"Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.
Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito. Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito. Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan ego mo? Ego ng Nanay mo? Well, deserve!!!" Nangunot ang noo ko. Hindi alam kung ano ang sinasabi ng babaeng 'to."What did you say?" Tumawa siya na parang sira bago siya mismo ang naglakad papalapit sa akin. "Bakit, hindi ba? Kaya nga lahat ng boyfriend ko inaagaw at nilalandi mo dahil hindi mo pa rin matanggap ang pagkapahiya ninyo ng Mommy mo noon! Naghihiganti ka!!" Napapikit ako. Bukod sa sobrang sakit sa tainga ng bawat sigaw niya ay kasabay din no'n ang pagkirot ng ulo ko dahil sa isa na namang alaala ang rumerehistro sa utak ko. It's my elementary graduation day. Me and my Mommy in the midst of the crowd. Confused and furious dahil sa maling akusa ng mag-ina na ninakaw daw ni Mommy ang purse ng nanay ni Lucia kahit na ang totoo ay isasauli lang namin sana ito dahil nakita naming nahulog nila ito bago pumasok sa venue. Sa sobrang pagpapahiya ay hindi namin nagawa ni Mommy na umakyat ng stage dahil sapilitan pang pinakaladkad sa mga guard palabas si Mommy habang ako ay nanatili lang nakatayo, umiiyak at walang magawa kun'di ang iwanan ang graduation at samahan si Mommy. Bago matapos ang alaala ay ang nakangising si Lucia ang huli kong nakita.Unti-unti kong naiyukom ang kamao ko. Now I know kung bakit gano'n nalang ang galit na nararamdaman ko sa naunang alaala na pumasok kanina. Kung bakit gano'n nalang ang reaksyon ng mga kaibigan ko sa biglaang paghingi ko ng tawad sa babaeng 'to. Kung bakit gano'n nalang kasama ang ginagawa ko sa babaeng 'to because after all...She doesn't deserve my sorry.Pero ibig bang sabihin no'n deserve niya rin ang kasamaan na ginagawa ko sa kaniya? Sa pagdilat ko ay ang namamaga niyang mata na puno ng galit at pangamba ang bumungad sa akin. "But you know what?! I don't know why you're still doing this to me! Sa huli naman kami pa rin naman ni Mommy ang napahiya! We said our sorry and your Mommy already forgive us but you!" Isang hakbang paatras ang nagawa ko nang itulak ako nito. "Y-You devil witch! You don't want to forgive me because you.want.me.to suffer!!!" Muntik na akong mapabagsak sa sahig sa huling malakas na tulak niya kung wala lang sumalo sa akin sa likod. "Ayos ka lang?" tanong ni Dacey na siyang nakasalo sa likod ko. Tumayo muli ako ng maayos bago tumango.'Thank you.' I mouthed.Malakas na humahagulgol na ngayon sa harapan ko ang babae. Tila nahihirapan na nga itong huminga dahil sa pag-iyak kaya naman akmang lalapitan ko muli ito nang umatras na naman ito. "Don't come near me!" "Lucia, please here me out–""Nandito ka para saktan ulit ako di'ba?!" "No. I'm here to say sorry, Lucia. Please..." Napapikit na ako sa frustration na nararamdaman dahil kanina pa niya ako ayaw pakinggan. Dahil sa alaalang pumasok na naman sa akin kanina ay hindi ko maitatanggi na parang gusto ko nalang mag back out ngayon. Ayoko nalang mag sorry. Dahil sa ginawa niyang pag-akusa kay Mommy noon parang gusto ko nalang na sampalin siya ulit ngayon pero mali... alam kong mali. Dahil hindi matatapos ang lahat ng 'to kung patuloy akong kakainin ng galit dahil sa ginawa niya noon. Isa pa, humingi na sila ng tawad sa amin ni Mommy noon. Kung napatawad na pala sila ni Mommy, sino ako para hindi rin sila patawarin? It's just the young Leanne