"I can't believe you! Tinulungan mo talaga si nerd?!" iritado pa ring tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng gate.
Kanina pa siya ganiyan, tanong ng tanong at kanina pa rin ako iritang irita na sa boses niya na tinalo pa ang chipmunks!
"Can you just shut up?! Sumasakit na ulo ko sa'yo," inis na sabi ko rito. Napairap siya.
"I'm just asking, okay? I just can't believe! Parang kahapon lang pinahiya mo pa 'yan sa flag pole ceremony tapos ngayon tinulungan mo nam–"
"What did you say?"
Maging sila ay natigil sa paglalakad nang huminto ako at kunot-noo nang nakatingin kay Rachel.
"Pinahiya ko siya kahapon?" tanong ko ulit.
"Don't tell me, girl, hindi mo naaalala? Ano 'yan? Amnesia?" taas kilay at tila nagbibiro na tanong ni Jiwel.
"Well, hindi lang naman ikaw kasi kasama mo kami ofcourse... but! Ikaw ang nanguna!" sagot ni Rachel.
"Bakit parang gulat na gulat ka ata?" nagtataka nang tanong ni Kishen.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi na dapat ako nagulat dahil kilala ko naman ang sarili ko noon pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin maiwasan.
Really, Leanne? Ganito ka kasama noon na ultimo normal student ipinapahiya mo? At sa flag pole ceremony pa talaga, huh?!
Parang gusto kong maghanap ng kutsilyo at saksakin ang sarili ko. Nahihiya at nagagalit na naman sa sarili. Ganito ako kasama noon kaya bakit pa ako nagtaka kung bakit gano'n nalang kamalas ang kinahinatnan ko sa hinaharap?!
"Leanne?" Si Ravah nang hindi ako nakasagot.
Unti-unti ay hilaw akong tumawa.
"O-Ofcourse! Naaalala ko! A-Akala ko lang nung nakaraan ko ginawa 'yon hindi kahapon," palusot ko.
Bumuntong-hininga naman sila at tila nakahinga ng maluwag.
"Akala ko ibang Leanne na ang kasama namin ngayon."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Larra.
"Pero syempre imposible 'yon! Hahaha tara na nga!" Parang bata na yumakap sa braso ko si Larra bago kami tuluyang umalis doon.
Paano kung sabihin kong ibang Leanne nga ang kasama nila ngayon? Na hindi ako yung Leanne na kilala nila eleven years ago? Ako na 'to yung Leanne sa future na hindi maipaliwanag kung bakit bumalik bigla sa nakaraan?
Bumuntong-hininga ako.
Mag-isa na ako ngayon sa daan pauwi sa kung saan. Tahimik lang ako kanina bago kami naghiwa-hiwalay. Paminsan-minsan ay napupuna nila ang katahimikan ko kaya dinadahilan ko nalang na masakit ang ulo ko.
Nagulat pa ako nang sabihin nila na dahil siguro 'yon sa alak na ininom namin kagabi nung uwian. Muntik ko na talagang i-untog ang sarili ko sa daan nang malaman 'yon.
Alam ko naman na maaga nga akong nakatikim ng alak pero hindi ako makapaniwala na sa ganitong edad pala 'yon! Really Leanne?! Really?! Ilang taon ka ba ngayon? Sixteen? Fifteen?!
Nanlaki ang mata ko matapos magbilang sa daliri.
What the hell?! Seriously?! Fourteen?!
"Aaaarghh!!" inis kong sigaw habang sabunot ang sarili at nagpapa-padyak sa daan.
Grabe Leanne! Ikaw na! The best kang bruhilda ka sarap mong sakalin!
Sa huli ay ikinalma ko nalang ang sarili ko at busangot na nagpatuloy sa paglalakad. Nang huminto ay napatingin ako sa bahay na nasa harapan ko. Napalunok ako nang maalala ang pamilyar na bahay.
Noong una ay hindi ko talaga alam kung saan ako uuwi pero dahil parang may sariling buhay ang paa ko ay dito ako dinala nito.
Ang pamilyar na bahay ay malayong malayo sa tagpi-tagping yero na bahay namin ni Mommy sa Manila. Naalala kong bago nga pala kami tuluyang naghirap, bago nga pala kami napunta sa Manila ay narito kami sa Caloocan. May maganda at malaking bahay. Isa sa pinakakilala at pinakamayamang pamilya sa lungsod.
Hindi ako makapaniwala na narito ulit ako ngayon. Nakangiti akong napabuga sa hangin bago tiningala ang nagkukulay kahel na langit.
"Ano? Nakonsensya Ka? Kaya bago ako tumawid sa kabilang buhay pinaranas Mo muna sa akin ang buhay ko noon?" nakangising pagka-usap ko sa Itaas.
Bumuntong-hininga ako bago napagtanto kung gaano ako kasaya ngayon.
"Pero pwede na rin. Galing Mo bumawi. Pwede na ako tumawid nito sa kabilang buhay," dagdag ko pa.
"Leanne! Kanina ka pa ba d'yan?" Napatingin naman ako sa sumigaw na magandang babaeng nakatayo sa pintuan ng bahay.
Tuluyan na akong napanganga. Unti-unti ay natawa ako habang ang mga mata ay nagtutubig na naman sa hindi maipaliwanag na kasiyahan.
"Or pwede namang huwag muna..." bulong ko bago mabilis na tumakbo papalapit kay Mommy na naghihintay sa akin sa pinto.
"Oh!" gulat na aniya nang halos patalon akong yumakap sa kaniya.
"Mommy! I miss you! S-So much!" umiiyak na sambit ko na mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kaniya na para bang kapag binitawan ko siya ay mawawala na siya na parang bula.
"Huh? Anong meron sa'yo ngayon?" nagtataka ngunit natatawang tanong niya habang tinatapik tapik ang balikat ko.
Hindi ko man gustong humiwalay ng yakap ay bumitaw ako ngunit kamay naman niya ang hinawakan ko. Namamangha ko siyang pinagmasdan. Para na naman akong maiiyak!
"M-Mommy... You're healthy! And pretty! So pretty!" Para na akong nasisiraan ng ulo habang tumatawa at umiiyak sa harapan ni Mommy kasabay ng pagkamangha na narito siya ngayon sa harap ko. Malusog at buhay na buhay!
"Oh dear... I don't know what's happening to you pero halika na at pumasok, humahamog na sa labas." Natatawa niyang pinahid ang luha sa pisnge ko na ikinapikit ko.
Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo lang ako maiiyak ngayong nararamdaman ko ulit ang haplos niya.
"Seriously, anak? What's happening to you? Can you just sit there and let me cook?" tanong ni Mommy nang matapos ko maglinis ng katawan ay dumeretso ako sa kaniya at yumakap. Simula no'n ay hindi ko na siya binitawan hanggang ngayon na magluluto na siya ng hapunan namin.
"Ayaw," parang bata na sagot ko.
She sighed.
Hinayaan niya nalang ako at kahit hirap ay nagpatuloy sa pagluluto. Nakangiti ko namang pinanood kung paano siya magluto habang yakap yakap siya sa likuran. Nang magsawa ay sinandal ko nalang ang pisnge ko sa likod niya at nakangiting pinagmasdan ang magandang kusina.
"Mommy," tawag ko rito.
"Hmm?" tugon nito, abala pa rin sa niluluto.
"Paano po kung... maghirap tayo sa hinaharap ng dahil sa akin? Sisisihin mo po ba ako? Magagalit ka po ba sa akin?"
Natawa siya ng bahagya sa tanong ko.
"Bakit naman tayo maghihirap? Imposible iyon lalo na kung dahil sa'yo. You have a bright future, darling. Nakikinita ko nang magiging magaling at sikat kang model in the future!" masiglang sabi niya at ngayon palang ay natutuwa na sa nakikitang future sa akin.
Malungkot akong ngumiti dahil kabaligtaran sa inaasahan niya ang nangyari sa akin sa future. Naging isang palpak na waitress ako imbis na magaling at sikat na model.
"And me as your mother. The great attorney of the country. Hinding hindi ko hahayaan na maghirap tayo dahil ni ultimo lamok ay hindi ko padadapuin sa balat mo," dagdag pa niya.
Nakagat ko na ang labi ko at napapikit. Malalim akong bumuntong-hininga dahil sa hinaharap ay nawala niya ang pinaghirapan niyang trabaho at titulo nang dahil rin sa akin.
"I'm sorry, Mommy..." I whispered.
Naramdaman ko ang pagtigil ni Mommy sa niluluto. Hinawakan nito ang kamay ko na nakapalupot sa kaniya. Marahan niyang kinalas ito bago nag-aalalang hinarap ako.
Mabilis akong ngumiti para ipakitang ayos lang ako.
"Ano bang nangyari, anak? Sabihin mo, makikinig si Mommy," malambing na sambit niya.
Saglit akong natahimik.
Mommy... ng dahil sa akin naghirap po tayo sa hinaharap. Hindi po ako naging model at naging hamak na waitress lang na palipat-lipat pa dahil laging nase-sesante. Maging ang pinagmamalaki niyong trabaho ay nawala niyo rin po ng dahil sa kagagawan ko.
Mommy... namatay ka po ng wala ako sa tabi niyo.
Mommy... nasagasaan po ako ng truck at namatay pagkatapos ay bigla nalang nagising na nandito na sa nakaraan.
Mommy... natatakot po ako na baka pagkatapos nito tuluyan na akong bumalik sa reyalidad.
Mabilis akong ngumiti at niyakap siya. Lahat nang 'yon ay sa isipan ko lang nasabi.
"Ayoko na pong umalis dito..." wala sa sariling sambit ko.
Hinagod niya ang likod ko. "Hindi naman tayo aalis dito."
Mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap dahil alam kong iba ang ibig kong sabihin. Nasisiguro kong pinagbigyan lang ako ng nasa Itaas bago ako tumawid sa kabilang buhay. Nasisiguro kong pagkatapos ng araw na 'to mawawala na ang lahat ng 'to.
"Mommy, I love you."
Bumuntong-hininga siya. Bahagya akong natawa dahil hindi siya sanay na ganito ako.
"I love you too, anak. Sige na at maghain ka na."
"Ayoko po. Pwedeng maghain habang nakayakap?"
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Natawa ako nang hampasin na ako nito. Hindi na natutuwa sa asal ko.
"Ayoko nga pong humiwalay. Dito lang ako, yakap!" nakangusong sabi ko na mas hinigpitan pa lalo ang yakap.
"Ano ba, Leanne? Para kang bumalik sa pagkabata, ah? Paano na tayo makaka-kain nito kung para kang lintang nakakapit sa akin?" naiinis na ngang sabi niya.
"Bata pa naman po talaga ako, ah?"
"Leanne!"
"Fine! Eto na, eto na! Yakap lang naman, hmp." Pagmamaktol ko bago kumuha ng mga plato, sinimulang maghain.
Saglit lang naman akong naghain pagkatapos ay umupo na sa hapag. Nakapangalumbaba na pinapanood matapos si Mommy. Nang may maalala ay napaayos ako ng upo.
"Mommy?"
"Ano na naman, Leanne?" Natawa ako sa naging sagot nito. Para bang naiirita na siya sa akin.
"May tanong lang naman po ako," malambing na sagot ko.
Saglit niya akong sinulyapan bago bumalik sa niluluto.
"Go ahead."
Ngumuso ako. "Si Daddy po?" tanong ko na ikinatigil niya.
"W-What do you mean?"
"Si Daddy po, Mommy. Nasaan po?"
Nagtataka niya akong nilingon pero ang mga mata ay tila nalulungkot at naaawa sa akin.
"Ano oras po uuwi?" tanong ko pa.
Sa pagkakaalala ko Taekwondo Master si Daddy. Kapag ganitong weekdays halos magkasunod lang kami umuwi sa bahay pwera nalang kung maraming tine-training. Hindi gaya kapag weekends halos buong araw siyang wala sa bahay.
Ngayong nakauwi na ako. Nakapagtataka naman na wala pa siya dito.
"Leanne..." marahang tawag sa akin ni Mommy bago naupo sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.
"Ang Daddy mo," mabagal na sambit niya habang nakangiti. Tila nananantya sa magiging reaksyon ko. "Nasa heaven na di'ba?"
"Po?"
Natigilan ako.
2011... Nasa taong 2011 ako. Nawala si Daddy sa taong... 2009.
Napakurap-kurap ako at napaiwas ng tingin. Ibig bang sabihin wala na si Daddy sa taong 'to? Si Mommy lang? Bakit?
Pinagbigyan Mo nalang ako bakit hindi pa yung araw na kasama namin si Daddy?
Mapait akong ngumiti.
"Oo nga po pala," ngiting sagot ko kay Mommy na tila ba normal at nakalimutan ko lang.
Napabuntong-hininga siya bago bumalik ulit sa niluluto.
Pinagsalikop ko ang kamay ko at tinitigan 'yon.
Masiyado akong umasa sa pagkakataong binigay ng nasa Itaas. Pinagbigyan niya lang ako pero hindi lubusan. Gusto kong magreklamo pero hindi ko rin magawa dahil kahit papaano ay nagpapasalamat ako na narito ako ngayon, nakasama ang mga dating kaibigan maging ang Mommy ko pero...
Sana naman nilubos lubos na di'ba? Kung pagbibigyan Mo nalang din ako bakit hindi yung araw na kumpleto pa kami? Bakit hindi yung araw na kasama namin si Daddy? Para sana naman bago man lang ako tumawid sa kabilang buhay naranasan ko pa ang kumpletong pamilya di'ba? Kasi miss ko na, eh! I miss Daddy so much kaya bakit wala siya?
"Kain na," sabi ni Mommy matapos lagyan ng pagkain ang plato ko.
Ngumiti lang ako at tahimik nang kumain.
Gusto ko pa sanang maka-kwentuhan si Mommy pero sa sobrang lungkot ay hindi ko magawang dumaldal. Mukhang napansin rin naman niya ang pagkatamlay ko kaya naman pagkatapos kumain ay hinatid niya na ako agad sa kuwarto. Siya na rin ang naghugas ng mga pinagkainan kahit na alam ko namang ako ang naka toka sa gawaing 'yan noon pa man.
"Miss na ang Daddy?" malambing na tanong niya matapos ako kumutan.
Tipid akong ngumiti at tumango.
Malungkot siyang ngumiti.
"Ako rin. Miss ko na..."
Alam ko Mommy... alam ko po.
Dahil noong nagkasakit siya ay bukambibig niya na si Daddy. Na sa wakas daw ay malapit niya na ulit makasama si Daddy. Hindi ko maipaliwanag ang lungkot at takot na nararamdaman ko nung mga araw na 'yon.
Hinila ko siya at niyakap na parang nangungulilang bata.
The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky."Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat."Good morning señorita kong pamangkin!"Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly."A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit
"What the fuck?" Sunod-sunod ang mga mura ng mga kaibigan ko.Gulat pa sa biglaang nangyari ay dahan-dahan kong tiningnan kung anong bagay ang tumama sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa ng basag na itlog."Ano na namang problema mo, Lucia?" inis na tanong ni Ravah.Lahat sila ay nakaharap na sa taong nasa likuran habang ako ay nakatingin pa rin sa mantsa sa likod ko. Unti-unting sumisilip ang masamang ugali sa akin pero sa huli ay mas pinili kong kumalma at hindi sugurin ang kung sinomang may pakana nito."You son of a bitch! Inagaw mo na naman sa akin ang boyfriend ko! Inggitera ka talagang malandi ka!"Mas lalong nangunot ang noo ko bago hinarap ang babaeng nagsisisigaw ngayon. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa mukha nito nang harapin ko ito ng may masamang
"Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito.Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito.Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan e
Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras. "At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko. Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito. Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong... Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko. Natatakot. Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin. "Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amu
"Here. Buy this."Muli kong sinamaan ng tingin ang gangster na 'to ng sa pang limang beses ay may inabot na naman siyang bagay na hindi ko naman kailangan bilhin. Nang tingnan ko ang bagay na pinapabili niya ngayon ay mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.Ano namang gagawin ko sa magazine na 'to na babaeng naka-bikini ang front page?!"Bakit hindi ikaw ang bumili?""Wala akong dalang pera," sambit niya sabay kamot sa ulo niya.Ibinagsak ko sa basket ang journal na tinitingnan ko bago mabagal na pumalakpak sa harapan ng lalaki habang may sarkastikong ngiti sa aking labi."So wala kang pera kaya ako ang bibili, gano'n ba?" tanong ko saka pumamewang sa harapan niya. 
"Leanne?"Natigilan ako sa pagsusulat sa journal ko nang marinig ang boses ni Leo. Nang lingunin ko ito ay naroon na siya sa pintuan. Looking at me with an apologetic smile on his lips.Alam niyang may kasalanan siya sa akin dahil nagpadala pa siya ng gangster na nagsundo sa akin imbis na siya dapat ang magsusundo sa akin sa school."Oh?" tanong ko, may sama ng loob.Isinara ko ang journal ko tsaka pinasok iyon sa drawer ng study table na ito. Buntong-hiningang lumapit sa akin si Leo bago naupo sa may kama ko na katapat ko lamang."I'm sorry?" patanong pa niyang sinabi iyon habang abot tenga ang kaniyang ngiti, nagpapa-cute kahit hindi naman cute.Sa laki niyang taong 'yan at sa tapang ng itsur
"I'M SORRY, RSIETE! PLEASE FORGIVE ME FOR NOT ACCEPTING YOUR APOLOGY YESTERDAY! I'M SO SORRY!" the students suddenly shouted. Sabay-sabay pa nilang itinaas ang mga card board na hawak nila.Nanlalaki ang mata nina Larra at Jiwel nang tumingin sa akin habang si Ravah ay nakataas ang kilay at si Dacey naman ay tila hindi man lang nagulat, nanatiling walang reaksyong nakatingin kay Lucia.Ang mga estudyante sa loob ng cafeteria ay napatayo sa kanilang mga upuan. Lahat ng mga mata ay muling nakatunghay sa amin at tila ba sabik na sabik silang muli makanood ng palabas."Hindi ba dapat ikaw ang nagso-sorry sa amin ngayon? Nawalan ka na ba ng bibig?" mataray na tanong sa kaniya ni Ravah."Ravah." Hinawakan ko ang kamay niya at mariin na tiningnan siya, pinipigilan siya sa ugaling pinapakita niya.
"Ayoko ng maulit pa ang ganitong pangyayari sa ekswelahan natin, maliwanag ba?" tanong ni Ms. Principal matapos kaming ipatawag sa office dahil may nagsumbong sa nangyari kanina sa cafeteria.We all sighed and just nodded.Sinumbong kami kung kailan maayos na kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang sa huli gumagawa ng aksyon ang mga tao upang ma-resolba ang isang problema.Anong ginagawa nila noong mga oras na nag-aaway-away kami? Noong binato ako ng itlog ni Lucia? Noong nagsampalan kami sa hallway? Anong ginagawa nila? Nanonood lang. Tapos ngayong maayos na kami ay tsaka nila kami isusumbong?"Ms. Sarmiento?"Napatingin ako kay Ms. Principal nang tawagin niya ako."Po?" tanon
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?
"Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb
"Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.
Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki