"Huwag nalang kaya tayong pumasok sa next class? Gutom pa ako, e. Gusto ko pang kumain!" nakangusong sabi ni Rachel habang iniikot-ikot ang pasta sa tinidor niya.
Tahimik lang akong nakaupo sa gitna nina Ravah at Dacey habang ang apat ay nasa tapat namin. Pare-pareho silang nagmamadaling kumain habang ako ay ni isa ay wala pang nasusubo. Masiyado akong nalulunod sa mga iniisip ko.
Anong nangyayari? Paanong narito ako kasama ang mga dating kaibigan ko? Panaginip lang ba ang lahat pero ang totoo ay grade nine student pa rin pala ako? Bakit at papaano?! Damn, gulong gulo na ako!
Napapikit ako ng mariin.
Paano kung patay na pala ako at lahat ng 'to ay hindi totoo? Ilusyon ko lang?
Biglang nanlamig ang buong katawan ko.
Pero kung patay na ako bakit naman mag-iilusyon pa ako? Di'ba dapat deretso langit na? Or kung hindi pinalad dapat nasa impyerno na? Or 'di kaya purgatoryo muna? Or baka naman kaluluwa na ako at gumagala gala lang? Pero kung gagala ako bakit naman bumalik pa sa panahong 'to na nag-aaral pa ako?
Napasabunot ako sa sarili ko.
Pakiramdam ko mababaliw na ako!
"Hindi pwede at may recitation pa. Tapos na ako kumain. Bilisan niyo." Mabilis na tumayo si Dacey at tinapon sa trashcan ang kinainan.
Kung patay na ako at nag-iilusyon lang, bakit parang sobrang totoo naman ng mga nakikita ko? Parang 3D! Oh, tingnan mo si Dacey gumagalaw pa tapos naririnig ko pa yung yapak ng shoes niya?!
"Hay nako! Heto ang pangit pag may nerdy sa grupo, e!" Busangot ni Rachel bago napatingin sa pagkain kong hindi pa nagagalaw.
"Ayaw mo ba niyan? Akin nalang ah!"
Hinayaan ko naman siyang kunin 'yon at lantakan.
Isa pa! Kung kaluluwa lang ako at gumagala gala, bakit nakikita nila ako? Bakit nakaka-usap nila ako?
"Huy!" Napatalon ako sa gulat nang gulatin ako ni Larra.
"Tang ina pati ako nagulat!" Hampas sa kaniya ni Kishen na tinawanan niya lang.
"Ano na, girl? Tulala ka na diyan, ah!" Natatawang sabi ni Jiwel.
Isa pa 'to! Kung patay na ako or kaluluwa na ako or whatever, bakit nagugulat pa ako? Ramdam na ramdam ko tibok ng puso ko oh? Di'ba dapat wala na akong nararamdaman? Kasi nga patay na ako? Deads na?
"Hayaan niyo na at baka na star struck pa sa crush niya," natatawang sabi ni Ravah habang kumakain.
"Kakabalik lang no'n galing Australia di'ba?" Si Dacey naman na kakabalik lang at naka-upo na ulit sa tabi ko.
"Oo nga. Akala ko hindi na 'yon babalik kaya nga umiyak pa 'tong gagang 'to, e!" Pabirong sinabunot ni Rachel ang buhok ko na ikinagulat ko.
Binitawan na ni Rachel ang buhok ko nang bigla kong hilain pabalik ang kamay niya na ikinagulat nila.
"A-Ay sorry. Masakit ba?" Medyo kinabahan at nag-aalalang tanong niya.
Nangunot ang noo ko.
"Masakit," seryosong sagot ko.
"Oy, bawal mag-away! Bad pwo 'yan," baby talk na sabi ni Larra, nagpapatawa na ginagawa niya lang kapag nararamdaman niyang magkakaroon ng away.
"S-Sorry na nga, e! Eto naman." Akmang babawiin na niya ang kamay niya nang muli kong hilain iyon at ibinalik sa buhok ko.
"Masakit kaya ulitin mo."
Pare-pareho silang napanganga. Wala akong pake kung iniisip nila na nababaliw na ako basta ang gusto ko lang ay maramdaman ulit ang sakit ng sabunot ni Rachel.
"Ano? Gagawin mo ba o hindi?" naiinip nang tanong ko.
"Sabi mo 'yan, huh? Ikaw may sabi niyan," sabi niya. Ganoon nalang ang gulat ko nang malakas na hinila niya ang buhok ko na muntik ko pang ikasubsob sa mesa!
"Oh, sinunod ko lang sinabi mo." Kibit balikat ni Rachel na tila natuwa naman sa ginawa niya.
Maging ako ay natuwa.
Totoo... Totoong totoo yung sakit! Ramdam ko! Ibig sabihin... Buhay pa ako?!
"Ang weird mo today," puna ni Jiwel. Natatawa ko naman siyang tiningnan.
"O-Oh my God..." Natatawa akong napatakip sa bibig ko. Sa sobrang pagkatuwa ay nararamdaman ko na naman ang pamamasa ng mata ko.
"B-Buhay ako... Naramdaman ko! Buhay ako! Buhay ako!" tuwang-tuwa na sabi ko sa kanila habang sila naman ay mga nalulukot ang mukha at takang taka sa kinikilos at sinasabi ko.
"Buhay ka naman talaga shunga," sabi ni Ravah na tumayo na.
"Sabi sa inyo nagka sayad na e." Natatawa at umiiling-iling na sabi ni Kishen na sumunod na kay Ravah.
"Girl, ano 'yan? Vibes na kayo ni Larra? Hahahaha!" tumatawang sabi ni Jiwel bago tumayo na rin.
"Luh, sinali na naman ako ng babaitang 'to!" Si Larra na mabilis na sumunod kay Jiwel para hilain ang buhok nito.
"Ano ba 'yan gusto ko pa kumain, eh! Pero sige na nga, hoy! Hintayin niyo kami!" sigaw ni Rachel na nagmadaling itinapon ang hindi pa ubos na pagkain ko sa basurahan.
Nanatili naman akong nakaupo. Hindi makapaniwala. Sa sobrang pagkatuwa ay para na akong baliw dito na tumatawa habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay dahil sa mga nagbabadyang luha.
Buhay ako. Kaya pala parang totoong totoo lahat ng nakikita ko ngayon dahil hindi pa ako patay. Buhay pa ako! Buhay na buhay!
Natigilan naman ako nang marinig ang maingay na bell. Hudyat na tapos na ang break time.
"Nag bell na. Tara na."
Napatingin naman ako kay Dacey na nasa tabi ko pa rin pala at hinihintay ako. Hindi pa ako nakakaahon sa pagkatuwa ay namamangha na naman ako. Mabilis kong niyakap ang braso ni Dacey na ikinagulat niya.
Masaya akong tumango. "Tara na!"
Tinitigan pa niya ako saglit, nagtataka bago bumuntong-hininga at tumayo na.
Gaya ng inaasahan ay napagalitan kami dahil late na kami. Ang mga kaibigan ko ay pare-parehong nakayuko at busangot ang mukha habang pumupunta sa mga upuan namin habang ako ay tuwang tuwa pa dahil pagkatapos ng ilang taon, naranasan ko na naman ang mapagalitan ng teacher.
Kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko pang araw-araw ako pagalitan ng teacher dahil late sa subject kaysa pagalitan araw-araw ng boss sa trabaho dahil sa paulit-ulit na palpak sa gawain. Buti sana kung pagagalitan ka lang pero hindi, e. Kung hindi ka pinapahiya, sinasaktan ka naman! Hindi gaya ng teacher. Kaunting sermon lang matatanggap mo at nasa sa'yo na kung makakaramdam ka ng hiya.
Buong klase ay para lang akong nakalutang. Nakikinig pero ni isang lesson ay wala akong naintindihan. Mabuti na nga lang ay hindi ako umabot sa recitation kanina dahil nag bell na at dumating na agad ang next subject. Pero gaya kanina ay nakikinig lang ako pero walang naiintindihan.