who didn't want to forgive because instead of forgiving, she would rather choose to do bad things to you to make your life hell. And that's... the thing I wanna change. "What?" tanong ni Lucia. Natigil sa pag-iyak at halos gulantang na nakatingin na sa akin ngayon. I bit my lips. I admit. Until now, hirap pa rin ako banggitin ang salitang 'sorry' kahit na napakaraming beses ko nang nabanggit iyon nung nagtatrabaho ako. Napakahirap pa rin sa akin bigkasin ang salitang ito pero sa pagkakataong ito...Kinain ng mga hakbang ko ang pagitan namin bago ako pikit-matang yumuko sa harap niya, kapantay ng aking d****b. "I'm sorry..." Sa pagkakataong ito, ito na ang pinaka sincere na 'sorry' na nasambit ko sa buong buhay ko. Napasinghap ang lahat ng estudyante sa paligid maging si Lucia. Oo, ipagkalat ninyo. Eto ang kauna-unahang araw na humingi ng tawad si Leanne Lilith. Eto ang kauna-unahang nagpakumbaba ang queen bitch ng paaralang 'to. Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ang tawa ni Lucia."Ano na namang pakulo 'to Leanne? Ikaw? Hihingi ng tawad? Bakit? Nabagok na ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong nito.Mapait akong napangiti. Oo nga naman. Napaka hindi kapani-paniwalang humihingi ako ng sorry ngayon kaya naman kahit gaano pa ako ka sincere, ke-kwestyunin at ke-kwestyunin pa rin niya ako. "At anong ina-arte-arte mo riyan, Lucia?" Gulat akong napatingin sa likuran ko nang marinig ang boses ni Kishen. Sa paglingon ko ay naroon na silang lima. Matataray ang mga itsura nang tumabi sila sa akin habang nakatingin kay Lucia na napaatras na naman ngayon dahil sa takot. Bumuntong-hininga ako. Hindi magandang nandito sila at baka magkagulo lang imbis na mapatawad ako!"Girls–" "At ikaw." Putol agad sa akin ni Kishen. "Shut up. Hindi ko pa rin gusto 'tong paghingi mo ng tawad sa babaeng 'to." Nakagat ko nalang ang labi ko. Kapag ganito ang mood ng babaeng 'to ay wala talagang makakapigil sa kaniya maski na ako. Humarap ulit siya kay Lucia na ngayon ay hindi na makatingin sa kaniya."You see. Leanne Lilith Sarmiento, humingi ng tawad sa'yo pero tinawanan mo lang? Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang tao na hiningian ng tawad niyan tapos hindi mo lang tatanggapin? Tangang tanga ka na ba?" "Kishen..." Pigil ko rito pero hinawakan lang ni Ravah ang braso ko. "So... d-dapat pa pala akong matuwa? G-Gano'n ba?!" ani Lucia."Aba dapat lang!" Napatalon si Lucia sa sigaw ni Kishen. "Dapat lang dahil in the very first place you don't deserve her sorry. Biruin mo? Nanay niyang pinakamagaling na abogado ng Pilipinas aakusahan mo lang na isang magnanakaw kung hindi ka naman kasi malaking tanga–""Kishen!" sigaw ko na dahil walang patutunguhan ang matatalim niyang salita. "Let her or I will pull your hair. Try me," ani Rachel na nasa tabi ko na ngayon. Nakahalukipkip at masama ang tingin sa akin. Naiintindihan ko naman na ayaw nga nila ang ideya kong 'to. Naiintindihan ko but please! Gusto ko lang naman tapusin na 'to. Sa tamang paraan. Hindi yung ganito na mukhang naghahamon pa ng away 'tong si Kishen! "I'm not scared," matamang sagot ko kay Rachel bago nilapitan si Kishen pero bago ko pa malapitan ito ay natigilan na ako sa biglaang pagyuko niya. "If you don't want to accept her sorry then fucking accept mine dahil ako ang nagsabi kay Lucas na hiwalayan ka pati narin kay Martin noon," sambit ni Kishen habang nakayuko. Namilog ang mata ko. Ayon na