"Eto na lahat ng damit mo? Asan na yung mga binibigay ko sa'yong mga branded na damit kapag binibisita ko kayo ni Lea? Bakit mukhang halos basahan naman 'tong mga 'to?"
Sunod-sunod ang naging tanong ni auntie Lei matapos namin makarating sa bahay nila, iniisa-isa niya ang mga damit na dinala ko. Nakakunot ang noo at maarteng hinahawakan ang dulo ng mga damit ko na sa ukay lang nabili.
"Finally! May nakita rin akong totoong damit!" exaggerated na sambit niya nang makita ang iilang mga branded na damit na sa kaniya galing.
"Auntie, lahat naman 'yan tunay na damit."
"Anong tunay ka diyan? Halos puro mga basahan nga ang dala mo! Anyway, don't worry. Bukas na bukas mag m-mall tayo. Ibibili kita ng maraming branded clothes–"
"Auntie, hindi na kailangan 'yan. Hindi ko naman kailangan ng branded clothes, e. Ayos na 'to. Ang mahalaga ay may maisuot ako," sagot ko habang patuloy na tinutupi ang mga damit na inilalabas niya sa bag ko.
"Kahit na halos basahan na?" puno ng pagka disgusto nang itanong niya iyon.
Bahagya akong natawa.
"Kahit na halos basahan na," sagot ko.
"What the hell..." Humagalpak na ako sa tawa ng halos hindi talaga siya makapaniwala.
Nagulat ako nang upuan niya ang mga damit na tinupi ko para lang makaharap ako at yugyugin ako ng pagkalakas-lakas.
"Asan na ang paborito kong pamangkin?! Asan na yung Leanne na kulang nalang magka allergy sa mga hindi branded clothes?! Asan na yung Leanne na fashionable like her gorgeous auntie?! Where is she? Ilabas mo siya!"
Fuck... para na akong mamamatay sa yugyog niya!
"Auntie, stop! Nahihilo na ako!" Mabilis naman niya akong binitawan.
"I-I'm sorry. It's your fault though!" At sinisi pa nga ako.
Kahit na medyo hilo sa pagka yugyog niya ay pinagpatuloy ko ang pagtutupi ng mga damit ko habang siya ay panay ang reklamo sa mga damit ko na matitino naman tingnan, siya lang naman 'tong nagsasabi na mukhang basahan dahil hindi branded clothes.
Naiiling-iling ko nalang na pinakinggan ang mga reklamo ni auntie sa damit ko. Hindi na ako nakipagtalo dahil hindi naman 'yan nagpapatalo. Kahit na siya ang may mali at abutin na kayo ng ilang oras sa pagtatalo, sa huli siya pa rin ang mananalo.
Kaya siguro napakarami ko ring kaaway noon dahil gan'yan na gan'yan ang ugali ko katulad kay auntie noon. Maarte at kahit ako na ang may mali ay ipaglalaban ko pa rin kung ano ang sa tingin kong tama. Ayaw na ayaw sa mga pipichugin na tao at bagay. Hanggang ngayon naman pero hindi na kagaya ng dati na kahit simpleng pulubi ay pinapairal ko ang pagiging matapobre.
Kaya nga laging sinasabi sa akin ni Mommy noon na mas mukha ko pang nanay si auntie Lei dahil parehas na parehas ang ugali namin maliban sa pagmamaltrato sa mga mahihirap. Si auntie Lei kasi kahit na gano'n hinding hindi nagmamaltrato ng mga taong mas mababa sa kaniya hindi katulad ko noon na walang araw na wala akong nakakaaway na mas mababa sa akin. Pakiramdam ko kasi noon ako ang nakatataas sa lahat na siyang pinakamalaking pagkakamali ko noon.
Kapag nga naaalala ko ang mga ginawa ko noon kulang nalang ay abutan ko ng kutsilyo ang sarili ko. Napakasama ko noon! Na b-bwisit ako sa mga pinaggagagawa ko noon! Kung makakabalik nga lang ako sa nakaraan sasakalin ko ng todo ang sarili ko nang magising siya sa mga kasamaang ginagawa niya. Isa 'yon sa mga pinagsisisihan ko dahil naisip ko na dahil sa pagiging matapobre ko sa mga mahihirap, naranasan ko tuloy na maging mas mahirap pa sa daga.
So many regrets.
"Pasensya na kung tabi muna kayo ni Shan Lei, hija. Bukas na bukas ipapaayos ko kay Leo ang guest room," sabi ni tito Mario matapos niyang ayusin ang kumot na nakatabon kay Shan Lei na tulog na.
