Home / All / Mission: Kill Jaguar / Chapter Ten: Sorry

Share

Chapter Ten: Sorry

Author: praluemn
last update Last Updated: 2021-11-21 13:41:06

"What the fuck?" Sunod-sunod ang mga mura ng mga kaibigan ko.

Gulat pa sa biglaang nangyari ay dahan-dahan kong tiningnan kung anong bagay ang tumama sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa ng basag na itlog. 

"Ano na namang problema mo, Lucia?" inis na tanong ni Ravah. 

Lahat sila ay nakaharap na sa taong nasa likuran habang ako ay nakatingin pa rin sa mantsa sa likod ko. Unti-unting sumisilip ang masamang ugali sa akin pero sa huli ay mas pinili kong kumalma at hindi sugurin ang kung sinomang may pakana nito. 

"You son of a bitch! Inagaw mo na naman sa akin ang boyfriend ko! Inggitera ka talagang malandi ka!" 

Mas lalong nangunot ang noo ko bago hinarap ang babaeng nagsisisigaw ngayon. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa mukha nito nang harapin ko ito ng may masamang tingin. 

"What did you say?" kalmado ngunit may diin ang pagtanong ko.

She gulped. "Y-You! I-Inagaw mo ang b-boyfriend ko!" 

I chuckled. Dahilan ng lalong pag-usbong ng galit sa mukha niya.

"Bakit? Sino ba ang boyfriend mo?" I asked cooly. 

Nagtawanan ang mga kaibigan ko maging ang iilang estudyante sa paligid. Mas lalong sumama ang tingin ng babae pero halata ang pagkakapahiya. Hinihila na rin siya paalis ng dalawang kaibigan niya ngunit inis niyang hinila ang braso niya bago matapang na lumapit sa akin.

"Look, Lucia. Ni hindi nga kilala ni Leanne ang boyfriend mo kaya papaanong aagawin niya sa'yo ang boyfriend mo?" nakangising tanong ni Rachel.

"Natatanga na naman ang bruha." Rinig ko namang sabi ni Kishen.

"Nung una si Martin! Ngayon naman si Lucas!" sigaw muli nung Lucia na parang paiyak na. 

Lalo lang nangunot ang noo ko. Ni hindi ko nga kilala ang mga lalaking binanggit niya! At kahit siya! Sino ba 'to?! Isa ba 'to sa mga kaaway ko noon? Lucia daw pangalan, e hindi ko naman na matandaan kung may kilala nga akong Lucia noon.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko nga ki–" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay isang malakas na sampal na ang natamo ko nang makalapit siya. 

"Lucia!" sigaw ng mga kaibigan ko. 

Nanlalaki pa rin ang mata ko sa gulat habang nanatiling nakatagilid ang ulo ko. Nadadama pa rin ang pagkasampal nito nang harangan ako ng mga kaibigan at sapilitang inilayo sa akin ang babae. 

"Wala ka talagang magawa sa buhay, ano?!" ani Kishen.

Nang tingnan ko ito ay pareho na nilang sabu-sabunot ni Rachel ang buhok ng babae habang ang tatlo ay nakaharang sa harap ko habang si Ravah naman ay yakap-yakap na ako at panay na ang tanong kung ayos lang ba ako. 

Nakagat ko ang labi ko. Kung kanina ay nakakapagtimpi pa ako, ngayon ay hindi na. 

Tang ina, ang sakit nung sampal! 

Walang emosyon ngunit nagliliyab ang mga mata sa galit nang kumalas ako sa yakap ni Ravah at dere-derestsong nilagpasan ang mga nakaharang na kaibigan upang lapitan ang babaeng nanampal. 

Natigilan naman ang dalawang kaibigan na abala sa pagsabunot sa babae nang makalapit ako. Pareho silang lumayo sa babae. Umiiyak man ay matapang na ngumisi sa akin ang babaeng gulo-gulo na ang buhok. 

"Ano? Masakit ba ang sampal–" Walang sali-salita ay malakas ko siyang sinampal. 

Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga estudyanteng nasa paligid. 

"What the–" Before she could say anything, muli ko siyang sinampal ng malakas sa kabila. 

Ngayon ay napanood ko ang muling pag-agos ng mga luha sa pisnge niya. Natigilan ako. Unti-unti ng nakokonsensya nang bigla nalang ako nito sampalin! Gulat man ay wala sa sarili akong malakas na tumawa. 

Nagkamali akong nakonsensya pa sa babaeng 'to. 

Bago pa makalapit ang dalawang kaibigan sa gilid ay mabilis kong inangat ang kamay, pinipigilan silang lumapit. 

Nang matapos tumawa ay nakangisi na akong tumingin sa babaeng kaharap na matapang na nakatingin sa akin ngayon. Dahan-dahan akong napatingin sa agaw pansin niyang tuhod ngayon. Kahit anong tapang ang ipinapakita niya sa akin ngayon ay kabaligtaran naman nang nanginginig niyang tuhod. 

I smirked devilishly. 

"How dare you..." I said. 

Mas lalo akong lumapit sa kaniya at bago pa siya makapagsalita ay magkakasunod ko na siyang sinampal sa magkabilaan niyang pisnge. Tahimik ang paligid kaya naman ang tanging naririnig lang ay ang malalakas at sunod-sunod na pagdampi ng kamay ko sa pisnge ng babae. Ngayon ay para tuloy siyang tanga na pagilid-gilid ang ulo dahil sa puwersa ng bawat pagsampal ko. 

Nang makuntento ay huminga ako ng malalim bago ibinaba ang namamanhid ko ng kamay. 

"Ngayon, ikaw ang sumagot," sambit ko. "Ano? Masakit ba ang sampal ko?" Paggaya ko sa dapat na tanong niya sa akin kanina.

Imbis na sumagot ay magkakasunod na hikbi ang natanggap ko. Namumula ang mga pisnge ay umiiyak itong tumakbo paalis sa harapan ko. 

"L-Lucia!" tawag sa kaniya ng mga kaibigan niya. Mabilis siyang sinundan ng mga 'to. 

Bumuntong-hininga lang ako nang pumapalakpak na lumapit sa akin ang mga kaibigan. Ang mga estudyante sa paligid ay laglag pangang nakatingin sa akin at tila namamangha pa sa ginawa ko.

"Wow! Ikaw nga talaga si Leanne, babaita!" sambit ni Larra. 

"Tang ina, nalaglag panga ko do'n, ah?" natatawang sabi ni Kishen. 

"Intense, girl!" ani Jiwel. 

"Magsusumbong 'yan sa nanay niyang teacher panigurado," sambit naman ni Ravah. 

"Nakakagigil! Akala mo naman talaga aagawin ni Leanne ang mga boyfriend niya pero hindi nga?" si Rachel na nakangisi na akong hinarap. "Umamin ka. Nakita ko rin kasi kayo ni Lucas na naghaharutan sa garden noong isang araw? Talagang nilandi mo 'no? Hahahaha talande!" Humagalpak siya ng tawa. 

Nang marinig ang sinabi niya ay parang isang mabilis na flashback ang nangyari sa akin ng isang alaala ang pumasok sa isipan ko. 

Ako na nasa kandungan ng isang lalaki na sigurado akong yung Lucas iyon na tinutukoy nung Lucia. Tila nababagot akong nakikinig sa kinekwento ng lalaki pero nang makita sa hindi kalayuan si Lucia na papalapit ay mabilis kong hinalikan ang lalaki na agad ring sinuklian ng mas malalim na h***k ng lalaki. Nakita ko ang nasasaktan na mukha ni Lucia at ang mabilis na pag-alis nito kaya naman nakangisi kong tinulak ang lalaki at iniwan na itong naka-tanga roon.

Nakagat ko ang labi habang nakatingin sa kamay kong namumula rin. 

"Matagal na tayong naiirita sa babaeng 'yon mula elem. Deserve niya 'yon, 'no!" 

I sighed. Mahigpit kong iniyukom ang kamao.

Heto na naman ako. Nagagalit na naman sa sarili dahil sa mga kamaliang ginawa. 

So talagang nilandi ko talaga ang boyfriend ng babaeng 'yon? At ngayon matapos akong komprontahin sa kasalanang talagang ginawa ko ay nagawa ko pang sampalin ang babae? 

Sarkastiko akong natawa sa sarili.

"Anong section ng babaeng 'yon?" 

Natigil sa pagtatawanan ang mga kaibigan ko dahil sa tanong ko.

"Bakit? Pag t-trip-an ba natin?" nakangising tanong ni Rachel.

Umiling ako. 

"I'll say sorry." 

Pare-parehong nagsalubong ang mga kilay nila maliban kay Dacey na nagugulat ang mukha ngunit unti-unti ring nangiti. 

"Tell me, namali ang dinig ko," sagot ni Rachel. 

"Dacey?" tanong ko sa nag-iisang kaibigan na siguradong susuportahan ako sa gagawin ko.

"Mahogany. Third floor." May tipid na ngiti sa labing sagot niya. I smiled.

"Okay. Later, come with me dahil alam kong hindi ako sasamahan ng mga 'to." Tukoy ko sa mga kaibigang magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa akin ngayon. 

"Tangang tanga ka na rin ba?" Napasinghap ako sa derestong natanong ni Kishen. 

Ang mga singkit na mata nito ay tila galit at hindi nagugustuhan ang inaasal ko bago nag walk out na sinundan naman ni Rachel na masama rin ang tingin sa akin. 

"I think... I need air," sambit naman ni Ravah na sumunod sa dalawa na pababa ng hagdan. 

"Girl, what the hell is happened to you?" Jiwel asked before leaving too.

Si Larra naman ay tinitigan lang ako saglit bago sumunod sa mga kaibigang umalis. Ang natira lang ngayon sa tabi ko ay si Dacey na ngingisi-ngising umiiling sa naging pag-alis ng mga kaibigan. 

"You're not leaving?" I asked. 

Bumuntong-hininga siya bago ako hinarap. 

"I'm not gonna lie," panimula niya. "But I wanna ask too. What happened to you?" 

I gulped. Should I answer gayong hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat kong isagot? 

Matalino si Dacey at kaunting kakaibang sagot lang ay alam kong mabilis niyang matatagpi-tagpi ang totoong nangyayari sa akin. Ngayon, ayos lang kaya na malaman niya? 

"W-Well... I just want to say sorry since it's true na... nilandi ko nga ang boyfriend niya but I'm not sure kung inagaw ko nga but... m-mali rin na nagawa ko pa siyang sampalin matapos ng ginawa ko..." Nahihirapan na paliwanag ko. 

Mas lalo lang ako kinabahan nang tumagal ang pagtitig niya sa akin. Then she sighed. 

"Kahit na totoo ngang nilandi mo ang boyfriend ni Lucia. Hindi mo magagawang mag sorry sa kaniya," she said as a matter of fact. "At mas expected ko na magsasasayaw pa kayo sa tuwa nina Kishen ngayong nagawa mo pa siyang sampalin ng magkakasunod," dagdag pa niya. 

I looked away. Gano'n nga rin ang pagkakakilala ko sa sarili ko noon kaya naiintindihan ko na gano'n nalang ang reaksyon ng mga kaibigan ko lalong lalo na sina Kishen at Rachel na pinakakasangga ng mga sungay ko. 

Muli akong napatingin kay Dacey nang marahan na hawakan nito ang braso ko bago unti-unting pinapulupot roon ang braso niya.

"I don't know what's exactly happening to you but I think... maturity is hitting you now, huh?" nakangising sabi nito. 

Is she thinking na nasa stage na ako ng maturity? I sighed. Mas mabuting ayon nga ang iniisip niya kaysa isipin ang isang bagay na maski ako ay hindi ko magagawang ipaliwanag. 

"Bumalik nalang tayo ngayon sa room," aya niya. 

Bumalik na nga lang kami sa room. Nagulat pa siya na magre-review din ako kaya naman panay ang pang-aasar sa akin na nag ma-matured na nga raw ako. Tinatawanan ko lang siya bago kami parehong nanahimik nang kasabay ng pagdating ng adviser ay ang pagdating ng mga kaibigan namin na masasama ang loob sa akin. 

Honestly, I don't want to say sorry to them for wanting to say sorry to that girl. I think it's just right na mag sorry ako sa babaeng 'yon since ako 'tong may nagawang masama at isa ito sa mga kagustuhan ko na itama ang mga maling nagawa ko noong bata pa lamang ako. But looking at them now. Being mad at me for wanting to say sorry and suddenly being a goody, I think hindi lang mga kasalanan ko ang dapat kong i-tama. Maging pati rin ang mga kaibigan ko ay kailangan ko ring i-tama.

It's time to cutting their horns and put a halo on the top of their heads. 

Dumating ang lunch break ay hindi ako pinapansin ng limang kaibigan. Dire-diretso silang lumabas ng room na hindi kami hinihintay ni Dacey. 

Bumuntong-hininga lang kami bago nag decide na umakyat nalang ng third floor para makausap ang babae. 

Pagkarating palang do'n ay agad na nagkantyawan at sumipol ang mga lalaki. Inaasar ang lalaking siga na nakaupo sa teachers table. If I'm not mistaken, he's Lucas. 

"What's up, babe?" maangas na tanong nito sa akin nang dire-diretso akong pumasok sa room nila. 

Nakita ko sa hindi kalayuang upuan ang namamaga pang mga mata ni Lucia. Akmang lalabas na ito kaya naman tinulak ko papalayo si Lucas. Hindi niya inaasahan iyon kaya naman bumagsak ito sa mga upuan dahilan ng pagkatigil rin ni Lucia at gulat na napatingin sa ginawa ko sa lalaki. 

"Lucia," tawag ko sa babae. 

Galit itong tumingin sa akin pero mas nagpakita ang takot sa mga mata bago mabilis na lumabas ng room. Mahina akong napamura bago napatingin kay Dacey na nasa labas na tumango lang sa akin at mabilis na hinabol ang babae. 

Akmang susunod na ako nang may humawak sa braso ko. 

"Babe–" 

Sa inis ko na baka hindi maabutan ang babae ay pagkaharap ay mabilis kong sinapak ang lalaki bago mabilis na lumabas ng room na 'yon. Narinig ko pa ang nang-aasar na kantyawan ng mga lalaki roon bago ako lumabas pero binalewala ko na 'yon. Ang mahalaga ay maabutan ko ang babae dahil saglit lang daw ang lunch break namin ngayon! 

Related chapters

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eleven: Gangster

    "Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito.Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito.Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan e

    Last Updated : 2021-11-22
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Twelve: Sweetheart

    Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras. "At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko. Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito. Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong... Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko. Natatakot. Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin. "Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amu

    Last Updated : 2021-11-23
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Thirteen: Forehead Kiss

    "Here. Buy this."Muli kong sinamaan ng tingin ang gangster na 'to ng sa pang limang beses ay may inabot na naman siyang bagay na hindi ko naman kailangan bilhin. Nang tingnan ko ang bagay na pinapabili niya ngayon ay mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.Ano namang gagawin ko sa magazine na 'to na babaeng naka-bikini ang front page?!"Bakit hindi ikaw ang bumili?""Wala akong dalang pera," sambit niya sabay kamot sa ulo niya.Ibinagsak ko sa basket ang journal na tinitingnan ko bago mabagal na pumalakpak sa harapan ng lalaki habang may sarkastikong ngiti sa aking labi."So wala kang pera kaya ako ang bibili, gano'n ba?" tanong ko saka pumamewang sa harapan niya. 

    Last Updated : 2021-11-24
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Fourteen: RSiete

    "Leanne?"Natigilan ako sa pagsusulat sa journal ko nang marinig ang boses ni Leo. Nang lingunin ko ito ay naroon na siya sa pintuan. Looking at me with an apologetic smile on his lips.Alam niyang may kasalanan siya sa akin dahil nagpadala pa siya ng gangster na nagsundo sa akin imbis na siya dapat ang magsusundo sa akin sa school."Oh?" tanong ko, may sama ng loob.Isinara ko ang journal ko tsaka pinasok iyon sa drawer ng study table na ito. Buntong-hiningang lumapit sa akin si Leo bago naupo sa may kama ko na katapat ko lamang."I'm sorry?" patanong pa niyang sinabi iyon habang abot tenga ang kaniyang ngiti, nagpapa-cute kahit hindi naman cute.Sa laki niyang taong 'yan at sa tapang ng itsur

    Last Updated : 2021-12-02
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Fifteen: New Start

    "I'M SORRY, RSIETE! PLEASE FORGIVE ME FOR NOT ACCEPTING YOUR APOLOGY YESTERDAY! I'M SO SORRY!" the students suddenly shouted. Sabay-sabay pa nilang itinaas ang mga card board na hawak nila.Nanlalaki ang mata nina Larra at Jiwel nang tumingin sa akin habang si Ravah ay nakataas ang kilay at si Dacey naman ay tila hindi man lang nagulat, nanatiling walang reaksyong nakatingin kay Lucia.Ang mga estudyante sa loob ng cafeteria ay napatayo sa kanilang mga upuan. Lahat ng mga mata ay muling nakatunghay sa amin at tila ba sabik na sabik silang muli makanood ng palabas."Hindi ba dapat ikaw ang nagso-sorry sa amin ngayon? Nawalan ka na ba ng bibig?" mataray na tanong sa kaniya ni Ravah."Ravah." Hinawakan ko ang kamay niya at mariin na tiningnan siya, pinipigilan siya sa ugaling pinapakita niya.

    Last Updated : 2021-12-02
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Sixteen: Ms. Principal

    "Ayoko ng maulit pa ang ganitong pangyayari sa ekswelahan natin, maliwanag ba?" tanong ni Ms. Principal matapos kaming ipatawag sa office dahil may nagsumbong sa nangyari kanina sa cafeteria.We all sighed and just nodded.Sinumbong kami kung kailan maayos na kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang sa huli gumagawa ng aksyon ang mga tao upang ma-resolba ang isang problema.Anong ginagawa nila noong mga oras na nag-aaway-away kami? Noong binato ako ng itlog ni Lucia? Noong nagsampalan kami sa hallway? Anong ginagawa nila? Nanonood lang. Tapos ngayong maayos na kami ay tsaka nila kami isusumbong?"Ms. Sarmiento?"Napatingin ako kay Ms. Principal nang tawagin niya ako."Po?" tanon

    Last Updated : 2021-12-04
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Seventeen: Know Me Well

    "Dito ka lang ulit?" tanong ni Ravah pagkalabas namin ng school. Uwian na kaya naman tinatanong niya ako kung hindi na naman ba ako sasabay sa kanila.Tumango ako."Yup, dito na ako. Mag-iingat kayo," ngiting sambit ko bago kumaway sa kanila."Bakit dito lang siya?" Dinig kong bulong ni Rachel kay Ravah."Susunduin siya ng pinsan niya, girl," si Jiwel ang sumagot.Nanlaki ang mata ni Rachel bago mabilis na tumabi sa akin at niyakap ang braso ko."Dito nalang din pala ako! Una na kayo!" sigaw niya habang abot tenga ang ngiti sa labi bago kumaway sa mga kaibigan namin.Napataas ang kilay ko, nagtataka kung bakit bigla nalang magpapaiwan ang babaeng

    Last Updated : 2021-12-04
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighteen: Pretty When Scared

    "Don't worry. I'll let you know me well, Leanne." Sarkastiko akong natawa habang inaalala ang sinabi ng lalaking 'yon kanina habang pauwi kami. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen at kinagat ang labi ko sa inis habang nagsusulat sa journal ko. '... kahit anong ganda talaga ng araw mo, mayroon talagang isang mamb-buwisit sa araw mo. Naiinis na naman ako my journal! Know me-know me well pang nalalaman, ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya-' Natigilan ako sa pagsusulat. "Teka, ano bang pake ko kung anong pangalan niya? Gusto ko ba malaman ang pangalan niya? Of course not! Pake ko ba sa pangalan niya? Duh?!" Inirapan ko ang sarili ko bago nagpatuloy muli sa pagsusulat. '-pero ang unfair lang kasi! Alam niya ang pangala

    Last Updated : 2021-12-05

Latest chapter

  • Mission: Kill Jaguar   Epilogue

    Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ninety: Forgiveness

    Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Nine: White Gazebo

    "Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Eight: Shan Lei

    "Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Seven: Trevor

    "Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Six: Lucifer

    "It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Five: Long Time

    "Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Four: Die

    "Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Three: Traitor

    Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki

DMCA.com Protection Status