Nakanguso ako habang tahimik na pinaglalaruan sa kamay ang ballpen ko na may cute na bear pa sa tuktok.
Bumuntong-hininga ako.
Kahit anong pilit kong isipin ay hindi ko maintindihan.
Kung buhay pa ako bakit naman ako nandito? Bakit bigla ulit ako naging highschool? Ibig sabihin ba hindi totoong nangyari ang lahat ng nangyari sa hinaharap?
Napasabunot ako sa sarili ko.
Imposible! Pero wait! Anong year na ba ngayon? Kung hindi ako nagkakamali...
Napatingin ako sa banner ng year ngayon na nasa taas ng black board.
2011.
So, nasa year 2011 ako ngayon? Eleven years mula sa hinaharap?Pero bakit? Papaano?
Mahina kong inuntog-untog ang noo sa desk ko nang mag sunod-sunod na naman ang mga tanong sa utak ko.
Kaunti nalang talaga mababaliw na ako!
"Hay sa wakas! Uwian!" sambit ni Rachel habang nag-uunat pagkalabas namin ng classroom.
Uwian na pero ni isa sa mga subject na nag lesson ay walang pumasok sa utak ko. Okyupado ng mga tanong ko ang isipan ko.
Totoong natutuwa ako dahil buhay ako pero... buhay nga ba talaga ako? Paano kung patay na talaga ako at pinagbigyan lang ako ng Itaas na makasama ang mga kaibigan ko bago man lang ako tumuloy sa kabilang buhay?
Natigilan ako at nakaramdam ng panlalamig dahil sa isipang 'yon. Muli kong naalala ang gabing 'yon. Malaking truck ang sumagasa sa akin. Naghahabol ako ng hininga at hindi na makagalaw. Ramdam ko pa ang sakit nang pagbagsak ko sa daan pati na rin ang mga dugo na lumalabas sa ulo ko.
Nung gabing 'yon sigurado na ako... na mamamatay na ako.
Pero ngayon.... bigla nalang... sa hindi ko inaasahan...
Tulala kong pinagmasdan ang anim na kaibigan na unti-unti nang lumalayo sa akin. Sa hindi maipaliwanag ay sumikip ang d****b ko. Nakaramdam ako ng pamilyar na sakit habang pinapanood silang papalayo sa akin.
Biglang may pumasok na alaala sa isipan ko. Alaala noong araw na nangyari ang araw na pinagsisihan ko ng sampung taon. Kung saan nagsimula ang lahat ng kamalasan ko.
Ako na umiiyak sa hallway habang pinagbubulungan ng mga estudyante na nakapalibot sa akin. Kinukutya, galit at sinisisi sa naging kamatayan ng kamag-aral na madalas kong awayin at paglaruan.
I'm crying so hard while my six friends are just looking at me, sad, angry and dissapointed. Habang pilit pinapaliwanag ang sarili ay sabay-sabay nila akong tinalikuran at ayon ang araw na lumayo sila at tuluyan na akong nag-iisa.
"Leanne! Ayaw mo pa bang umuwi? Sige ka, iwan ka namin!"
Nagising ako sa reyalidad nang marinig ang tawag nila. Lahat sila ngayon ay nakalingon na sa akin at hinihintay ako. Hindi pa umaalis dahil wala pa ako.
Napalunok ako bago napailing at tinanggal na sa isipan ang alaalang iyon. Napangiti ako bago akmang lalapitan na sila nang biglang may dumaan sa harap ko dahilan ng muntik ko nang pagbagsak. Mabuti nalang ay napaatras lang ako habang siya naman ang bumagsak.
Kunot-noo kong pinagmasdan ang babaeng nakahati ang buhok at nakatirintas. Maputi at may malaking salamin. Nanginginig niyang dinadampot ang mga notebook na natapon niya.
Inayos ko ang palda ko at nag-iskwat upang tulungan siya sa pagdampot pero ganoon nalang ang gulat ko nang tumili ito at tila natatakot na iniharang ang magkakrus niyang braso sa harap ng mukha.
"S-Sorry h-hindi ko si-si-sinasadya! H-huwag po!" Nanginginig at umiiyak na sigaw nito.
"What are you talking about? Tutulu–"
"Hoy fucking nerd!" Natigilan ako nang makitang nakalapit na ang mga kaibigan.
"Kishen!" sigaw ko nang sipain niya ang babae.
"Hindi ka pa talaga nadadala, ano?" Taas kilay at nakangising tanong niya sa babae.
Bahagya namang hinila ni Rachel ang buhok nito.
"Tara sama ka sa'min," nakangiti at malambing na sabi ni Rachel.
Mabilis na umiling-iling ang babae. "H-Huwag po! A-Ayaw ko po! A-Ayaw ko p-po!"
"Girl, hayaan mo na nga 'yan. Bukas nalang 'yan baka nand'yan na sundo ko." Si Jiwel na nakahalukipkip at tila nababagot.
"Ay oops!" Nanlaki ang mga mata ko nang dinampot ni Larra ang mga notebook at sunod-sunod na itinapon 'yon sa ulo ng babae.
"P-Please! T-Tama na po! H-Hindi... Hindi ko s-sinasadya..."
Kunot-noo at nanlalaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga kaibigan sa kawawang babae. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga estudyanteng pumapalibot na sa amin at nakiki-usyoso sa nangyayari.
"Oh kayo? Hindi pa kayo uuwi? Baka gusto niyong..." Bago pa ituloy ni Ravah ang sasabihin niya ay mabilis na nagsi-alisan ang mga students sa paligid at nagmamadaling bumaba ng floor.
Napapikit ako ng mariin.
Papaanong nakalimutan ko na ganito nga pala ang mga kaibigan ko noon? Na ganito nga pala kami noon?
"Girls."
Lahat sila ay napatingin sa akin nang magsalita ako. Buntong hininga kong inalis ang kamay ni Rachel na nasa buhok ng babae. Bahagya kong tinulak si Kishen na kanina lang ay sinisipa-sipa ang babae. Habang sina Larra, Jiwel at Ravah naman ay kusang lumayo nang makitang yumuko ako at isa-isang pinulot ang mga notebook.
Napatingin ako kay Dacey na kanina lang ay tahimik lang na nanonood sa amin. Yumuko rin ito at tinulungan akong pulutin ang mga notebook.
Tama. Sa aming pito si Dacey ang against sa mga ganitong ginagawa namin noon. Para siyang nag-iisang anghel sa anim na demonyita.
"What the hell are you doing, Leanne?" iritadong tanong ni Rachel habang pinupulot ko ang mga notebook.
Sinamaan ko siya ng tingin na kina-atras niya bago ako buntong-hininga na tumingin sa umiiyak na babaeng kaharap. Inilapag ko lang ang mga notebook niya sa harapan niya na ginaya rin ni Dacey.
"I-I'm s-sorry–"
"Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko," putol ko sa kaniya.
Kabado siyang lumunok bago nagmadaling kinuha ang mga notebook niya tsaka nanginginig na tumayo. Nakailang dapa pa ito bago tuluyang makababa sa hagdan at mawala na sa paningin namin.
Naningkit ang mata ko bago bumuntong-hininga. "Familiar..."
"I can't believe you! Tinulungan mo talaga si nerd?!" iritado pa ring tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng gate.Kanina pa siya ganiyan, tanong ng tanong at kanina pa rin ako iritang irita na sa boses niya na tinalo pa ang chipmunks!"Can you just shut up?! Sumasakit na ulo ko sa'yo," inis na sabi ko rito. Napairap siya."I'm just asking, okay? I just can't believe! Parang kahapon lang pinahiya mo pa 'yan sa flag pole ceremony tapos ngayon tinulungan mo nam–""What did you say?"Maging sila ay natigil sa paglalakad nang huminto ako at kunot-noo nang nakatingin kay Rachel."Pinahiya ko siya kahapon?" tanong ko ulit."Don't tell me, girl, hindi mo naaalala? Ano 'yan? Amnesia?" taas kilay at tila nagbibiro na t
The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky."Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat."Good morning señorita kong pamangkin!"Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly."A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit
"What the fuck?" Sunod-sunod ang mga mura ng mga kaibigan ko.Gulat pa sa biglaang nangyari ay dahan-dahan kong tiningnan kung anong bagay ang tumama sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa ng basag na itlog."Ano na namang problema mo, Lucia?" inis na tanong ni Ravah.Lahat sila ay nakaharap na sa taong nasa likuran habang ako ay nakatingin pa rin sa mantsa sa likod ko. Unti-unting sumisilip ang masamang ugali sa akin pero sa huli ay mas pinili kong kumalma at hindi sugurin ang kung sinomang may pakana nito."You son of a bitch! Inagaw mo na naman sa akin ang boyfriend ko! Inggitera ka talagang malandi ka!"Mas lalong nangunot ang noo ko bago hinarap ang babaeng nagsisisigaw ngayon. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa mukha nito nang harapin ko ito ng may masamang
"Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito.Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito.Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan e
Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras. "At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko. Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito. Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong... Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko. Natatakot. Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin. "Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amu
"Here. Buy this."Muli kong sinamaan ng tingin ang gangster na 'to ng sa pang limang beses ay may inabot na naman siyang bagay na hindi ko naman kailangan bilhin. Nang tingnan ko ang bagay na pinapabili niya ngayon ay mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.Ano namang gagawin ko sa magazine na 'to na babaeng naka-bikini ang front page?!"Bakit hindi ikaw ang bumili?""Wala akong dalang pera," sambit niya sabay kamot sa ulo niya.Ibinagsak ko sa basket ang journal na tinitingnan ko bago mabagal na pumalakpak sa harapan ng lalaki habang may sarkastikong ngiti sa aking labi."So wala kang pera kaya ako ang bibili, gano'n ba?" tanong ko saka pumamewang sa harapan niya. 
"Leanne?"Natigilan ako sa pagsusulat sa journal ko nang marinig ang boses ni Leo. Nang lingunin ko ito ay naroon na siya sa pintuan. Looking at me with an apologetic smile on his lips.Alam niyang may kasalanan siya sa akin dahil nagpadala pa siya ng gangster na nagsundo sa akin imbis na siya dapat ang magsusundo sa akin sa school."Oh?" tanong ko, may sama ng loob.Isinara ko ang journal ko tsaka pinasok iyon sa drawer ng study table na ito. Buntong-hiningang lumapit sa akin si Leo bago naupo sa may kama ko na katapat ko lamang."I'm sorry?" patanong pa niyang sinabi iyon habang abot tenga ang kaniyang ngiti, nagpapa-cute kahit hindi naman cute.Sa laki niyang taong 'yan at sa tapang ng itsur
"I'M SORRY, RSIETE! PLEASE FORGIVE ME FOR NOT ACCEPTING YOUR APOLOGY YESTERDAY! I'M SO SORRY!" the students suddenly shouted. Sabay-sabay pa nilang itinaas ang mga card board na hawak nila.Nanlalaki ang mata nina Larra at Jiwel nang tumingin sa akin habang si Ravah ay nakataas ang kilay at si Dacey naman ay tila hindi man lang nagulat, nanatiling walang reaksyong nakatingin kay Lucia.Ang mga estudyante sa loob ng cafeteria ay napatayo sa kanilang mga upuan. Lahat ng mga mata ay muling nakatunghay sa amin at tila ba sabik na sabik silang muli makanood ng palabas."Hindi ba dapat ikaw ang nagso-sorry sa amin ngayon? Nawalan ka na ba ng bibig?" mataray na tanong sa kaniya ni Ravah."Ravah." Hinawakan ko ang kamay niya at mariin na tiningnan siya, pinipigilan siya sa ugaling pinapakita niya.
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?
"Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb
"Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.
Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki