhod ay mabilis akong sumunod dito. Tinawag ko pa ang iilang mga santo upang tulungan ako dahil mukhang alam ko na ang kahihinatnan ko at hindi nga ako nagkamali...

"Kung alam mo lang, Leanne, kung gaano ko kagustong basagan ka ng bungo ngayon! Kung alam mo lang!" galit na galit na sigaw ni Mrs. Bub matapos sabihing sesante na ako.

"S-Sorry, Mrs. Bub! H-Hindi ko naman alam na g-gano'n po ang mangyayari! Please g-give me a second chance, please–"

"Second chance?! Ilang second chance na ba ang binigay ko sa'yo, ha? Sabihin mo nga! Anak ng kupal isang buwan ka palang dito pero sobra sobra na ang mga chance na ibinigay ko sa'yo! Puro nalang problema ang hatid mo dito sa resto-bar ko!" sigaw niya habang paulit-ulit akong itinutulak hanggang sa napasandal na ako sa pader.

Napayuko ako habang patuloy ang mga agos ng luha sa pisnge ko. Tama naman siya. Aminado akong sa isang buwan ko rito puro problema na agad ang hatid ko sa resto-bar niya. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil kahit papaano ay palagi niya akong pinagbibigyan sa mga kamalian ko pero mukhang sa pagkakataong 'to malabo na niya akong pagbigyan pa. 

Tama nga siguro yung Bruno. Tatanga-tanga ako...

"At dahil sa ginawa mo kailangan pa nating bayaran ang medical ni Sir Bruno! Dagdag problema, bruha ka!" nanggagalaiting dagdag niya sabay sabunot sa akin. 

Masakit man ngunit hinayaan ko siyang sabunutan ako dahil sa pagkakataong 'to tingin ko naman ay deserve ko 'yon. 

"At kilala mo ba kung sino yung mga lalaking 'yon kanina?! Tang ina, Leanne ayon lang naman ang mga matataas na miyembro ng Black Jaguar Frat!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

Ibig sabihin... yung nagligtas sa akin kanina- mali. Yung sumuntok kay Bruno kanina... member 'yon ng Black Jaguar? 

"Black Jaguar, Leanne! Black Jaguar! Naiintindihan mo ba?! Mabuti nga at hindi tinuluyan si Sir Bruno dahil kung nagkataon, nako!!" Sa pagkakataong ito ay sarili niya na ang sinabunutan niya.  

Nanatiling nakaawang ang bibig ko sa gulat. Dahan-dahan akong napaupo. Tila nanlamig ang buong katawan ko habang ang mga kamay ay nanginginig na ngayon sa takot. 

Black Jaguar... Black Jaguar... Na-Nandito sila...

"H-Hindi... hindi hindi..." paulit-ulit na sambit ko habang nakatakip sa parehong tainga, ang buong katawan ay nanginginig na sa takot. 

Bakit nandito sila? Lumayo na kami! Lumayo na ako! Pero bakit nandito na sila?! Plano ba nila akong patayin dahil hindi nila ako natuluyan noon?! Tang ina! Sampung taon na ang nakalipas!

"Dapat noong una palang talaga hindi na kita tinanggap! Pasalamat ka at kahit papaano ay mabait naman ako dahil naaawa ako sayo pero pasensya na dahil kahit anong paawa mo pa ngayon ay hindi na tatalab sa akin 'yan ngayon! Hindi ko hahayaang lumubog itong resto-bar na pinaghirapan ko ng dahil lang sa'yo!" 

Dahil wala na ako sa sarili ay mabilis akong nai-tayo ni Mrs. Bub at nakaladkad palabas ng opisina niya. Mabilis naman akong natauhan at pinilit na iharang ang sarili sa pinto upang hindi ako pagsarahan nito at tuluyang sesantihin.

"Mi-Misis Bub! Please! Isang pagkakataon nalang po pakiusap! M-May sakit po ang Mommy ko p-parang awa niyo na–"

"Wala akong pakealam kung may sakit pa ang Mommy mo! Kahit bukas o makalawa ay mamamatay na 'yan wala pa rin akong pakealam dahil mula ngayon sesante ka na! Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo, layas!" sigaw nito bago padabog na sinarahan ako ng pinto. 

"Mrs. Bub s-sige na po! Parang awa niyo na, please!" Iyak ko habang hinahampas ang pintuan nito. "Mrs. Bub! Please!"

Nakailang sigaw pa ako ng pagmamakaawa rito hanggang sa nanghina na ako at nawalan na ng pag-asa. Muli kong hinampas ang pinto pero sa pagkakataong ito ay wala ng lakas at tila haplos nalang ang nagawa ko. Patuloy ang daloy ng luha ko habang ang noo ay nanghihinang nakasandal sa pintuan. 

"Please... k-kailangan ko po 'to..." nabasag ang boses ko. 

Ilang minuto pa akong naghintay doon. Umaasang pagbubuksan ng pinto ni Mrs. Bub, babawiin ang pagka-sesante at muli akong pagbibigyan sa trabaho pero sa huli ay wala. Halos walang buhay akong pumunta ng locker upang magbihis na at iwan na ang uniporme sa trabaho. 

Habang sinusuot ang hoodie ko ay hindi ko napigilang balikan ang mga nangyari kanina. Unti-unti ay sumilay na naman ang galit sa akin. 

Handa naman na ako magpakumbaba kanina, eh! Ayon na! Nilunok ko na yung pride ko! Hindi na sana ako mase-sesante kung hindi lang–

"At kilala mo ba kung sino yung mga lalaking 'yon kanina?! Tang ina, Leanne ayon lang naman ang mga matataas na miyembro ng Black Jaguar Frat!"

Muli kong narinig ang boses ni Mrs. Bub sa isipan ko. Napahawak ako sa locker ng biglang nanghina ang tuhod ko, nagsimula na namang manginig. But this time, nanginginig na ako sa galit.

Black Jaguar... Black Jaguar na naman! Lagi nalang Black Jaguar ang sumisira ng buhay ko! Kung hindi dahil sa kanila hindi magiging ganito ang buhay ko! Hindi sana ako waitress! Hindi sana ako mahirap! Hindi ko na sana kakailanganin pa ng trabaho! Ng dahil sa kanila buong buhay ko naghirap na ako! 

Muling bumagsak ang mga luha ko habang nahihirapan na sa paghinga sa sobrang galit. Dahan-dahan akong napa-upo at napasandal sa locker habang ang mga kamay ay nasa magkabilang gilid, mahigpit ang pagkakayukom. Ipinikit ko ang mga mata ko. 

Kung hindi dahil sa kanila hindi na sana nagkasakit si Mommy...

"I don't deserve this..." I whispered. 

Ten years ago isa akong mayaman at tinitingala ng halos lahat ng tao. Ten years ago malusog at isa sa pinakamagaling na abogado ang Mommy ko. Ten years ago I'm living my princess life not until dumating sa buhay ko ang Black Jaguar na dating Black Panther Frat na tinitingala at kinakatakutan ng lahat noon.

Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang gabing 'yon kung saan muntik na akong gahasain at patayin ng mga miyembro ng Black Panther Frat. Naaalala ko pa rin kung paano nila ginahasa at pinatay sa harapan ko ang dapat sanang bagong kaibigan ko noong araw na 'yon. Sampung taon na ang lumipas pero ang lahat ng 'yon ay nakabaon na sa puso't isipan ko. 

"Nagbago man ang pangalan niyo ngunit tulad pa rin kayo ng dati. Mas masahol pa sa hayop ang ugali..." nag-aalab sa galit na sambit ko.

Bago ako lumabas ng resto-bar ay hinagilap ko muna ng tingin ang tatlong miyembro ng Black Jaguar habang mahigpit ang hawak sa maliit na kutsilyo na lagi kong dala para sana sa self defense. Ilang minut pa ang tinagal ko sa paghahanap ngunit bigo akong makita sila kaya naman tulala akong lumabas ng resto-bar. 

Pagkalabas ay wala ako sa sariling natumba sa gilid dahil hindi ko nakitang may papasok dahilan ng pagbangga ko sa kaniya. Sa pagtumba ko ay mabilis ko na nabitawan ang kutsilyong hawak. Nangilid ang mga luha ko habang tinitingnan iyon sa hindi kalayuan.

"Watch where you're going." Dinig kong sambit ng nabangga ko.

Sunod-sunod akong suminghot habang nakatitig pa rin sa maliit na kutsilyo. 

Really, Leanne? Talaga bang pinlano mong patayin ang tatlong 'yon sa pamamagitan ng isang kutsilyo?! How sure are you na mapapatay mo nga ang mga 'yon sa isang kutsilyo lang?! 

Mabilis akong umiling habang pinapahid ng braso ko ang mga luha na dumadaplis sa pisnge ko.

Hindi 'yon ang problema, Leanne, eh... tinangka mong patayin sila... Ano? Gaya ka na rin sa kanila? Mamamatay tao ka na rin, Leanne?! 

Sunod sunod na ang naging paghikbi ko. Nakalimutan nang humingi ng tawad sa nabangga kanina. Umiiyak man ay nilingon ko ito. Sa dami na nang pumasok ay hindi ko na alam kung sino sa mga 'yon ang nabangga ko pero dahil sa boses ay alam kong lalaki iyon. 

Diretsong dumapo ang mata ko sa matangkad na lalaking naka coat na itim. Nakatalikod ito at hindi ko alam kung bakit sa kaniya deretsong dumapo ang paningin ko. Baka dahil pakiramdam ko ay siya ang nabangga ko... O hindi kaya dahil lang sa agaw pansin niyang kulay abo na buhok. 

Imbis na hanapin pa ang nabangga at humingi ng tawad ay hindi na ako nag-abala pa. Dinampot ko ang maliit na kutsilyo at sinilid iyon sa back bag ko bago mabilis na umalis doon. Wala sa sarili kong nilakad ang mahabang kalye ng Maynila. Nagkalat ang maraming tao, mga may kaya at sosyal ang mga datingan. 

May iilan rin naman na mga batang palaboy at namamalimos sa mga dumadaan. Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ang pagkibot nito. Baka bukas o makalawa ay mamalimos nalang din ako.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Lahat ng tao sa paligid ko ay unti-unti nang nawawala. Ako nalang itong nanatili sa daan, hindi alintana ang buhos ng ulan. 

Tumigil ako at nakapikit na tumingala. Mapait akong ngumiti habang dinadama ang ulan. 

"Ano pa ba ang susunod?! Matapos Mo ako hayaang mase-sesante, matapos Mo akong hayaang maging ganito ang buhay ko magpapaulan Ka pa ng pagkalakas-lakas?!" sigaw ko sa gitna ng ulan. 

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na ako nalang ang natitira sa daanan at malaya kong naisisigaw ngayon ang galit ko sa kalangitan o maiiyak na naman sa inis dahil hindi talaga Siya nabibigong iparamdam sa akin na heto ako ngayon. Patapon nalang ang buhay ko! 

Natigilan ako nang marinig ang balita na nanggagaling sa kalapit na tindahan ng mga television.

"Kaninang pasado alas kuwatro ng hapon ay nagkagulo dito sa Quiapo. Nagkalat ang mga basag na bote, kutsilyo at kung ano ano pang mga patalim. Ang sabi ng mga nakasaksi ay grupo ng mga lalaki ang may gawa nito, mga naka-itim at pula na pinaghihinalaang riot ang nangyari. Sa kabilang dako ay mabilis na nakalayo ang karamihan sa gulo ngunit sa kasamaang palad ay may limang nasugatan habang may isa namang binawian ng buhay." 

Kaugnay na kabanata

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Three: Mommy

    "Kaninang pasado alas kuwatro ng hapon ay nagkagulo dito sa Quiapo. Nagkalat ang mga basag na bote, kutsilyo at kung ano ano pang mga patalim. Ang sabi ng mga nakasaksi ay grupo ng mga lalaki ang may gawa nito, mga naka-itim at pula na pinaghihinalaang riot ang nangyari. Sa kabilang dako ay mabilis na nakalayo ang karamihan sa gulo ngunit sa kasamaang palad ay may limang nasugatan habang may isa namang binawian ng buhay," sambit ng babaeng reporter.Dahan-dahan akong lumapit sa tindahang iyon. Sa likod ng reporter ay ang mga nagkalat na mga basag na bote at patalim. May iilang mga ambulance habang may iilan ding kotse ng mga pulis."Quiapo?" wala sa sarili kong sambit.Mabilis akong sumilong sa bubong ng katabing tindahan bago hinagilap ang cellphone sa bag. Kanina lang ay nag text sa akin si Mommy. Pupunta daw siyang Quiapo para bumili ng gamot kahit na sinabi ko naman na ako na.Mabilis kong kinuha ang cel

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Four: Demons

    "Leanne, kumain ka muna..."Nanatili akong nakaupo sa sahig, sa gilid ng kuwarto ni Mommy. Tahimik at tulala sa kawalan habang yakap yakap ang malaking picture ni Mommy. Tatlong araw na ang lumipas simula nang ilibing siya. Mula noon ay hindi pa ako nakakakain, wala rin ni isa sa kanila ang kinakausap ko. Pilit man akong pilitin nina auntie na kumain ay wala rin silang magawa."Leanne," tawag muli ni Leo nang hindi ako sumagot.Mapait akong ngumiti. "Leo."Napaayos siya ng tayo sa gilid ng pintuan nang sa wakas ay nakipag-usap na rin ako. Mabagal akong tumingin sa kaniya, nanghihina dahil ilang araw nang hindi kumakain at puro iyak lang ang ginawa."Gano'n na ba kalaki ang kasalanan ko... para parusahan Niya ako ng ganito?" tanong ko na may ngiti pa rin sa labi.

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Five: Die

    "Eto na lahat ng damit mo? Asan na yung mga binibigay ko sa'yong mga branded na damit kapag binibisita ko kayo ni Lea? Bakit mukhang halos basahan naman 'tong mga 'to?"Sunod-sunod ang naging tanong ni auntie Lei matapos namin makarating sa bahay nila, iniisa-isa niya ang mga damit na dinala ko. Nakakunot ang noo at maarteng hinahawakan ang dulo ng mga damit ko na sa ukay lang nabili."Finally! May nakita rin akong totoong damit!" exaggerated na sambit niya nang makita ang iilang mga branded na damit na sa kaniya galing."Auntie, lahat naman 'yan tunay na damit.""Anong tunay ka diyan? Halos puro mga basahan nga ang dala mo! Anyway, don't worry. Bukas na bukas mag m-mall tayo. Ibibili kita ng maraming branded clothes–""Auntie, hindi na kailangan 'yan. Hindi ko naman kailangan ng branded cloth

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Six: Clinic

    "Kingdom Animalia is the largest kingdom based on a number or species representatives. It is also called metazoa..." Nangunot ang noo ko nang makarinig na pamilyar na nagsasalita. "Any question about Kingdom Animalia?" "None!" "Alright, proceed to the next lesson. Phylum is the name comes from the Greek term knide means nettle..." Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot doon. Unti-unti ay inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko sa desk habang nakapikit at hawak hawak pa rin ang ulo. "It refers to the nettle or stinging nematocyst in the cnidocyte of the animals tentacles..." Natigilan ako. Dahan-dahan akong napadilat at

    Huling Na-update : 2021-10-21
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Seven: Familiar

    "Huwag nalang kaya tayong pumasok sa next class? Gutom pa ako, e. Gusto ko pang kumain!" nakangusong sabi ni Rachel habang iniikot-ikot ang pasta sa tinidor niya.Tahimik lang akong nakaupo sa gitna nina Ravah at Dacey habang ang apat ay nasa tapat namin. Pare-pareho silang nagmamadaling kumain habang ako ay ni isa ay wala pang nasusubo. Masiyado akong nalulunod sa mga iniisip ko.Anong nangyayari? Paanong narito ako kasama ang mga dating kaibigan ko? Panaginip lang ba ang lahat pero ang totoo ay grade nine student pa rin pala ako? Bakit at papaano?! Damn, gulong gulo na ako!Napapikit ako ng mariin.Paano kung patay na pala ako at lahat ng 'to ay hindi totoo? Ilusyon ko lang?Biglang nanlamig ang buong katawan ko.Pero kung patay na ako bakit nam

    Huling Na-update : 2021-11-20
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eight: Daddy

    "I can't believe you! Tinulungan mo talaga si nerd?!" iritado pa ring tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng gate.Kanina pa siya ganiyan, tanong ng tanong at kanina pa rin ako iritang irita na sa boses niya na tinalo pa ang chipmunks!"Can you just shut up?! Sumasakit na ulo ko sa'yo," inis na sabi ko rito. Napairap siya."I'm just asking, okay? I just can't believe! Parang kahapon lang pinahiya mo pa 'yan sa flag pole ceremony tapos ngayon tinulungan mo nam–""What did you say?"Maging sila ay natigil sa paglalakad nang huminto ako at kunot-noo nang nakatingin kay Rachel."Pinahiya ko siya kahapon?" tanong ko ulit."Don't tell me, girl, hindi mo naaalala? Ano 'yan? Amnesia?" taas kilay at tila nagbibiro na t

    Huling Na-update : 2021-11-20
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Nine: Slut

    The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky."Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat."Good morning señorita kong pamangkin!"Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly."A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit

    Huling Na-update : 2021-11-21
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ten: Sorry

    "What the fuck?" Sunod-sunod ang mga mura ng mga kaibigan ko.Gulat pa sa biglaang nangyari ay dahan-dahan kong tiningnan kung anong bagay ang tumama sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa ng basag na itlog."Ano na namang problema mo, Lucia?" inis na tanong ni Ravah.Lahat sila ay nakaharap na sa taong nasa likuran habang ako ay nakatingin pa rin sa mantsa sa likod ko. Unti-unting sumisilip ang masamang ugali sa akin pero sa huli ay mas pinili kong kumalma at hindi sugurin ang kung sinomang may pakana nito."You son of a bitch! Inagaw mo na naman sa akin ang boyfriend ko! Inggitera ka talagang malandi ka!"Mas lalong nangunot ang noo ko bago hinarap ang babaeng nagsisisigaw ngayon. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa mukha nito nang harapin ko ito ng may masamang

    Huling Na-update : 2021-11-21

Pinakabagong kabanata

  • Mission: Kill Jaguar   Epilogue

    Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ninety: Forgiveness

    Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Nine: White Gazebo

    "Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Eight: Shan Lei

    "Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Seven: Trevor

    "Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Six: Lucifer

    "It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Five: Long Time

    "Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Four: Die

    "Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Three: Traitor

    Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki

DMCA.com Protection Status