Pasado alas-dies na ng gabi kaya naman wala ng tita Lei na matalak– este maingay. Pinagpipilitan pa rin niya kasing mag mall kami bukas para bilhan ako ng mga branded clothes na paulit-ulit ko rin namang tinatanggihan kaya mabuti nalang ay nakatulog na.
"Ayos lang po, tito. Salamat po," nakangiting sagot ko.
"Huwag na huwag kang mahihiya sa amin ng auntie mo dahil pamilya ka namin. Mula ngayon dito ka na titira kaya feel at home, hija," malumanay na sambit ni tito Mario.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kaniya. Hindi ko alam kung anong problema ko. Mabait naman ang pakikitungo nito sa akin mula pa noong magnobyo sila ni auntie Lei pero mayroon sa parte ko na may kung anong ayaw kay uncle Mario.
Matapos niyang patayin ang ilaw ng kuwarto ay lumabas na rin siya. Pagkahiga ay buntong hininga akong tumitig sa kisame. Ngayong tahimik na ang paligid at madilim ay bumabalik sa akin ang katotohanang wala na si Mommy.
I feel like being stuck in the depths of the ocean. It’s dark, and cold, and lonely. It feels like thrashing around trying to keep from drowning all the time. Oxygen is my mom, and now that she's gone it takes so much effort to find enough just to breathe and normally exist.
Normal...
Ngayong iniisip ko ito ay tila napakahirap na para sa akin ang mamuhay ng normal na gaya ng dati. A “normal” life seems so far away, like a distant memory, and I can’t really even remember what it was like anyway.
Muli akong bumuntong-hininga ng ilang oras na ang lumilipas pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaya naman imbis na makipag titigan sa kisame ay dahan dahan na akong bumangon. Mas mabuti siguro kung maglalakad lakad muna ako saglit sa labas hanggang sa dalawin na ako ng antok.
Pagkalabas ko ng kuwarto ay sumalubong sa akin ang malawak na sala. Dahan-dahan kong isinara ang pinto bago maingat na naglakad palapit sa pintuan palabas ng bahay nang walang ginagawang ingay. Mukhang tulog naman na silang lahat kaya matagumpay akong nakalapit sa pintuan. Maingat at tahimik kong binuksan ang pintuan. Napangisi ako nang tuluyan ko na itong mabuksan, handa nang lumabas nang bigla akong may narinig.
"Hindi ako makapaniwalang aabot sila sa ganito..."
Kunot-noo kong hinanap kung saan galing ang boses ni Leo na narinig ko.
Gising pa siya?
"Hindi naman sila dating ganito. Kahit na maloloko ang mga gagong 'yon, hindi nila magagawang maging kriminal. Kung alam ko lang sana... sana hindi ako umalis. Sana hindi ko sila iniwan."
Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa mga naririnig kay Leo. Dahan-dahan akong lumapit sa library na katabi lang ng kwarto nina auntie Lei. Sa loob ng library na 'yon ko mismo naririnig ang boses ni Leo.
"Wala kang kasalanan, hijo. Maging ako man ay hindi makapaniwala na hahantong sila sa ganito. Noong mga bata kayo ay iniisip kong laro laro niyo lang ang mga grupong ginagawa niyo dahil nga mga bata lang kayo pero sinong mag-aakalang..." Hanggang dito ay narinig ko ang pagbuntong-hininga ni uncle Mario.
"Aabot sa ganito. Mas iniisip ko ang kabutihan na naging dulot ng pag-alis mo, Leo. Kung hindi ka umalis ay baka naging katulad ka na rin nila."
"Malabong maging kriminal ako, Papa. At mas malabong maging kriminal si Jaguar kung nanatili ako sa tabi niya."
Nanlaki ang mata ko sa pamilyar na pangalan na narinig.
Jaguar?
Mas lalo lang ako naging kuryuso sa kung ano mang pinag-uusapan nila.
"Noong mga bata kami tanda ko pa ang layunin namin kung bakit namin binuo ang grupo ng Black Panther." Bahagyang natatawang sabi ni Leo.
Sumandal ako sa pader at pinagkrus ang parehong braso, tahimik na nakinig sa dalawang nag-uusap sa loob.
"Ang gumawa ng tunay na kahulugan ng kapatiran. Ang turuan ng leksyon ang mga mapagmataas at tulungan ang mga taong inaapi at walang kalaban-laban. Ang baguhin ang pananaw ng mga taong mali ang pagkakaintindi sa salitang fraternity.... It was great when we were kids." Bumuntong-hininga si Leo.
Nang silipin ko sila sa maliit na siwang ng pintuan ng library ay nakayuko na si Leo habang naka-upo sa tapat ni tito Mario na nakatitig lang sa kaniya at tahimik siyang pinakikinggan.
"They're my everything, Papa. Hindi kumpleto ang kabataan ko kung wala ang grupo that's why even if I redo my life, I'd choose to live the same way. Being Vice President of Black Panther. Being always Jaguar's side."
Tuluyan nang umawang ang bibig ko sa mga sumunod na narinig ko. Ngayong narinig ko mismo sa kaniya 'yon sigurado na ako ngayon na naging parte nga siya ng grupo na 'yon noong mga bata palang kami. Hindi lang siya parte dahil siya pa ang Vice President. Kanang kamay ng President ng grupo, ni Jaguar.
Wala sa sarili akong naglalakad ngayon palabas ng village kung saan malayo na sa bahay nina auntie Lei. Napakatahimik ng daan at wala ni isang tao ang nasa labas pa maliban sa akin. Tanging ilaw lang ng mga poste ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
Iniisip ko pa rin ang huli kong narinig mula kay Leo bago ako tuluyang lumabas.
"It was my fault why a-auntie Lea's died..." He sighed heavily. Nanatiling nakatitig sa kaniya si Uncle Mario.
"I didn't kill auntie Lea but I'm the reason why... they killed her. I lied at Leanne. Walang bata sa gitna ng dalawang grupo. Nandoon ako, Papa. Pagkatapos kong makausap si Jaguar sa pinagta-trabahuan ni Leanne nagmadali akong pumunta sa lugar na 'yon..." nabasag ang boses niya ng sambitin iyon.
"Ang akala ko m-maliligtas ko si, auntie. Pero pagdating ko doon... huli na ang lahat. Wala na si auntie. Duguan nang nakahandusay habang maraming kutsilyo ang nakabaon..." Napatakip ako sa bibig ko. Ang mga luha ay unti-unting bumuhos na naman sa masakit na katotohanang narinig.
"Pagkatapos ng ilang taon galit pa rin sa akin si Jaguar. Hindi siya magdadalawang isip na ubusin lahat ng malalapit sa akin hangga't hindi siya nakukuntento. Mahirap... k-kalabanin si Jaguar."
Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit ng nararamdaman ko ngayon.
"Fuck you, Jaguar! How dare you fucking kill my mom?!! Fuck you!!!" sigaw ko sa kawalan kasabay ng pag-agos ng mga luha sa aking pisnge.
Tinakbo ko ang kahabaan ng kalye. Umaasang maiibsan nito ang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon ngunit hindi. Habang tumatagal ay kasabay ng pagod na nararamdaman, lumalaki ang apoy na namumuo sa kalooban ko.
Ang tanggapin na wala na si Mommy ay napakahirap na. Ngayon pa na nalaman ko ang totoong nangyari sa pagkamatay niya ay para na rin akong mamamatay sa sobrang sakit. Tila nararamdaman ko ang mga kutsilyong ibinaon sa katawan ni Mommy.
"H-How dare you... My m-mom..."
Unti-unti ay napaluhod nalang ako sa gitna ng daan. Ngumangawa na parang isang bata. Inaalala ang mga panahon na buhay pa si Mommy. Mga panahon na maayos pa ang lahat at wala pang sakit si Mommy. Mga panahon na hindi kami naghihirap at malaya kong nakikita ang masigla at nakangiting si Mommy.
Sobra akong nasasaktan.
"Lord, I'm begging you p-please..."
Please take me back to the days when everything was all okay and normal. Hindi ko na alam ang gagawin ko. The way she died was very unacceptable. I can't...
Sa gitna ng tahimik at madilim na gabi, sa hindi inaasahan ay bigla akong tumilapon sa ere matapos tamaan ng malaking bagay. Sa pagkakataong ito ay kitang kita ko ang kabilugan ng buwan. Nasa bingit na ako ng kamatayan ay napangiti parin ako habang dinadama ang pagkalutang sa ere.
Pinilig ko ang ulo ko at nakita ang isang malaking truck. Tila bumagal ang oras nang magtama ang paningin namin ng driver. Puno ng galit ang mga namumula niyang mata habang nakatingin sa akin. Sa kabila ng dilim ay kumikintab ang kulay abo niyang buhok.
"Jaguar..." I whispered.
Mabilis kong naramdaman ang malakas na pagbagsak sa daan. Hindi ako makagalaw at ramdam na ramdam ang sakit sa buong katawan maging ang dugong lumalabas mula sa ulo ko. Pumupungay na ang mga mata ko habang hinahabol ang paghinga.
Naaninag ko pa rin ang pagbaba ng driver sa truck. Unti-unti ay lumapit sa akin. Nanghihina kong napanood ang pagluhod nito sa gilid ko. Walang emosyong nilapit nito ang bibig sa tainga ko bago bumulong.
"Die."
And everything went black.
"Kingdom Animalia is the largest kingdom based on a number or species representatives. It is also called metazoa..." Nangunot ang noo ko nang makarinig na pamilyar na nagsasalita. "Any question about Kingdom Animalia?" "None!" "Alright, proceed to the next lesson. Phylum is the name comes from the Greek term knide means nettle..." Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot doon. Unti-unti ay inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko sa desk habang nakapikit at hawak hawak pa rin ang ulo. "It refers to the nettle or stinging nematocyst in the cnidocyte of the animals tentacles..." Natigilan ako. Dahan-dahan akong napadilat at
"Huwag nalang kaya tayong pumasok sa next class? Gutom pa ako, e. Gusto ko pang kumain!" nakangusong sabi ni Rachel habang iniikot-ikot ang pasta sa tinidor niya.Tahimik lang akong nakaupo sa gitna nina Ravah at Dacey habang ang apat ay nasa tapat namin. Pare-pareho silang nagmamadaling kumain habang ako ay ni isa ay wala pang nasusubo. Masiyado akong nalulunod sa mga iniisip ko.Anong nangyayari? Paanong narito ako kasama ang mga dating kaibigan ko? Panaginip lang ba ang lahat pero ang totoo ay grade nine student pa rin pala ako? Bakit at papaano?! Damn, gulong gulo na ako!Napapikit ako ng mariin.Paano kung patay na pala ako at lahat ng 'to ay hindi totoo? Ilusyon ko lang?Biglang nanlamig ang buong katawan ko.Pero kung patay na ako bakit nam
"I can't believe you! Tinulungan mo talaga si nerd?!" iritado pa ring tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng gate.Kanina pa siya ganiyan, tanong ng tanong at kanina pa rin ako iritang irita na sa boses niya na tinalo pa ang chipmunks!"Can you just shut up?! Sumasakit na ulo ko sa'yo," inis na sabi ko rito. Napairap siya."I'm just asking, okay? I just can't believe! Parang kahapon lang pinahiya mo pa 'yan sa flag pole ceremony tapos ngayon tinulungan mo nam–""What did you say?"Maging sila ay natigil sa paglalakad nang huminto ako at kunot-noo nang nakatingin kay Rachel."Pinahiya ko siya kahapon?" tanong ko ulit."Don't tell me, girl, hindi mo naaalala? Ano 'yan? Amnesia?" taas kilay at tila nagbibiro na t
The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky."Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat."Good morning señorita kong pamangkin!"Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly."A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit
"What the fuck?" Sunod-sunod ang mga mura ng mga kaibigan ko.Gulat pa sa biglaang nangyari ay dahan-dahan kong tiningnan kung anong bagay ang tumama sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa ng basag na itlog."Ano na namang problema mo, Lucia?" inis na tanong ni Ravah.Lahat sila ay nakaharap na sa taong nasa likuran habang ako ay nakatingin pa rin sa mantsa sa likod ko. Unti-unting sumisilip ang masamang ugali sa akin pero sa huli ay mas pinili kong kumalma at hindi sugurin ang kung sinomang may pakana nito."You son of a bitch! Inagaw mo na naman sa akin ang boyfriend ko! Inggitera ka talagang malandi ka!"Mas lalong nangunot ang noo ko bago hinarap ang babaeng nagsisisigaw ngayon. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa mukha nito nang harapin ko ito ng may masamang
"Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito.Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito.Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan e
Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras. "At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko. Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito. Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong... Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko. Natatakot. Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin. "Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amu
"Here. Buy this."Muli kong sinamaan ng tingin ang gangster na 'to ng sa pang limang beses ay may inabot na naman siyang bagay na hindi ko naman kailangan bilhin. Nang tingnan ko ang bagay na pinapabili niya ngayon ay mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.Ano namang gagawin ko sa magazine na 'to na babaeng naka-bikini ang front page?!"Bakit hindi ikaw ang bumili?""Wala akong dalang pera," sambit niya sabay kamot sa ulo niya.Ibinagsak ko sa basket ang journal na tinitingnan ko bago mabagal na pumalakpak sa harapan ng lalaki habang may sarkastikong ngiti sa aking labi."So wala kang pera kaya ako ang bibili, gano'n ba?" tanong ko saka pumamewang sa harapan niya. 
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?
"Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb
"Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.
Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki