Home / Romance / Masked Affliction / Chapter 8: Little

Share

Chapter 8: Little

last update Last Updated: 2021-06-25 15:57:55

I was invited over a dinner with Ford's family but I refused to. Bukod sa nakakahiya ay gusto ko ng umuwi para may kasama si Nanay sa bahay. They're probably still in the karinderya serving our customers or probably keeping the tables clean there. Marahil kapag tapos na sila ngayon ay naghihintay na si Nanay sa akin doon at baka hindi pa kumakain. Matigas pa naman ang ulo no'n.

"Pasensiya na po. Mauuna na po akong umuwi. Baka naghihintay na po si Nanay." I politely declined.

Tumango sa akin si Mr. Chua at nakangiti, nagiging kurbadong buwan ang mata nito. His Father reminds me of Ford since he's a great resemblance of his Father.

"Ford, ihatid mo pauwi sa kanila."

"Hindi na po." Umiling ako at nahihiyang ngumiti sa kaniyang ina. Her mother smiled at me then eyes were directed to Ford. Parang may ipinapaabot ito sa anak sa pamamagitan ng tingin. Napatango iyong si Ford.

"You don't have to tell me, Mom." He rolled his eyes. "Let's go?" baling niya sa akin.

"Huh?" Napaawang ang labi ko nang hablutin niya ako at iginiya palabas ng tanggapan nila. Nahirapan pa ako sa pagbitbit ng visual aid sa parte ng report ko lalo pa't hawak niya ang kabilang kamay ko. The paper bag was also heavy even after the materials were being used. May mga natira pa at dumami rin ata iyong cartolina ko dahil ang mga binili ni Ford ay nilagay niya sa bag ko.

"It's already late."

"Hindi! Ayos lang na hindi mo na ako ihatid. Malapit na kayong mag-dinner."

Umiling siya at kinaladkad na talaga ako papalabas.

"No. Gabi na at delikado. Dinala kita rito kaya ako rin ang mag-uuwi sa iyo."

Napamaang ako. Hindi talaga siya nagpapaawat at ayaw nang tanggapin ang mga sinasabi ko. Bumaling siya sa isang lalaki na tauhan nila para kausapin iyon. Saglit pa ay inilahad nito ang susi ng sasakyan sa kaniya.

"Magmamaneho ka? Marunong ka? May lisensya ka na ba?"

"I can drive. I don't have license though. Delikado magbisikleta nang gabi."

Tumango ako, hindi pa rin panatag sa sinabi niya. Wala pala siyang lisensya, bakit siya magmamaneho? Baka mahuli kami? O baka ilang beses na siyang nahuli kaya sanay na sanay na?

Kinuha niya mula sa kamay ko ang paper bag na dala. Iyong nakatuping cartolina na lamang na laman ang report ko iyong hawak ko. Hindi iyon mabigat pero kasya pa naman iyon sa paper bag na dala niya ngayon.

"Wait..." I held his shirt to get his attention. Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. I smiled sheepishly and tucked in the white folded cartolina. Now I don't have to bring anything. Nangunot ang noo niya sa sobrang pagkakangiti ko. I just thought his clueless face was funny even though there's nothing really funny at what I am doing.

His cousin, Hero, was waiting ahead of us beside the car. Nakapamulsa iyon at nakaangat ang isang sulok ng labi na para bang nanunudyo. Mas lalong nangunot ang noo ni Ford pagkakita rito. Wala pa naman itong ginagawa pero iritadong-iritado na ang mukha niya.

"What?" asked Hero in a menacing manner.

"What are you doing here? You should be inside my house or inside your house."

Tumawa si Hero. Ford shook his head dismissing the impending joshers of his cousin. Kadalasan ay ako iyong napipikon kay Ford. Kapag seryoso naman ito, ayos lang ngunit kapag ngumingisi na siya sa akin ay napipikon na ako. Ganoon siguro ang pakiramdam niya tuwing nakikita ang pinsan. Ngayon alam mo na ang pakiramdam nang naiirita!

Pinindot niya ang remote ng sasakyan at umilaw iyon. He shoved his cousin aside to open the car's door. Hindi pa rin humuhupa ang ngisi ni Hero at parang kinatutuwaan pa ang iritasyon ng pinsan.

"Uncle told me to drive for the both of you."

"Ako ang maghahatid sa kaniya." Sinamaan niya ng tingin si Hero. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan para igiya papasok ng kanilang sasakyan.

Mainit-init pa pagpasok ko sa loob ng sasakyan dahil kakaandar pa lamang nito. Ford closed the door beside me and I was then deafened by the covers. Nag-usap silang dalawa saglit bago bumukas ang pintuan sa banda ko.

"Do you mind if you transfer to the back?" Hero hesitantly asked.

"Ah, hindi. Ayos lang!"

Nag-iwas ng tingin si Ford at nagkamot ng batok. Lumipat na lang ako sa likuran dahil si Hero ang magmamaneho. Katabi nito si Ford na kanina pa nangungunot ang noo. Siguro hindi pa ito naka-move on na pinalitan siya ng pinsan niya sa pagmamaneho.

"This is my car, Roen. You better take us safe."

Humalakhak si Hero. "Trust me, bro... it's safer when a woman's around."

Nakita ko ang pag-irap ni Ford mula sa rearview mirror. His eyes directed on me after noticing I was watching his reactions. Nagtama ang paningin namin, huli na para umiwas ako at magkunwaring hindi siya pinagmamasdan.

"Are you hungry?"

"Ah, hindi. Ayos lang. Sasabay ako kay Nanay pag-uwi."

"You sure, Kate?" si Hero na kasalukuyang hinahabol ang oras sa traffic light bago mapahinto. He was glancing on me a bit.

Umiling lang din ako ngunit nagsalita pa rin para hindi iyon maistorbo. "Hindi na."

I was actually hungry but I was too ashamed to tell them I am. Kaya ko pa rin namang magtiis sa gutom at sa iniisip na naghihintay si Nanay sa bahay, mas lalo akong napapatahimik.

Nanay was waiting at the doorstep when we arrived. Napatayo kaagad siya nang maaninag kami sa ilaw galing sa sasakyan.

Hindi na bumaba si Hero at binuksan lang ang bintana ng sasakyan. Itinukod niya ang siko roon habang sinusundan ng tingin ang pinsan. Ford carried the heavy paper bag with my things on. Hinatid niya ako hanggang sa pintuan ng bahay kung saan nakatayo roon si Nanay.

"Hijo, magandang gabi. Salamat naman sa paghatid kay Isay."

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Ford habang nagmamano ako kay Nanay. He responded with a nod and a shy smile afterwards. Kinuha ko na mula sa kaniya ang paper bag nang magpaalam na sila ni Hero.

"Our first reporter will start this day. Reporters, please introduce us to your topics..."

Tumayo iyong dalawa kong kaklase na assigned sa pinakaunang topic. The report ended late because there were lots of follow up questions from our classmate. Nag-clarify pa si ma'am dahil may mga maling naitalakay ang reporters. In the end, the second reporter run out of time making them unable to report.

"Let's go?" ani Ford pagkatapos ng subject ko sa Science. Nakasukbit sa isa niyang balikat ang kaniyang backpack. Curiosity slices through the crowd's eyes as they were glancing at Ford for a while. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil parang wala lang naman iyon kay Ford.

"Saan kayo pupunta?" si Ena na bumaling kay Ford saglit.

"Lunch 'tsaka may pag-uusapan lang kami."

"Ano 'yan? Date!?" Dumikit si Athelia sa akin na parang magnet. She squeezed in her way between the spaces of Ford and I. Iniyapos niya ang dalawang braso sa braso ko.

"Mag-aaral ang kami para sa reporting namin."

"Anong subject?" si Ena na mahinahon, kabaliktaran kay Athelia na ngising-ngisi ngayon.

"Values."

Tumango si Ena at ibinaling na ang atensyon sa nakasalampak na earphones.

"Oh! Values lang pala! Easy lang 'yan kay Kate, Ford! Matalino 'yan eh."

"Really?" Ford prompted glancing at me, pushing my patience in jeopardy. Inirapan ko siya at unti-unting umangat ang sulok ng kaniyang labi. Nagsasalita pa si Athelia ngunit tila balewala siya sa aming tatlo. Si Ena na nakikinig lang ng music. Si Ford na abala akong inisin at ako na kanina pa iritado sa pagmumukha niya.

"Bakit niyo ba pinapahirapan ang sarili niyo sa report? Paulit-ulit naman 'yang mangyayari, marami pang chances! Sabay na lang tayong kumain lahat!" Sinundot niya pa kaming dalawa ni Ford na para bang may iba siyang ipinapahiwatig. "Isama mo na friends mo, Ford. Miss na raw ni Ena si Adamson." Sinasabi ko na nga ba!

"Bakit na naman!?" Tinanggal ni Ena ang pagkakasalampak ng earphones sa tainga niya. Nagulat ako at napatingin sa kaniya sa ginawa niyang iyon. Akala kp ba nakikinig ng music! Ang lakas naman ng pandinig.

Inabot niya si Athelia ngunit sumiksik iyon lalo sa amin. Napalayo si Ford at iiling-iling na tinignan sila Ena at Athelia na nag-aasaran.

"Huwag mo akong idinadamay. Alam ng lahat na manggagamit ka!"

"Anong manggagamit? Grabe ka ah!"

"Gagamitin mo si Ford para makipaglapit sa prince charming mo!"

"Ah, talaga? Oo naman!" Humalakhak si Athelia at aminadong-aminado pa! "Ano bang magiging silbi ni Ford sa buhay ko at bakit ka pa nagpapakita sa akin." Si Ford na ang tinignan niya ngayon sa nangliliit na mga mata. Ford just shook his head and laughed a little bit. 

Ford and I ate outside the school premises this lunch. He treated me for lunch. Kinain ko pa rin naman iyong luto ni Nanay. Nanghingi pa nga siya sa akin ng kanin dahil naubusan siya. Nakihingi rin ito ng ulam. We ended up sharing our food to each other and studying together without his and my friends.

Ford was not that bad after all. The first time that I have met him, I thought of him as a guy whom we could describe as cold and aloof. Someone who would never smile for petty things but he actually does. Minsan nga sa sobrang dali niyang ngumisi, naiirita ako dahil pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako roon.

Pero fair fight lang naman dahil mabilis din siyang mainis kagaya ko. Hindi ko lang alam kung paano siya inisin! The only person who could effortlessly do that was his cousin, Hendrix.

Sa sumunod pa rin na araw ay sabay kaming nag-aral sa topic namin. Hindi na nga lang sa tanghali dahil inaasar na kaming dalawa ni Athelia. I even reported in front of him and he does the same for the preparation.

Hinatid niya ulit ako pauwi ngunit ngayon ay sakay na ng kaniyang bisekleta. Sa dorm siya ngayon matutulog kaya pabalik na naman siya malapit sa campus.

I was exhausted when I got home. Kumain lang ako at naghugas ng mga pinagkainan. I studied a bit. It's a good thing I had no assignments to do. Kaunting review lang ng lessons naming dahil baka sakaling magkaroon kami ng surprise exams sa ibang subjects. Nagpahinga na rin ako pagkatapos.

Naaalala ko iyong sinabi sa amin ni Athelia. Why do we need to do our best at something that would come over and over again? Maybe few will never understand because we were standing at different ideologies. It's not that I am hungry for praises and huge scores. Ayaw kong isipin na dahil mayroon pang susunod na pagkakataon ay pupuwede kong gawing laro na lamang ang lahat.

There will be lots of chances. The word chance will never be crossed out of the dictionary but we cannot guarantee that those chances were for us. Hanggang alam kong makakaya kong gawin iyon nang may husay, hindi ko sasayangin iyon. I won't slack off just because I am at the advantage of chances.

Chances will always be everywhere but only for those who reach for it.

Nagising ako sa kalampag sa labas. Nang puntahan ko iyon, naabutan ko lang si Nanay na umiinom ng gamot niya. The light in the kitchen was out, I was nervous at first but when she turned around I was relieved.

"Ayos lang po ba kayo, 'nay?"

"Hmm." Tumango siya at ginulo ang sadyang magulo ko ng buhok. I snaked my arms around her waist and hugged her lowly. Naaamoy ko mula kay Nanay ang pinaghalong shampoo na mula pa kaninang umaga at ang amoy ng lana.

"Nga pala anak, nobyo mo ba iyong parating naghahatid sa'yo?"

"Alin po?"

"Nitong mga nakaraang araw abala ka ata sa mga gawain sa paaralan. Hinahatid ka rin noong lalaking nagdala ng bag mo noong nakaraang Sabado."

"Nay!" I exclaimed. Napasimangot ako at yumapos kay Nanay lalo.

"Ayos lang naman magkanobyo, anak. Mukhang mabait naman iyong batang 'yon..."

"Mukha lang, 'nay!" Umirap ako at mas lalong sumimangot. Natawa si Nanay at piningot iyong ilong ko.

"Nobyo mo nga iyon?"

"Hindi rin po. Partner ko siya sa reporting."

"Talaga? Hmm..." aniya na may tunog pang nanunudyo. I gave Nanay a warning look to stop her from teasing me. Mas lalo lamang itong nangingiti at nagkibit-balikat pa. "Baka ayaw mo lang aminin."

"Hindi talaga, 'nay!"

"O baka crush mo iyon?"

Napaawang ang bibig ko at wala ng nasabi sa paratang ni Nanay. Napatawa siya at pinisil ako sa pisngi.

The last time we studied was at Chua's house. Hindi kami inabot ng gabi dahil pagfa-finalize naman lang iyon. Hindi na ako nagpahatid pauwi dahil maliwanag pa naman sa labas. Iniiwasan ko rin na asarin ako ni Nanay na crush ko raw si Ford.

I don't really know how to define crush. How does it feels when we like someone romantically? I never liked someone before that way. Kapag tatanungin ako kung sinong gusto ko, maisasagot ko lamang ang pangalan ng mga kaibigan ko. I like my friends because they were my friends. But romantically... a guy, I don't know.

Ngunit kung tatanungin man ako kung anong nagustuhan ko kay Ford at nagagawa ko itong pakisamahan, that's because he's being himself. Sometimes the conceited and annoying Ford Khrysler was likable.

Maybe that will be an easier question. Kapag gusto kita bilang tao, makikisama ako sa'yo. Kapag hindi, hahanap ako ng paraan para hindi kita kausapin. I don't want to complicate my environment. As much as possible, I want to move freely within my circle. Without any pest in my life at all.

Mabilis natapos ang naunang presenter kaya sumunod kaagad kami ni Ford. Mabilis lang naipaskil ang visual aids namin dahil hindi naman iyon karamihan. We made it brief so that we could explain spontaneously.

Kapag kasi maraming nakasulat sa visual aid ng isang reporter, gagawin nitong advantage. It will come to the point that, instead of explaining and giving discussions, the reporter would just read it. They will never grow through their ways because it will just continue to feed them like a child.

Although that was based on my past observations.

Lumampas kami ng oras pero ipinagpatuloy pa rin ng teacher namin ang klase. Nagsimula ng umatungal ang mga classmates namin ngunit nagpatuloy pa rin kami sa pagre-report. I wanted to finish the report and my legs were numb from standing but our teacher did not stop us yet so we have to continue. And although, it might be tiring to speak in front right now, I am also feeling good hearing myself speak. I also don't want to slacked off just because I wanted it to be done.

"Ikaw, can you please read the next bullet?" turo ko sa kaklase namin. Lumingon sa akin si Ford galing sa mahabang titigan nila ng kaniyang libro. The side of his lips rose a little bit as he nodded at me before he came back on his focus.

Marami ng nag-aantay sa labas ng classroom namin, marahil iilan ay mga kaibigan ng classmates namin sa subject na ito. Panghuling subject na itong Values sa araw na ito kaya sinusulit ng guro namin ang oras kahit lagpas na. When we were freed from the suffocating classroom, my classmates started to grunt heavily. 

"Sa wakas! Akala ko maghihintay kami ng isang taon dito sa labas!"

Lumapit sa akin si Athelia para tulungan akong magligpit. Umalis si Ena galing sa pagkakasandal sa railings ngunit hindi pa rin naaalis ang mga mata sa binabasa.

"Kate, come here," tawag ni Ford sa akin. Lumapit ako sa kanila ng teacher namin sa Values.

"You both did a great job out there. Pasensiya na at inabot pa kayo ng ganitong oras. The discussion was just too great, I would feel bad if I'll stop the both of you. You're both so passionate!" puri nito sa aming nakangiti. Dinungaw niya ang class record na hawak at nagsulat doon.

Yumuko rin si Ford at tinanaw bahagya ang sulat ng guro namin. Nakatayo lang ako roon pinagpapalitan ang tingin sa guro naming may sinusulat, kay Ford at kay Athelia na tinatapos ang pagliligpit ng mga gamit ko.

"I already gave your classmates' grades regarding to this reporting. You have your index cards with you, right?"

"Nasa bag po."

"Sige, just scribble it down later. Here's your score for that reporting."

Tinuro ni Ma'am ang naka-input na score sa tabi ng pangalan ni Ford. Ford nodded and took out his phone. Lumapit naman ako at inilipat ni ma'am sa kabilang pahina para sa listahan ng mga babae. Gaya ng kay Ford ay pinakita niya rin sa akin iyon.

"The perfect score for the reporting is ninety, that is sixty percent on performance level."

So that means we have sixty percent for this grading period?

"Ano raw ang sabi ng teacher niyo?" bungad sa akin ni Athelia. Hawak na nito ang bag ko.

Nagkibit ako ng balikat ngunit malawak ang ngiti sa nalaman. I already have sixty points! Kailangan ko lang i-perfect lahat ng written tests ko para sa twenty percent quizzes. Madali lang naman i-perfect sa quarterly exam dahil isang beses lang naman sa isang quarter. I can surely get minus one to perfect grade since there was really no perfect one hundred!

"Ano nga!?"

"Hayaan mo na 'yan. Masaya 'yan!"

"Bakit nga masaya?"

Nagkibit-balikat din si Ena at bumaling sa akin. I smiled at her, napangiti na rin siya na para bang alam ang tinatakbo ng isipan ko.

"Ewan ko sa inyo!" Sumimangot si Athelia at sadyang pinag-iirapan kaming dalawa. Natawa ako at nilapitan siya, isang dahilan ay ang bag kong hawak niya at isa pa ay ang tudyuin siya.

She ran outside the classroom. Lumingon siya sa amin sa paatras na lakad. She sticked out her tongue. Natigil lang ito dahil napasalampak sa sahig nang matamaan ng malaking bulto.

"Aray!"

"Sorry, miss! Did it hurt?"

Yumuko iyong lalaki at hinawakan siya sa ulo. We ran towards Athelia to check her.

"Dahan-dahan, tatanga-tanga kasi!" Ena provocatively reprimanded, however, her eyes reflected with my worry.

"Ayos ka lang, Ath?"

"Oo. Nagulat lang ako." Tumawa siya.

Pinagtulungan naming itayo si Athelia. Inagaw ko na rin mula sa kaniya ang bag ko na kanina niya pa itinatakbo. She held onto our arms for support. Tinulungan pa namin itong magpapag ng nadumihan niyang palda. The guy stood there probably asking himself what to do next.

"Ayos na siya, salamat. Puwede ka ng umalis." Si Ena na iyong nagsalita.

"Really? But, uh... Kate," aniya sa pamilyar na boses. Bumaling ako rito, tumingala na dahil sa tangkad nito.

"Hero!?"

"Yes, glad you've noticed!" He grinned boyishly. Napangisi rin ako. Hinampas ko siya ng marahan sa braso na parang nakikipagbiruang kaibigan lang.

Hindi ko nga siya napansin kahit ang laking tao niya!

"Naparito ka? Si Ford ba? Papalabas pa iyon ng classroom."

"Omygod! Omygod! Crush ko rin siya!" mahinang tili ni Athelia sa gilid ko. Pinisil niya iyong kamay ko at parang sasabog na sa pula! "Hinawakan niya ang ulo ko kanina!"

"Malandi," ani Ena kasabay ang palihim na irap.

"Uh, well, no. I am here to give back your wallet."

"Talaga?"

Tumango siya at dumukot ng kung ano sa bulsa. Nilabas nito ang pitaka ko.

"Naiwan mo noong huli kang pumunta kila Ford. He probably haven't noticed you left it there."

"Kailan mo nakita?"

"Last morning." He shrugged and handed me my wallet. Tinanggap ko iyon mula sa kaniya at nagpasalamat.

Wala namang laman iyong pitaka ko at mga resibo lang at kung anu-anong papel. Mayroon ding picture sa amin ni Nanay roon. Siguro kaya hindi ko masyadong napansin ang pagkawala nito dahil hindi naman masyadong importanteng bagay. Hindi naman ako masyadong naglalagay ng pera ko roon.

"Roen!"

Ford approaches as with his heavy footsteps. Napalingon ako sa kaniya. Gaya ng nakasanayan niya ay nakasukbit na naman sa isang balikat ang strap ng bag niya at lantang kumakaway lang ang kabila. Siguro nakakadagdag iyon sa kayabangan niya kaya ganoon na lang siya lagi magpakita sa akin!

"Hey, little Chua!"

"I am not." Sumama ang mukha ni Ford.

Humalakhak si Hero at sinuntok nang pabiro ang balikat ni Ford. He did not dodged and let his cousin hit him. He shot his glances on me and to my wallet.

"Oh, nakita mo na pala."

"I brought it to her, dude."

"Alam mong naiwan ang wallet ko?"

"Yeah. Saw it on the couch. Wala namang laman kaya hindi ko na dinala. Pabigat sa bag." Ngumisi siya na parang nang-iinsulto. Hero laughed and elbowed him. Sinamaan ko siya ng tingin. Totoo naman iyon pero nakakahiya pa rin! Tang ina siya!

"Well, sorry. Is it my fault that it's heavy regardless what's inside? Akala ko nga maraming pera."

Inambahan ko siya ng suntok. Namilog ang bibig ni Ford. He immensely let out an amuse face. Tumatawa lang si Hero katabi niya na gusto ko ring suntukin kagaya niya. Pasalamat siya dinala niya ang pitaka ko. Utang na loob ko pa iyon sa kaniya!

"Kate, chill. I am sorry about this little guy." Isinuko ni Hero ang dalawang kamay.

"Stop calling me little. I am grown up!"

"Ah, no. You are still Ferrero's little guy."

He dragged Ford out in front of me. Nagsagutan pa rin sila sa kung anong bagay habang papalayo mula sa kinatatayuan kanina. I am still raging that he pinpointed that out! Tumatawa pa nang mahina si Ena na madalang lang namang tumawa!

Bago sila mawala sa paningin ko, lumingon sa akin si Ford. He slid one of his hands in his pocket. Ang isa ay nakahawak sa strap ng bag. He sticked out his tongue to me, playfully.

Napaawang ang labi ko sa pagkagulat at nahuli na ang reaksyon ng pagkainis. Hinawakan ako ni Athelia sa braso upang awatin. We went to a different direction from them going outside the campus.

That guy! He can really make me like him for a while and then make me feel irritated at the same time! Ang dali-dali sa kaniyang iparamdam sa akin iyon. Iyong saglit ay pupurihin ko siya sa mga nakikita ko at nalalaman ngunit mamaya ay maiirita na naman ako sa ekspresyon ng pagmumukha niya!

His whole existence smells so vain!

"Sa labas tayo, streetfoods!" 

"Kumalma ka na. Wala na ang kaaway mo." Tumawa si Ena nang marahan pagkatapos. Napailing ako at napatawa na rin nang mahina.

But his existence... his brooding confidence and aura, appeased me. Just like the smell of the country air in the morning, it feels familiar. 

Related chapters

  • Masked Affliction   Chapter 9: Attention

    The classes were again cancelled during the afternoon. The rest of the subject teachers did not came to our classes after it was announced that there will be sports tryout going to happen.Iyong football team ay nagsisimula ng mag-ensayo dahil mauuna nga naman ang football competition. It was an outdoor sports where the field will be needed so it has to happen first before the rest of the sports team. Ngayon naman ay nagkukumpuni na sila ng mga bagong players na tatanggapin para maglaro kasama sa team."Basketball and Volleyball daw ngayon. Sa cheerleading naman, nag-eensayo na sila sa field kung saan malapit ang mga players ng football."I could feel the busy place right now and the ever enthusiastic girls. Lalo pa ngayon at magsisilabasan ang mga players. Marahil marami talagang maganda sa paningin ng mga babae ngayon.Hila-hila na kami ni Athelia ngayon patungo kung saan. Hinahay

