Beranda / Romance / Mission: Kill Jaguar / Chapter Four: Demons

Share

Chapter Four: Demons

Penulis: praluemn
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

"Leanne, kumain ka muna..." 

Nanatili akong nakaupo sa sahig, sa gilid ng kuwarto ni Mommy. Tahimik at tulala sa kawalan habang yakap yakap ang malaking picture ni Mommy. Tatlong araw na ang lumipas simula nang ilibing siya. Mula noon ay hindi pa ako nakakakain, wala rin ni isa sa kanila ang kinakausap ko. Pilit man akong pilitin nina auntie na kumain ay wala rin silang magawa.

"Leanne," tawag muli ni Leo nang hindi ako sumagot. 

Mapait akong ngumiti. "Leo."

Napaayos siya ng tayo sa gilid ng pintuan nang sa wakas ay nakipag-usap na rin ako. Mabagal akong tumingin sa kaniya, nanghihina dahil ilang araw nang hindi kumakain at puro iyak lang ang ginawa.

"Gano'n na ba kalaki ang kasalanan ko... para parusahan Niya ako ng ganito?" tanong ko na may ngiti pa rin sa labi. 

"Leanne," sambit niya. Lumapit siya sa akin bago naupo sa tabi ko. 

"Sa isang araw na 'yon napahiya ako ng sobra. Sa isang araw na 'yon nawalan ako ng trabaho. Sa isang araw na 'yon hinayaan kong tapak tapakan ako ng mga tao. At sa isang araw na 'yon parang isang bula, bigla nalang nalaman ko. Wala na akong nanay." Pumiyok ang boses ko.

He sighed. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. Nanatiling tahimik at hinihintay pa ang mga susunod kong hinanakit. 

Somehow, nagpapasalamat ako na laging nandiyan si Leo na handang makinig sa akin. Kahit noon pa man ay lagi rin siyang nandyan para sa akin kapag kailangan ko ng tulong o makikinig sa mga hinaing ko. Kahit na wala akong kapatid ay hindi ko alintana iyon dahil nandyan naman si Leo na tumatayong kuya ko. Maswerte ako na kahit papaano ay nariyan sila nina auntie Lei para sa akin simula nung nabubuhay pa si Mommy hanggang ngayon na wala na ito. 

Sila nalang ang natitirang dahilan para masabi kong maswerte pa rin ako sa kabila ng mga kamalasan ko. 

Pero sa pagkakataong ito hindi ko makuhang maging masaya sa kakaunting swerte na meron ako. Hindi ko makuhang maging masaya dahil iniisip ko na paano kung ako naman ang magbigay ng kamalasan sa kanila? 

Buong buhay ko ay puro kamalasan nalang ang hatid ko sa mga taong malalapit sa akin. Hindi ko gugustuhing pati kayna auntie Lei ay maghatid pa ako ng kamalasan na wala namang ginawa kun'di ang umagapay at tulungan kami ni Mommy sa mga oras na walang wala na kami. Ayokong pati sila mawala pa sa akin. Ayokong pati sila ay maghirap ng dahil sa akin.

"Ang totoo ay gusto kitang kausapin tungkol sa pagkamatay ni Auntie Lea," sambit ni Leo matapos ng ilang minutong katahimikan sa aming dalawa. 

Napaayos ako ng upo tsaka tumingin sa kaniya. Leo is a police officer and as far as I know he is the one who assigned to investigate the riot that happened in Quiapo including the death of my Mom.

Napangiti naman siya nang makita ang naging reaksyon ko sa sinabi niya. 

"Pero bago 'yon kumain ka muna. Look at yourself, kaunti nalang magiging kawayan ka na," natatawang sabi niya, nang-aasar. 

"Tch." Umirap ako. 

He chuckled.

"Tara na. Kanina ka pa hinahantay nina Mama." Tumayo siya tsaka naglahad ng kamay sa harap ko. 

"Hindi pa ba kayo kumakain?" bahagyang gulat na tanong ko. Kanina rin kasi ay kinatok muna ako ni tito Mario bago ni Leo para kumain. 

Umiling si Leo. "Hinihintay ka namin lalo na ni Mama." 

Bahagya akong nahiya. Pagkarating nga namin sa sala ay mabilis na napatayo sina auntie Lei at tito Mario nang makita ako. 

Napatingin ako sa mesa na si Shan Lei lang ang kumakain habang ang mga plato nina auntie ay wala pang laman, may plato rin na para sa akin. Mas lalo akong nahiya dahil totoo ngang hinihintay lang nila ako upang makakain. 

"Oh my God! Mabuti naman at naisipan mo nang lumabas, Leanne!" Mabilis na nagsandok ng kanin si auntie Lei para lagyan ang plato ko. "Oh heto, kumain ka ng marami. Kainin mo lahat 'yan, bumawi ka ng lakas!" sambit niya nang makaupo ako.

"Shan Lei, kuhanan mo ng tubig si ate Leanne mo," utos naman ni Tito Mario na agad namang sinunod ni Shan Lei. 

Tahimik ko silang pinagmasdan na pagsilbihan ako. Napatingin ako kay Shan Lei nang kalabitin niya ako, tapos na pala niya akong kuhanan ng tubig. Nakangiti kong kinuha sa kaniya ang tubig. 

"Hm?" tanong ko nang senyasan niya akong yumuko. Mukhang may ibubulong. Nangingiti akong yumuko na ikinagulat ko nang mabilis niya akong hinalikan sa pisnge. 

"Huwag ka na po sad," nakangiting sambit niya. Tila may kung ano ang natunaw sa loob ko.

Marahan kong ginulo ang buhok niya bago ginawaran ng ngiti ang mga taong kasama sa hapag.

"Salamat po," sambit ko.

"Tingnan mo nga ang katawan mo. Hindi matutuwa si Lea na ganiyan ang katawan mo, Leanne. Kumain ka na and make sure na walang matitira riyan ni katiting na kanin!" masungit na sabi ni auntie Lei ngunit bakas sa itsura niya ang pag-aalala. 

Nginitian lang ako ni tito Mario bago isinenyas ang pagkain ko. Nakakahiya na naaabala ko pa sila. Imbis tuloy na umuwi na sila sa bahay nila ay hindi nila magawa dahil sa pag-aalala sa akin. 

Napatingin ako sa kabuuan ng bahay. Napayuko ako at mas lalong bumagal sa pagnguya ng pagkain. Tagpi tagpi lang na yero ang maliit na bahay namin kumpara sa malaki at magandang sementadong bahay nila, aircon pa na walang wala sa electric fan namin na iisa na nga lang, sira pa kaya naman maya't maya ang paypay ni tito Mario kay Shan Lei na nagrereklamo na sa init. 

"Auntie..." Sa sobrang kahihiyan ay halos pabulong ko siyang tinawag.

"Oh? What?" Kumakaing sagot niya. 

Napakagat naman ako sa labi ko bago nagpatuloy. 

"Kailan po kayo uuwi sa inyo?" 

Napatigil naman sila sa pagkain at sabay sabay na tumingin sa akin. Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin. 

"Ayaw mo bang nandito kami, hija?" tanong ni tito Mario na mabilis kong kina-iling. Mukhang mali ata ang naging dating ng tanong ko sa kanila! 

"H-Hindi po! Gusto ko po kaso..." 

"Kaso?" si Leo naman ang nagtanong.

Bumuntong-hininga ako. 

"Nahihiya na po ako sa inyo, auntie, tito, Leo. Sobra sobra na po ang mga ginawa niyo para sa akin. Kayo na nga po ang sumagot sa pagpapalibing ni Mommy, tinitiis niyo pang samahan ako dito sa yero naming bahay–"

"Sino nagsabing nagtitiis kami? Ginusto naming samahan ka dito kaya anong problema mo doon, Leanne?" masungit man ang naging dating ni auntie Lei ay napangiti pa rin ako. 

"Pero nakakahiya na po na inaabala ko–"

"At sino nagsabing abala ka? Si Leo ba, huh?" Taas kilay nang tanong ni auntie Lei. 

"Huh? B-Bakit ako?" nagugulat at kinakabahang tanong ni Leo. Mabilis akong umiling. 

"W-Wala po! Ako... lang po." Pahina ng pahina ang boses ko tsaka yumuko. 

"Ang totoo niyan, hija, uuwi na tayo mamayang gabi sa bahay namin," sambit ni tito Mario. 

Tayo? 

"Po?" naguguluhang tanong ko. 

"Isasama ka na namin sa bahay, Leanne. Ayaw naming hayaan ka rito mag-isa." Si Leo ang sumagot. 

"Pero hindi niyo naman po kailangang gawin pa po 'yan–"

"At anong gusto mong gawin namin? Ang hayaan ka dito mag-isa? No way, anak! Nasa iskwater area pa naman 'tong bahay niyo at baka ano pang mangyari sa'yo dito habang wala kami!" Nangilid ang luha ko sa sinabi ni auntie Lei.

Ang sarap lang pakinggan na may tumatawag sa akin ng 'anak' bukod pa kay Mommy. 

"Ate Leanne, sama ka na po sa amin! May aircon doon and I have many toys and maaaany chocolates!" pangungumbinsi naman ng cute na si Shan Lei sa akin. 

Napakamot naman ako sa pisnge ko, nagdadalawang isip. 

"Hay nako, Leanne. Wala ka rin namang magagawa dahil isasama at isasama kita sa ayaw at sa gusto mo. Kaya kumain ka na diyan." Pagtatapos ni auntie Lei na tila wala talaga akong choice dahil sa huli ay siya rin naman ang masusunod. 

"Pagkatapos mong kumain isasama rin kita sa opisina ko, Leanne," sabi ni Leo na ikinatigil ko.

"Sa presinto?" 

Tumango siya. Hindi naman ako nakapagsalita. Humigpit ang hawak ko sa kutsara ko na mukhang napansin nila kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. 

Sa kabila ng pagluluksa ko sa pagkawala ni Mommy ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang dahilan ng pagkamatay niya. Ang sabi ni Leo ay may nakasaksi daw ng pagkamatay ni Mommy. May isang bata raw na naiwan sa gitna ng rambulan ng dalawang grupo at mukhang tinangka raw na lapitan ni Mommy ang bata para ialis doon pero bago pa niya makuha ang bata ay may sumaksak na sa kaniya na naka-itim na lalaki. 

Bago pa makarating ang mga pulis ay mabilis nang nakaalis ang dalawang grupo sakay-sakay ng mga motor kaya naman wala silang nakuhang salarin sa nangyaring gulo bagama't may mga ebidensyang naiwan gaya ng mga patalim ay wala ring naging silbi ang mga 'yon dahil ni isang finger print ay wala silang nakuha. 

"Matatalino ang mga hinayupak na 'to," kalmado man ngunit galit na sambit ni Leo noong minsang narinig ko silang mag-usap ni uncle Mario tungkol doon. 

Ibig sabihin lang no'n ay hindi lang sila mga basta bastang grupo ng mga barumbado. Hindi sila gaya ng mga pipichuging frat diyan sa tabi tabi na ang alam lang ay makipag-away pagkatapos no'n ay agad ding map-presinto dahil sa hindi nag-iisip. 

Hindi katulad ng frat na kilala ko.

"Black Jaguar." 

Sa malaking white board ni Leo sa harapan ko ay tulala kong pinagmamasdan ang iilang litrato ng kilalang mga miyembro ng pinakakilalang malaking grupo ng mga kriminal sa bansa. Pagkatapos nga naming kumain ay agad kaming pumunta rito sa opisina niya sa presinto nila. 

"S-Sigurado ka ba dito?" tanong ko habang nakatuon pa rin sa white board. Maging ang mga litrato ng mga kasong tinuturo na sila ang dahilan ngunit walang sapat at malakas na ebidensya ay naroon.

Bumuntong-hininga si Leo bago naupo sa katabi kong monoblock chair at mariing tinitigan ang malaking white board niya sa harapan namin.

"Walang malakas na ebidensya na sila ang tinuturo pero sigurado akong sila ang mga nasa likod nito," siguradong sambit ni Leo.

Napalunok ako bago muling tumingin sa white board. Mula sa mababang ranggo ng grupo hanggang sa pinaka mataas sa grupo ay nandoon ang litrato. Nangunot ang noo ko nang makakita ng tatlong pamilyar na mukha sa mga litrato. 

"Nakita ko silang tatlo sa resto-bar nung araw na 'yon." Turo ko sa tatlong litrato ng lalaki. 

Ayon yung Baron, blonde guy at yung masungit na lalaki na nakita ko sa resto-bar. 

"Alam ko." Buntong-hininga ni Leo. "Nakita ko sila nung pinuntahan kita doon para sunduin ka sana." 

Nilingon ko ulit siya. Kung hindi ako nagkakamali noong mga estudyante pa lamang kami, kasama siya sa grupo ng Black Panther na Black Jaguar na ngayon.

Napatingin muli ako sa mga mukhang nasa white board. 

Kung gano'n... mga kaibigan niya 'to noon.

"Mga demonyo." 

Nang muli kong lingunin si Leo ay mahigpit nang naka yukom ang kamao niya habang ang mga matang nandidilim at puno ng galit ay nakatingin na sa mga mukhang nasa white board. 

Bahagya akong nagulat dahil hindi ako sanay na nakikitang galit siya pero sa huli ay gaya niya ay unti-unti ring dumilim ang reaksyon ko at may namuong nag-aalab sa sistema ko nang muling titigan ang mga mukhang naroon.

Ang grupo na dahilan ng nangyari noon sa akin ten years ago. Ang grupo na dahilan ng paghihirap at kamalasan ko simula noon. At ang grupo na dahilan ng pagkamatay ng Mommy ko na ginusto lang naman ilayo ang kawawang bata sa gitna ng mga demonyo.

Black Jaguar na naman...

Puno ng galit at kagustuhang ibalik ang lahat ng paghihirap at pagkamatay ng Mommy ko sa grupo ay wala sa sarili kong nasambit...

"Wait for me to show you the hell you must be in... demons." 

Bab terkait

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Five: Die

    "Eto na lahat ng damit mo? Asan na yung mga binibigay ko sa'yong mga branded na damit kapag binibisita ko kayo ni Lea? Bakit mukhang halos basahan naman 'tong mga 'to?"Sunod-sunod ang naging tanong ni auntie Lei matapos namin makarating sa bahay nila, iniisa-isa niya ang mga damit na dinala ko. Nakakunot ang noo at maarteng hinahawakan ang dulo ng mga damit ko na sa ukay lang nabili."Finally! May nakita rin akong totoong damit!" exaggerated na sambit niya nang makita ang iilang mga branded na damit na sa kaniya galing."Auntie, lahat naman 'yan tunay na damit.""Anong tunay ka diyan? Halos puro mga basahan nga ang dala mo! Anyway, don't worry. Bukas na bukas mag m-mall tayo. Ibibili kita ng maraming branded clothes–""Auntie, hindi na kailangan 'yan. Hindi ko naman kailangan ng branded cloth

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Six: Clinic

    "Kingdom Animalia is the largest kingdom based on a number or species representatives. It is also called metazoa..." Nangunot ang noo ko nang makarinig na pamilyar na nagsasalita. "Any question about Kingdom Animalia?" "None!" "Alright, proceed to the next lesson. Phylum is the name comes from the Greek term knide means nettle..." Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot doon. Unti-unti ay inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko sa desk habang nakapikit at hawak hawak pa rin ang ulo. "It refers to the nettle or stinging nematocyst in the cnidocyte of the animals tentacles..." Natigilan ako. Dahan-dahan akong napadilat at

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Seven: Familiar

    "Huwag nalang kaya tayong pumasok sa next class? Gutom pa ako, e. Gusto ko pang kumain!" nakangusong sabi ni Rachel habang iniikot-ikot ang pasta sa tinidor niya.Tahimik lang akong nakaupo sa gitna nina Ravah at Dacey habang ang apat ay nasa tapat namin. Pare-pareho silang nagmamadaling kumain habang ako ay ni isa ay wala pang nasusubo. Masiyado akong nalulunod sa mga iniisip ko.Anong nangyayari? Paanong narito ako kasama ang mga dating kaibigan ko? Panaginip lang ba ang lahat pero ang totoo ay grade nine student pa rin pala ako? Bakit at papaano?! Damn, gulong gulo na ako!Napapikit ako ng mariin.Paano kung patay na pala ako at lahat ng 'to ay hindi totoo? Ilusyon ko lang?Biglang nanlamig ang buong katawan ko.Pero kung patay na ako bakit nam

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eight: Daddy

    "I can't believe you! Tinulungan mo talaga si nerd?!" iritado pa ring tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng gate.Kanina pa siya ganiyan, tanong ng tanong at kanina pa rin ako iritang irita na sa boses niya na tinalo pa ang chipmunks!"Can you just shut up?! Sumasakit na ulo ko sa'yo," inis na sabi ko rito. Napairap siya."I'm just asking, okay? I just can't believe! Parang kahapon lang pinahiya mo pa 'yan sa flag pole ceremony tapos ngayon tinulungan mo nam–""What did you say?"Maging sila ay natigil sa paglalakad nang huminto ako at kunot-noo nang nakatingin kay Rachel."Pinahiya ko siya kahapon?" tanong ko ulit."Don't tell me, girl, hindi mo naaalala? Ano 'yan? Amnesia?" taas kilay at tila nagbibiro na t

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Nine: Slut

    The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky."Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat."Good morning señorita kong pamangkin!"Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly."A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ten: Sorry

    "What the fuck?" Sunod-sunod ang mga mura ng mga kaibigan ko.Gulat pa sa biglaang nangyari ay dahan-dahan kong tiningnan kung anong bagay ang tumama sa likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa ng basag na itlog."Ano na namang problema mo, Lucia?" inis na tanong ni Ravah.Lahat sila ay nakaharap na sa taong nasa likuran habang ako ay nakatingin pa rin sa mantsa sa likod ko. Unti-unting sumisilip ang masamang ugali sa akin pero sa huli ay mas pinili kong kumalma at hindi sugurin ang kung sinomang may pakana nito."You son of a bitch! Inagaw mo na naman sa akin ang boyfriend ko! Inggitera ka talagang malandi ka!"Mas lalong nangunot ang noo ko bago hinarap ang babaeng nagsisisigaw ngayon. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa mukha nito nang harapin ko ito ng may masamang

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eleven: Gangster

    "Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito.Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito.Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan e

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Twelve: Sweetheart

    Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras. "At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko. Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito. Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong... Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko. Natatakot. Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin. "Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amu

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29

Bab terbaru

  • Mission: Kill Jaguar   Epilogue

    Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ninety: Forgiveness

    Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Nine: White Gazebo

    "Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Eight: Shan Lei

    "Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Seven: Trevor

    "Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Six: Lucifer

    "It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Five: Long Time

    "Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Four: Die

    "Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Three: Traitor

    Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki

DMCA.com Protection Status