Home / All / Mission: Kill Jaguar / Chapter One: Knock Out

Share

Mission: Kill Jaguar
Mission: Kill Jaguar
Author: praluemn

Chapter One: Knock Out

Author: praluemn
last update Last Updated: 2021-10-09 21:48:58

Tulala kong hinintay ang bartender na ihanda ang inumin na inorder ko. Takam kong pinanood ang nakamamanghang pag-aalog-alog at paghahalo ng bartender sa mamahaling alak. Hindi na ako makapaghintay na maka-inom ulit nito. Ilang taon na rin ba ako hindi nakakainom nito? Pito? Walo? Siyam?

Natigilan ako nang makitang tapos na ang bartender at inihanda na ito sa isang tray bago ibinigay sa akin.

Sampu. Sampung taon na ako hindi nakakainom nito. Gano'n nalang ang pagningning ng mata ko nang hawakan ang makintab at itim na tray na kung saan nakalagay ang mga mamahaling baso na may mga mamahaling alak. Babies... I really miss you my babies!

"HOY!" 

Nanlaki ang mata ko at napatalon sa gulat. Muntik ko pang maitapon ang hawak-hawak na tray nang bigla nalang sumigaw itong bartender na nasa harap ko.

"Lagi ka nalang natutulala! Ibigay mo na 'yan doon sa costumer kung ayaw mong masisante!" 

Napakurap-kurap ako ng ilang beses hanggang sa nagising sa realidad at hilaw na tumawa.

"Ah! Hahahaha, o-oo! Oo, e-eto na." Hilaw na tawa ko bago maingat na iniangat ang tray at naglakad patungo sa table kung kanino mang order ito. 

Habang naglalakad patungo sa table na 'yon ay hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. Nakakatawa ka, Leanne. Mukha bang kakayanin mo pang maka-inom ng ganitong mamahaling alak? Tingnan mo nga ang sarili mo ngayon. Isa ka na lamang hamak na waitress.

"H-Here's your order, Sir," I said before carefully placing the expensive wines on their table.

"Ano 'to? Hindi naman ito ang order namin, ah?" 

Gulat akong napatingin sa lalaking mayabang ang dating at may akbay-akbay na dalawang babae sa magkabilang gilid. 

"P-Po?" tanong ko. Imposibleng magkamali ako dahil ayon ang nakasulat sa notes ko at ayon ang sinabi niya sa'kin kanina nang kunin ko ang order niya. I'm sure na De Fierro ang inorder niya! 

"Ang sabi ko hindi ito ang order ko! Palitan mo 'yan!" sigaw niya dahilan para mapatingin sa banda namin ang iilang mga costumer at waitress.

"Pero imposible pong magkamali ako dahil ito ang sinabi niyong order–" Natigilan ako nang tumayo ito at biglang hinila ang kuwelyo ko.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! O sadyang nagbibingi-bingihan ka lang?! This. Is. Not. My order!" he shouted. 

Napapikit ako sa inis habang mariing kagat-kagat ang labi. Sa isang buwan nang tagal ko sa restaurant bar na 'to nasanay na ako sa iilang costumer na masasahol ang mga ugali. Pero kahit na sanay ka na may mga pagkakataon pa rin talaga na mapuputol ang lubid ng pasensya mo. 

"Sir," kalmado kong tawag dito bago mahigpit na kinalas ang kamay niyang nakahawak sa kuwelyo ko. Pero bago pa ako makapagbitiw ng galit ay may nagsalita na.

"Anong nangyayari dito?" 

Sabay kaming napalingon kay Mrs. Bub, ang manager ng restaurant bar na ito. Nang makita niya ako ay napailing-iling na lamang siya bago tuluyang lumapit.

"Ayang waitress niyo tatanga-tanga! Maling order ang ibinigay sa akin! Hindi naman ito ang inorder ko!" 

I gritted my teeth in anger.

Tatanga-tanga? Ako?!

"What did you–"

"I'm sooo... so sorry, Sir!" Bago pa ako makasugod ay hinarangan na ako ni Mrs. Bub habang nanlalaki ang mga mata sa akin. 

"I'm very very sorry, Sir Bruno. Itong waitress kasi namin lagi talagang palpak 'to kaya pagpasensyahan niyo na. May sakit kasi sa utak kaya alam niyo na? minsan wala sa wisyo kaya ako na po ang humihingi ng tawad..." sambit ni Mrs. Bub.

Napaawang ang bibig ko habang nakaka-insultong ngumisi ang costumer sa akin nang marinig ang sinabi ni Mrs. Bub. 

Sa sobrang pagkainsulto ay napasinghap ako at napaiwas na lamang ng tingin. Ilang beses na niya akong nainsulto pero hindi naman sa ganito na... 

Damn...

"Ah, gano'n ba? May sakit sa utak... kaya naman pala." Natatawa habang umiiling na sabi ng lalaki. "Pero paano ba 'yan? Mali ang order na ibinigay niya sa'kin? Hindi ito ang alak na gusto ko." 

Halos madurog na ang ngipin ko sa sobrang pagngitngit sa galit habang tinitingnan ko ang lalaki. Alam ko ang ganitong paraan ng mga costumer. Dahil hindi pwedeng ibalik ang maling order ay kailangang ikaltas iyon sa sahod namin pero sila pa rin ang makakainom nito. 

Kaya ang ending parang nilibre ko lang sila ng alak! 

"Don't worry, Sir Bruno. Ikakaltas nalang namin sa sahod niya–"

"Mrs. Bub–" Magrereklamo palang sana ako ng putulin na nito ang sasabihin ko.

"Leanne!" galit itong humarap sa akin, "Mag sorry ka kay, Sir Bruno!" 

Mabilis na nangunot ang noo ko. "Pero Mrs. Bub sigurado po akong tama ang naibigay kong order niya." Pinilit kong maging kalmado kahit na sa loob-loob ko ay kaunti nalang ay sasabog na ako.

"Kung gano'n sinasabi mo bang nagsisinungaling lang ako para maka-libre ng alak?!" galit na namang sigaw ng costumer.

"S-Sir... please calm down. Nakakabulahaw po tayo sa ibang costumer," hilaw na ngiti na sambit ni Mrs. Bub dito.

"Bakit, hindi ho ba?" matapang na sagot ko rito dahilan ng pamumula ng mga mata niya sa galit pero dahil sa sinabi ko ay saglit siyang natigilan. 

Maya-maya ay mabilis itong kumuha ng baso at binasag iyon sa harapan namin ni Mrs. Bub.

"Ano?! Ako na nga ang na-agrabyado ako pa ang magbabayad?! Baka gusto niyong ipatumba ko 'tong bar niyo sa mga kasamahan ko?! Tawagin ko na ba President namin?!" galit na sambit nito at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa at umaktong may tatawagan.

Mabilis na hinawakan ni Mrs. Bub ang braso ko at iniharap sa lalaki. Nanlalaki man ang mata ko at gustong umapila ay mabilis na nitong hinawakan ang likod ng ulo ko at puwersahang iniyuko. 

"S-Sir! H-Hindi na kailangan! Let my w-waitress apologize and she will have to pay for the w-wrong order!" Maririnig sa tinig ni Mrs. Bub ang takot sa kung sinomang tatawagan ng lalaking ito.

Akmang tatayo ako ng tuwid nang mas lalo pang iniyuko ni Mrs. Bub ang ulo ko dahilan ng pananakit ng leeg ko. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang inis... at pagkakapahiya.

Ang lahat ng tao sa resto-bar ay nakatingin na sa amin ngayon at tila sabik na sabik sa anu'mang susunod na mangyayari. Ang iba ay nakatayo pa at tila nakiki-kantyaw pa sa lalaki na tawagin na ang President na tinutukoy nito. Ang masasamang komento naman ay napunta lahat sa akin. Kesyo bakit daw hinayaan pa ako mag trabaho dito kung may... may sayad naman daw ako sa utak. 

"Mag sorry ka na kung ayaw mong masisante kita," mariin na bulong sa akin ni Mrs. Bub. 

Napalunok ako. May kung anong bukol na ang bumabara sa lalamunan ko kasabay ng mga nagbabadyang luha sa mata ko. 

Bakit...

Bakit kailangan kong humantong sa ganito? 

Dati naman hindi ko nararanasan ang mga bagay na 'to, ah? Sa katunayan nga ay ako pa ang gumagawa noon ng ginagawa ng lalaking ito sa akin ngayon. Kaya paanong...

"S-Sorry... S-Sir," mahinang sambit ko. 

Is this my punishment for all the bad things I did before?

Tumawa ng malakas ang lalaki na sinabayan ng dalawang babae na kasama niya na kanina pa nakaupo lang at ngising pinapanood kami. 

"Ano? Anong sabi mo? Hindi ko narinig," nanunuyang tanong nito.

Nanatili akong nakayuko habang ang mga mata ay nanlilisik na sa sobrang galit sa lalaking ito. Sa kabila ng panlilisik ng mata ko ay naroon ang mga traydor kong luha na tuluyan ng nagpakita at nahulog sa sahig. 

"Hey, pinaiyak mo naman hon, e..." malanding sambit ng isa sa mga kasama niyang babae. Sabay-sabay silang nagtawanan. 

"Ano na? Ulitin mo at hindi ko kamo narinig!" sigaw nito. 

Inis akong suminghot bago mas nilakasan ang boses kumpara sa kanina.

"I-Im sorry, Sir."

"Hmm..." nanunuyang sambit nito habang nakayuko pa rin ako. 

Lumapit ito sa akin at marahang hinawakan ang baba ko upang magtama ang paningin namin. Kitang kita ko ang naghalong pangungutya at tuwa sa mata niya habang ang tubigang mata ko ay namumula na sa galit. Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko.

"Luhod," he said with a devilish smile plastered on his face.

What?!

Pero bago pa ako makapag protesta ay malakas na sinipa ni Mrs. Bub ang likod ng tuhod ko dahilan nang pagkakaluhod ng isang tuhod ko. 

"Ayon!" tuwang tuwang sabi ng lalaki. 

Nagsimula nang manginig ang balikat ko. Maging ang labi ko ay kumikibot na rin. Kinagat ko ito upang pigilan ang mahinang paghikbi pero wala rin itong silbi dahil kahit anong gawin ko ay kumawala pa rin ang hikbi ko. 

Never in my life have I knelt for someone. No matter how much I owe you, I will never kneel even if you tell me to kneel so that you can forgive me.

Don't you want to forgive me? Fine! I. Don't. Fvcking. Care.

But this? Dahil sa maling order na alam ko namang tama talaga?! Para lang mapatawad niya ako sa hindi ko naman kasalanan?! 

"Say sorry, masteeer..." mapaglaro ang tonong sambit niya sabay halakhak. 

Mas nagliyab ang galit na nararamdaman ko pero anong magagawa ng galit ko kung kapalit nito ay ang pagkaka-sesante ko na naman sa trabaho? 

No... hindi pwedeng masisante ulit ako. Nakailang palit na ako ng trabaho dahil sa pagkaka-sisante ng paulit-ulit. Pasang-awa na nga lang ako rito dahil kung hindi pa ako nagmakaawa kay Mrs. Bub ay hindi niya ako pagtatrabahuin dito. Napapagod na ako..

Pero hindi, Leanne. Hindi ka pwedeng mapagod! Hindi ako pwedeng mapagod! Kailangan ako ni mommy. Kailangan namin 'tong trabaho ko. Kailangan ko 'tong trabaho ko. 

Alalahanin mo na hindi na ikaw ang dating Leanne ten years ago. Ikaw na 'to ngayon. Walang patutunguhan ang pride. Wala ng maipagmamalaki dahil ngayon? Isang hamak na waitress ka na lamang. At bilang waitress kailangan mong magpakababa sa costumer mo kahit na hindi mo pa mali. 

Napapikit ako ng mariin matapos paalalahanan ang sarili ko. Malalim akong bumuntong-hininga, napalunok bago dahan-dahang iniluhod ang isa kong tuhod. Handa ng magpakababa nang biglang may humugot sa braso ko at mabilis na pinatayo ako. 

"Hoy hoy hoy, Bruno."

Nagugulat kong nilingon ang lalaking katabi ko at nakahawak pa rin sa braso ko.

"B-Baron!" Tila bigla naman natakot ang lalaking kanina lang ay tuwang tuwa sa pagpapahiya sa akin.

Baron? 

I looked again to the man's beside me.

He was tall and muscular. He had long wavy and pitch black hair that did not exceed his shoulders. His eyes were also very sharp and very dark but his lips were playfully smiling. He was wearing black pants and a black polo with two buttons open so his beautiful chest was peeking out. He had a wild aura caused by the sudden noise of the women in the resto-bar.

"Sino ka ba para luhuran ng magandang babaeng ito?" nakangising tanong nito sa Bruno. Even his baritone voice is playful but... sexy.

"P-Pinags-sorry ko lang naman–"

"Why are you abusing a weak and fragile woman?"

Kinakabahang napalunok si Bruno at tila natahi ang bibig.

"Don't make me,"  he said in a dangerous warning tone habang papalapit sa lalaki, "Ask you twice." His voice boomed with finality as he whispered it on his ears pero rinig na rinig ko sa pwesto ko.

Ngumisi si Baron. "May number ka ng President? Tawagan mo nga. Kanina pa namin hinihintay dito," sambit niya tila hinahamon ang lalaking biglang nawalan ng yabang.

"A-Ah ano... l-lowbat na! L-lowbat na yung cellphone ko. P-Pasensiya na, B-Baron," uutal-utal na sagot nung Bruno.

Matunog na ngumisi si Baron.

"Sinungaling." Wala na ang ngisi nang sabihin niya iyon bago malakas na sinuntok ang lalaki. 

"O-Oh my! Sir! Sir! Please calm down!" natatarantang sigaw ni Mrs. Bub na natatakot ding umawat sa dalawa.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Bruno!" sambit pa nito sabay halakhak na para bang nag-eenjoy pa sa pagsuntok sa lalaki. 

Wala man lang ni isa ang lumapit upang umawat. Ang lahat ay halos laglag pangang pinapanood si Baron na suntukin yung Bruno na tila takot na takot at nagpapaubaya nalang na masuntok. Walang planong lumaban kahit na mukhang kaya naman niyang suntukin pabalik si Baron. 

"T-Tama na!" sigaw ko nang makitang dumudura na ng dugo yung Bruno. 

"Jusko maryosep! Anong gagawin ko!" ani Mrs. Bub na halos maiyak dahil hindi alam ang gagawin.

Kahit na pilit umaawat ay hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napaatras ako nang makitang may dugo nang tumalsik mula sa ilong nung Bruno hanggang sa pumikit na ito at tila wala ng malay.

"K.O!"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
felycianaaa
may pa-luhod luhod ka pa, knock out ka naman pala
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Two: Riot

    "K.O!"Ang lahat ay napatingin sa matangkad at payat na lalaki na kulay blonde ang buhok. Nasa isang mesa ito hindi kalayuan na hula ko ay kanina pa nanonood sa amin.Tumatawa siyang lumapit sa direksyon namin habang sa likod niya ay ang isa ring matangkad na lalaki, nakapamulsa habang malamig ang tingin kay Baron na nakangising nakatayo na habang pinupunasan ang iilang dugo ng lalaki na tumalsik sa mukha niya.Sa hindi malamang dahilan ay nanginig ang tuhod ko dahilan ng pag-atras ko nang makalapit na sila sa amin."Gago ka talaga, Baron! Wala pa nga si bossing, nakikipagpatayan ka na!" sabay halakhak ng blonde guy habang akbay-akbay si Baron sa leeg. Tinawanan lang siya ni Baron bago pabirong sinuntok sa tiyan."Baka gusto mong ikaw patayin ko," Baron said.

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Three: Mommy

    "Kaninang pasado alas kuwatro ng hapon ay nagkagulo dito sa Quiapo. Nagkalat ang mga basag na bote, kutsilyo at kung ano ano pang mga patalim. Ang sabi ng mga nakasaksi ay grupo ng mga lalaki ang may gawa nito, mga naka-itim at pula na pinaghihinalaang riot ang nangyari. Sa kabilang dako ay mabilis na nakalayo ang karamihan sa gulo ngunit sa kasamaang palad ay may limang nasugatan habang may isa namang binawian ng buhay," sambit ng babaeng reporter.Dahan-dahan akong lumapit sa tindahang iyon. Sa likod ng reporter ay ang mga nagkalat na mga basag na bote at patalim. May iilang mga ambulance habang may iilan ding kotse ng mga pulis."Quiapo?" wala sa sarili kong sambit.Mabilis akong sumilong sa bubong ng katabing tindahan bago hinagilap ang cellphone sa bag. Kanina lang ay nag text sa akin si Mommy. Pupunta daw siyang Quiapo para bumili ng gamot kahit na sinabi ko naman na ako na.Mabilis kong kinuha ang cel

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Four: Demons

    "Leanne, kumain ka muna..."Nanatili akong nakaupo sa sahig, sa gilid ng kuwarto ni Mommy. Tahimik at tulala sa kawalan habang yakap yakap ang malaking picture ni Mommy. Tatlong araw na ang lumipas simula nang ilibing siya. Mula noon ay hindi pa ako nakakakain, wala rin ni isa sa kanila ang kinakausap ko. Pilit man akong pilitin nina auntie na kumain ay wala rin silang magawa."Leanne," tawag muli ni Leo nang hindi ako sumagot.Mapait akong ngumiti. "Leo."Napaayos siya ng tayo sa gilid ng pintuan nang sa wakas ay nakipag-usap na rin ako. Mabagal akong tumingin sa kaniya, nanghihina dahil ilang araw nang hindi kumakain at puro iyak lang ang ginawa."Gano'n na ba kalaki ang kasalanan ko... para parusahan Niya ako ng ganito?" tanong ko na may ngiti pa rin sa labi.

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Five: Die

    "Eto na lahat ng damit mo? Asan na yung mga binibigay ko sa'yong mga branded na damit kapag binibisita ko kayo ni Lea? Bakit mukhang halos basahan naman 'tong mga 'to?"Sunod-sunod ang naging tanong ni auntie Lei matapos namin makarating sa bahay nila, iniisa-isa niya ang mga damit na dinala ko. Nakakunot ang noo at maarteng hinahawakan ang dulo ng mga damit ko na sa ukay lang nabili."Finally! May nakita rin akong totoong damit!" exaggerated na sambit niya nang makita ang iilang mga branded na damit na sa kaniya galing."Auntie, lahat naman 'yan tunay na damit.""Anong tunay ka diyan? Halos puro mga basahan nga ang dala mo! Anyway, don't worry. Bukas na bukas mag m-mall tayo. Ibibili kita ng maraming branded clothes–""Auntie, hindi na kailangan 'yan. Hindi ko naman kailangan ng branded cloth

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Six: Clinic

    "Kingdom Animalia is the largest kingdom based on a number or species representatives. It is also called metazoa..." Nangunot ang noo ko nang makarinig na pamilyar na nagsasalita. "Any question about Kingdom Animalia?" "None!" "Alright, proceed to the next lesson. Phylum is the name comes from the Greek term knide means nettle..." Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot doon. Unti-unti ay inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko sa desk habang nakapikit at hawak hawak pa rin ang ulo. "It refers to the nettle or stinging nematocyst in the cnidocyte of the animals tentacles..." Natigilan ako. Dahan-dahan akong napadilat at

    Last Updated : 2021-10-21
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Seven: Familiar

    "Huwag nalang kaya tayong pumasok sa next class? Gutom pa ako, e. Gusto ko pang kumain!" nakangusong sabi ni Rachel habang iniikot-ikot ang pasta sa tinidor niya.Tahimik lang akong nakaupo sa gitna nina Ravah at Dacey habang ang apat ay nasa tapat namin. Pare-pareho silang nagmamadaling kumain habang ako ay ni isa ay wala pang nasusubo. Masiyado akong nalulunod sa mga iniisip ko.Anong nangyayari? Paanong narito ako kasama ang mga dating kaibigan ko? Panaginip lang ba ang lahat pero ang totoo ay grade nine student pa rin pala ako? Bakit at papaano?! Damn, gulong gulo na ako!Napapikit ako ng mariin.Paano kung patay na pala ako at lahat ng 'to ay hindi totoo? Ilusyon ko lang?Biglang nanlamig ang buong katawan ko.Pero kung patay na ako bakit nam

    Last Updated : 2021-11-20
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eight: Daddy

    "I can't believe you! Tinulungan mo talaga si nerd?!" iritado pa ring tanong ni Rachel habang naglalakad na kami palabas ng gate.Kanina pa siya ganiyan, tanong ng tanong at kanina pa rin ako iritang irita na sa boses niya na tinalo pa ang chipmunks!"Can you just shut up?! Sumasakit na ulo ko sa'yo," inis na sabi ko rito. Napairap siya."I'm just asking, okay? I just can't believe! Parang kahapon lang pinahiya mo pa 'yan sa flag pole ceremony tapos ngayon tinulungan mo nam–""What did you say?"Maging sila ay natigil sa paglalakad nang huminto ako at kunot-noo nang nakatingin kay Rachel."Pinahiya ko siya kahapon?" tanong ko ulit."Don't tell me, girl, hindi mo naaalala? Ano 'yan? Amnesia?" taas kilay at tila nagbibiro na t

    Last Updated : 2021-11-20
  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Nine: Slut

    The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky."Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat."Good morning señorita kong pamangkin!"Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly."A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit

    Last Updated : 2021-11-21

Latest chapter

  • Mission: Kill Jaguar   Epilogue

    Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Ninety: Forgiveness

    Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Nine: White Gazebo

    "Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Eight: Shan Lei

    "Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Seven: Trevor

    "Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Six: Lucifer

    "It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Five: Long Time

    "Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Four: Die

    "Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.

  • Mission: Kill Jaguar   Chapter Eighty-Three: Traitor

    Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki

DMCA.com Protection Status