Nanaisin mo pa ba na alalahanin ang nakaraan kung ang kapalit nito'y kasawian? Hahangarin mo pa ba na manatili sa taong iyong minamahal kung ito'y nakasasakal at nakamamatay?
view morePAGKAMANGHA ang mababakas sa mukha ni Agata habang pinagmamasdan ang malawak at malinis na batong daan. May iilang bahay na rin na gawa sa bato ang abot-tanaw niya. Malakas na hiyawan ng mga paslit at maingay na busina ng sasakyan."Nasa bayan na ba talaga ako?" Nilingon niya panandalian ang pinanggalingan. Mga punong kahoy at damo na lang ang natatanaw niya. May ilang bakuran na rin siyang nadaanan, pero lahat iyon ay private property kaya tanging ligaw na damo lang din ang laman.Huminga siya nang malalim. Inihakbang ang mga paa, kasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib."Totoo na ito. Nakalabas na nga ako," masayang litanya niya nang sa wakas ay nailapat na ang mga paa sa batuhang daan.Halos mayupi pa ang bayong na dala dahil sa pagkakahigpit ng hawak doon.Naghahalo ang nadarama niya. Pangamba, pag-asa at kasiyahan.Nagpatuloy na si Agata sa paglalakad. Palinga-linga sa paligid na animo'y isang paslit na bago lang nasilayan ang mundo.Kusang huminto ang mga paa niya nang matanaw
PILIT iwinaksi ni Agata ang kalungkutang nadarama habang papalapit kay Efraim na tahimik na naghihintay sa hapag-kainan.Nang matanaw siya ng asawa, agad siya nitong nilapitan at kinuha ang isang mangkok na naglalaman ng sinangag na kanin at platong may piniritong itlog ng inahin nilang manok.Agad naupo si Efraim nang matagumpay na nailapag sa lamesa ang pagkain. Naudlot pa ang pagsandok ng pagkain nang mapansin ang pananahimik ni Agata sa isang gilid."Hindi ka ba kakain?" pagtatanong nito. Ibinalik ang sandok sa pinagkunan at nilapitan ang asawa.Agad nagtungo si Efraim sa likuran ni Agata. Panandaliang inamoy ang buhok ng asawa bago tinungo ng mga kamay ang balikat nito. "Halika, pagsisilbihan kita, Mahal ko," malalim ngunit may bahid nang paglalambing na wika nito.Wala sa sariling nagpatangay na lang si Agata sa nais ni Efraim. Dinulutan siya nito ng makakain, nagawa niya lang tumanggi nang magprisinta pa ito para subuan siya."Ako na, Efraim. Kaya ko na." Kinuha niya ang kutsar
ILANG ulit pang napalunok ng sariling laway si Agata habang nakatungangang nakatingin sa papahinang usok ng kanina lang ay bagong hango sa kalan na inihaw na karneng manok."Nasaan na ba ang lalaking iyon?" naiwika na lang sa sarili. Nanulis ang labi niya dahil sa pagkabagot. Nanlalambot pa na tumayo sa kinauupuan at tinungo ang bintana upang doon sungawin ang lalaki.Ang saglit na pamamaalam ni Efraim ay tumagal na ng ilang oras. Lalo niya lang naramdaman na sobrang tagal ng nawala ng asawa dahil sa pag-aalburuto ng tiyan.Bagsak na ang dilim sa kapaligiran. May iilang huni na ng mga kulisap sa paligid at maging ang palaka na animo'y nagpupuri sa Panginoon.Itinukod niya ang dalawang siko sa hamba ng bintana. Pinaningkit ang mga mata para aninagin ang may kadilimang daan. Puti ang kasuotan ni Efraim, kaya natitiyak niyang mabilis niya itong makikilala sa dilim. Idagdag pa ang matikas nitong tindig at pangangatawan na kahit yata nakapikit siya ay magagawa niyang ilarawan.Lihim niyang
NAGTATAKANG pinulot ni Agata ang puting kahon na siyang bumungad nang buksan niya ang pinto. May nakatali pang pulang laso roon na nagsisilbing palamuti at pansara nito.Isinandal niya sa gilid ng bahay ang walis tingting na hawak. Nagawa pang igala ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling matatagpuan ang taong nag-iwan nito. Pero nabigo siya, pulos halamang gubat at mga punong kahoy lang ang naroroon.Ipinagsawalang bahala na niya ang pagwawalis ng bakuran. Muli siyang pumanhik sa loob, tangan-tangan ang kahon. Hindi naalis ang atensiyon niya sa kahon kahit pa nagawa na niyang maupo at ilapag ito sa lamesita. "Efraim, nakita mo ba kung sinong nag-iwan nitong kahon sa labas?" Tiningnan niya ang ibang parte ng kahon, umaasang makakakita ng nakadikit na sulat doon. "Efraim?" muli niyang tinawag ang lalaki. Maaga itong gumising kaya imposibleng hindi nito nakita kung sinong naglagay roon. "Nalulon mo na ba ang dila mo at—" Napahinto siya sa pagsasalita nang tapunan ng paningin ang kin
MATUNOG na paghalik sa pisngi ang ipinabaon ni Agata sa kasintahan. Namula pa nang bahagya ang mukha niya ng makaramdam ng hiya dahil sa pangunguna. Wala naman siyang narinig mula sa labi ni Efraim, bahagya pa ngang umangat ang sulok ng labi nito dahil sa tuwa.Limang taon na silang magkasintahan. Subalit, ito ang unang pagkakataon na lumapat ang labi ni Agata sa balat ng nobyo. Nasapat na sila sa pagyakap, pagsalikop ng mga kamay at pagpapalitan nang matatamis na salita.Bago pa mapansin ni Efraim ang pamumula niya at mauwi iyon sa panunudyo ay mabilis na niyang inabala ang sarili sa pagbabalot ng kagamitang dadalahin nito sa trabaho.Tahimik na tumayo sa kinauupuan si Efraim. Sinigurado munang nasaid ang kapeng sinisimsim bago tinungo ang kalan at doon ay dinarang sa apoy ang dahon ng saging na magsisilbing balutan ng kaniyang pagkain."Aabutin ka na naman ba ng dilim?" pag-uusisa pa ni Agata dito nang matapos sa ginagawa."Hindi ako sigurado."Nilingon niya si Efraim sa naging tugo
MALAKAS na pagdadabog ng anak ang nagpahinto kay Aloe sa paglalahad ng pagkain sa plato ng kaniyang kasintahan na si Matias. Naging dahilan din ang pagdadabog na iyon para magsalubong ang kilay ni Matias. Hindi inaasahan na ang dalagang laging nakangiti at mahinhin kung kumilos ay magagawang pagdabugan ang hapag-kainan.Sabagay, hindi pa ba siya masasanay? Hindi siya gusto ng dalaga. Lalung-lalo na ang pang-aagaw niya sa puwesto ng Ama nitong yumao. Hindi maipinta ang mukha ng unica hija ni Aloe nang tapunan niya ito ng paningin. Pinunasan niya muna ang labi ng tissue bago sinimulang kausapin ang anak."Anong problema? Hindi mo ba nagustuhan ang nakahain?" malumanay na tanong niya rito. Nagawa pa niyang senyasan ang abot-tanaw na kasambahay upang magtungo ito sa kusina nang maipagluto ng bagong putahe ang dalaga."Maayos ang pagkain," nagtitimping wika nito. "Pero hindi ko magawang lumunok kahit anong pilit ko." Kinuha nito ang basong nag-uumapaw sa tubig at inisang lagok iyon. "Baki
MALAKAS na pagdadabog ng anak ang nagpahinto kay Aloe sa paglalahad ng pagkain sa plato ng kaniyang kasintahan na si Matias. Naging dahilan din ang pagdadabog na iyon para magsalubong ang kilay ni Matias. Hindi inaasahan na ang dalagang laging nakangiti at mahinhin kung kumilos ay magagawang pagdabugan ang hapag-kainan.Sabagay, hindi pa ba siya masasanay? Hindi siya gusto ng dalaga. Lalung-lalo na ang pang-aagaw niya sa puwesto ng Ama nitong yumao. Hindi maipinta ang mukha ng unica hija ni Aloe nang tapunan niya ito ng paningin. Pinunasan niya muna ang labi ng tissue bago sinimulang kausapin ang anak."Anong problema? Hindi mo ba nagustuhan ang nakahain?" malumanay na tanong niya rito. Nagawa pa niyang senyasan ang abot-tanaw na kasambahay upang magtungo ito sa kusina nang maipagluto ng bagong putahe ang dalaga."Maayos ang pagkain," nagtitimping wika nito. "Pero hindi ko magawang lumunok kahit anong pilit ko." Kinuha nito ang basong nag-uumapaw sa tubig at inisang lagok iyon. "Baki...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments