"Kaninang pasado alas kuwatro ng hapon ay nagkagulo dito sa Quiapo. Nagkalat ang mga basag na bote, kutsilyo at kung ano ano pang mga patalim. Ang sabi ng mga nakasaksi ay grupo ng mga lalaki ang may gawa nito, mga naka-itim at pula na pinaghihinalaang riot ang nangyari. Sa kabilang dako ay mabilis na nakalayo ang karamihan sa gulo ngunit sa kasamaang palad ay may limang nasugatan habang may isa namang binawian ng buhay," sambit ng babaeng reporter.
Dahan-dahan akong lumapit sa tindahang iyon. Sa likod ng reporter ay ang mga nagkalat na mga basag na bote at patalim. May iilang mga ambulance habang may iilan ding kotse ng mga pulis. "Quiapo?" wala sa sarili kong sambit. Mabilis akong sumilong sa bubong ng katabing tindahan bago hinagilap ang cellphone sa bag. Kanina lang ay nag text sa akin si Mommy. Pupunta daw siyang Quiapo para bumili ng gamot kahit na sinabi ko naman na ako na. Mabilis kong kinuha ang cellphone nang mahagilap ito. Mabibilis ang ginawa kong pagtipa sa cellphone.To: MommyMommy, where are you na po? Nakauwi ka na po ba?
"Ang ginang na binawian ng buhay ay nasa edad kuwarenta anyos..." Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba. Napailing-iling ako. Hindi. Malabong si Mommy 'yon. Kanina pa siya nag-text, isang oras na nakalipas. Sigurado akong nakuwi na siya ngayon. Isinilid ko muli ang cellphone sa bag ko bago nakapamulsa sa hoodie na lumagpas sa bubong, handa nang umalis doon at umuwi para siguraduhing nakauwi na si Mommy nang bigla akong na-estatwa sa sunod na sinabi ng reporter. "Kinikilalang si Lea Anne Sarmiento." Mabilis akong napaharap muli sa tindahan ng mga telebisyon. Nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa ang pangalan na nasa headline. "M-Mommy?" Ang mahapdi kong mata ay nagsimula na namang maglabas ng mga panibagong luha. Nangatal ang bibig ko habang paulit-ulit na umiiling."Hindi... hindi! Hindi si Mommy 'yan! Bawiin mo! B-Bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw ko sa reporter na nasa television. Kahit na hindi naman ako naririnig nito ay paulit-ulit ang pagsigaw ko rito habang malakas na hinahampas ang salamin na pumapagitna sa amin ng mga telebvision. Kaunti nalang ay baka mabasag ko na ito. Naka flash pa rin sa television ang pangalan ni Mommy!"H-Hindi 'yan si Mommy!!!" Nag-iba na ang balita ngunit patuloy pa rin akong sumisigaw sa labas ng tindahan. Mabilis ang pintig ng puso ko habang ang mga mata ay hindi na maawat sa pag-iyak. Ang mga kamay ko ay namamaga na rin sa patuloy na paghampas sa salamin na pumapagitna habang ang buong katawan ko ay nanlalamig man ay pilit na nagpapaka tatag dahil imposibleng si Mommy iyon! Buhay pa siya! Buhay pa ang Mommy ko! "Hoy! Anong ginagawa mo?! Umalis ka dito kung plano mong basagin ang salamin ng tindahan ko!" Natumba ako sa sahig nang mabilis na itulak ako ng may-ari ng tindahan. Ang sugat na nasa palad ay hindi alintana, ang katawan na basang basa na ng ulan ay hindi ko rin alintana. "Mga walang magawa sa buhay!" Patuloy pa rin akong pinapagalitan ng tindera ngunit nanatili akong nakasalampak sa sahig. Sinipa-sipa pa ako nito bago umalis dahilan upang mapahiga ako sa sahig at bumaluktot habang takip-takip ang ulo. Mas lalong bumuhos ang luha ko hindi dahil sa pagsipa kun'di dahil sa balita na kanina lang ay pinapakinggan ko. Ang lahat ng sakit na natamo ng katawan ko ngayon ay hindi ko maramdaman. Tila namanhid na ang buong katawan ko na kahit ultimo ulan ay hindi ko na nararamdaman. Hindi maaari... kanina lang nakausap ko pa si Mommy bago ako umalis ng bahay. Kanina lang ay nakapag text pa siya sa akin bago siya umalis ng bahay at pumuntang Quiapo. Isang oras na ang nakalipas. Papaanong nadawit pa si Mommy sa gulong 'yon? At sa dinami dami talaga ng tao bakit siya pa?! Bakit siya pa ang namatay?! Bakit yung iba naman nakaligtas at nasugatan lang? Kaya papaanong si Mommy ang namatay? Bakit siya?! Sa lahat ng tao bakit ang Mommy ko pa?! "Leanne?!" Narinig ko ang pamilyar na boses. Hindi ako gumalaw. Nanatiling nakabaluktot sa basang daanan. Mabilis itong dumalo sa akin at pinaupo ako habang silong silong sa dalang payong. Nanghihina ko siyang tiningnan. "Leo..." tawag ko sa pinsan ko. "S-Si Mommy..." gumaralgal ang boses ko. Napalunok siya bago umiwas ng tingin. "Halika na. Dadalhin kita sa kaniya," sambit niya. Binuhat niya ako patayo ngunit muli rin akong bumagsak sa sobrang panghihina. Ni hindi ko nga maramdaman ang buong katawan ko.Napakapit ako sa laylayan ng t-shirt niya. "S-Si Mommy... a-alam mo kung... n-nasa'n siya? N-Nasa bahay siya 'diba? L-Leo nasa bahay si Mommy, 'diba? 'diba?! Sabihin mo sa'kin nasa bahay siya!" halos magmakaawa nang sambit ko. Nahahabag siyang yumuko upang tingnan ako. Nangingilid ang mga luha niya habang pilit pinapanatiling matapang ang mukha niya. Dahan-dahan niya muli akong tinulungan tumayo bago nanghihinang ngumiti."Pupunta tayo sa kaniya..." Ayon lang ang isinagot niya bago ako iginaya papasok sa kotse niya. Habang nasa biyahe ay panay ang tanong niya sa akin kung bakit naabutan niya ako sa lagay na 'yon. Anong ginagawa ko roon at bakit wala ako sa resto-bar na alam niyang aking pinagta-trabahuan. Napakaraming tanong ngunit ni isa roon ay wala akong sinagot. Nanatiling tahimik at tulala sa bawat nadadaanan.Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay si Mommy. Na sana nananaginip lang ako. Na sana mali ang nakita at narinig ko sa balitang iyon. Na sana naroon pa rin si Mommy sa bahay, nakahiga sa kama niya at mahaba ang pasensyang naghihintay sa akin. Napapikit ako ng mariin nang maalala ang naging usapan namin ni Mommy kaninang umaga bago ako umalis ng bahay."Kupas na po ang beauty ko, Mommy. Hindi na ako tatanggapin diyan," natatawang sambit ko dahil gusto niya pa akong sumali sa isang beauty contest ng baranggay namin."At sinong nagsabing kupas na ang beauty mo, huh? Hinding hindi makukupas ang beauty mo, anak!" Kunot-noong sagot niya habang nakapamewang sa harapan ko. Bumuntong-hininga ako tsaka nakangiting pinagmasdan siya. Payat na ang Mommy ko at halatang may sakit na iniinda pero