Home / Romance / Masked Affliction / Chapter 1: Card

Share

Masked Affliction
Masked Affliction
Author: penlessphantom

Chapter 1: Card

last update Last Updated: 2021-04-28 21:40:31

Inayos ko ang tassel earrings sa tenga ko. I put on the last thing I haven't applied yet to put color on my pale face. Ang may kaputlaan kong labi ay nabigyan kahit papaano ng kulay pagkatapos kong lagyan ng pulang lipstick ang labi. I sprayed ounce of perfume on my neck, collar bone, wrist and at the back of my ears. Vanilla scent played inside the four-cornered room as I swayed gracefully in front of the mirror. Huling pasada, nang makuntento sa itsura ay lumabas ako ng kuwarto.

Ngayon magaganap ang pinakahihintay kong grant art exhibit. This was so special for me because this was a special event only for myself after all the hardworks and efforts I'd spent to prepare. Matagal ko nang pinangarap mangyari ang lahat ng ito, ngayon ay narito na.

Abala nang makarating sa venue ang mga tauhan. My assistant was instructing huge and tall guys where to put my art canvas. Lahat ay maingat na maingat sa ginagawa, natatakot na makasira ng mga ipininta ko. They were all sealed in a fragile frames. Ang iba ay nasa canvas pa at sa mga stand iyon nakalagay hindi gaya ng mga nasa babasagin na nasa itaas na. Some were bought by the museum and I donated the money I earned to any charities.

When I was still in the art school, I joined a contest. It's a competition within Europe and I won the largest prize. That was the starting point of my career as an artist. Afterwards, I started earning the trust of the people and my credibility as an artist had escalated greatly.

Paris' museums and art exhibits acknowledged me and my skills that I would be given invitations during events. Hindi palagi ngunit paunti-unti naman ang pagsibol ng career ko. It seemed long because a lot of things had happened but it was only within a year and months. I was called the fastest rising artist.

Simula nang namamayagpag ang pangalan ko ay hindi na iyon mawala-wala sa mga exhibits. I am notably acknowledged also by the young, old and noble artists. Hindi ko inakala na ang iilang sikat na artists na tinitingala ko noon ay makikilala ako bilang artist gaya nila. It warmed my heart whenever they acknowledge my works.

I came to question myself at the very moment. Sino nga ba ako? I was that girl who came from an accident, experienced a rollercoaster ride in life full of revelations and then it drag me to this. Kung iisipin ay parang masamang panaginip lamang ang mga iyon ngunit hindi ko iyon magawang isiksik sa isipan ko. Afterall, all those things happened in my life to make me a greater person. I am who I am today because of those nightmares.

Afterall, everything happens for a reason.

I have always wondered... If that weren't to happen, will I be in this position? Siguro hindi? Baka naging architect ako at hindi magiging masyadong masaya. Afterall, this being an architect wasn't what I wanted for myself. I just aimed on that circle to have a goal that was socially accepted by everyone. Artist don't have a free space in this world despite their crafty minds.

But I might be able to love it or probably, I will be able to get out of the box I cage myself in. If he were to know how I felt about it, he would do something.

I laughed at the thought. No matter what thoughts I will think of, he always have his ways inside my mind and heart. Kailanman, hindi siya nawala rito. Makalipas man ang halos tatlong taon, siya pa rin...

The exhibit started. Gaya ng inaasahan ay successful ang naging event. I am so grateful that since now and then, they have always appreciated my masterpiece. Mayroong iba na binibili ang mga paintings ko. Ang iba ay hindi ko ipinagbibili dahil mahalaga sa akin kaya nadidismaya ang iba pero nakakahanap naman ng iba pang nagustuhang bilhin kaya ipinaubaya ko na.

Good though. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nabigo ako sa event na ito. I spend a lot of time painting those to be the apple of the audiences' eyes. Ang ilan ay luma na at mga hindi ko talaga ipinagbibili kaya nai-display ko sa exhibit. Marami-rami rin ang bago rito kaya nasa mga tatlo o mahigit pang buwan ko iyong iniayos.

Magiging ano ako kung sakali mang nanatili ako roon? I'll be a fool of myself. I'll watch how they will shower each other love. I'll watch how they will grow fond of each other. I'll have to endure every kisses and sweet whispers they'll share. I'll have to endure the pain of having my heart broken until it will kill me slowly.

Kung masasaktan man ako, iyong malayo at hindi nila nalalaman at nakikita. I won't give them the satisfaction of seeing me hurt because of them. Ayos lang na masaktan ako pero hindi ako papayag na makita nila iyon. I am miles far from them. The situation was year away from now but still I am hurting. The pain was still there like it only happened yesterday.

Why do we have to sacrifice for the need of other people? Hindi ba puwedeng ako naman? Hindi ba puwedeng ako naman ang maging masaya at mamaya na sila? O puwedeng sabay na lang kaming maging masaya? But how can we both be happy at the same time when we are battling for the same happiness? For the same person that makes us feel loved, alive and happy? Sino ang magsasakripisyo? S'yempre ako...

Selfish ba iyong ginawa ko? Nagsakripisyo naman ako ah? Nasaktan din naman ako sa desisyong ginawa ko. Selfish ba iyon kung tatawagin o pagiging selfless? Siguro depende kung kaninong sitwasyon ang inaapakan ko. It's a sacrifice for me but it will be selfishness for other people.

"You look so distressed, darling. Successful naman ang event mo, ah?"

Umiling ako at ngumiwi. Naupo ako sa isang upuan at hinubad sa nananakit na mga paa ang high heels. She pursed her lips while watching my every move. Ipinagdikit niya ang palad at nagpukol ng mapanlarong titig sa akin.

"Havannah...pagbabanta ko sa kaniya sa anumang lalabas ng bibig niya.

"What? I am just going to ask. Naaalala mo na naman ang ex-lover mo? Sa tuwing event mo na lang siyang binabalikan kaya imbis na maging masaya ka ay umuuwi kang malungkot."

Pagod akong bumuntong hininga at umiling na lang sa kawalang salita.

"I'm just tired."

"Okay..." umirap ito sa akin at kumagat sa mansanas na kinakain. She stared at me with disbelief, still shaking her head like she's disappointed of me or something.

Hindi ko na lamang siya pinansin. Pagkatapos mailagay sa lalagyan ang suot na heels ay nakapaa akong umakyat ng kuwarto. The coldness of the tiled-floor spread onto the flat of my feet as I sashayed quietly towards my room.

Gusto ko mang matulog ngunit nanlalagkit na ang katawan ko. Hindi naman ako masyadong pinagpapawisan sa event dahil nakatodo naman ang air-conditioner sa loob ng venue at hindi naman mainit sa Paris. It's already December where Paris usually rains or was snowing. Masarap naman talaga ang panahon at wala namang masyadong nakakapagod sa ginagawa. Only that I feel so tired and giddy for unknown reason that I wanna feel the coldness of the water on my body. Gusto kong lunurin ang sarili sa lamig.

Doing my night routine every after a successful celebration, I celebrated my successful event inside the bathroom, naked inside the bathtub. Only the bubbles and the rose petals covered my body aside from the water wrapping around me. Hawak sa kamay ang isang wine glass, I brought it on my lips. Nilagok ko ang wine na laman nito. The overlooking city lights in the country made my night look more magical.

Madalas hilig ng mga tao ang titigan ang Eiffel Tower dahil ito naman ang sikat na tourist spot dito. Lalo na sa mga galing sa Pilipinas. Hindi mawawala sa travel list nila ang Paris upang masilayan ang Eiffel Tower. Masuwerte ako at harap-harapan kong nakikita ang Eiffel Tower. Sa sobrang dalas ko itong makita ay nagsasawa na rin ako katitingin.

Dati nang nagpunta rito ay una kong iniisip ang makita itong Eiffel Tower. I loved Eiffel Tower too but the glimpse of the city lights in the night always gives shivers down to my spine. Gabi-gabi mang nasisilayan ay hindi ako nawalan ng kagustuhang titigan ang nagkikinangang ilaw sa gitna ng gabi.

It has reminded me of him in every unusual way. But instead of hating it, I loved it in any way. I missed him. I missed him despite the pain our love for each other had inflicted me. The night always reminds me of him. Mysterious and dark but it always made me feel at ease and at home. And the city lights had its own amazing ways of reminding me of his eyes. It glimmers with vigor and ruthlessness in a very inequitably manner that had always made me long for him.

Marahan ang pagpapatakbo ni Papa sa sasakyan namin. Sumasabay kaming tatlo nina Mama sa pagkanta habang nakikinig ng musika sa stereo. Nilingon ako ni Mama sa likuran upang ibigay ang pinapabukas ko sa kaniyang plastic ng biscuit.

"Oh, anak. Huwag magkalat sa sasakyan, ha?" sabi niya sa akin na para bang pinapaalam na maging maingat sa sasakyan dahil hindi namin ito pag-aari. I was a child back then, I couldn't understand it even the poverty we had experience. Hindi rin naman nila sa akin iyon pinaramdam, as much as possible, they provide for me.

She wiped my face with the towel she had with her before facing the road.

Paalis kami ngayon nina Mama at Papa sa ibang lugar sa hindi ko malamang dahilan. Aalis kami dahil daw mapanganib sa amin ang syudad, may mga masasamang taong gusto kaming saktan. Hindi ko naman alam kung anong panganib iyon at ang bata kong isip ay hindi na naging kuryuso pa dahil alam kong hindi ko rin naman mauunawaan.

Now that we were going to stay away from this place, I thought that maybe there will be no danger anymore. Masaya ako at sabik sa pag-alis. I only cared about what I feel. I was a kid back then and blinded by ignorance, not seeing the emotions my parents was probably feeling that time. Hindi ko alam na totoo pa lang may panganib at sa plano nilang paglayo ay hindi na iyon nangyari pa.

That was the last time I ever saw my parents. Dahil sa kasunod na pagmulat ko ng mga mata, ibang mga tao na ang mga nadatnan ko.

Sina mama Camille at papa Randy... Ilang ulit kong tinatanong sa sarili kung bakit humantong sa ganoon ang mga nangyari. They could be one of the proudest people in my life and I would be grateful seeing their proud smiles for me.

Bumagsak ang hawak ko na wine glass. The long screeching sound from the glass brought me back to reality. Ang laman na pulang likido noon ay kumalat sa sahig na parang dugo. I panicked after having a sight of it. It reminds me of the very nightmare I was trying to forget but can't. Wala mang saplot ay tumayo ako mula sa bathtub at naghanap ng panligpit ng mga basag na kristal.

Naipikit ko ang mga mata at sa nanginginig na mga kamay ay nasapo ang noo. I leaned on the cold wall. Ang lamig noon ay nanunuot sa hubad kong katawan. I hugged myself, imagining it was his arms hugging me and caressing me in any way that could console my panicking and lonely insides.

Halos tinanghali ako nang makarating sa set ko. Naglilinis na ang mga tauhan ko noong mga gamit ko at ang mga art canvas ko na bago at walang laman ay nagkalat na sa sahig. Iyong mga paintings ko naman ay may pinaglalagyan akong isang kwarto para doon na ang lahat.

I entered the room and checked if everything was properly arranged. Sinigurado kong hindi magkahiwa-hiwalay at maayos ang pagkakalagay. Nag-utos pa ako ng mga tauhan ko para ayusin ang pagkakaligpit dahil baka may masira o mabasag na naka-frames.

My assistant approached me, as usual with a planner and paper holder in her arm. Ibinigay niya sa akin ang isang envelope na kulay golden brown bago itulak sa kaniyang mata ang nahuhulog na salamin.

"It is an offer from the Philippines, Miss Saltina." Namilog ang bibig ko at naging interesado sa sasabihin nito. This is my first time being invited in the Philippines. "They are inviting you for an arts exhibit and hoping you would send one or more of your art pieces."

"When will the exhibit happen? Venue?" tanong ko, hindi na nag-abalang magbukas ng envelope. Isinilid ko lang iyon sa hawak kong puting purse.

"That will be next week, Mademoiselle. Days before Christmas. The exhibit will be held at The Manila Hotel. Event will start at 8PM."

"Bien. Send them an email that I am accepting the invite. I will be sending two on the canvas. Envoyez-le dès que possible."

"Okay, Mademoiselle..."

Tumango ako at iwinasiwas na ang kamay, completely dismissing my assistant. She bowed her head at me for courtesy before walking out.

I sent two of my abstract paintings in the Philippines. Sa makalawa ay ako naman ang lumuwas. This will be my first time visiting Philippines once again. If this will just be a visit for necessity.

I wore a white satin tube paired with plain maroon squarepants. The pearls on my neck perfectly fitted on my long neck and it defined my shoulder blades more perfectly. Nakapulupot sa itaas ng ulo ko ang buhok kaya kitang-kita kung paano nito nadedepina ang bandang balikat at dibdib ko.

Pinaulanan ako ng puri nang magawi sa mga gawa ko. I never thought they would recognize me here in the Philippines. I thought I am only known in Paris and some part in Europe but I never thought people who were into arts knows me here in my hometown.

"Are you staying here for good? Alam kong naging mabuti na ang ganap mo roon sa France pero hindi mo ba nami-miss ang Pilipinas?"

"I'll think of that, Madame. Siguro ay magiging madalas ang pagbisita ko rito kapag bumalik nga ako sa Pilipinas."

"How about your parents? Hindi ba ay narito sila? Won't you stay with them?"

Umiling ako. Hindi kailanman iyon pumasok sa isipan ko.

"In case I'll stay here longer, I will just stay in a hotel or stay in one of my friends' house. Bumibisita rin naman po sila madalas sa ibang bansa ngunit salitan."

Tumango siya, naiintindihan ang pinupunto ko.

Mom and Dad sometimes visited me there. Noong umalis ako ay hindi ko tinapos ang kurso at pumasok sa arts school doon sa Paris. Pinapadalhan lang nila ako ng pera at binibisita ako ng salitan. Pero madalas, si Daddy ang bumibisita sa akin at si Kuya.

"Very well, hija... Let's take a picture together? I am so pleased to meet you in person. I am only seeing your arts in videos, magazines and pictures but seeing it in flesh in front of me..." umiling siya, kumislap ang kakaibang tuwa sa mata. "I am buying this painting, hija. Reserve this for me, okay?"

Kinuhanan kami ng picture ng photographer saglit. Ilang shots pa bago nagpaalam si Madame para i-process ang bayad niya sa biniling painting ko.

"I am buying this."

"This is already sold, Sir..." nabitin sa ere ang boses ko.

Halos manginig ako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang taong kaharap. Wearing a black suit and having his black hair perfectly arranged on his crown and forehead, he looks dashing. Napalunok ako at kinalma ang sarili nang mag-angat ng tingin si Ford.

"By whom?"

"Madame Matilda," sagot ko, tinatatagan ang boses.

"You do not have anything else to offer? You only have two of your artworks and they are all sold."

"Puwede kang sa iba na lang bumili. Marami ang display nila at magaganda-"

"But I like yours..." putol niya sa akin. Dumiin ang titig niya sa akin, ramdam kong nanunusok iyon hanggang sa kaluluwa ko. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. He stared at me as if devouring me alive before clearing his throat.

"Well... If I can't buy anything now, then I'll just buy another from your other artworks."

"Nasa Paris silang lahat." Mabilis kong sagot para matapos na ang lahat. Bakit ba siya namimilit? Marami namang artworks dito na puwede niyang isabit sa bahay nila!

Napataas ang kaniyang kilay, arogante at parang naiinsulto pa sa mabilisan kong sagot. Kung siya naman ang nagpapakita ng ganiyang tingin, parang ako pa ang iniinsulto!

"Who says I'm buying your artworks from Paris? I want new, Miss Saltina. Iyong bagong gawa at dito mismo sa Pilipinas ginawa."

Nangunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? Na kailangan manatili ako sa Pilipinas ng ilang araw o linggo para pagbigyan lang siya sa gusto niyang artworks? Bakit kailangan pa na sa Pilipinas? At bakit ko naman siya pag-aaksayahan ng oras? Sino ba siya sa inaakala niya?

"I want to offer you a job to do. Wala ka naman sigurong pagkakaabalahan sa buong taon? I heard, you haven't got any scheduled invitations for this year."

"M-Meron!" Mabilis kong sagot sa kaba. Wala pa nga pero baka magkakaroon! Hindi ko na naisip pa na mangyayari ito kaya nagagawa na ag lahat at ang maaaring mga sabihin para lamang makaiwas. I never expected he was some kind of guy who's into art! "Pero... p-puwede pa rin naman akong tumanggap ng invitation kapag may... pahabol," kapos hiningang pagsisinungaling ko.

I need money of my own!

"Then take this as an invitation. You'll be my artist for the arts exhibit and auction. I am funding for the kids who have cancers. I'll buy all your artworks and fund an exhibit and auction for it. And don't worry. I am not using your talent for nothing. Ang pera mapupunta, s'yempre, sa charity."

"What benefits I could gain if I accept your offer, Mr. Chua?"

"You will gain more recognition in the Philippines. The event will be aired in the national TV by FNC Corporation. Many artists will attend in this event to participate for the charity I am funding. At makakatulong ka rin sa mga batang walang mga magulang at may sakit."

Natahimik ako, hindi alam ang sasabihin. Wala naman akong pakealam sa recognition na makukuha ko, lalo na popularidad. I’ve already gain a lot in other countries, it won’t hurt if people from my homeland won’t recognize who I am. But his objective for this had taken be aback. He really knows what softens my heart. He knows I have a soft spot for these children. Parang alam na alam niyang hindi na ako makakatanggi at kahit ilang beses mang subukang umiwas ay mapapapayag niya rin sa huli.

Kalmadong-kalmado siya sa paglalahad ng offer niya sa akin at nakapamulsa pa na parang wala lang sa kaniya ang lahat! While here I am, struggling how to stand straight in front of him. Struggling, fishing the right words out of my mind.

Lahat ay tila naging bula sa paningin ko nang magtama ang paningin namin ni Ford. He was the only one I could see, standing firm and stern in front of me. One of his brows shot up waiting for my decisions as if they were mocking me. He knows I am soft for the children. And he knows what effect he can inflict on me!

Nakalimutan na kaya niya ako? If he could pull this stunt easily and so calm, then he probably did already! Kung ganoon, hindi ko dapat ipakita sa kaniya na apektado pa rin ako!

Nagtaas ako ng noo. Bigla-bigla ay nagbago ang ipinakita sa kaniya. Nanginginig at nanlalamig man ang buong katawan, ginawa ko ang lahat upang itago ang pakiramdam ng puso. My heart was beating so bad like it wanted to get out of the cage and jump into him. Despite that, I managed to give him a mischievous smile.

"Email me." Ibinigay ko sa kaniya ang card kung saan nakalagay ang email at contact number ko. "I'll think about it, Mr. Chua."

Related chapters

  • Masked Affliction   Chapter 2: Moonlight

    Usok ang una kong namataan pagkamulat ng dalawang mga mata. I coughed painfully when I smelled the toxic smoke from an engine. I felt a hot sticky fluid rolled down my cheeks and some coated a part of my forehead. Sumasakit ang katawan ko at tanging daing lamang ang naririnig sa sarili habang sinusubukang gumapang papalabas ng isang nakataob na sasakyan. "May bata sa ilalim!" Naghiyawan ang mga natatarantang mga tao na pumapalibot sa sasakyan. My head went dizzy and everyone around me seemed to be fading away. I only heard the faint sound of an ambulance and the sound of the panicking people before I felt a huge hand encircling my small fragile frame.Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan kahit pa noong inilagay na ako sa bahay ampuna

    Last Updated : 2021-04-28
  • Masked Affliction   Chapter 3: Eyes

    I took scholarship examination in Chua High School and Colleges that summer. I spent the Summer earning money by selling halo-halo to our place. Wala pa kasi ang result ng kinuha kong exam at lalabas pa sa katapusan ng May. If I may not be able to pass it, then I will just continue studying in my former school. Kapag nakapasa naman ay magkakaroon ako ng formal enrollment. I wanted so much to be in that school so I studied hard the day before the scholarship examination. Naghanap ako ng mga coverage na madalas ilabas nila sa examination. Kadalasan doon ay mga lesson na na-take na namin sa mga naunang year. May mga bago ring lesson at kumuha na lang ako ng mga PDF files and google drive para mapag-aralan.

    Last Updated : 2021-04-28
  • Masked Affliction   Chapter 4: Scars

    The whole week of class was just all about the rules and the school. Second day, we had the usual routine where the teacher introduces themselves and we had to do the same thing.May subjects na rin na kaklase ko si Athelia at sa kasamaang palad, marami ring subjects na kaklase ko iyong si Ford. There were even subjects that Ena and his were in the same class! The horrified look on Ena's face were remnants in my mind. Si Athelia naman nang malaman iyon ay halos isumpa na ang buong angkan namin dahil hindi namin siya naging kaklase roon.During Friday, we only had one subject. It was PE day for the whole 9am up to 12pm. May kaunting break time naman daw gaya ng in-orient sa amin ng teacher namin pero thirty minutes lang, saktong pang-recess. Since we only have our first week then, it only happened to had orientation about the subjec

    Last Updated : 2021-04-28
  • Masked Affliction   Chapter 5: Offended

    We had our club hopping for two days where we had to choose which club we'll be in. Dalawa ang pipiliin namin, ang isa ay para sa academic club at ang isa ay para sa creative club.Few had to choose for the creative side, nahihirapan pa dahil wala namang skills sa area na iyon at more on academics lang. Athletes need not to worry about choosing because they were already in sports club so as the journalists who were in actibo writing.I planned on joining the arts club where my potential lies.Nagsusulat pa man lang ako ng pangalan ay excited na ako. We were making line outside the art room before the old club member decided to let us in.Naroroon ang teacher na major in arts and d

    Last Updated : 2021-05-15
  • Masked Affliction   Chapter 6: Language

    We already started formal classes during the next weeks. Ordinary schedule na rin dahil tapos na ang clubbings. Tuwing Friday naman naipapasok namin ang schedule namin para sa club dahil morning-afternoon schedule naman ang ganap. The students with morning schedule will attend the club during afternoon until 3pm and those who are in afternoon schedule will start 9am until 11am because their PE classes will start on 12am. Tinapik-tapik ko ang hawak na ballpen sa mesa nang magsalitang muli ang teacher namin. Nagtaas siya ng kamay na para bang nag-eencourage ng students para sumagot sa magiging tanong niya. The chalk was dusting her fingers as she held it tightly in between her thumb and index finger. "How do you think technology can affect your active lifestyle?" Iginala niya ang paningin. Nagsiyukuan ang iba kong mga kaklase para magpatuloy pa rin sa pagsusulat. Or maybe to avoid being called to answer. Sumandal lamang ako sa upuan dahil naghihintay lang ng maidadagdag sa notebook

    Last Updated : 2021-05-26
  • Masked Affliction   Chapter 7: Cousin

    Nanatili siya sa pag-upo sa itaas ng desk ko at binabalanse lamang ang sarili ng mga paa. Nakatukod ang mga iyon nang mariin sa inuupuan ko. Pakiramdam ko ay kapag tatayo ako, magiging dahilan iyon upang bumagsak siya sa gumagalaw na desk. The thought that Ford can make that desk go wobble, girls were seemingly like that towards him too. Sakali mang tatayo ako mula sa pagkakaupo at mawalan ng balanse ang kaniyang pag-upo, babagsak talaga siya. Parang buong-buo pa ang tiwala niyang hindi ko siya hahayaang mahulog mula roon dahil nakatodo ang bigat niya sa pag-upo.Tinaasan niya ako ng kilay. He's demanding me to get on our discussion for our reporting. Tinaasan ko rin siya ng kilay, I see to it that mine was higher. Ipinagkrus ko ang braso, hindi na naisip magpatalo sa pagiging arogante niya. Itinaas ko pa ang isang paa at ipinatong sa binti niya. He was not even su

    Last Updated : 2021-06-08
  • Masked Affliction   Chapter 8: Little

    I was invited over a dinner with Ford's family but I refused to. Bukod sa nakakahiya ay gusto ko ng umuwi para may kasama si Nanay sa bahay. They're probably still in the karinderya serving our customers or probably keeping the tables clean there. Marahil kapag tapos na sila ngayon ay naghihintay na si Nanay sa akin doon at baka hindi pa kumakain. Matigas pa naman ang ulo no'n."Pasensiya na po. Mauuna na po akong umuwi. Baka naghihintay na po si Nanay." I politely declined.Tumango sa akin si Mr. Chua at nakangiti, nagiging kurbadong buwan ang mata nito. His Father reminds me of Ford since he's a great resemblance of his Father. "Ford, ihatid mo pauwi sa kanila." "Hindi na po." Umiling ako at nahihiyang ngumiti sa kaniyang ina. Her mother smiled at me then eyes were directed to Ford. Parang may ipinapaabot ito sa

    Last Updated : 2021-06-25
  • Masked Affliction   Chapter 9: Attention

    The classes were again cancelled during the afternoon. The rest of the subject teachers did not came to our classes after it was announced that there will be sports tryout going to happen.Iyong football team ay nagsisimula ng mag-ensayo dahil mauuna nga naman ang football competition. It was an outdoor sports where the field will be needed so it has to happen first before the rest of the sports team. Ngayon naman ay nagkukumpuni na sila ng mga bagong players na tatanggapin para maglaro kasama sa team."Basketball and Volleyball daw ngayon. Sa cheerleading naman, nag-eensayo na sila sa field kung saan malapit ang mga players ng football."I could feel the busy place right now and the ever enthusiastic girls. Lalo pa ngayon at magsisilabasan ang mga players. Marahil marami talagang maganda sa paningin ng mga babae ngayon.Hila-hila na kami ni Athelia ngayon patungo kung saan. Hinahay

    Last Updated : 2021-07-07

Latest chapter

  • Masked Affliction   Chapter 25, Part II: Truth

    The fun started with the student council representatives hosting the event. They had games and all which I didn’t participate because I was wearing a dress. Si Athelia naman ay sumali pa rin kahit na nakapalda. She even dragged Ena along with her when she saw that Adamson was participating in one of the games. I remembered... it was called newspaper dance. Tahimik lang akong nakaupo at nanonood sa mga estudyante. “You don’t want to join in?” Ford asked. Umiling ako.Narito lang din siya at nagmamasid sa kasiyahan ng lahat. Kian and Ivan was watching with us from the next table as well. Ang tatlo lang ang umalis sa kinauupuan para makisali sa kung anong mga palaro. Athelia even removed her heels to win the games. Sa tuwing bumabalik siya ay may panibago na naman siyang dalang box na napalanunan. Ena was holding a bag of candies as a consolation price. “How about you? You might want to play the games.” “Do you want me to?” he asked. Bahagya niya akong niyuko. Our eyes met and my ch

  • Masked Affliction   Chapter 25, Part I: Truth

    Bago pa dumating ang araw kung kailan gaganapin ang exam namin ay natapos na rin sa wakas ang Freedom Wall namin. It took a lot of time to finish small details. Although compared to when we have a lot of things to do, this was less tiring. Only that you have to be very careful not to mess up. Isa ako sa mga kailangang tumapos sa mga maliliit na detalye. That also includes the rest of the club officers. Ramdam ko ang pagsisisi na naging isa ako sa mga officers. Ganoon din siguro ang mga kasama ko. I know we only felt that way at this period of time though. We still carry the same pride of being the officers of our club. Pero gusto ko na lang humiga habang ginagawa ang natitirang gawain. Hindi naman na masyadong binibigyan ng pansin ng mga estudyante ang Freedom Wall! They were enthusiastic about it at first. They followed the proper curriculum about this gimmick but time passes and it was just forgotten. Just another display to the school. Kairo’s parents were very understanding kno

  • Masked Affliction   Chapter 24, Part II: Rebel

    Kaya nang sumunod na araw habang hinahatid niya ako kila Kian, naghahanap ako ng magandang tiyempo kung kailan siya kokomprontahin.Huminto ang sasakyan sa labas ng malaking gate nila Kian. Nakasilip lang ako sa labas at hinahanda ang sarili ko. I was so determined to do it but now I am shaking in my bones! Dahil sigurado akong sa aming dalawa, mas malaki ang kumpyansa niya sa sariling tanggihan ang maaaring sabihin ko. While I would just succumb on my opinions because most of the times, he was right. Ngayon ay wala siya sa tama! I can't have him ruining all of his study schedule just because he messed up a little bit.Tinanggal ko ang seatbelt at humarap sa kaniya. He was just watching me, probably pondering on my silence. My mind was floating in the surface though. I was sauntering on the scruple I am feeling."What time will you

  • Masked Affliction   Chapter 24, Part I: Rebel

    From: Ford When are you going to Kian's house? Nahinto ako sa ginagawa. We were still finishing a few touches on the freedom wall. Nalalapit na kasi ang exam kaya kailangan bago pa dumaan ang exam ay matapos na kami. I stood up from squatting and excused myself to someone nearby. Tinanguan lang ako nito habang hindi iniiwan ang ginagawa. I looked for Ford on F******k and sent him a message on Messenger instead. Wala akong load! Kapag hindi niya makita ang reply ko, hindi ko na iyon kasalanan. Sasabihin ko na lang na nag-reply naman ako, hindi nga lang niya binisita ang Messenger. At tsaka, halata namang wala akong load! Wala akong masyadong ka-text o katawag at may free naman kaya bakit ko pahihirapan ang sarili? Good thing he was able to figure out my character in a few seconds, even earlier than I

  • Masked Affliction   Chapter 23, Part II: Woman

    I am already tired of trying to run away from my real feelings and masked it with the past promises."Uh-huh…" he said slowly, trying to organize his thoughts about me. Maybe… about us. "Why would you cry about us kissing?"I gasped and looked up at him. Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko sa mata dahil sa sinabi niya. He did not deny that they indeed kissed! Tinawag nga niyang "my woman" kanina kaya bakit hindi sila puwedeng maghalikan!? Tang ina!Bumitaw sa akin ang kamay niyang kanina pa pala nakahawak sa braso ko. He reached my face and wiped the tears that traced my cheek."Tell me, why are you crying about it…" he p

  • Masked Affliction   Chapter 23, Part I: Woman

    The waltzing did not stopped just because I left Kian alone in the middle of the dance floor. Nagpatuloy ang mabagal na musika at ang romantikong sayaw ng mga nasa gitna. Hindi ko iyon inalintana. Like a fish, I swam against the current of the dancing crowd. Naging eksperto ata ako sa pag-ilag sa pagkakataon na iyon at iisang direksyon lang ang patutunguhan--kung nasaan si Ford. Minalas pa ako at natapos na ang mahinang tugtugin at pinalitan na nila ng nakakabingi at maingay na musika.Naghiyawan ang mga estudyante at parang nawala sa romantikong katauhan, parang leon na gustong magwala sa kulungan. The crowd gows wild, it was harder to slipped in the small spaces! Halos mabuwal ako sa kinaroroonan. Nagsimula silang magtulakan na parang mga timang, kapag natatangay ako sa alon ay itinutulak ko rin sila sa iritasyon. Walang nagawa ang kaunting lakas ko sa malaking grupo ngunit kapa

  • Masked Affliction   Chapter 22, Part II: Free

    Hinablot nito ang palapulsuhan ko nang walang salita at nagsimulang maglakad nang mabilis habang bitbit ako. I was struggling to carry my things while his strides were long. Sa haba ng binti niya ay halos patakbo na ako sa pagsunod sa kaniya kahit hawak naman ako nito.“Ano bang problema mo, Ford? Dahan-dahan naman! Ang bilis mo eh!” reklamo ko at pilit na pumipiglas sa hawak niya. His grip tightened but his pace slowed a little to give me slight comfort.Bumagal nga pero hinigpitan naman ang hawak sa akin! Hindi naman ako tatakbo palayo!Tumigil lang kami nang makarating malapit sa conference room at wala nang masyadong tao. Madalas kasi rito nagtitipon-tipon ang matataas na tao ng paaralan kaya inihiwalay sa mga lugar na maraming estudyante para mabigyan ng privacy.Pagod na ako nang hu

  • Masked Affliction   Chapter 22, Part I: Free

    So it has been decided that I am going to the open field ball?Hindi pa rin ako makapaniwala at natauhan lang nang harap-harapan ko na ang malalaking gowns. Sumama sa akin sina Athelia at Ena dahil pipili rin sila ng susuotin nila. Ena's mom was too busy to come with us so she left her card with Ena.Masigla si Athelia at para bang prinsesa sa kaniyang coming of age habang namimili ng maisusuot. Ena was talking to the attendant and viewing the brochure while I awkwardly sat on the bench at watched them closely.Hindi ko naman binalak na pumunta kahit pa may pera ako dahil abala ako at iniisip ko na nagpapagod lang ako para sa isang event na hindi naman gaanong mahalaga. Hindi naman sinabi ng guro namin na graded ang mangyayaring ball at wala akong grado kapag hindi ako pumunta. Although a little part of me wanted to come but I can win over my little desire. After al

  • Masked Affliction   Chapter 21, Part II: Included

    Kairo was insisting that he need not to study with me. Naka-perfect naman daw siya sa mga quizzes nila at hindi naman daw siya stupid! Minsan gusto ko na rin talagang batukan 'tong si Kairo. Kapag ayaw niyang mag-aral, e'di wala akong trabaho no'n!Mama na nga niya ang bumatok sa kaniya at nang nanahimik na siya ay pinagtatawanan lang siya ng ama na nakatanggap din naman ng sapok galing sa asawa.Masama ang tingin sa akin ni Kairo na para bang ako ang pumilit sa kaniyang mag-aral. Mamula-mula ang ilalim ng mata at ilong dahil sa pag-iyak kanina."Then, can you try answering this?" mahinahon kong sabi kay Kairo."If it's that easy, why do I need you to teach me this?" reklamo nito ngunit kinuha rin naman ang papel at ballpen at nagsimulang magsagot.This kid! I understand his sentiments about himself and how he turned to be because of his family but someday, if he’s not going to fix his attitude, he’s going to g

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status