naman ang pagsinghap ng mga estudyante at ang pagsimula ng bulong-bulungan. "W-What?" Lucia asked. "All Leanne did is to flirt your shit but I was the one who convinced them to broke up with you kaya walang inaagaw sa'yo si Leanne. Ako rin ang nagbigay ng ideya kay Leanne na landiin ang mga nagiging boyfriend mo so..." Humugot ng malalim na hininga si Kishen. "I'm sorry..." Tila tumigil ang oras dahil lahat ay hindi makapaniwala. Maski ako ay hindi ko nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang lunch break kaya kaniya-kaniyang reklamo ang mga estudyante dahil hindi pa raw tapos ang palabas. Unti-unti nang nag-aalisan ang mga estudyante sa paligid habang kami ay nanatiling nakatayo sa gitna ng hallway. Si Kishen ay nanatili pa ring nakayuko at halos lahat kaming magkakaibigan ay hinihintay ang magiging sagot ni Lucia. Suminghot ito bago galit na umiwas ng tingin. "You wish." Halos bumagsak ang balikat ko nang magsimula itong maglakad papalayo at iwan kami roon. Rinig ko ang bawat pag buntong-hininga ng mga kaibigan ko, dismayado. "See. Wala ring nagawa ang paghingi mo ng tawad. Tanga..." ani Kishen bago ako lagpasan. "Kishen!" Sinundan naman siya ni Rachel dahil palabas ng building namin ang tinahak nito. "Bumalik na tayo," sambit ni Ravah na nauna nang naglakad pabalik ng room. Ngumuso lang si Jiwel sa akin na tila ba dismayado rin bago hinila si Larra para sumunod kay Ravah. Napatingin naman ako kay Dacey nang tapikin nito ang balikat ko."It's okay," pag-aalo nito. I sighed. No, it's not... Dumating ang uwian ay hindi na bumalik sina Kishen at Rachel kaya naman dala-dala nina Ravah ang gamit ng dalawa. Hula nila ay dumeretso nalang sa mall ang dalawa kaya hindi na rin sila nag-alala dahil lagi namang gano'n ang ginagawa ng dalawa kapag nawawala sa klase. Tahimik lang ako kahit na paminsan-minsan ay kinakausap na ako ng tatlo. "Dito ka lang?" tanong ni Ravah pagkalabas namin ng gate. Tumango ako. "Susunduin ako ni Leo." "Bakit hindi mo nalang siya sa kanto hintayin, babaita?" tanong ni Larra. "Hindi na. Baka magkasalisi lang." "Ikaw ang bahala. Sige, una na kami."Kumaway lang ako habang pinapanood silang lumayo. "Text ka pag nasundo ka na!" sigaw pa ni Ravah. Ngumiti lang ako at mas lalong nilakihan ang kaway hanggang sa tuluyan na silang tumalikod at lumiko sa may kanto. I sighed. Hindi pala dapat ako basta basta lang magsaya dahil sa nandito ako. Napakarami ko pang dapat i-tama na mga nagawa ng batang ako. Napakarami ko pang dapat gawin bago ko lang tuluyan ma-enjoy ang buhay na 'to. At isa pa... NAPAKARAMI KONG ASSIGNMENTS!!!Napasabunot naman ako sa buhok ko habang nagpapapadyak. Nakalimutan kong ganito nga pala ang buhay estudyante! Napakaraming assignments! Lintek pa dahil Arts at Math pa ang may pinaka maraming assignments so paano ko magagawa 'yan ngayon?! Mahina pa naman ako pagdating sa dalawang subject na 'yan, argh!!!Natigil lang ako sa pagsabunot sa sarili nang may nakitang pares ng sapatos sa harapan ko. Nakabusangot kong inayos ang buhok ko bago nag-angat ng tingin kay Leo."Oh ano? Tara na–" Natigilan ako nang makitang ibang lalaki ang nasa harapan ko. Napakurap-kurap ako. Teka, eto ba si Leo eleven years ago?Matangkad at kayumanggi ang balat ni Leo. Matapang din ang itsura no'n na akala mo ay laging naghahamon ng away kaya papaanong sa isang iglap bigla nalang naging maputi 'tong nasa harap ko ngayon? Mestizo at maangas ang itsura? Nakaangat ang gilid ng labi habang ang isang tainga ay may mahabang chain na hikaw. Ang mga mata ay maiitim at tila napakalalim, ang isang kilay ay may isang ahit na tila istilo. Matangkad rin ito kaya naman ang uniform na black slacks ay hindi na umabot sa paa niya kaya kita ang kaunting maputing binti nito. Bukas rin ang mga butones ng polo nito habang ang bag ay parang siga na hawak hawak ng isang kamay.Hindi naman mukhang soon-to-be-police 'tong nasa harapan ko. Mukhang gangster! "Leanne Lilith Sarmiento, pinsan ni Leo Reyes," he said like it was a statement. Kahit ang pagsasalita nito ang angas din ng dating. "Oo. Ako nga. Bakit?" siga ko ring tanong. Mas lalong umangat ang gilid ng labi nito na tila may nakakatuwa siyang pinagmamasdan pero sa huli ay napailing nalang bago muling ngumisi. "Ako ang susundo sa'yo ngayon," sagot niya.Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras. "At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko. Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito. Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong... Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko. Natatakot. Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin. "Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amu
"Here. Buy this."Muli kong sinamaan ng tingin ang gangster na 'to ng sa pang limang beses ay may inabot na naman siyang bagay na hindi ko naman kailangan bilhin. Nang tingnan ko ang bagay na pinapabili niya ngayon ay mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.Ano namang gagawin ko sa magazine na 'to na babaeng naka-bikini ang front page?!"Bakit hindi ikaw ang bumili?""Wala akong dalang pera," sambit niya sabay kamot sa ulo niya.Ibinagsak ko sa basket ang journal na tinitingnan ko bago mabagal na pumalakpak sa harapan ng lalaki habang may sarkastikong ngiti sa aking labi."So wala kang pera kaya ako ang bibili, gano'n ba?" tanong ko saka pumamewang sa harapan niya. 
"Leanne?"Natigilan ako sa pagsusulat sa journal ko nang marinig ang boses ni Leo. Nang lingunin ko ito ay naroon na siya sa pintuan. Looking at me with an apologetic smile on his lips.Alam niyang may kasalanan siya sa akin dahil nagpadala pa siya ng gangster na nagsundo sa akin imbis na siya dapat ang magsusundo sa akin sa school."Oh?" tanong ko, may sama ng loob.Isinara ko ang journal ko tsaka pinasok iyon sa drawer ng study table na ito. Buntong-hiningang lumapit sa akin si Leo bago naupo sa may kama ko na katapat ko lamang."I'm sorry?" patanong pa niyang sinabi iyon habang abot tenga ang kaniyang ngiti, nagpapa-cute kahit hindi naman cute.Sa laki niyang taong 'yan at sa tapang ng itsur
"I'M SORRY, RSIETE! PLEASE FORGIVE ME FOR NOT ACCEPTING YOUR APOLOGY YESTERDAY! I'M SO SORRY!" the students suddenly shouted. Sabay-sabay pa nilang itinaas ang mga card board na hawak nila.Nanlalaki ang mata nina Larra at Jiwel nang tumingin sa akin habang si Ravah ay nakataas ang kilay at si Dacey naman ay tila hindi man lang nagulat, nanatiling walang reaksyong nakatingin kay Lucia.Ang mga estudyante sa loob ng cafeteria ay napatayo sa kanilang mga upuan. Lahat ng mga mata ay muling nakatunghay sa amin at tila ba sabik na sabik silang muli makanood ng palabas."Hindi ba dapat ikaw ang nagso-sorry sa amin ngayon? Nawalan ka na ba ng bibig?" mataray na tanong sa kaniya ni Ravah."Ravah." Hinawakan ko ang kamay niya at mariin na tiningnan siya, pinipigilan siya sa ugaling pinapakita niya.