kahit na gano'n ay kitang kita pa rin ang ganda nito. Hindi na ako magtataka kung kanino ako nagmana. "At talagang gusto mo talaga akong sumali sa mga pipichuging contest, Mommy?" nakangiti ngunit bakas sa itsura ko ang pagka disgusto habang sinusuot ang sapatos. "Pipichugin? Alam kong maganda ka, anak pero baka nakakalimutan mo? Pipichugin na rin tayo ngayon!" Nawala ang ngiti sa labi ko at muli siyang nilingon. Nakita ko naman ang paglunok niya. Napaiwas siya ng tingin. Alam niyang kahit ganito na ang buhay namin ay ayoko pa ring inihahambing ang buhay namin sa mga mahihirap kahit na kitang kita naman na mas mahirap pa kami ngayon sa daga. Nakatira sa tagpi-tagping mga yero at halos hindi na makakain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw.Tumayo ako at matamlay ang ngiting lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang pareho niyang braso."Mommy, mas ayos na po ako rito. Okay na po itong trabaho ko. Hindi ko na kailangang sumali sa mga ganiyan–""Pero alam ko, anak, na gusto mo ulit rumampa dahil iyon ang pangarap mo hindi ba? Ang maging model? Ayon din ang kinalakihan mo–""Pero hindi na natin 'yan kakayanin 'yan ngayon, Mommy!" Napatalon siya sa gulat nang mag taas ako ng boses. Maging ako ay nagulat. Hindi ko naman sinasadya, talagang hindi ko lang napigilan... "H-Hindi na natin kakayanin, Mommy. Pag renta palang nga ng gown hindi na natin kakayanin, eh. Wala na rin tayong bigas plus gamot mo pa po, Mommy..." mas malumanay nang sambit ko. Malungkot naman siyang ngumiti tsaka tumango."N-Naiintindihan ko. Pasensya na, anak. Gusto ko lang talaga na makita ka ulit rumampa at gawin ang gusto mo bago man lang ako... mamatay..." Halos pabulong niyang sinambit ang huling sinabi ngunit sapat pa rin upang marinig ko. Mabilis ko siyang niyakap at bahagyang niyugyog. Hilaw akong tumawa. "Mommy naman! Hindi ka pa mamamatay! Kapit lang po, okay? Kakayanin natin. Gagaling ka po. Hindi mo po ako pwedeng iwan. Ikaw nalang po ang..." meron ako. Napalunok ako nang maramdamang may bukol na ang bumabara sa lalamunan ko. Kahit kailan ay hindi ko gustong sinasabi iyon ni Mommy. Kahit na mahina na ang katawan niya ay kaya pa rin naman namin. Kaya pa rin niya basta may gamot lang. Basta tuloy tuloy ang pag-inom ng gamot, kakayanin niya. Kaya nga ako nagsisikap na magtrabaho para madala ko ulit siya sa Hospital. "Mommy, mangako ka sa'kin... Hindi mo ako iiwan, hmm? Magpapagaling ka. Makikita mo pa ako mag-asawa ng matandang mayaman na madaling mamatay!" biro ko na ikinatawa niya ngunit bigla ring inubo. Marahan ko namang hinimas ang likod niya.Habang tumatagal ay palala na ng palala ang sakit niya."Ikaw talaga..." natatawang sagot niya bago humiwalay sa yakap at marahang hinaplos ang ulo ko. Ngumuso lang ako pero ang ngiti ay naroon pa rin sa labi. Bumuntong-hininga naman siya bago matamis na ngumiti sa akin. "Oo, anak... Hindi kita iiwan dahil mag-aasawa ka pa ng matandang mayaman na madaling mamatay," malumanay na sambit niya na ikinatawa namin pareho."Andito na tayo, Leanne."
Nabalik ako sa realidad nang tumigil na kami ni Leo sa harap ng isang morgue. Kaninang pumasok kami sa hospital ay umasa pa akong buhay pa si Mommy. Nabuhayan pa nga ako dahil ibig sabihin ay magagawa na rin naming ipatingin ang kalagayan niya at kung ano pa pwede naming gawin upang gumaling na siya sa lalong madaling panahon pero ngayong narito kami. Nakatayo sa tapat ng isang morgue, unti-unti nang gumuguho ang mundo ko. "Leanne!" Mabilis na nahawakan ni Leo ang braso ko nang muntik na akong mawalan ng balanse. Nalilito ko siyang tiningnan."B-Bakit tayo nandito?" tanong ko. Napalunok ako habang tinitingnan ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ulit siya makatingin sa akin. "Hinihintay ka na niya..." nabasag ang boses niya nang sabihin iyon bago ako inalalayan papasok ng morgue. Wala na ako sa sariling sumunod. Nanginig ang buong katawan ko nang makita ang nag-iisang bangkay na tinatakpan ng tela sa hindi kalayuan. Na-estatwa ako nang makita sa katabing mesa ay ang mga gamit ni Mommy. Ang cellphone, wallet at ang bracelet niya na kapareha ng suot-suot kong bracelet ngayon."L-Leo..." nanginginig na tawag ko sa pinsan ko. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Sobra nang nanginginig ang buong katawan ko na ni ultimo paa ko ay hindi ko na magawang ihakbang pa."Lea!!" Napalingon kami kayna Auntie Lei, ang mama ni Leo at kapatid ni Mommy na kakarating lang. Nang makita niya ako ay mabilis niya akong niyakap habang umiiyak sa balikat ko. Niyakap rin ako ni Shan Lei na nakababatang kapatid ni Leo habang si Tito Mario naman ay kausap na ang pinsan kong si Leo. Hindi ko magawang yumakap pabalik. Nanuyo rin ang lalamunan ko at kahit na nararamdaman ko na ang kagustuhang umiyak ulit ay sa pagkakataong 'to ay tila wala na akong maibuhos pa. Namamanhid ang buong katawan ko at ang tanging alam ko lang wala na... Wala na si Mommy."Lea... Ang b-bunso ko..." Pagkatapos akong yakapin ay dumeretso na si auntie Lei kay Mommy. Humahagulgol niyang niyakap ang bangkay nito. Nang tanggalin niya ang tumatakip sa mukha ni Mommy ay mas lalo siyang humagulgol habang ako ay hindi na nakayanan at tuluyan nang napaluhod. Mabilis na dumalo sa akin sina Leo at tito Mario, tinulungan akong tumayo. Unti-unti ay lumapit ako kay Mommy. Umiiyak na tumabi si Auntie Lei pagkalapit ko. Kumikibot ang labi ko habang nanginginig ang kamay ko nang haplusin ang maamo at tila payapa ng mukha ng Mommy ko. Napakurap-kurap ako habang sunod sunod ang malalalim na paglunok. Akala ko ay wala na akong maibubuhos pa pero heto ako ngayon, ang mga lintek na panibagong luha ay unti-unti nang bumubuhos."S-Sabi mo... h-hindi mo ako iiwan?""Leanne, kumain ka muna..."Nanatili akong nakaupo sa sahig, sa gilid ng kuwarto ni Mommy. Tahimik at tulala sa kawalan habang yakap yakap ang malaking picture ni Mommy. Tatlong araw na ang lumipas simula nang ilibing siya. Mula noon ay hindi pa ako nakakakain, wala rin ni isa sa kanila ang kinakausap ko. Pilit man akong pilitin nina auntie na kumain ay wala rin silang magawa."Leanne," tawag muli ni Leo nang hindi ako sumagot.Mapait akong ngumiti. "Leo."Napaayos siya ng tayo sa gilid ng pintuan nang sa wakas ay nakipag-usap na rin ako. Mabagal akong tumingin sa kaniya, nanghihina dahil ilang araw nang hindi kumakain at puro iyak lang ang ginawa."Gano'n na ba kalaki ang kasalanan ko... para parusahan Niya ako ng ganito?" tanong ko na may ngiti pa rin sa labi.
"Eto na lahat ng damit mo? Asan na yung mga binibigay ko sa'yong mga branded na damit kapag binibisita ko kayo ni Lea? Bakit mukhang halos basahan naman 'tong mga 'to?"Sunod-sunod ang naging tanong ni auntie Lei matapos namin makarating sa bahay nila, iniisa-isa niya ang mga damit na dinala ko. Nakakunot ang noo at maarteng hinahawakan ang dulo ng mga damit ko na sa ukay lang nabili."Finally! May nakita rin akong totoong damit!" exaggerated na sambit niya nang makita ang iilang mga branded na damit na sa kaniya galing."Auntie, lahat naman 'yan tunay na damit.""Anong tunay ka diyan? Halos puro mga basahan nga ang dala mo! Anyway, don't worry. Bukas na bukas mag m-mall tayo. Ibibili kita ng maraming branded clothes–""Auntie, hindi na kailangan 'yan. Hindi ko naman kailangan ng branded cloth
"Kingdom Animalia is the largest kingdom based on a number or species representatives. It is also called metazoa..." Nangunot ang noo ko nang makarinig na pamilyar na nagsasalita. "Any question about Kingdom Animalia?" "None!" "Alright, proceed to the next lesson. Phylum is the name comes from the Greek term knide means nettle..." Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot doon. Unti-unti ay inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko sa desk habang nakapikit at hawak hawak pa rin ang ulo. "It refers to the nettle or stinging nematocyst in the cnidocyte of the animals tentacles..." Natigilan ako. Dahan-dahan akong napadilat at
"Huwag nalang kaya tayong pumasok sa next class? Gutom pa ako, e. Gusto ko pang kumain!" nakangusong sabi ni Rachel habang iniikot-ikot ang pasta sa tinidor niya.Tahimik lang akong nakaupo sa gitna nina Ravah at Dacey habang ang apat ay nasa tapat namin. Pare-pareho silang nagmamadaling kumain habang ako ay ni isa ay wala pang nasusubo. Masiyado akong nalulunod sa mga iniisip ko.Anong nangyayari? Paanong narito ako kasama ang mga dating kaibigan ko? Panaginip lang ba ang lahat pero ang totoo ay grade nine student pa rin pala ako? Bakit at papaano?! Damn, gulong gulo na ako!Napapikit ako ng mariin.Paano kung patay na pala ako at lahat ng 'to ay hindi totoo? Ilusyon ko lang?Biglang nanlamig ang buong katawan ko.Pero kung patay na ako bakit nam
"I can't believe you! Tinulungan mo talaga si nerd?!" iritado pa ring tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng gate.Kanina pa siya ganiyan, tanong ng tanong at kanina pa rin ako iritang irita na sa boses niya na tinalo pa ang chipmunks!"Can you just shut up?! Sumasakit na ulo ko sa'yo," inis na sabi ko rito. Napairap siya."I'm just asking, okay? I just can't believe! Parang kahapon lang pinahiya mo pa 'yan sa flag pole ceremony tapos ngayon tinulungan mo nam–""What did you say?"Maging sila ay natigil sa paglalakad nang huminto ako at kunot-noo nang nakatingin kay Rachel."Pinahiya ko siya kahapon?" tanong ko ulit."Don't tell me, girl, hindi mo naaalala? Ano 'yan? Amnesia?" taas kilay at tila nagbibiro na t
The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky."Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat."Good morning señorita kong pamangkin!"Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly."A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit
"What the fuck?" Sunod-sunod ang mga mura ng mga kaibigan ko.Gulat pa sa biglaang nangyari ay dahan-dahan kong tiningnan kung anong bagay ang tumama sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa ng basag na itlog."Ano na namang problema mo, Lucia?" inis na tanong ni Ravah.Lahat sila ay nakaharap na sa taong nasa likuran habang ako ay nakatingin pa rin sa mantsa sa likod ko. Unti-unting sumisilip ang masamang ugali sa akin pero sa huli ay mas pinili kong kumalma at hindi sugurin ang kung sinomang may pakana nito."You son of a bitch! Inagaw mo na naman sa akin ang boyfriend ko! Inggitera ka talagang malandi ka!"Mas lalong nangunot ang noo ko bago hinarap ang babaeng nagsisisigaw ngayon. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa mukha nito nang harapin ko ito ng may masamang
"Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito.Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito.Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan e
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?
"Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb
"Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.
Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki