Home / Romance / Masked Affliction / Chapter 2: Moonlight

Share

Chapter 2: Moonlight

Usok ang una kong namataan pagkamulat ng dalawang mga mata. I coughed painfully when I smelled the toxic smoke from an engine. I felt a hot sticky fluid rolled down my cheeks and some coated a part of my forehead. Sumasakit ang katawan ko at tanging daing lamang ang naririnig sa sarili habang sinusubukang gumapang papalabas ng isang nakataob na sasakyan.

"May bata sa ilalim!"

Naghiyawan ang mga natatarantang mga tao na pumapalibot sa sasakyan. My head went dizzy and everyone around me seemed to be fading away. I only heard the faint sound of an ambulance and the sound of the panicking people before I felt a huge hand encircling my small fragile frame.

Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan kahit pa noong inilagay na ako sa bahay ampunan. My Mama, bloody and unconscious. My Papa, bloody and unconscious. They were both unconscious... or more so.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon. Nasa hospital pa rin ba silang dalawa't nakahimlay? Kung ganoon, bakit kailangan akong ilagay sa bahay ampunan? I can stay with them while they sleep longer!

My fellow sheltered-children played on the backyard of the homey asylum, unbothered by their parents' demise and sudden privation. Unlike me, I keep on asking myself whether they're still alive or they were buried six-feet below the ground already. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa pagdaan ng mga araw na ang tanging hanap-hanap na mga tao ay hindi masilayan.

"Oh, mga bata, kumain na kayo!" Sister Mary announced from the house. Nagtakbuhan ang mga bata papasok sa malawak na bulwagan at nahihimigan ko na ang unahan sa mga upuang nakahimlay sa malamig sa sahig.

I did not flinched from my seat. Nanatili akong nakaupo sa kinakalawang na silya hindi kalayuan sa bakuran. Ramdam ko ang presensya ng taong papalapit sa akin ngunit walang lakas ang sarili na lingunin ito. Tears incessantly sluiced on my cheeks, dropping endlessly, wetting my worn out dress.

Hinawakan ako ni Sister sa ulo at pinadulas doon ang kamay. She constantly brushed my medium-length hair with her palms and fingers.

"Kain na tayo, hija?" she whispered in her lenient voice. Pinahid ko ang mga luha, sinusubukang ipakitang matapang bago lumingon at walang-salitaang tumango.

"Tubig!" Nagtaas ng kamay ang isang matabang lalaki mula sa kaniyang upuan.

"Opo, teka lang!" I replied back and withdraw the water container from one of the tables. Sinalinan ko pa ang ibang nadadaanan na nangangailangan ng tubig bago nagsalin kay Kuya Potchoy na pumuputok na ang pisnge sa kinakain habang ngumunguya.

"Ang sarap talaga magluto ng Nanay mo, Isay! Kaya hindi tumatabla iyong paggi-gym ko rito eh. Oh, siya... dagdagan mo ako ng rice. Ayos lang tagalan basta hindi lalagpas ng pananghalian!"

Tumawa ako sa huling linya ni Kuya Potchoy at tinanggap ang lalagyan ng kanin niya. I jokingly salute to him. Gumanti ito sa akin at kinunot pa ang noo bilang paggaya ng pang-aasar ko bago inabala muli ang sarili sa masarap na pagkain.

Abala ang counter sa mga nagbabayad ng pagkain. Abala rin ang mga tao sa kanilang kinakain. Tanging ako lamang at si Kuya Boy na isa sa mga tauhan ni Nanay ang palakad-lakad sa gitna ng mga mesa upang maghatid-kuha ng kanilang mga orders at kung anu-ano pa.

Pumasok ako sa mausok naming kusina dala ng mga mababangong luto ni Nanay. I smiled at the smell of newly cooked victuals. Si Nanay na abala sa pagluluto at nakatalikod pa sa akin, sinalubong ko ng yakap ang pawisan nitong likuran.

"Jusko kang bata ka!" Napahawak siya sa dibdib sa sobrang gulat, nanlalaki pa ang mga mata.

"Hmm... Ang bango naman ng Nanay, amoy ulam!" Humagikhik ako at tumabi sa gilid kasabay ng paglapag sa pinggan ng kanin. Napailing si Nanay at binalikan ang mga niluluto. Naghahakot na siya sa maiinit na kawa at inilalagay palayo sa apoy.

"Hindi ba't may pasok ka pa bukas?"

"Opo. Ayos lang naman, Nay. Gusto kong tumulong dito lalo na't marami atang costumer ngayong araw."

"Naku..." she shook her head at my statement.

Kinuha niya iyong pinggan at hinainan ng panibagong lutong kanin. Umuusok pa iyon nang dumampi sa balat ng countertop at pinapaypayan ng init ang mukha ko.

"Oh, ihatid mo na ito kay Potchoy pagkatapos ay pumasok ka na sa loob."

"Nay—"

"Hay naku! Huwag mo nang ipilit..." she throw me a warning glance, sumimangot ako ngunit umiinit din ang puso sa kagiliwan. "Pumasok ka na sa loob ng bahay at mag-aral. Hindi ba't final test ninyo bukas?"

"Opo..."

"Aba! Kung ganoon, kailangan mo iyong pag-igihan nang makaakyat muli ako sa stage!"

Binigay niya sa akin ang mainit na plato at itinulak na ako palabas. Natatawa akong nagpapigil sa pagtulak ngunit kalaunan ay wala ring nagawa kung hindi humakbang papalabas ng kitchen area.

Maaga nang makarating ako sa school. Kadalasan pang naggagalang estudyante ay iyong mga masigasig sa pag-aaral. I haven't seen those students who flaunt their red lips and slapped in tint cheeks yet. Mamaya, ganoon na ang sasakop sa buong paaralan. Even in side hallways, I can see them puckering their lips while pressing red lipsticks on their lips. Pumailanilan pa ang mga schoolmates kong halos magtagpo na ang dalawang kilay sa kapal at tulis. Mahigit pinagbabawal dito ang pagme-makeup ng kahit na kaunti ngunit hindi pa rin talaga mapipigilan ang kagustuhan.

Youthful desires are impulsive and irrepressible.

Hindi ko na inulit ang pagbabasa ng mga reviewer ko. I already reviewed too much last night and reviewing over and over again at verge of the test would strain my mind to reconcile my thoughts all throughout the test.

Dahil wala akong kaibigan sa loob ng skwelahan ay walang nangahas na kumopya sa akin. Hindi rin naman ako magpapakopya kung sakali lalo na't pinaghirapan ko ito at sa kanila'y hindi. It would be unfair to share grains to somebody who did not plant for their own.

The test goes well as expected, might be only for me, but I don't know for some students. Maganda naman ang nakuha kong marka lalo na't pinag-aralan kong mabuti ang ibinigay na coverage ng teachers namin. I even got perfect scores to my favorite subjects at kung saan ako nahihirapan, tigda-dalawa o tatlo ang naging mali ko.

"Congratulations, Kate!" bati sa akin ng mga tauhan ni Nanay sa karinderya. I smiled at them and exchange acknowledgements at every praise and flatter.

Bukas ang karinderya sa araw na iyon hindi para sa karaniwang araw kung hindi para igunita ang pagiging first honor ko sa aming klase. Our neighbours take turns on the table serving themselves a good provision. Hindi na ako nag-imbita ng kaklase dahil hindi ko naman close ang mga iyon. I firmly tattooed it inside my mind that I have nothing to do with my classmates. I will only be a passing air in our class except that my name would remind them of my achievements in class.

"Oh, kumain pa kayo! Ikaw Potchoy, kumuha ka pa rito. Bukas, hindi na 'to libre," biro pa ni Nanay.

Tumawa si Kuya Potchoy at iwinasiwas ang hawak na kutsara. Mabilis nitong naubos ang kinakain at nagmamadaling tumakbo sa mahabang mesa para sa mga pagkain. I laughed with them as they exchange jokes in their tables.

Kinagabihan ay nagkaroon ng kantahan sa labas ng karinderya namin. Mas dumadami ang tao, kadalasang kumakanta iyong mga tambay sa labas ng tindahan ni Aling Using.

"Maraming kita ngayon si Aling Using! Kung hindi ba naman dahil sa pa-videoke ngayon ni Aling Nida, eh... hindi mauubos ang mga alak!"

"Magtagay ka na lang riyan, Kanoy! Hindi mo ako madadala riyan sa pang-uuto mo. Si Nida naman ang bumili niyang mga alak!"

Nagtawanan ang mga lasing at nagpasahan na ng baso. Kasalukuyan ngayong kumakanta si Carlo, iyong kapit bahay naming mahilig sa pagkanta. Iyon nga, sa gabi raw ay Carla na ang pangalan niya dahil lalabas ang taglay niyang kagandahan sa kabilugan ng buwan!

“Ako’y isang sirena. Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda.” Kanta pa nito sa pumipiyok na boses. Naghiyawan ang mga kapit bahay naming kaedaran ko lang. Nangingiti lang ako sa gilid at pinagmamasdan sila sa malayo. Wala naman akong malapit na kaibigan sa grupo nila.

I got bored after a while. Lumayo na muna ako sa kanilang lahat upang magpahangin. I sat under a bulky mango tree behind our eatery. Naroroon, sa ilalim ng malaking puno, natatakpan sa aking paningin ang bilugang buwan. The thought of how this huge tree dominated the refulgence of the moon and sun, reminds me of how my parents had protected me when the accident happened.

Umihip ang malamig na hangin sa gabi. Umaga ma'y ginugulo ng mga nagliliparang usok galing sa mga sasakyan, hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ng malamig na hangin sa tuwing gabi.

I embraced myself and closed my eyes under the starry skies. I wanted to stay like this for a while. Where I will not worry of anything. I will not see how the world revolves but only know how it could make me feel without seeing. I would only feel how the cold breeze caress my skin and how it could affect me while I am blind. I will not worry of anything because I already knew where I am off to even when I am embraced by darkness.

Sa gabing ito, inaanod ang isip ko sa malamig na hangin. Bumubulong sa aking tenga ang mga hampas ng hangin at sa pagmulat ko ng mga mata, ay ang pagsibol ng panibagong maalinsangan na umaga.

Summer came swiftly as how the cold breeze of the night drift away during mornings. Doble ang tirik ng sikat ng araw. Noon ay dinadaanan pa ako ng malamyos na ihip ng hangin, ngayon halos maubos na ang hangin ko sa baga sa pagsipol tuwing umaga't tanghali.

"Jusko, ang init!" nagpaypay nang marahas ang isa sa kapit-bahay naming tumambay sa labas ng karinderya. Katatapos lamang nitong bumili ng ulam mula sa amin at nang matapos kumain sa kanila ay lumabas dahil sobrang init daw sa loob ng kanilang bahay.

I muffled a soft grievance in the air, simangot ang mukha kong pinalakasan pa ang ikot ng palabad at binuksan pa ang ibang wall fans. Parang wala man lang itong nagawa para pawiin ang nanunusok na init sa paligid!

"Hindi ba kayo nagtitinda ng pampalamig, hija? Tiyak magiging mabenta iyon kapag naglagay kayo rito sa tindahan niyo."

I thought of that too. Iniisip ko lang na baka walang masyadong bumili at masayang lang iyong binibenta ko. But now that somebody suggested it, I might consider it. After all, having one sure customer is off better than having none.

Sinabi ko kay Nanay iyong napagplanuhan ko. Magbebenta ako ng halo-halo at ice candy. Sa labas ng karinderya ako maglalagay ng estante para mas madaling makita ng mga tao at mas marami ang bibili dahil nasa labas kaagad makikita ang paninda.

She agreed with me. Binigyan ako ni Nanay ng pera para sa kung ano ang kakailanganin ko para sa halo-halo at ice candy.

"Oh, inutusan ka ng Nanay mo, hija?"

"Opo. Pero ideya ko po itong mga ititinda. Binigyan lang ako ni Nanay ng pera. Ako na raw po ang bahala sa bibilhin."

“Naku! Mabuti naman kung ganoon at maganda ang pinagkakaabalahan mo...”

Tinulungan ako ng pedicab driver na magbuhat ng mga pinamili hanggang sa loob ng karinderya. Sumunod kaagad sa aking lakad ang mga mapanuring mata ng kapit-bahay namin.

I will make a buko pandan and mango float flavored ice candy. Sa halo-halo naman ay isa-isa ko ng hinanda ang container na lalagyan ng mga sahog. I also washed the plastic glasses which especially made for halo-halo. Mayroon ng ice crusher at ice bucket sa itaas ng cabinet namin. Nagtitinda kasi dati si Nanay sa paaralan ng snow cone noong hindi pa binubuksan ang karinderya. Ngayon, ako ang magiging tindera nito.

Buong summer ay inabala ko ang sarili sa pagtitinda ng pampalamig. Our neighbours were all celebrating in joy after knowing I considered their thirst for Summer. Halo-halo and ice candies became our Baranggay's Summer remedies. Tuwing hapon ay nauubos talaga ang paninda ko dahil ang kabilang Baranggay ay pumupunta pa sa amin upang makabili ng murang pampalamig.

Mabilis nauubos ang paninda ko kaya sa tuwing hapon ay bumabalik ako ng palengke upang bumili ng kakailanganin sa binibenta. Maggagabi na ng dumating sa eskinita namin ang pedicab na sinasakyan ko. Just like the usual, the driver would help me carry the plastics, pagkatapos mabayaran ay aalis at magpapadyak pabalik sa malayong eskinita.

Patapos na ako sa paghahanda ng mga ibebenta nang magsara si Kuya Boy ng karinderya. Si Nanay naman ay naunang pumasok sa bahay dahil sa pagod. She resigned on the sofa. Tumunog iyong lantay naming upuan kasabay ng pag-upo ni Nanay at pagbagsak ng may kakapalang papel sa tabi niya.

"Anak, tignan mo 'to..."

"Po..." Hindi pa naaalis ang paningin ko sa hinihiwang saging. Saglit kong nilingon si Nanay at bumalik muli sa ginagawa nang nakapilig ang ulo, hinihintay na magsalita si Nanay. I realized that she's not going to speak unless I sit beside her. Iniwan ko na lamang muna iyong ginagawa at umupo sa tabi niya.

"Hindi ba't gusto mong makapag-aral dito?"

Tumitig ako sa isang brochure na galing mismo sa isang paaralan. She flipped it showing the school fees and the prestigious campus. Napakurap-kurap ako at hinayaang pumasok sa isipan ang nakikita sa harapan. Another flip and I saw the beauty of every corridors and hallways. One more flip, on the last page were the scholarship offers.

"O-Opo. Bakit po?" I asked, still trying to dissolved in my mind the intricate name of the school in cursive letters, printed in the very first page of the brochure.

Alam ko kung ano ang pinapahiwatig ni Nanay habang pinapakita sa akin ang brochure ng dream school ko. This school is located in the City, where huge buildings, expensive restaurants and cafes, hotel towers and school of elites are hovering. Ang Chua HS and Colleges ay hindi na naiiba sa mga sinasabi ko.

"May scholarship offer sila, anak. Mataas naman ang mga marka mo sa huling school year at may maipapakita kang talento sa kanila."

"Nay..." ngumuso ako, naiiyak na habang humihigpit ang kapit sa brochure.

"Oh, bakit?" she laughed and pulled me for an embrace. Humikbi ako at pinahid kaagad ang umalagpas na luha sa mga mata. I bit my lower lip and stared at the brochure longer. There's a longing connection I felt the longer I stared at it.

This might be the sign to grab once in a lifetime opportunity.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status