"Ayoko ng maulit pa ang ganitong pangyayari sa ekswelahan natin, maliwanag ba?" tanong ni Ms. Principal matapos kaming ipatawag sa office dahil may nagsumbong sa nangyari kanina sa cafeteria.We all sighed and just nodded.Sinumbong kami kung kailan maayos na kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang sa huli gumagawa ng aksyon ang mga tao upang ma-resolba ang isang problema.Anong ginagawa nila noong mga oras na nag-aaway-away kami? Noong binato ako ng itlog ni Lucia? Noong nagsampalan kami sa hallway? Anong ginagawa nila? Nanonood lang. Tapos ngayong maayos na kami ay tsaka nila kami isusumbong?"Ms. Sarmiento?"Napatingin ako kay Ms. Principal nang tawagin niya ako."Po?" tanon
"Dito ka lang ulit?" tanong ni Ravah pagkalabas namin ng school. Uwian na kaya naman tinatanong niya ako kung hindi na naman ba ako sasabay sa kanila.Tumango ako."Yup, dito na ako. Mag-iingat kayo," ngiting sambit ko bago kumaway sa kanila."Bakit dito lang siya?" Dinig kong bulong ni Rachel kay Ravah."Susunduin siya ng pinsan niya, girl," si Jiwel ang sumagot.Nanlaki ang mata ni Rachel bago mabilis na tumabi sa akin at niyakap ang braso ko."Dito nalang din pala ako! Una na kayo!" sigaw niya habang abot tenga ang ngiti sa labi bago kumaway sa mga kaibigan namin.Napataas ang kilay ko, nagtataka kung bakit bigla nalang magpapaiwan ang babaeng
"Don't worry. I'll let you know me well, Leanne." Sarkastiko akong natawa habang inaalala ang sinabi ng lalaking 'yon kanina habang pauwi kami. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen at kinagat ang labi ko sa inis habang nagsusulat sa journal ko. '... kahit anong ganda talaga ng araw mo, mayroon talagang isang mamb-buwisit sa araw mo. Naiinis na naman ako my journal! Know me-know me well pang nalalaman, ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya-' Natigilan ako sa pagsusulat. "Teka, ano bang pake ko kung anong pangalan niya? Gusto ko ba malaman ang pangalan niya? Of course not! Pake ko ba sa pangalan niya? Duh?!" Inirapan ko ang sarili ko bago nagpatuloy muli sa pagsusulat. '-pero ang unfair lang kasi! Alam niya ang pangala
"Leanne, can you give me water?" sigaw ni auntie Lei na ngayon ay nasa terrace at abala sa pagyo-yoga sa kaniyang mat. "Leo, ibigay mo." Pasa ko kay Leo kahit na nakaupo lamang ako sa sofa at abala sa panonood ng telebisyon. Napataas ang kilay ko nang maramdaman ko ang titig ni Leo na ngayon ay abala sa pag-aasikaso niya sa motor niya sa labas lamang ng pintuan. "Hindi mo narinig ang sinabi ko?" masungit na tanong ko nang makasalubong ko ang mata niyang nagtatakang nakatingin sa akin habang ang parehong kilay niya ay nakataas. "Inuutusan mo ako?" tanong niya na itinuro pa ang sarili niya, tila hindi makapaniwala na inuutusan ko siya ngayon. Sarkastiko akong ngumiti at tumango.
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?
"Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb
"Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.
Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki