Home / All / Mission: Kill Jaguar / Chapter Six: Clinic

Share

Chapter Six: Clinic

Author: praluemn
last update Last Updated: 2021-10-21 11:41:40

"Kingdom Animalia is the largest kingdom based on a number or species representatives. It is also called metazoa..."  

Nangunot ang noo ko nang makarinig na pamilyar na nagsasalita. 

"Any question about Kingdom Animalia?" 

"None!" 

"Alright, proceed to the next lesson. Phylum is the name comes from the Greek term knide means nettle..." 

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot doon. Unti-unti ay inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko sa desk habang nakapikit at hawak hawak pa rin ang ulo. 

"It refers to the nettle or stinging nematocyst in the cnidocyte of the animals tentacles..." 

Natigilan ako. 

Dahan-dahan akong napadilat at nanlalaki ang mga matang pinagmasdan kung nasaan ako ngayon. Ang pamilyar na scenario ang nagpanganga sa akin habang namamanghang pinagmamasdan ang mga kasamang nasa loob.

"Where... Am... I?" bulong ko sa sarili habang gulat at nagtataka pa ring pinagmamasdan ang lugar at mga kasama. 

Ang pamilyar na cream and white na silid. Ang malaki at green na blackboard sa harap. Ang masungit ngunit paborito kong science teacher noong highschool ako na nasa harap ngayon at tila nagtuturo. Ang mga batang naka uniform ngayon at tahimik na nakikinig sa guro. At ako...

Anong ginagawa ko dito?! 

Mabilis kong kinapa-kapa ang katawan at tiningnan ang magkabilang braso upang tingnan kung may galos ngunit wala! Mabilis kong hinawakan ang ulo upang tingnan rin kung may dugo ngunit maging iyon ay wala! Nakanganga at tila gulat na gulat kong hinawakan ang palda kong uniform noon at ang id ko sa school. 

Leanne Lilith Sarmiento

Grade 9 - Agoho

Dahan-dahan akong napatakip sa bibig habang pinagmamasdan ang pamilyar na id ko. Unti unti ay dumapo ang paningin ko sa mga pamilyar na gamit na nasa desk ko ngayon. Nanginginig kong hinawakan ang pamilyar na pink pouch ko na pinaglalagyan ng marami at iba't-ibang kulay ng ballpen at marker ko. Maging ang notebook ko na cover pa ang sikat na K-pop girl group noon ay nanginginig ko ring hinaplos. 

O...kay? What the fuck is happening???

Sunod kong kinuha ang pamilyar na pink na salamin na lagi-lagi ko ring dala noon nung highschool palang ako. Hinaplos ko ang makintab na pink handle nito at ganoon nalang ang pagsinghap ko nang makita ang sariling repleksyon doon. 

"W-What the..." 

Nagugulat at hindi makapaniwala akong napahawak sa malambot at makinis kong pisnge na malayong malayo sa pagkakatanda ko na medyo magaspang na at hindi na ganoon kakinis dahil sa sobrang stress. Nanlalaki ang mata kong mas nilapit ang mukha sa salamin nang makita ang iilang bids sa gilid ng mata ko na nagsisilbing palamuti. Maging ang pamilyar na hairstyle ko noon na high pigtails ay namamangha kong pinagmasdan sa salamin. 

Para akong tangang nakanganga at manghang mangha na pinipindot pindot, pinipisil pisil at hinahaplos ang mukha habang nakatingin sa salamin. 

Sa pagkakatanda ko gabi na at nasa kalsada ako. Umiiyak, sumisigaw hanggang sa... hanggang sa... 

Nabitawan ko ang salamin na hawak na nabasag pa dahilan ng agaw pansin na ingay. Nakanganga at nanlalaki ang mga mata kong natulala sa kawalan habang inaalala ang huling nangyari sa akin. 

Tumilapon ako... Naaalala kong tumilapon ako tapos... 

"Yes, Miss Sarmiento? May problema ba?" 

Naguguluhan akong napatingin sa gurong nasa harapan maging sa mga estudyanteng nagtataka nang nakatingin sa akin ngayon. Lahat sila pamilyar. Ang mga bagay at lugar na 'to pamilyar. Ang ganitong scenario na nasa klase... pamilyar pero... 

"Leanne, you okay?" Napasinghap ako at mabilis na napatayo sa gulat nang hawakan ako ng babaeng katabi. 

Nangunot ang noo ko ngunit ang mga mata ay mas lalong nalito habang pinagmamasdan ang pamilyar na babaeng humawak sa akin maging sa mga sumunod na babaeng kahilera niya at nagtatakang nakatingin sa akin ngayon. 

"J-Jiwel?" hindi makapaniwalang tanong ko sa pamilyar na maputing babaeng katabi ko na siyang nagtanong. 

Nangunot ang noo niya at nabahiran ng pagtataka ang itsura.

"Uhuh?" 

Napakurap-kurap ako habang sunod na tiningnan ang limang babaeng pamilyar na sumunod sa kaniya. 

"Bakit Leanne? May problema ba?" nag-aalalang tanong ng maliit at medyo chubbyng babae, isa sa mga pamilyar na babaeng pinagmamasdan ko ngayon. 

"R-Ravah..." sambit ko sa pangalan niya. 

"Miss Sarmiento!" 

Gulat akong napabaling sa pamilyar na gurong nasa harapan ko na pala ngayon. Nakapamewang at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin ngayon.

"Anong problema at bakit tila wala ka sa wisyo ngayon?" masungit na tanong ng maputi, maliit at medyo chubby na favorite science teacher ko sa harap ko ngayon.

"M-Ma'am Yesha?" 

Nangunot ang noo niya at tumango. "Oo, ako nga Miss Sarmiento," masungit na sagot ngunit may bahid ng pagtataka sa itsura. 

Napaatras ako at muntik nang matumba ngunit mabuti nalang ay nahawakan agad ni Ma'am Yesha ang braso ko. Kunot ang noo at nanliliit ang mga matang tinitigan ako. 

Napalunok ako. Ramdam ko rin ang pawis na tumutulo na mula sa noo hanggang sa leeg ko. Ang d****b ko ay parang nasa karera ngayon sa sobrang bilis ng pagtibok nito at maging ang ulo ko ay parang tumitibok rin sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ngayon. Nakaawang ang bibig at mabilis na ang paghinga habang litong litong nakatitig sa kaharap.

"Miss Sarmiento, anong–" Bago ko pa marinig ang mga sunod na sinabi nito ay mabilis na umikot ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay. 

"Nagugutom na ako, shet." 

"Mauna na kayo sa canteen. Bilhan niyo nalang kami ni Jiwel para naman may nagbabantay dito kay Leanne."

"Eh! Tinatamad nga ako bumaba, e. Kayo nalang tapos kami nalang magbabantay–" 

"Pero akala ko ba nagugutom ka na, Rachel, ha?" 

"Oo pero tinatamad nga ako, duh." 

"Ang ingay niyo baka magising si Leanne!" 

"Ano bang nangyari sa babaitang 'yan at bakit parang wala sa sarili kanina?" 

"Baka may hangover pa!"

"Hangover, Kishen? Ni parang hindi nga nalasing 'yan atsaka light lang naman ininom natin kahapon, ah? Hindi as in beer." 

"Malay ko d'yan baka nabaliw na? Binigyan na ng saltik ng Itaas kasi sobra na daw pagka demonyita?" 

"Gaga ka, Kish! Hahahaha!" 

Kunot-noong napahawak ako sa noo nang magising dahil sa ingay na naririnig. 

"Oh, speaking of the devil. Gising na si Queen Demon." 

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata at unang bumungad sa akin ang malinis at puting kisame. Napapikit muli ako nang makaramdam ulit ng kirot sa ulo bago muling dumilat. Ngayon naman ay bumungad sa akin ang anim na mga babaeng nasa magkabilang gilid ko. 

"Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Ravah.

Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatitig sa kaniya. 

"Ravah..." wala sa sariling sambit ko. The standing mother of the group. My sweetest and caring friend... 

"Para ka na naman nakakita ng multo." Sunod akong napatingin sa babaeng nasa kabilang gilid ko.

"Dacey..." The smartest and nerdy of the group. My longest best friend since elementary. 

Nangilid ang luha ko. 

"Ano ba nangyari sa'yo, Leanne? Masama ba ang pakiramdam mo? Dapat hindi ka nalang pumasok!" Sunod akong napatingin sa nagsalita. 

"L-Larra..." nabasag ang boses ko. Lahat sila ay nagulat sa reaksyon ko nang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. 

"Gagi, seryoso na ba 'to? Ano bang problema? Family problem ba?" Si Rachel naman ang nagsalita na mas lalo kong kina-iyak.

Napatakip na ako sa mukha ko nang magsimula na akong humagulgol.

"Hoy, girl! Ano bang problema? Sabihin mo sa amin." Si Jiwel naman na nakahawak na sa magkabilang braso ko at pilit tinatanggal ang pagtakip ko sa mukha. 

"Gagi kayo pinaiyak niyo!" Boses naman ni Kishen ang narinig ko. 

Naramdaman ko ang pagyakap ni Ravah. "Hey love... anong problema? Sabihin mo sa amin. Makikinig kami..." malumanay na bulong nito sa akin. 

Umiling ako. Patuloy na umiiyak habang umiiling. Humugot ako ng hininga bago malalim na ibinuga iyon, pilit ikinakalma ang sarili. Lumunok ako habang pinapahid ang mga luha sa pisnge. Tinulungan naman ako ni Ravah magpahid gamit ang panyo niya na tinanggihan ko rin dahil mas lalo lang akong naiiyak. 

Tahimik lang nila akong pinanood na pahiran ang pisnge ko habang kinakalma ang sarili. Nang makalma na ako ay nag-angat na ako ng tingin sa kanila. Isa-isa ko silang pinagmasdan. 

Jiwel, ang pinaka-maputi at pinaka-matangkad sa aming magkakaibigan. Pang-apat sa pinakamatanda pero kung umasta ay parang mas bata pa sa akin. Siya rin ang pinaka-maganda sa amin pero iwas na iwas sa mga lalaki. 

Larra, ang pinakamatanda sa amin pero katulad lang din ni Jiwel kung umasta pero mas malala dahil hyper at napagkakamalang takas mental. Pero sobrang mabait at pinaka maaasahan sa grupo.

Dacey, ang pinaka-matalino at nerdy sa grupo. Kaibigan ko na mula elementary pero dahil nalayo kami sa isa't-isa noon ay medyo hindi na kami kasing close gaya ng dati pero gano'n parin ang turing sa isa't-isa. Madalas tahimik. 

Ravah, ang pinaka sweet and caring sa aming lahat. Pinakamaliit ngunit pinaka matured mag-isip sa'ming lahat. Ang neutral sa grupo. 

Rachel, sumunod kay Ravah na maliit. Girly at habulin ng mga lalaki dahil sa cute at maamong itsura pero siyang pinaka sadista sa grupo. Sweet din gaya ni Ravah at laging gustong nakayakap. 

Kishen, sumunod kay Rachel na maliit. Kung anong liit niya gano'n naman katayog ang pride niya. Ang japinay ng grupo. Masungit tingnan dahil sa singkit na mata ngunit siyang pinaka maingay sa grupo. Ang pinaka kasundo ko pagdating sa sayawan. 

"T-Totoo ba 'to?" wala sa sarili kong tanong habang pinagmamasdan sila. 

Hindi ako makapaniwalang matapos ng sampung taon na hindi ko sila nakikita, nandito na sila ulit ngayon sa tabi ko. Kasama ko. 

"Alam mo, Leanne. Gutom lang 'yan! Tara na kaya sa canteen?" Si Rachel ang nagsalita. 

"Teka lang, maayos na ba pakiramdam mo?" tanong ni Ravah sa akin. 

Hindi pa rin makapaniwala at bahagyang nalilito sa nangyayari ngayon ay wala ako sa sariling tumango. Sabay-sabay naman silang napabuntong-hininga na tila nawalan ng tinik. 

"Malamang maayos na agad 'yan. Masamang damo 'yan, e." Nakangisi at nagbibirong sabi ni Kishen. 

"May five minutes nalang tayo para sa break. Aabot pa ba tayo?" Si Dacey naman na nakatingin sa relo niya. Nakangiti ko siyang tinitigan. 

Sa kanilang anim siya lang ang nakapag-paalam at nagsabi ng dahilan nila sa akin noon kung bakit bigla nalang nila ako nilayuan. Hindi man kami madalas mag-usap noon at hindi ko man masyadong ramdam ang presensya niya noon, pero siya pala itong pinaka nag-aalala sa akin noon. 

"Aabot pa 'yan! Tara na gutom na ako!" sambit ni Rachel.

Ngayon ko lang nalaman na nasa clinic pala ako nang makita ang pamilyar na poging teacher na siyang madalas naka-assign sa clinic. 

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Leanne?" malumanay ang tanong nito nang makitang lumabas na ako sa maliit na silid sa clinic kasama ang mga kaibigan. 

Nangunot ang noo ko nang bahagyang sundutin ni Ravah ang tagiliran ko habang ang iba ay may kakaibang ngisi sa akin, nanunukso. 

"Maayos na 'yan, Sir Leandro! Inalagaan mo, eh!" natatawang sambit ni Rachel. 

Huh? 

"Mabuti naman." Ngumiti si Sir Leandro sa akin na impit na ikinatili ng mga kaibigan ko. Mas lalo akong nagtaka.

Bakit? Anong meron?

"Sige, sir. Alis na po kami at baka mahimatay ulit 'tong babaitang 'to," natatawang sabi naman ni Larra sa tabi ko. 

"Huh? At bakit naman ako mahihimatay ulit?" kunot-noong tanong sa kaniya.

"Sus! Kunwari!" Mas lalo lang nangunot ang noo ko dahil hindi ko sila maintindihan. Habang si sir Leandro naman ay nakikisabay pa sa pagtawa habang nakatingin sa akin. 

"Tara na nga at baka hindi na tayo makaabot! Bye, Sir!" 

Mabilis akong nagpatianod sa hila ng mga kaibigan palabas. Nagtataka pa rin ako at bakit parang inaasar nila ako sa poging teacher na 'yon. 

"Anong bibilhin niyo?" Rinig kong tanong ni Ravah habang naglalakad na palayo sa clinic. 

Nagtataka pa rin ako kaya naman napatigil ako at muling nilingon ang clinic. Gano'n nalang ang gulat ko nang makita ang poging teacher na nasa labas ng clinic, nakapamulsa at nakatanaw sa amin. 

Bahagya rin siyang nagulat sa paglingon ko ngunit kalaunan ay napangiti at kumaway.

"Luh kalandian nito! Hoy tara na!" 

Napatingin ako muli sa mga kaibigan ko na nasa malayo na at nakalingon sa akin, tumatawang tinatawag ako. 

"Parang gusto ko na rin magka-crush sa teacher," nanunuksong sambit ni Kishen nang makalapit na ako sa kanila.

"Oo nga. Parang nakaka-inspire!" dagdag ni Rachel.

Uminit ang pisnge ko nang mapagtanto. 

What the fuck ka Leanne! 

Related chapters

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Seven: Familiar

    "Huwag nalang kaya tayong pumasok sa next class? Gutom pa ako, e. Gusto ko pang kumain!" nakangusong sabi ni Rachel habang iniikot-ikot ang pasta sa tinidor niya.Tahimik lang akong nakaupo sa gitna nina Ravah at Dacey habang ang apat ay nasa tapat namin. Pare-pareho silang nagmamadaling kumain habang ako ay ni isa ay wala pang nasusubo. Masiyado akong nalulunod sa mga iniisip ko.Anong nangyayari? Paanong narito ako kasama ang mga dating kaibigan ko? Panaginip lang ba ang lahat pero ang totoo ay grade nine student pa rin pala ako? Bakit at papaano?! Damn, gulong gulo na ako!Napapikit ako ng mariin.Paano kung patay na pala ako at lahat ng 'to ay hindi totoo? Ilusyon ko lang?Biglang nanlamig ang buong katawan ko.Pero kung patay na ako bakit nam

    Last Updated : 2021-11-20
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eight: Daddy

    "I can't believe you! Tinulungan mo talaga si nerd?!" iritado pa ring tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng gate.Kanina pa siya ganiyan, tanong ng tanong at kanina pa rin ako iritang irita na sa boses niya na tinalo pa ang chipmunks!"Can you just shut up?! Sumasakit na ulo ko sa'yo," inis na sabi ko rito. Napairap siya."I'm just asking, okay? I just can't believe! Parang kahapon lang pinahiya mo pa 'yan sa flag pole ceremony tapos ngayon tinulungan mo nam–""What did you say?"Maging sila ay natigil sa paglalakad nang huminto ako at kunot-noo nang nakatingin kay Rachel."Pinahiya ko siya kahapon?" tanong ko ulit."Don't tell me, girl, hindi mo naaalala? Ano 'yan? Amnesia?" taas kilay at tila nagbibiro na t

    Last Updated : 2021-11-20
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Nine: Slut

    The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky."Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat."Good morning señorita kong pamangkin!"Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly."A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit

    Last Updated : 2021-11-21
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ten: Sorry

    "What the fuck?" Sunod-sunod ang mga mura ng mga kaibigan ko.Gulat pa sa biglaang nangyari ay dahan-dahan kong tiningnan kung anong bagay ang tumama sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa ng basag na itlog."Ano na namang problema mo, Lucia?" inis na tanong ni Ravah.Lahat sila ay nakaharap na sa taong nasa likuran habang ako ay nakatingin pa rin sa mantsa sa likod ko. Unti-unting sumisilip ang masamang ugali sa akin pero sa huli ay mas pinili kong kumalma at hindi sugurin ang kung sinomang may pakana nito."You son of a bitch! Inagaw mo na naman sa akin ang boyfriend ko! Inggitera ka talagang malandi ka!"Mas lalong nangunot ang noo ko bago hinarap ang babaeng nagsisisigaw ngayon. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa mukha nito nang harapin ko ito ng may masamang

    Last Updated : 2021-11-21
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eleven: Gangster

    "Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito.Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito.Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan e

    Last Updated : 2021-11-22
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Twelve: Sweetheart

    Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras. "At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko. Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito. Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong... Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko. Natatakot. Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin. "Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amu

    Last Updated : 2021-11-23
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Thirteen: Forehead Kiss

    "Here. Buy this."Muli kong sinamaan ng tingin ang gangster na 'to ng sa pang limang beses ay may inabot na naman siyang bagay na hindi ko naman kailangan bilhin. Nang tingnan ko ang bagay na pinapabili niya ngayon ay mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.Ano namang gagawin ko sa magazine na 'to na babaeng naka-bikini ang front page?!"Bakit hindi ikaw ang bumili?""Wala akong dalang pera," sambit niya sabay kamot sa ulo niya.Ibinagsak ko sa basket ang journal na tinitingnan ko bago mabagal na pumalakpak sa harapan ng lalaki habang may sarkastikong ngiti sa aking labi."So wala kang pera kaya ako ang bibili, gano'n ba?" tanong ko saka pumamewang sa harapan niya. 

    Last Updated : 2021-11-24
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Fourteen: RSiete

    "Leanne?"Natigilan ako sa pagsusulat sa journal ko nang marinig ang boses ni Leo. Nang lingunin ko ito ay naroon na siya sa pintuan. Looking at me with an apologetic smile on his lips.Alam niyang may kasalanan siya sa akin dahil nagpadala pa siya ng gangster na nagsundo sa akin imbis na siya dapat ang magsusundo sa akin sa school."Oh?" tanong ko, may sama ng loob.Isinara ko ang journal ko tsaka pinasok iyon sa drawer ng study table na ito. Buntong-hiningang lumapit sa akin si Leo bago naupo sa may kama ko na katapat ko lamang."I'm sorry?" patanong pa niyang sinabi iyon habang abot tenga ang kaniyang ngiti, nagpapa-cute kahit hindi naman cute.Sa laki niyang taong 'yan at sa tapang ng itsur

    Last Updated : 2021-12-02

Latest chapter

  • Mission: Kill Jaguar   Epilogue

    Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ninety: Forgiveness

    Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Nine: White Gazebo

    "Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Eight: Shan Lei

    "Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Seven: Trevor

    "Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Six: Lucifer

    "It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Five: Long Time

    "Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Four: Die

    "Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Three: Traitor

    Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki

DMCA.com Protection Status