Home / Romance / Masked Affliction / Chapter 3: Eyes

Share

Chapter 3: Eyes

I took scholarship examination in Chua High School and Colleges that summer.

I spent the Summer earning money by selling halo-halo to our place. Wala pa kasi ang result ng kinuha kong exam at lalabas pa sa katapusan ng May. If I may not be able to pass it, then I will just continue studying in my former school. Kapag nakapasa naman ay magkakaroon ako ng formal enrollment.

I wanted so much to be in that school so I studied hard the day before the scholarship examination. Naghanap ako ng mga coverage na madalas ilabas nila sa examination. Kadalasan doon ay mga lesson na na-take na namin sa mga naunang year. May mga bago ring lesson at kumuha na lang ako ng mga PDF files and google drive para mapag-aralan.

My hardwork during that summer was all paid off when I saw my name at the result. I passed the examination! I am finally going to enroll into that school!

"Oh, medyo lalakihan ko ang baon mo ngayon dahil nasa private school ka. Mahal daw ang mga bilihin doon."

Naglahad si Nanay ng pera sa akin. I stared at it and noticed how the amount escalated from the previous one I had in my old school.

Dati ay singkwenta lang ang baon ko. Sakto lang naman iyon at minsan pa ay sumusobra dahil nilalakad ko lang naman ang paaralan. Nagbabaon din ako kaya hindi ko na masyadong nagagastos ang pera. I've got a lot of savings that is why I can probably fund for myself in few months. Pero iniisip ko na hindi rin naman ako masyadong magastos at natatakot pang maglabas ng pera. May baon pa ako.

Hindi naman siguro bago roon sa CHSC na nagbabaon, hindi ba?

I accepted the money anyway but I left that fifty pesos on Nanay's palm. Pinipilit pa ni Nanay na tanggapin ko at baka kulangin ako sa pera. One hundred fifty pesos is too much for me so I refuse the money. Sinabi kong dala ko ang mga ipon ko kahit hindi naman.

Nilakad ko lang ang daan palabas ng Baranggay hanggang sa nakarating ako ng sakayan. I don't wanna spend a lot because I know I will be needing much money later on. Nag-tricycle lang ako papunta ng school.

May walking lane sa magkabilang gilid para sa mga papasok at paalis. Sa gitna ay naroroon ang daanan para sa mga sasakyan. The guard was checking every students IDs and uniform. Wala pa akong uniform dahil hindi pa sila nagre-release kaya naka-jeans at t-shirt lang ako.

The school was really huge. Kung ikukumpara ko sa dating school ay kalahati lang ata ang laki no'n sa field. May mga banda pa akong hindi napupuntahan kaya sa field pa lang maikukumpara.

Maraming hatid ng sasakyan na estudyante at may ibang nagbibisikleta at nakamotorsiklo. Their were no bicycle lane in the school kaya pagala-gala talaga ang nagmamaneho nito.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag at tiningala ang mga matatayog na building. I was in a different world were everything looks so extravagant. Kahit ang mga estudyanteng naririto ay nakakatakot lapitan dahil ang mahal nilang tignan. Even in their uniforms, they all look so expensive.

Nag-ring ang alarm ng school 'tsaka ko naalalang pupunta pa ako sa opisina ng dean. Nagmadali akong maglakad, nakayuko habang hinahalungkat ang laman ng bag. Kinuha ko ang clearbook at hinanap doon ang envelope na inilagay.

Bumagsak mula sa pagkakaangat ko ang envelope. I crouched to get the envelope. Kauupo ko pa lang nang may nag-drift na bike sa bandang gilid ko. Tumalsik ang mga gravel sa mukha at damit ko!

"Putang ina..." Marahan kong mura sa irita. Ipinikit ko nang mariin ang isang mata kung saan tumigil iyong nagbibisikleta. I huffed mouthful of air and picked up the envelope. Tumayo ako, handa ng ilabas ang inis sa kung sino man.

"Gago ka ba, ha?" salubong ko rito.

Bumaba siya sa bisikleta at inayos ang bag sa balikat. His hair was blown by the wind, giving me a slight sight of his chinky eyes and dark orbs. Gwapo... Iyon ang masasabi ko sa kaniya pero gago pa rin siya!

Wala siyang naisagot sa sinabi ko. Tumitig siya sa akin at mas nilalamangan ang intensidad sa mata ko. His face was emotionless, I can tell even without having a clear sight of his eyes. I can feel his intimidating air. Wala sa sarili akong napalunok at ikinunot ang noo para ipakita ang inis.

"Binangga mo ako!" I blurted out, wala ng maisip na masabi sa pinaghalong kaba at irita.

"Hindi kita binangga. Sa gilid mo ako huminto."

"Kita mo 'to, ha?" Turo ko sa mukha na marumi na dahil sa alikabok at gravel. "Atsaka itong damit ko? Kita mo? Huminto ka sa gilid at narumihan mo ang damit ko!"

"Still, I did not bump you like what you accused me of.

Napanganga ako nang diretsahan niya iyong isagot. Ginala ko ang mata sa kaniya. Maputi siya, itim na itim ang buhok na tumatakip halos sa mga mata. His aristocratic nose stood perfectly on his small face. Matulis ang mga panga, parang puputulin ang mga daliri mo. He has chinky eyes and dark orbs, making his eyes looks intensely cold. At sa pag-ihip muli ng hangin ay nakita ko kung gaano kakapal ang kaniyang maitim na kilay.

Hindi ko matanggap na nagagawa ko pang purihin sa isipan ko ang lalaking ito dahil kung ibang tao naman iyon ay hindi na gagala ang isipan ko nang ganito. And, I cannot accept that I got intimidated by him!

"Tang ina ka!"

Wala man lang gulat sa mukha niya nang murahin ko siya nang malakas. I almost covered my mouth when I said my ire outloud. Nakagat ko ang ibabang labi at halos umatras na sa nasabi.

Umiling siya, his lips firmly pressed onto each other. Dumukot siya ng kung ano sa bulsa ng kaniyang slacks bago ilahad sa akin ang isang puting panyo.

"Here. Help yourself. I am late with my first class. The name is Ford, by the way. And, you're welcome."

Tinalikuran niya ako at naglakad paalis tangay ang kaniyang bisikleta. I mouth parted in shock. Hawak ko pa rin sa kamay ang panyo niya at nakatitig sa kaniya habang siya ay papalayo.

Nilakad ko na lang ang dean's office nang matauhan na ako sa nangyari. The field was huge but it was still morning so the weather was nice. Maaliwalas ang hangin at hindi mainit kaya nagawa kong maglakad nang hindi nagpapayong.

Dean introduced the school to me. May mga sinabi pa siya sa akin about sa rules ng paaralan bago ako ipalakad sa isang tauhan ng school papunta sa classroom ko.

The curriculum in the school does not go the same way as other schools. Iba-iba ang magiging classmate ko sa ibang subjects at lilipat-lipat kami ng classrooms. It was like I am suddenly College with this kind of curriculum. Iyon nga ang purpose nila, para masanay ang mga fourth year sa ganito.

"Miss?" tawag ng staff sa teacher ngayon. Lumingon ang teacher at nakangiting sumalubong sa amin.

"Is she one of the scholars?"

"Yes, Miss. She will be at your class for this hour. May schedule na siya at pati na rin number ng classrooms niya kaya hahanapin na lang ang susunod."

The teacher nodded and held me on the shoulders.

Pinaupo ako sa upuan ng teacher. Good thing some didin't know each other yet so I will not have the special introduce yourself because we will all have to do it. Nauna ang mga nasa harap hanggang sa dumako na iyon sa aming nasa likod.

Ena texted me after my first class saying that she will be having her history class for the next subject. Si Athelia naman ay sa English. I am also having history class for the next subject, hindi ko nga lang alam kung pareho ba kami ng classroom ni Ena ngayon. Doon ko lang nalaman nang makita ko siya sa parehong classroom at nakaupo na sa kaniyang napiling upuan.

"Ena!"

"Kate! Hindi mo sinabing nasa pareho tayong subject!"

"Baka kasi hindi naman tayo pareho ng classroom."

Nagkibit siya ng balikat.

The teacher was just discussing to us about the rules of the class. Binanggit niya rin sa amin ang rules ng paaralan gaya ng naunang teacher at may pinasagutan sa aming form. We did not have a formal discussion yet at puro lang iyon introduce yourself hanggang sa mga sumunod na subject.

Naging shortened lang ang classes ngayon dahil wala pa namang formal discussion. Nagsisimula ang classes namin ng alas otso sa umaga at iyong breaktime ay 11am hanggang 12am pero dahil 30 minutes lang each subject, nagkaroon kami ng breaktime for 30 minutes ngayong 9:30am.

Sa breaktime ay nagsabay kaming tatlo ni Ena at Athelia.

Athelia was waiting outside our classroom. Dalawa ang parehong subject namin ni Ena out of three subjects. May isa pang subject kaya baka maging kaklase ko na rin si Athelia sa susunod o silang dalawa.

"Hindi ko naka-classmate si Ivan sa tatlong subjects! Kahit isa man lang!" maktol ni Athelia.

"May dalawa pa namang subjects na natitira," sabi ko sa kaniya kahit hindi kilala kung sino ang tinutukoy.

"Mas nalulungkot ka pa na hindi mo siya classmate kaysa sa amin, ha. Dalawang subjects na kami magkaklase ni Kate, wala ka nang pag-asa."

"Magkikita pa rin naman tayong tatlo pero minsan ko lang 'yon makita! At isa pa, hindi ko naman kayo crush!"

Umirap si Athelia at Ena sa isa't-isa samantalang natatawa na lang ako sa kanila.

We found a vacant seat in the cafeteria despite the hovering number of students inside. Thirty minutes naman ang breaktime, mahaba-haba rin pero iikling pakinggan dahil sa dami ng mga estudyante ngayon. Malaki ang cafeteria ngunit napupuno pa rin lalo na't first day of class ngayon.

"Sa labas na lang kaya tayo kumain? Ang daming tao 'tsaka paniguradong mahal ang mga pagkain dito."

Mahaba pa ang linya at naiirita na ang iba. Iyong iba naman na feeling superior ay sumisiksik at tinatakot ng tingin ang ibang students.

"Ano ka ba! Ililibre ka namin!"

"Hindi rin tayo palalabasin ng guard kung hindi mo tatakasan o wala kang teacher's permit. Alas nueve pa ngayon kaya hindi pa tayo palalabasin."

Natawa ako at humalukipkip sa mesa.

"Wala kayong choice kung hindi ilibre ako 'no?"

"Ganoon na nga." Tawa ni Ena. Sinapok siya ni Athelia pagkatapos ng sinabi niya. Hinaplos niya ang nasaktang noo at masama ang tingin kay Athelia.

Athelia volunteered to order food for us. Pumili na siya roon sa maraming tao kaya kami ni Ena na lang ang natira. She then shut the world out again and read her new book she just bought last week. Nakuwento niya kasi iyon sa group chat naming tatlo kaya alam kong dadalhin na naman nito.

Nagagala na lamang ang mga mata ko sa buong cafeteria dahil walang makausap. Ayaw ko namang maistorbo ang isang bookworm sa mundo nila dahil baka magpasabog. Natawa ako sa sariling naiisip.

The girls here were very unlike to the girls in my old school. Naka-makeup man ay maganda iyong tignan sa kanila at mukhang natural. They were all looking clean too and simple. The transferees were not overdressed, hindi gaya sa dating paaralan na kulang na lng ibubod nila sa katawan ang kung anong puwedeng maisuot.

It's not that I am judging their fashion. It's just that, they should wear I appropriately. When I said appropriate, I mean in all aspect. Magsuot sila ng nababagay sa lugar at nababagay tignan sa kanila.

The guys here were all expensive looking too. Nakakatakot magka-crush sa mga ganitong kayamang lalaki dahil alam mong hindi magiging sa'yo. Mapuputi at kung hindi man maputi ay healthy at makikinis ang balat, halatang alagang dermatologist. Napapatanong din ako kung nagli-liptint din ba ang mga ito dahil mapupula ang mga labi.

I saw boys in my old school back then putting some tints on their lips. Hindi ko naman naiisip na nakakabakla iyon dahil parte naman iyon para maging presentable. May mga maitsura rin naman doon ngunit may iba talaga na ayaw mo na lang tignan dahil bukod sa hindi na guwapo, feelingero pa at mapang-insulto.

I suddenly remembered that guy I met awhile ago. He looks simple and he was just riding a bike. He was in a uniform so I am guessing he was already an old student. Scholar din kaya siya? Well, that will be hard to guess because most students here dress neatly and simply. Mahihirapan kang hanapin kung sino ang scholar at sino talaga ang mayaman. They're all looking humble in their stance too. Baka nga mas magyabang pa ang dati kong mga schoolmates.

Nagdatingan ang grupo ng mga lalaki sa cafeteria kaya mas naging maingay ito. May mga nakasalubong pa sila na mga kaibigan, nag-hi five at nagtapikan ang mga lalaki. Nakaharang na sila sa daan pero wala namang sumasaway sa kanila dahil magulo rin ang lahat.

They took the seats nearby our table. Hindi napansin ni Ena kung paano hilahin ng mga lalaking iyon ang atensyon ko. She was so indulged by what she was reading. I was never a bookworm so I don't know how it feels. Pinagsawa ko na nga lang mga mata ko sa katitingin sa mga tao hanggang sa may mga bagong dating. Ngayon ay mga galaw naman nila ang inaabangan ko.

Nakatalikod ang isa sa kanila at nakaupo naman sa gilid ng four-seater table ang dalawa. Nang umikot na iyong isa at umupo nang nakaharap sa direksyon ko, nabulunan ako sa sariling laway.

Our eyes met after minutes that I've been watching them. Binalik niya nga sa akin ang tingin at gaya ng normal niyang ekspresyon ay naging matalim iyon para sa akin. Hinila ko ang tumbler na dala at ininuman dahil sa panunuyo ng lalamunan.

Bakit ba gano'n 'yong mata niya? May problema ba siya sa akin o ganoon lang talaga siya tumitig?

Nawala na sa akin ang mga mata nito kaya palihim akong sumusulyap sa kanilang direksyon. Tinanggal niya ang pagkakasukbit ng bag sa balikat at inayos iyon sa upuan. His friends were making jokes with each other and they were laughing. Nagsasalita siya minsan at minsan naman ay ngumingisi kapag iyong kaibigan ang nagsasalita.

Iyon lang ang nagawa ko habang hindi pa dumarating si Athelia kaya nang maglapag na iyon ng tray ay halos mapatalon ako. Ena looked at me suspiciously. Hinaplos ko ang pumipintig na dibdib, pinapakalma ang mabilis nitong tambol.

"Hindi muna for lunch ang binili ko kasi makakalabas naman na tayo sa mamaya at shortened pa! Light lang na mga pagkain. Gusto ko ring lumabas mamaya para makabili ng adobo!"

"Sinabi mong magda-diet ka, hindi ba? Ayan, gusto mong mapansin ng crush mo pero hindi ka naman nagbabago!"

"Grabe ka naman... Nagbabago naman ako, ah? Konti lang pero pagbabago pa rin 'yon uy!" Siniko ni Athelia ang katabing si Ena. Masamang-masama na talaga ang tingin nito kay Athelia dahil kanina pa pinagbubuntungan. I am glad I did not sit beside her. Baka ako naman ang masaktan ng magaang kamay ni Athelia!

Dinadaldal lang ako ni Athelia habang kumakain kami. Ena was back in her own dimension again, with a book on her hand. Kumakain siya ngunit hindi mabitawan ang librong bagong bili. Hindi naman alam ang pakiramdam ng nagbabasa nang ganiyan ngunit kaya naming maging considerate kaya hindi kami manggugulo. Nag-uusap lang kami tungkol sa school hanggang sa kung saan-saan na napadpad ang usapan.

Napadpad ang mga mata ko sa direksyon noong lalaki. May tumabi sa kaniyang babae at parang pinagpipilitan lang naman ang sarili. He did not seemed to mind that though but he also did not gave space to the girl. Sumama ang mukha ko sa nakikita. I thought girls here were all extravagant and classy. I never thought they can also be desperate after even knowing the guy doesn’t like it.

Ah, hindi ko na iyon dapat naisip pa noong una at na-disappoint lang ako sa sariling ideal. Afterall, we might be born with different social standings but we were still born with the same greed.

"Bakit?” Tumingin si Athelia sa akin na para bang kinakabahan sa naging reaksyon ko. “Maasim ba ang mango float nila?" tanong ni Athelia at tinikman ang kinakain kong mango float. Niyuko ko iyon at tinikman din, nauto sa ginawa ni Athelia.

"Baka hilaw ang ginamit nila," singit ni Ena sa usapan. Napailing ako at sumulyap ulit doon.

"Kilala mo ang mga 'yan?" Patago kong itinuro ang direksyon niya. Iyong lalaking nakilala ko lang naman ang gusto kong itanong ngunit ayaw kong isipin nilang may gusto ako roon. I am just curious.

Nilingon iyon ni Athelia, halos tampalin ko ang mukha niya dahil ang obvious niyang tumitig!

"Sinasabi ko na nga ba't tatamaan ka rin sa kamandag ng mga 'yan! Pero mind you, akin lang si Ivan!"

"Huh? Sinong Ivan?" Sinulyapan ko ulit ang mga lalaki. Sa pagkakaalala ko ay Ivan nga ang pangalan ng kanina pa bukang bibig ni Athelia. Iyong nakabunggo ko naman kanina, Ford ata iyong pangalan kaya malabong siya ang tinutukoy.

Huminto na sa pagbabasa si Ena at nakuryuso na rin sa pinag-uusapan namin. She glanced at the boys direction. Kaagad siyang napaiwas at napasimsim ng juice nang may lumingon sa kanilang isa. Mahuhuli pa ata kaming nagmamatyag!

"Si Ivan...”

"Iyang nakaharap sa direksyon natin?" tanong ko kahit hindi pa natatapos sa pagsasalita si Ena. Napangiwi siya at pilit na tumingin sa direksyon ng mga lalaki. Parang ayaw niya nga talaga pero dahil nagtanong ako ay napipilitin.

Sumunod din ako sa ginawa ni Ena at tinignan na talaga ang lahat. The two of them were sitting on each side of the table, silang dalawa na lang ngayon ang nag-uusap. Ford was now silent and the girl with him gave up. Iyong nakatalikod naman sa amin ay may kausap na ngayong grupo sa kabilang table.

"Hindi!" Hinampas ako ni Athelia, prinotektahan ko kaagad ang sarili sa mapanakit niyang kamay. Tumuro siya roon sa lalaking nakatalikod. Inawat ko ang kamay niya at pinandilatan siya ng mata, si Ena ay napapasapo na sa noo.

"Pangit mamili ng crush. Gusto ‘yong hindi siya magugustuhan,” pang-iinsulto ni Ena.

Sumulyap ulit ako roon, nagbabakasakaling makita ang mukha noong lalaki. Nag-angat ng tingin si Ford at tumama ang mga mata sa akin. I immediately averted my gaze and look another way. Pinilit ko ang sariling makinig sa mga kaibigan para walain ang atensyon sa kaniya.

"Para namang maganda ang taste mo. Eh, 'yang si Adam nga—“

Naibuga ni Ena ang iniinom sa mesa. Hinila ko ang mga pagkain ko samantalang tawang-tawa lang si Athelia. Sinamaan siya ng tingin ni Ena habang nagpupunas ng tissue na provided ng cafeteria.

"Tantanan mo nga ako!"

Athelia snorted and rolled her eyes to Ena. Padabog na inilapag ni Ena ang maruming mga tissue at kinuha ulit ang inumin niya. Nakikinig na lang siya sa amin habang nasa kabilang table na ulit ang paningin.

"Si Ivan 'yang nakatalikod sa atin. Ang nasa gilid naman si Adam at Kian. Nasa left side si Adam at right side si Kian. At 'yang nakaharap sa atin na may katabing babae kanina, 'yan si Ford."

"Ah... babaero ‘yon?”

Naibuga na naman ni Ena ang iniinom sa nasabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Athelia at gulat din sa nasabi ko. Nabasa na ngayon ang ibang gamit ni Ena lalo na ang libro niya. Mabuti na lang at nakasara iyon at may plastic cover ang harapan kaya hindi iyon masisira.

"Ayos ka lang?" Nagbunot ako ng panyo sa bag at inilahad sa kaniya. 'Tsaka ko lang napagtanto na wala pala akong dalang panyo at ang inilahad ko kay Ena ay iyong panyo ni Ford na hindi ko nagamit!

“Ayos lang.” Iwinasiwas niya ang kamay para hayaan siya.

Ipinunas niya ang panyo sa dumi ng mukha niya bago iyon ipunas sa nabasang cover ng libro niya. Napanganga ako sa gulat at kaba at halos lumabas na ang mata nang makitang nakatitig si Ford sa direksyon namin. Napanood niya kung paano ko ibigay kay Ena ang malinis niyang panyo at ipinampunas lang sa narumihang libro.

Nakahalukipkip siya sa kanilang mesa at seryoso na ang mukha habang nasa mesa namin ang paningin. Then his eyes wandered on me. Napalunok ako sa lamig no'n. Hindi ko alam kung natural nga lang talaga iyon sa kaniya o nagalit siya sa ginawa ko sa kaniyang panyo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status