Home / Romance / Mission: Kill Jaguar / Chapter Twelve: Sweetheart

Share

Chapter Twelve: Sweetheart

Author: praluemn
last update Last Updated: 2021-11-23 21:20:38

Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras.

"At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko.

Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito. 

Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong...

Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko. 

Natatakot.

Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin.

"Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amusement in his eyes.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang panginginig nito. Nanginginig man ang kamay ko ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at mabilis na hinanap sa contacts ang pangalan ng magaling kong pinsan.

Nang makita ko ang pangalan ni Leo ay mabilis ko itong pinindot at nagtipa rito.

To: Leo

Where are you? Anong oras ka darating? Tapos na ang klase namin!

Sumulyap ako sa lalaking nasa harap ko na nakangisi lang na pinapanood ang bawat galaw ko. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay kinagat niya ang ibabang labi niya tsaka nag-iwas ng tingin.

Manyak pa ata 'tong isang 'to!

Mabilis akong napatingin muli sa cellphone ko nang mag vibrate ito.

Leo:

Andyan na ba si gago?

Nangunot ang noo ko.

"Gago? Sinong gago?" wala sa sarili kong sambit habang itinitipa iyon sa cellphone ngunit natigilan ako nang biglang tumawa ang lalaking nasa harapan ko.

"Hahahahaha!" Malakas ang pagtawa niya, nakapikit pa at nakatingala habang hawak-hawak ang tiyan niya. 

Napaawang ang bibig ko at nakataas ang kilay habang pinapanood tumawa sa harapan ko ang lalaking ito. Unti-unting nalukot ang mukha ko bago dahan-dahang humakbang paatras.

What the heck... baliw pa ata 'tong isang 'to?!

Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko at handa na sanang tumakbo paalis nang biglang magsalita ang lalaking nasa harapan ko.

"That's me," he said with a wide smile on his lips. Sa sobrang lawak ng pagkangiti niya ay halos nakapikit na ang may kasingkitan niyang mata.

My lips parted.

The earlier nervousness I was feeling gradually subsided just because of his dazzling smile. But still, I don't like his aura. He always seems to think something funny about you at isa pa, mukha siyang gangster.

Hindi katiwa-tiwala.

"Ikaw si gago?" I asked.

Ang kaninang malawak niyang ngiti ay napawi at napalitan ng naiinis na ngisi.

"I have my name, Leanne," sambit niya na may ngisi pa rin sa kaniyang labi na halata namang pilit lang.

"I don't care about your name. I'm asking you kung ikaw ang tinutukoy na gago ng pinsan ko. And please don't call me on my name, we're not close," masungit na sambit ko bago ko siya nilagpasan.

Mabilis muli akong nagtipa sa cellphone ko.

To: Leo

Nasan ka ba? Bakit bigla bigla ka nalang nagpapadala ng gangster dito?!

"Tara na, hatid na kita."

Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko na ngayon ay nakasakay na sa kanyang itim na motor na may disenyong malaking tigre.

"I can walk," I said then continued walking and looked at my cellphone when it vibrated.

Leo:

Hahahaha...

Mabilis na nangunot ang noo ko at nagngitngit ang ngipin ko sa inis nang mabasa ang reply ni Leo.

'Hahahaha...'??? Ano namang gagawin ko sa reply niyang 'yan? 

At may nakakatawa ba?! There's nothing funny! Siya dapat ang sumusundo sa akin ngayon!

I took a deep breath.

Calm down, Leanne. Para ka na namang bumabalik sa pagkabata.

"Of course you can walk but why are you walking in the wrong direction? Hindi ka pa ba uuwi kayna Leo?" makulit na tanong ng lalaki habang mabagal na pinapaandar lang ang motor niya upang masabayan ako sa paglalakad ko.

I stopped walking.

Unti-unti ay napatingin ako sa direkayon na nilalakaran ko. Nangunot ang noo ko nang ma-realize na naglalakad lang ako papunta sa hindi ko alam.

I looked at the man who now had a ghost of smile on his lips as he looked at me.

"Hindi ba dito ang daan papunta kayna Leo?" I asked.

He tilted his head na para bang may nakapagtataka akong sinabi.

"You don't know where your aunt and cousin's house is?" tanong niya.

Mabagal akong umiling.

Saan nga ba ang bahay nila rito sa Caloocan noon? Dahil sa sobrang tagal ko na rin na hindi na nakabalik pa rito mula pa noong nagdesisyon kaming umalis noon ni Mommy dito upang tumira sa Maynila, ay hindi ko na alam at matandaan ang mga pasikot-sikot dito. Balak ko pa naman sanang pumunta ng Pandayan upang bumili ng mga kakailanganin kong materials para sa assignment ko sa Arts kaso hindi ko naman alam kung saan ang papuntang Pandayan.

"That's weird. I just seen you last week sa bahay nina Leo." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng gangster na 'to.

Last week? Eh, kakabalik ko lang ulit dito kahapon. Ibig ba niyang sabihin ay yung batang Leanne ang nakita niya last week? The young Leanne eleven years ago?

"I... I just forgot where it is now," palusot ko.

Mukhang magiging pambansang dahilan ko pa ata ang 'I forgot' mula ngayon sa tuwing tatanungin nila ako at pagdududahan sa mga magiging sagot ko.

"Then you don't have any choice but to ride with me," he said and gave me a playful smile.

Itong lalaking 'to hindi ko malaman kung presko lang ba, may sayad sa utak dahil bigla bigla nalang tumatawa, mabait dahil kapag nakangiti siya ay parang napaka genuine na tao niya o loko-loko dahil sa labi niyang laging nakaangat ang gilid na para bang may nakakatuwa siyang naiisip tungkol sa'yo na siya lang ang nakakaalam.

But then, I sighed. Wala naman akong choice kun'di ang sumampa nga sa motor nito. 

My brow shot up when I noticed how his eyebrow met when I held my hand to the support that was behind me.

"What?" I asked.

He shook his head before taking off his helmet and without saying a word, he put it on me.

"Do you know where's Pandayan here? Daan muna tayo roon. May bibilhin ako," sambit ko habang inaayos pa niya ang helmet sa ulo ko.

Ngayon na binigay niya sa akin ang helmet niya ay siya tuloy itong walang helmet. But well, pabor ito sa akin. Paano nalang ako kung mahulog ako rito? Hindi pa naman ako sanay na sumakay sa motorsiklo. Mas mabuti ng may helmet ako. Safe.

"I thought we're not close? Pero kung makapag-utos ka..." he trailed off and just end his sentence with an amusing smile on his lips when I glared at him.

"Pasalamat ka nga sumakay pa ako sa motor mo even though you're just a stranger," sambit ko sabay irap.

Matapos niya ayusin ang helmet sa ulo ko ay tiningnan na naman niya ako na tila namamangha at hindi makapaniwala sa inaasta ko.

"Ako ba ang dapat magpasalamat? O ikaw dahil sinundo pa kita dito?" tanong niya habang parehong nakataas ang kilay at gilid ng labi niya.

"Sino ba ang nagsabi sa'yo na sunduin mo ako?"

"Oh, ngayon nagsisisi na akong nagpadala ako sa blockmail ni Leo. That punk.." Umiling-iling siya bago humarap na sa daan at pinatunog ang motorsiklo niya.

"Nasaan ba kasi si Leo? Bakit ikaw ang nandito?" Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil napaka-ingay ng motor niya.

Ngayon ko nga lang napansin na nakatingin na pala sa amin ang lahat ng estudyanteng nasa labas na ng school at papalabas palang. Hindi lang nakatingin dahil ang karamahin sa kanila ay nagbubulungan pa na animo'y isang malaking tsimis ang nakikita kaming magkasama ng lalaking ito.

Napangiwi ako.

Nakalimutan kong ganito nga pala ako kasikat sa school namin noon. Na may makasama lang akong lalaki ay pag-uusapan na ng lahat at ia-assume na isa na naman sa mga lalaking paglalaruan at iiwan ko lang din sa huli.

"Pinsan mo?" He scoffed, "May sinundong iba. Ang lokong 'yon mas inuna pa ang babae kaysa sa pinsan niya," iiling-iling na sambit niya.

Nangunot ang noo ko.

Babae? May babae si Leo?

Ngunit gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko at halos iwanan ako ng kaluluwa ko nang bigla na lang niyang pinaandar ang motorsiklo niya na muntik ko nang ikahulog! Mabilis akong yumakap sa bewang niya.

"What the hell?! Plano mo ba akong patayin?!" I shouted.

Mukhang siya pa ata ang magtutuloy sa naudlot kong kamatayan, ah?! Gago 'to!

Kahit na maingay ang tunog ng motorsiklo niya ay dinig na dinig ko pa rin ang pagtawa niya. Sinandya niya. Sinandya niyang ipaharurot ang motor para mahulog ako! Sabi na nga ba at hindi siya katiwa-tiwala!

"What?!" I shouted when I heard him asked me but I did not quite understand what he asked.

Bakit ba kasi ang ingay ng tambutso ng motor na 'to?!

"I said, what do you want me to call you?!" he shouted.

Nangunot ang noo ko. Hindi agad nakuha kung bakit tinatanong niya 'yon.

"You said earlier that I can't call you on your name because we're not close!" dagdag pa niya nang hindi ako sumagot, "Then what do you want me to call you?!"

Oh, ayon ba? Bakit? Kailangan ba may itawag siya sa akin, eh hi ko naman siya kilala? Atsaka eto na rin naman ang first and last naming pagkikita dahil siguraduhin kong bukas na bukas ay si Leo na magsusundo sa akin o 'di kaya'y magc-commute ako!

"Nothing! Let's just not see each other again pagkatapos ng araw na 'to!"

He let out a bark of laughter.

"How rude of you, sweet heart!"

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig kong tinawag niya sa akin.

"Eto?! Gusto mo?!" Sabay pakita ko sa kaniya ng kamao ko ngunit muli rin akong napayakap sa kaniya nang mas binilisan pa niya ang takbo ng motorsiklo niya. Agaw pansin tuloy sa daan ang motorsiklo niya dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya at sa ingay na nilalabas ng tambutso nito.

"Slow down!" I shouted habang mahigpit ang yakap sa kaniya dahil pakiramdam ko ay anytime ay liliparin na ako ng hangin sa bilis ng pagpapatakbo niya!

"Sorry! I just saw my friends!" he shouted and pointed to the three motors in front of us now aboard the three men who were looking in our direction and waving.

Naningkit ang mata ko dahil hindi ko makita ang mga itsura nila dahil mga naka-helmet sila. Ngunit napansin ko ang parehong tigre na disenyo sa mga motor nila. Bumagal ang takbo ng isang motorsiklo hanggang sa makatapat namin 'to.

"Kakakita lang namin kay Leo na angkas yung chix niya tapos makikita ka rin namin na may angkas ng chix?! Kingina, respeto naman, master!" sigaw ng lalaki na tinawanan lang ng gangster na 'to.

Nangunot ang noo ko. Tila pamilyar ang boses niya. Para bang narinig ko na ito noon ngunit hindi ko maalala kung saan at kailan. But his voice was really familiar.

Sa likod niya ay may isa ring lalaki ang nakaangkas sa kaniya prenteng nakahawak lamang sa hawakan sa likuran habang nasa harap lang ang atensyon.

"Pinsan ni Leo!" sigaw nitong gangster na kasama ko.

Bumagal din ang takbo ng dalawang motor na nasa harapan namin hanggang sa naging katabi na namin ang mga motor nila.

"Pinsan ni Leo?!" tanong naman nung isang lalaki na may kahabaan ang buhok.

Pati ang boses niya. Para bang narinig ko na rin sa kung saan ngunit hindi ko maalala.

Napayuko ako dahil lahat sila ay lumingon sa gawi ko bago sabay-sabay na malalakas na tumawa habang magkakasunod ang pang-aasar nila sa lalaking ito. Talaga bang dito sila mag-uusap? Dito mismo sa kalsada habang nagmo-motorsiklo?! Atsaka bakit ba parang big deal sa kanila na angkas ako ngayon ng lalaking 'to?

"Umuusad tayo, bossing ah?!" Halakhak ng lalaki na siyang may pinakamalakas na tawa.

"Shut up, Draco!"

Malakas na nagtawanan na naman ang mga kaibigan niya habang panay pa rin ang kantyaw sa kaniya. Napapikit ako sa inis.

Maingay na nga ang motor, ang iingay pa nila. Ganito ba talaga ang mga magkakaibigan na lalaki pag nagkikita-kita sa daan? Parang mga nakawala sa hawla na nakikipaglisahan pa sa ingay ng kalye!

"Mukhang malapit na tayo magkaroon ng sweetheart!" pang-aasar pa rin nila sa gangster na 'to.

Sweetheart? Are they referring to me?!

"Go away, dumbass!" Napipikon nang sigaw ng gangster na 'to. 

Mabilis na humarurot ang mga motor ng mga kaibigan niya habang nagtatawanan pa rin at panay ang sigaw ng 'sweetheart'. Nang makalayo na ang mga kaibigan niya ay doon lang nagkaroon ng ginhawa ang tainga ko kahit na maingay pa rin ang tambutso ng motor ng lalaking 'to.

Nang madako ang paningin ko sa side mirror ng motor ay nagsalubong ang kilay ko nang makita ang repleksyon ng gangster na 'to roon.

He's blushing.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
loveu
sana oil sweet heart......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Thirteen: Forehead Kiss

    "Here. Buy this."Muli kong sinamaan ng tingin ang gangster na 'to ng sa pang limang beses ay may inabot na naman siyang bagay na hindi ko naman kailangan bilhin. Nang tingnan ko ang bagay na pinapabili niya ngayon ay mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.Ano namang gagawin ko sa magazine na 'to na babaeng naka-bikini ang front page?!"Bakit hindi ikaw ang bumili?""Wala akong dalang pera," sambit niya sabay kamot sa ulo niya.Ibinagsak ko sa basket ang journal na tinitingnan ko bago mabagal na pumalakpak sa harapan ng lalaki habang may sarkastikong ngiti sa aking labi."So wala kang pera kaya ako ang bibili, gano'n ba?" tanong ko saka pumamewang sa harapan niya. 

    Last Updated : 2021-11-24
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Fourteen: RSiete

    "Leanne?"Natigilan ako sa pagsusulat sa journal ko nang marinig ang boses ni Leo. Nang lingunin ko ito ay naroon na siya sa pintuan. Looking at me with an apologetic smile on his lips.Alam niyang may kasalanan siya sa akin dahil nagpadala pa siya ng gangster na nagsundo sa akin imbis na siya dapat ang magsusundo sa akin sa school."Oh?" tanong ko, may sama ng loob.Isinara ko ang journal ko tsaka pinasok iyon sa drawer ng study table na ito. Buntong-hiningang lumapit sa akin si Leo bago naupo sa may kama ko na katapat ko lamang."I'm sorry?" patanong pa niyang sinabi iyon habang abot tenga ang kaniyang ngiti, nagpapa-cute kahit hindi naman cute.Sa laki niyang taong 'yan at sa tapang ng itsur

    Last Updated : 2021-12-02
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Fifteen: New Start

    "I'M SORRY, RSIETE! PLEASE FORGIVE ME FOR NOT ACCEPTING YOUR APOLOGY YESTERDAY! I'M SO SORRY!" the students suddenly shouted. Sabay-sabay pa nilang itinaas ang mga card board na hawak nila.Nanlalaki ang mata nina Larra at Jiwel nang tumingin sa akin habang si Ravah ay nakataas ang kilay at si Dacey naman ay tila hindi man lang nagulat, nanatiling walang reaksyong nakatingin kay Lucia.Ang mga estudyante sa loob ng cafeteria ay napatayo sa kanilang mga upuan. Lahat ng mga mata ay muling nakatunghay sa amin at tila ba sabik na sabik silang muli makanood ng palabas."Hindi ba dapat ikaw ang nagso-sorry sa amin ngayon? Nawalan ka na ba ng bibig?" mataray na tanong sa kaniya ni Ravah."Ravah." Hinawakan ko ang kamay niya at mariin na tiningnan siya, pinipigilan siya sa ugaling pinapakita niya.

    Last Updated : 2021-12-02
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Sixteen: Ms. Principal

    "Ayoko ng maulit pa ang ganitong pangyayari sa ekswelahan natin, maliwanag ba?" tanong ni Ms. Principal matapos kaming ipatawag sa office dahil may nagsumbong sa nangyari kanina sa cafeteria.We all sighed and just nodded.Sinumbong kami kung kailan maayos na kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang sa huli gumagawa ng aksyon ang mga tao upang ma-resolba ang isang problema.Anong ginagawa nila noong mga oras na nag-aaway-away kami? Noong binato ako ng itlog ni Lucia? Noong nagsampalan kami sa hallway? Anong ginagawa nila? Nanonood lang. Tapos ngayong maayos na kami ay tsaka nila kami isusumbong?"Ms. Sarmiento?"Napatingin ako kay Ms. Principal nang tawagin niya ako."Po?" tanon

    Last Updated : 2021-12-04
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Seventeen: Know Me Well

    "Dito ka lang ulit?" tanong ni Ravah pagkalabas namin ng school. Uwian na kaya naman tinatanong niya ako kung hindi na naman ba ako sasabay sa kanila.Tumango ako."Yup, dito na ako. Mag-iingat kayo," ngiting sambit ko bago kumaway sa kanila."Bakit dito lang siya?" Dinig kong bulong ni Rachel kay Ravah."Susunduin siya ng pinsan niya, girl," si Jiwel ang sumagot.Nanlaki ang mata ni Rachel bago mabilis na tumabi sa akin at niyakap ang braso ko."Dito nalang din pala ako! Una na kayo!" sigaw niya habang abot tenga ang ngiti sa labi bago kumaway sa mga kaibigan namin.Napataas ang kilay ko, nagtataka kung bakit bigla nalang magpapaiwan ang babaeng

    Last Updated : 2021-12-04
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighteen: Pretty When Scared

    "Don't worry. I'll let you know me well, Leanne." Sarkastiko akong natawa habang inaalala ang sinabi ng lalaking 'yon kanina habang pauwi kami. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen at kinagat ang labi ko sa inis habang nagsusulat sa journal ko. '... kahit anong ganda talaga ng araw mo, mayroon talagang isang mamb-buwisit sa araw mo. Naiinis na naman ako my journal! Know me-know me well pang nalalaman, ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya-' Natigilan ako sa pagsusulat. "Teka, ano bang pake ko kung anong pangalan niya? Gusto ko ba malaman ang pangalan niya? Of course not! Pake ko ba sa pangalan niya? Duh?!" Inirapan ko ang sarili ko bago nagpatuloy muli sa pagsusulat. '-pero ang unfair lang kasi! Alam niya ang pangala

    Last Updated : 2021-12-05
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Nineteen: Together Again

    "Leanne, can you give me water?" sigaw ni auntie Lei na ngayon ay nasa terrace at abala sa pagyo-yoga sa kaniyang mat. "Leo, ibigay mo." Pasa ko kay Leo kahit na nakaupo lamang ako sa sofa at abala sa panonood ng telebisyon. Napataas ang kilay ko nang maramdaman ko ang titig ni Leo na ngayon ay abala sa pag-aasikaso niya sa motor niya sa labas lamang ng pintuan. "Hindi mo narinig ang sinabi ko?" masungit na tanong ko nang makasalubong ko ang mata niyang nagtatakang nakatingin sa akin habang ang parehong kilay niya ay nakataas. "Inuutusan mo ako?" tanong niya na itinuro pa ang sarili niya, tila hindi makapaniwala na inuutusan ko siya ngayon. Sarkastiko akong ngumiti at tumango.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Twenty: Jax Stabbed The Man

    Pagkalagay ko palang ng mga delata sa basket ay nakita ko na naman ang walanghiyang gangster na pasimpleng naglalagay ng kung ano-ano na namang magustuhan niya. "Isa. Hindi mo ibabalik 'yan?" tanong ko sa kaniya sa nagbabantang boses. "Ayaw mo ba nito? Masarap 'to. Healthy pa. I think you should look at this–" "Dalawa." Nanatiling masama ang titig ko sa kaniya. Aanhin ko ang condense milk kung hindi naman ako magsasalad? At isa pa, binibili ko lang kung ano ang nasa listahan ni auntie Lei kaya ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to. Wala ba siyang pera?! "Tssss..." Ngumuso siya at ibinalik sa lagayan ang condense milk. Inirapan ko lang siya bago tinalikuran. Siya ang n

    Last Updated : 2021-12-07

Latest chapter

  • Mission: Kill Jaguar   Epilogue

    Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ninety: Forgiveness

    Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Nine: White Gazebo

    "Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Eight: Shan Lei

    "Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Seven: Trevor

    "Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Six: Lucifer

    "It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Five: Long Time

    "Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Four: Die

    "Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Three: Traitor

    Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki

DMCA.com Protection Status