    Last Updated : 2021-07-07
  • Masked Affliction   Chapter 10: Vice-Captain

    "Miss Amania, tatanungin kita ulit..." Napabuntong hininga ang councilor namin pagod na sa paulit-ulit na tanong. "Did you do it?"I played with my fingers thinking whether to tell them the truth or not. Hindi ko alam kung maniniwala ba sila. If I will tell them the truth, there will be instances that I will be branded as a liar and they would deepened my punishment for lying and causing trouble around the Campus.Nakasandal si Kian sa pader at kagaya ng councilor ay naghihintay ng sagot ko. Mr. Reyes tapped his ballpen on the table, it took a lot of pressure on me. Ipinagkrus ni Kian ang braso niya at tinatapik ng mga daliri ang braso.I was called at the Disciplinary Office after the incident. It was Kian who brought me here. The Vice President of the Student Council was actually the one with the Disciplinary Section while the President was working with the approvals and plans of the school prog

    Last Updated : 2021-07-07
  • Masked Affliction   Chapter 11: Promised

    I went home together with Athelia and Ena during Monday. Tapos na ang isang linggo ko na punishment kaya hindi ko na kailangan pang magtagal sa Campus para maglinis. However, Mr. Reyes told me that the other girls' punishment were extended. Hindi naman kasi nila ginawa ang punishment nila. They paid someone to do all their chores, nang mahuli ay dinagdagan tuloy ang punishment nila.They were transferred to the cafeteria. They needed to have time for their practice of cheerleading so Mr. Reyes arranged the time at their biddings. Tumutulong silang mag-serve sa mga customers sa cafeteria during lunch time. I know it was shameful for them knowing that they were beautiful, popular and rich once they were seen serving in the cafeteria like a slave. Parte na rin iyon ng consequences kung tutuusin na maramdaman nila ang pinagdaanan ng mga taong inaapi nila dati. They probably look down in that line of work and now, the brats have to do it.The pun

    Last Updated : 2021-07-11
  • Masked Affliction   Chapter 12: Stalking

    We had a ceremony early in the morning, before classes for that day started for some special announcement made by the principal. Hindi ko iyon naabutan dahil sa pagpunta saglit ng library. Nakasalubong ko pa ang dalawa kong kaklase sa isang subject."Amania," tawag ng mga ito sa akin habang papalabas ako roon.Luminga ako sa paligid at pansin ang pananahimik ng lugar. Walang masyadong tao. Kung mayroon man ay ang mga late arrival students na naglalakad sa gitna ng field at iyong nga galing sa banyo at cafeteria na huling nag-aalmusal."Nasaan ang mga tao?" tanong ko sa kanila."Nasa auditorium. Huwag ka nang pumunta dahil boring na ceremony lang naman ang magaganap.""Bakit? Ano bang mangyayari sa ceremony?""Wala naman. Encouragement speech lang naman para sa mga estudyante para sa mga darating na activities at papalapit na examination."Umalis na sila pagkatapos kong malaman ang mga magaganap sa ceremony. Ilang beses na raw si

    Last Updated : 2021-07-16
  • Masked Affliction   Note before locked chapters

    Hi, guys! I just want to leave this note before I locked any chapters. You might start wondering why some chapters will have like part I, part II and so on. It's just that my word count every chapter cannot be shorter than 2000 word count so I have to divide it in order for you to be able to pay it in lesser coins. Anyway, thank you for reaching this part. If you haven't commented or given me reviews and you are reading my book, I hope you do so because your comments fuels me. I will improve my writing even more. Although these past few months, my passion was really in crisis because I am not having stable mental health but I will assure you that I would continue to work hard and I am going to do fine. Please wish me luck! Have a nice day and I hope you have the best time reading my book.

    Last Updated : 2021-07-16
  • Masked Affliction   Chapter 13, Part I: Sick

    Ilang araw ko nang napapansin ang presensya ng dalawa at ilang araw ko na ring iniiwasang makasalamuha iyon. I just don't want to make a further mess out of it. I suspected that they went in our place to avenge their friend and themselves. Ngayon, naisipan ko na talagang totohanin ang paglayo sa mga lalaking iyon. Ang sakit naman kasi sa ulo. Oo at guwapo nga ang magpinsang iyon pati si Kian at kung sino pang pinagkakaguluhan nila. I cannot blame them too if they're being like this. Minsan naman kasi hindi natin maiiwasang gumawa ng mga kung anu-anong bagay dahil sa mga taong gusto natin. Not that I can relate to it but I do understandand even when my patience was thinning, I am trying to be considerate. Kaya ako na ang magpapakumbaba. It was hard. We have a lot of subjects that Ford and I were in the same classes. Madalas pang partner kami at magkagrupo. Pinapansin ko la

    Last Updated : 2021-07-16
  • Masked Affliction   Chapter 13, Part II: Sick

    Ipinagkrus ko ang braso at binti 'tsaka hinarap siyang nakaupo."Hindi rin. Confidential eh…" I joked. Humalakhak siya at kaagad nakuha na joke iyon. Tumawa na rin ako at nawala na ang tensyon sa sarili."I find it rather easy to check your account." Kinuha niya ang cellphone at may kinalikot doon. Ilang sandali pa bago niya iniharap sa akin. "See? That was easy."Naroon sa screen niya ang Facebook account ko. Hindi naman siya nag-send ng friend request kaya Add Friend ang nakasulat doon maliban pa sa Send Message."Ngayon mo 'yan hinanap?""Yup!" he said popping the p sound. Tumango siya. He grinned sheepishly to me. "You are easy to predict. You will use your full name on your Facebook account.""Paano mo naman nalaman ang full name ko?""Because we are classmates in few subjects, I am

    Last Updated : 2021-07-16
  • Masked Affliction   Chapter 14: Seek

    "Good evening, Nanay…"Pumasok ang nurse na may dalang mga tray para sa pagkain ng mga pasyente. She greeted Nanay when it was Nanay's tray she has to give.Alas siete sa tuwing hinahatiran ng pagkain si Nanay na galing sa ospital. Kasama na 'yon sa bills dahil naroon iyon sa diet chart nila. Nanay has been here for three days. Hindi pa kasi pinapauwi ng Doctor dahil kailangan pa raw magpahinga nang maigi ni Nanay. It was nice if Nanay could go home quick. Mas mahal kasi kapag tatagal but if it was for the sake of her health, money has no value.Ayos na ron iyon. Alam ko namang susuwayin lang ni Nanay ang payo ng Doctor kapag umuwi siya kaagad ng bahay. Kaagad na babalik ‘yon sa pagtulong sa karinderya at kapag nakapagsimula nang muli ay mahirap ng pigilan.i Matigas pa naman ang ulo no'n.Pinakain ko si Nanay pagkatapos ay pumunta naman ako ng canteen para bumii ng sariling mak

    Last Updated : 2021-07-17

Latest chapter

  • Masked Affliction   Chapter 25, Part II: Truth

    The fun started with the student council representatives hosting the event. They had games and all which I didn’t participate because I was wearing a dress. Si Athelia naman ay sumali pa rin kahit na nakapalda. She even dragged Ena along with her when she saw that Adamson was participating in one of the games. I remembered... it was called newspaper dance. Tahimik lang akong nakaupo at nanonood sa mga estudyante. “You don’t want to join in?” Ford asked. Umiling ako.Narito lang din siya at nagmamasid sa kasiyahan ng lahat. Kian and Ivan was watching with us from the next table as well. Ang tatlo lang ang umalis sa kinauupuan para makisali sa kung anong mga palaro. Athelia even removed her heels to win the games. Sa tuwing bumabalik siya ay may panibago na naman siyang dalang box na napalanunan. Ena was holding a bag of candies as a consolation price. “How about you? You might want to play the games.” “Do you want me to?” he asked. Bahagya niya akong niyuko. Our eyes met and my ch

  • Masked Affliction   Chapter 25, Part I: Truth

    Bago pa dumating ang araw kung kailan gaganapin ang exam namin ay natapos na rin sa wakas ang Freedom Wall namin. It took a lot of time to finish small details. Although compared to when we have a lot of things to do, this was less tiring. Only that you have to be very careful not to mess up. Isa ako sa mga kailangang tumapos sa mga maliliit na detalye. That also includes the rest of the club officers. Ramdam ko ang pagsisisi na naging isa ako sa mga officers. Ganoon din siguro ang mga kasama ko. I know we only felt that way at this period of time though. We still carry the same pride of being the officers of our club. Pero gusto ko na lang humiga habang ginagawa ang natitirang gawain. Hindi naman na masyadong binibigyan ng pansin ng mga estudyante ang Freedom Wall! They were enthusiastic about it at first. They followed the proper curriculum about this gimmick but time passes and it was just forgotten. Just another display to the school. Kairo’s parents were very understanding kno

  • Masked Affliction   Chapter 24, Part II: Rebel

    Kaya nang sumunod na araw habang hinahatid niya ako kila Kian, naghahanap ako ng magandang tiyempo kung kailan siya kokomprontahin.Huminto ang sasakyan sa labas ng malaking gate nila Kian. Nakasilip lang ako sa labas at hinahanda ang sarili ko. I was so determined to do it but now I am shaking in my bones! Dahil sigurado akong sa aming dalawa, mas malaki ang kumpyansa niya sa sariling tanggihan ang maaaring sabihin ko. While I would just succumb on my opinions because most of the times, he was right. Ngayon ay wala siya sa tama! I can't have him ruining all of his study schedule just because he messed up a little bit.Tinanggal ko ang seatbelt at humarap sa kaniya. He was just watching me, probably pondering on my silence. My mind was floating in the surface though. I was sauntering on the scruple I am feeling."What time will you

  • Masked Affliction   Chapter 24, Part I: Rebel

    From: Ford When are you going to Kian's house? Nahinto ako sa ginagawa. We were still finishing a few touches on the freedom wall. Nalalapit na kasi ang exam kaya kailangan bago pa dumaan ang exam ay matapos na kami. I stood up from squatting and excused myself to someone nearby. Tinanguan lang ako nito habang hindi iniiwan ang ginagawa. I looked for Ford on F******k and sent him a message on Messenger instead. Wala akong load! Kapag hindi niya makita ang reply ko, hindi ko na iyon kasalanan. Sasabihin ko na lang na nag-reply naman ako, hindi nga lang niya binisita ang Messenger. At tsaka, halata namang wala akong load! Wala akong masyadong ka-text o katawag at may free naman kaya bakit ko pahihirapan ang sarili? Good thing he was able to figure out my character in a few seconds, even earlier than I

  • Masked Affliction   Chapter 23, Part II: Woman

    I am already tired of trying to run away from my real feelings and masked it with the past promises."Uh-huh…" he said slowly, trying to organize his thoughts about me. Maybe… about us. "Why would you cry about us kissing?"I gasped and looked up at him. Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko sa mata dahil sa sinabi niya. He did not deny that they indeed kissed! Tinawag nga niyang "my woman" kanina kaya bakit hindi sila puwedeng maghalikan!? Tang ina!Bumitaw sa akin ang kamay niyang kanina pa pala nakahawak sa braso ko. He reached my face and wiped the tears that traced my cheek."Tell me, why are you crying about it…" he p

  • Masked Affliction   Chapter 23, Part I: Woman

    The waltzing did not stopped just because I left Kian alone in the middle of the dance floor. Nagpatuloy ang mabagal na musika at ang romantikong sayaw ng mga nasa gitna. Hindi ko iyon inalintana. Like a fish, I swam against the current of the dancing crowd. Naging eksperto ata ako sa pag-ilag sa pagkakataon na iyon at iisang direksyon lang ang patutunguhan--kung nasaan si Ford. Minalas pa ako at natapos na ang mahinang tugtugin at pinalitan na nila ng nakakabingi at maingay na musika.Naghiyawan ang mga estudyante at parang nawala sa romantikong katauhan, parang leon na gustong magwala sa kulungan. The crowd gows wild, it was harder to slipped in the small spaces! Halos mabuwal ako sa kinaroroonan. Nagsimula silang magtulakan na parang mga timang, kapag natatangay ako sa alon ay itinutulak ko rin sila sa iritasyon. Walang nagawa ang kaunting lakas ko sa malaking grupo ngunit kapa

  • Masked Affliction   Chapter 22, Part II: Free

    Hinablot nito ang palapulsuhan ko nang walang salita at nagsimulang maglakad nang mabilis habang bitbit ako. I was struggling to carry my things while his strides were long. Sa haba ng binti niya ay halos patakbo na ako sa pagsunod sa kaniya kahit hawak naman ako nito.“Ano bang problema mo, Ford? Dahan-dahan naman! Ang bilis mo eh!” reklamo ko at pilit na pumipiglas sa hawak niya. His grip tightened but his pace slowed a little to give me slight comfort.Bumagal nga pero hinigpitan naman ang hawak sa akin! Hindi naman ako tatakbo palayo!Tumigil lang kami nang makarating malapit sa conference room at wala nang masyadong tao. Madalas kasi rito nagtitipon-tipon ang matataas na tao ng paaralan kaya inihiwalay sa mga lugar na maraming estudyante para mabigyan ng privacy.Pagod na ako nang hu

  • Masked Affliction   Chapter 22, Part I: Free

    So it has been decided that I am going to the open field ball?Hindi pa rin ako makapaniwala at natauhan lang nang harap-harapan ko na ang malalaking gowns. Sumama sa akin sina Athelia at Ena dahil pipili rin sila ng susuotin nila. Ena's mom was too busy to come with us so she left her card with Ena.Masigla si Athelia at para bang prinsesa sa kaniyang coming of age habang namimili ng maisusuot. Ena was talking to the attendant and viewing the brochure while I awkwardly sat on the bench at watched them closely.Hindi ko naman binalak na pumunta kahit pa may pera ako dahil abala ako at iniisip ko na nagpapagod lang ako para sa isang event na hindi naman gaanong mahalaga. Hindi naman sinabi ng guro namin na graded ang mangyayaring ball at wala akong grado kapag hindi ako pumunta. Although a little part of me wanted to come but I can win over my little desire. After al

  • Masked Affliction   Chapter 21, Part II: Included

    Kairo was insisting that he need not to study with me. Naka-perfect naman daw siya sa mga quizzes nila at hindi naman daw siya stupid! Minsan gusto ko na rin talagang batukan 'tong si Kairo. Kapag ayaw niyang mag-aral, e'di wala akong trabaho no'n!Mama na nga niya ang bumatok sa kaniya at nang nanahimik na siya ay pinagtatawanan lang siya ng ama na nakatanggap din naman ng sapok galing sa asawa.Masama ang tingin sa akin ni Kairo na para bang ako ang pumilit sa kaniyang mag-aral. Mamula-mula ang ilalim ng mata at ilong dahil sa pag-iyak kanina."Then, can you try answering this?" mahinahon kong sabi kay Kairo."If it's that easy, why do I need you to teach me this?" reklamo nito ngunit kinuha rin naman ang papel at ballpen at nagsimulang magsagot.This kid! I understand his sentiments about himself and how he turned to be because of his family but someday, if he’s not going to fix his attitude, he’s going to g

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status