Home / Romance / Marahuyo / Kabanata 1

Share

Marahuyo
Marahuyo
Author: Sept

Kabanata 1

Author: Sept
last update Last Updated: 2022-10-11 07:13:28

MALAKAS na pagdadabog ng anak ang nagpahinto kay Aloe sa paglalahad ng pagkain sa plato ng kaniyang kasintahan na si Matias. Naging dahilan din ang pagdadabog na iyon para magsalubong ang kilay ni Matias. Hindi inaasahan na ang dalagang laging nakangiti at mahinhin kung kumilos ay magagawang pagdabugan ang hapag-kainan.

Sabagay, hindi pa ba siya masasanay? Hindi siya gusto ng dalaga. Lalung-lalo na ang pang-aagaw niya sa puwesto ng Ama nitong yumao.

Hindi maipinta ang mukha ng unica hija ni Aloe nang tapunan niya ito ng paningin. Pinunasan niya muna ang labi ng tissue bago sinimulang kausapin ang anak.

"Anong problema? Hindi mo ba nagustuhan ang nakahain?" malumanay na tanong niya rito. Nagawa pa niyang senyasan ang abot-tanaw na kasambahay upang magtungo ito sa kusina nang maipagluto ng bagong putahe ang dalaga.

"Maayos ang pagkain," nagtitimping wika nito. "Pero hindi ko magawang lumunok kahit anong pilit ko." Kinuha nito ang basong nag-uumapaw sa tubig at inisang lagok iyon.

"Bakit naman? Masama ba ang pakiramdam mo? Kung gusto mo papupuntahin ko agad si Mr. Carlos nang matingnan ka," pagboboluntaryo ng ginang.

Mabigat ang naging pagbagsak ng dalaga sa hawak nitong baso. "Hindi ko kailangan ng doctor, Mama." Matigas siya nitong inilingan. "Mabuti pa na ikaw na lang ang komunsulta sa kaniya."

"Ako?" agad na takang tanong ni Aloe. Mabilis namang nakuha ni Matias ang idurugtong ng dalaga sa sasabihin nito.

Naudlot ang tangkang paghawak niya sa braso ng ginang nang mabilis niyang nasalubong ang matatalim na titig ng dalaga na ngayo'y ilang dipa lang ang layo sa kaniya.

Umangat ang hintuturong daliri nito sa mismong kinapupuwestuhan ni Matias. "Mabuti pang isama mo na rin ang lalaking iyan nang parehas kayong malinawan sa kahibangan ninyo," pag-ismid nito.

"Akala ko ba ay napag-usapan na natin ito, Anak?" nag-aalalang tanong ni Aloe nang makabawi sa binitiwang salita nito.

Ilang Linggo na ang lumipas nang magdaos ng okasyon sa mismong Mansion nila. Ipinagdiwang nila ang patuloy na pag-angat ng negosyo ng pamilya Marquez. Dahil lahat ng kakilala at kaibigan ay naroroon, kinuhang pagkakataon na rin iyon ni Aloe para ipakilala ang taong muling nagpatibok ng kaniyang puso.

Alam niyang mali at mahirap unawain. Subalit hindi niya magawang pigilan ang sarili. Kalahating taon na rin ang lumipas nang bawian ng buhay ang asawa niya dahil sa pagbagsak ng sinasakyan nitong helicopter. Sinubukan niyang ituon ang buong atensiyon sa nag-iisa niyang anak at sa negosyong naiwanan nang yumao niyang asawa. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Ang pangungulila niya sa asawa ay tinugon ni Matias. Ang lalaki ang naging kahalili niya sa lahat ng bagay. Sa oras na nalulungkot siya ay ito ang naging karamay niya. Maraming naging mapangmata sa relasyon nila, pero hindi niya akalain na ang inaasahan niyang taong mauunawaan siya ay ang una pang tututol sa mga nais niya.

Akala niya'y nasa maayos na ang lahat. Lalo na at magiliw naman ang lumabas na mga salita sa bibig ng kaniyang anak noong oras ng kasiyahan. Masigla pa siya nitong binati at si Matias sa harapan ng maraming tao. Hindi niya rin naman masabing pagpapanggap lang ang mga iyon dahil pakiramdam niya ay nasa alapaap siya ng oras na iyon.

"Hindi ko intensiyon na mapahiya ka sa maraming tao, Mama kaya nasabi ko na tanggap ko ang namamagitan sa inyo ng lalaking iyan." Lalong pinag-igting nito ang matatalim na titig kay Matias. "Kung wala ka lang doon, titiyakin ko na mapapahiya ang lalaking iyan sa pang-aabuso sa kahinaan mo."

Nanatiling tutok din ang paningin ng lalaki sa dalaga. Nagawa pa nitong ipagkrus ang mga braso sa dibdib.

Agad nagtagis ang kaniyang mga ngipin nang mapansin na hindi manlang naaapektuhan ang lalaki sa titig niya na animo'y ano mang oras ay magagawa niya itong sagpangin.

Hindi niya magawang tanggapin sa sarili na mabilis lang napalitan ng kaniyang Ina ang yumao niyang Ama. Hanggang ngayon nga ay nagluluksa pa rin siya at gabi-gabing ipinagdarasal na sana'y panaginip lang ang lahat. Pero ang Mama niya, nagawa agad nitong makahanap ng bagong kapareha. Ang nakakaloko pa roon ay halos kaedad niya lang ito at naging tauhan pa nila sa kompanya. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba ang lahat o talagang sinadya ng lalaki na gamitin ang kahinaan ng kaniyang Ina para mabilis na makaangat sa buhay.

"Bakit ngayon mo lang sinabi iyan? Alam mo namang nakaplano na ang lahat. At saka magdahan-dahan ka naman sa pananalita kay Matias." Malaki na ang perang binitiwan ni Aloe para sa nalalapit na kasal. Planado na ang lahat at kapag sa oras na umurong siya ay magmumukha lang siyang katawa-tawa sa mata ng ibang tao.

"Bakit ako hihinahon, Mama? Gayoong, hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan ng lalaking iyan. Sa tingin mo, mamahalin ka talaga niya? Ang daming babae riyan na mas bata sa iyo. Kung hindi ka niya pineperahan, hindi siya tatanggap kahit ni isang kusing mula sa pamilya natin."

Wala na sana siyang balak pa na konprontahin ang Ina patungkol dito. Pero sunod-sunod ang balitang natatanggap niya na ilang libo na ng pera ang nawawaldas ni Aloe para kay Matias. Idagdag pa roon ang pagbibigay sa lalaki ng ilang pursiyento ng share sa kompanya.

Pinagdaplis ng dalaga ang hinlalaki at ang hintuturo na lumikha nang mahinang tunog. "At ano ang sa tingin ninyo? Na makakahanap pa ako ng tiyempo na makausap ka?" Huminto ito sa pagsasalita at tumawa nang pagak. "Ni wala na nga tayong oras para sa isa't isa dahil nagmistulang buntot ka na ni Matias." Bumalatay ang kalungkutan sa mukha nito. Kumuyom ang dalawang kamao at nagsusumamong tumitig sa Ina. "Sarili mo akong anak, pero kinakailangan ko pang manglimos ng atensiyon mo para lang mapansin mo, Mama."

"Hindi sa ganoon. Nagkataon lang na naging abala ako sa lahat ng bagay. Alam mo naman na—"

"Katulad ng ano?!" padaskol nitong pagputol sa sasabihin ni Aloe. Padabog itong tumayo mula sa kinauupuan. Lalo lang siyang nawalan ng ganang kumain dahil sa pangangatwiran ng Ina. "Hindi mo ba napapansin, Mama? Unti-unti na tayong sinisira ng lalaki mo." Kulang na lang ay hilahin niya si Matias at ipagduldulan sa mukha ni Aloe para makuha lang nito ang nais niyang iparating.

Hindi lang pagduldulan ang nais niyang gawin sa lalaki. Kating-kati na rin ang kaniyang kamay na sampalan ito nang kay lakas-lakas.

Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa Ina at hinila ito mula sa pagkakaupo. "Kaya naman nating dalawa 'di ba? Kakayanin naman natin, Mama? Kaya nakikiusap ako sa iyo, hiwalayan mo na si Matias."

Matigas na umiling si Aloe sa pakiusap ng anak. Hinawakan ang kamay nitong nasa braso niya at inalis iyon. "Hindi ko kaya. Iniwan na ako ng Ama mo. Huwag mo namang ipagdamot sa akin na sumayang muli. Hindi na pabata ang edad ko. Darating ang araw na magkakapamilya ka rin. Kaya paano naman ako? Maiiwan lang akong mag-isa kung susundin ko ang gusto mo." Malakas ang naging pagsinghap ng ginang sa hangin.

Hindi niya nais na mag-isang muli. Hindi niya kaya. Isipin pa lang na darating ang araw na iiwanan na siya ng anak niya para sa pamilya nito ay lalo siyang nalulumbay. Kaya kung mawawala si Matias, paano naman siya? Wala na siyang pakialam kung pineperahan lang siya nito, ang mahalaga ay mayroon siyang makakasama sa buhay.

Naging hudyat iyon para tumayo sa kinauupuan si Matias. Agad nitong dinulugan ang ginang at ikinulong sa kaniyang mga bisig.

Nang mailapat ni Aloe ang pisngi sa matipunong dibdib ng lalaki ay agad na bumulwak ang pinipigilan niyang luha.

"Alam ko na hindi ka maniniwala, pero mahal ko si Aloe. Kahit pahirapan mo pa ako, hinding-hindi ko iiwanan ang Mama mo," sa wakas ay nagawa nang ipagtanggol ni Matias ang sarili.

"Tamaan ka sana ng kidlat sa mga kasinungalingang lumalabas sa bibig mo," pagalit na usal ng dalaga dito.

Nagtagis ang panga ng lalaki. Marahang hinaplos ang likuran ni Aloe nang malakas na itong umiiyak sa bisig niya.

"Hindi ko akalain na matigas pala ang puso nang nag-iisang tagapagmana ng Marquez." Nang-uuyam ang tingin ang ipinukol nito sa dalaga. "Hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring kapares."

Umawang ang labi ng dalaga sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang kinakayan-kayanan lang siya ng lalaki at nagawa pa siyang laitin nang walang preno. Sa mismong pamamahay niya pa talaga.

Totoo naman ang sinabi ni Matias. Wala pa siyang naging isang nobyo dahil mailap siya sa mga lalaki. Lalo na noong nabubuhay pa ang Ama niya dahil mahigpit ito pagdating sa mga taong nagtatangkang ligawan siya. Pero hindi totoong matigas ang puso niya. Ang hindi niya lang gusto sa tao ay iyong nang-aabuso ng mahihinang tao at sinungaling—na siyang tingin niya kay Matias.

"Lumayas ka!" agad niyang asik kay Matias nang makabawi.

Agad namang humigpit ang pagkakayakap ni Aloe kay Matias. "Manahimik ka! Walang aalis, lalong-lalo na si Matias."

Nanguyom ang kamao ng dalaga dahil sa naging turan ng Ina. "Mamili ka, ako o si Matias?"

Nag-uumapaw man ang kaba dahil sa naging tanong ay malaki naman ang tiwala niya sa magiging tugon ng Ina. Walang Ina ang itatakwil ang kaniyang anak dahil lang sa isang lalaki.

"Huwag mo akong pilitin," matigas na turan ni Aloe sa anak. "Hindi mo magugustuhan ang magiging sagot ko."

Napasinghap ang dalaga sa binitiwan nitong mga salita. "B-Bakit, Mama? Siya ba?" Nanginginig ang labi nitong itinaas ang hintuturo at dinuro si Matias. "Siya pa rin ba ang pipiliin mo?"

Hindi man tumugon si Aloe pero sapat na ang blangko nitong mukha para mapagtanto ng dalaga ang magiging tugon nito.

"Masaya ka na?! Nanalo ka na, ikaw na ang pinili ni Mama." Matalim pa ang iniwan nitong tingin kay Matias bago ito tumalikod at mabibigat na inihakbang ang mga paa.

Bago pa man makarating sa pintuan ng kusina ay muli itong lumingon kay Aloe at nagwika. "Hindi ako babalik sa bahay na ito hanggang naririyan pa si Matias, Mama. Huwag sanang dumating sa puntong tuluyan na akong mawala sa iyo." Malungkot ang naging pagngiti nito kay Aloe bago nagpatuloy sa paglabas ng Mansion.

Kung hindi lang nakakulong sa bisig ni Matias ang ginang ay baka kanina pang humahalik si Aloe sa marmol na sahig dahil sa panlalambot ng mga tuhod nito. Ito ang unang pagkakataon na nagkasagutan silang dalawa. Ito rin ang unang pagkakataon na sinaktan niya ang anak. Hindi naman niya gustong mamili sa dalawa, hindi niya rin maisatinig kung sino nga ba ang pipiliin niya. Wala siyang balak mamili. Alam niyang mali, pero mayroong bahagi sa isipan niya na si Matias ang nanaisin niyang piliin.

Umangat ang paningin nito sa lalaki. Nagsusumamong tiningnan ito. "Masama na ba akong Ina? Makasarili na ba ako, Matias kung hihilingin ko na sumaya?"

Matigas siyang inilingan nito. "Tumahan ka na. Walang masama, parehas lang kayong nadala ng bugso ng damdamin ng anak mo kaya hindi kayo magkaunawaan."

"Nasaan na siya, Matias?"

Tinungo ng paningin ni Matias ang tinahak ng dalaga. Wala na ito roon at mukhang kanina pang nakalabas ng Mansion.

Nakagat niya ang ibabang labi. Malaki talaga ang galit nito sa kaniya.

Inalalayan niya munang makaupo si Aloe bago tinawag ang pansin ng isang kasambahay.

"Hanapin ninyo ang señorita."

Hindi na kinailangan pa ng kasambahay na humingi ng komento kay Aloe patungkol sa pag-uutos ng lalaki. Hindi pa man kasal ang mga ito, batid na nila na may karapatan na ang lalaki sa lahat ng pagmamay-ari ng ginang.

"Masusunod po." Iniyuko pa nito nang bahagya ang ulo bago patakbong lumabas ng Mansion. Subalit, bago pa lang tatapak ang mga paa nito sa labas ay agad na itong sinalubong ng isa sa nagbabantay ng tarangkahan.

"Nasaan ang señorita?" tarantang tanong nito. Lalo na nang mapansin ang pagkabalisa ng kaharap.

"Humahangos na umalis. Hindi ko ito napigilan dahil nagbantang babanggain ako at ang tarangkahan." Ginamit pa ng lalaki ang kamay para ilarawan ang nangyari.

Nasapo ng kasambahay ang sariling noo. Mabilis din naman nitong inihatid ang ulat kay Aloe.

Tuluyan namang bumagsak ang katawan ng ginang dahil sa sama ng loob at pag-aalala para sa anak.

Tagis ang bagang na binuhat ni Matias ang ginang na nawalan ng malay. Agad naman siyang tinulungan ng dalawang kasambahay para maayos na maihatid ang ginang sa silid nito.

Mukhang mahihirapan siyang makuha ang loob ng dalaga dahil sa iniaasta nito.

MABIGAT ang pakiramdam ni Aloe nang magising siya kinabukasan. Hindi pa man nag-aagahan, agad niyang hinagilap ang anak pero bigo siyang natagpuan ito.

"Matigas na talaga ang ulo ng batang iyon," pag-asik niya. Problemadong hinilot ang sintido habang tinatahak ang may kahabaang hagdan.

Agad niya namang natanawan sa dulo ng baitang si Matias. Nakapambahay lang ang lalaki na kaniyang ipinagtataka. Tirik na ang araw, indikasyon na huli na rin ito sa trabaho.

Ang marahan na pagbaba ay naging mabilis para agad niyang malapitan si Matias.

"Good morning, dear." Agad niyang inabot ang pisngi nito at hinalikan iyon. Pero bigo siyang makakuha ng tugon mula sa lalaki.

Madalas ito pa ang nangunguna na halikan siya, pero mukhang iba ngayon. Marahil, hindi pa rin nawawaglit sa isipan nito ang nangyari kahapon.

"Bakit ang tahimik mo?" pag-uusisa niya.

"Kailangan mong sumama sa akin, Aloe," kalaunan ay wika nito.

"Sumama? Saan naman tayo pupunta? At saka nang ganitong suot?" Pinasadahan niya ng paningin ang sarili. Nakapangtulog pa siya. Mamahalin man ang presyo noon at de-kalidad ang materyales na ginamit ay mukhang hindi pa rin tama na magliwaliw sila ng lalaki na ganito lang ang suot niya. Mabuti si Matias, kahit anong isuot ay bumabagay sa kakisigan nito.

Umabot pa sa pandinig niya ang marahas na pagbuga ni Matias ng hangin bago muli itong nagsalita.

"Huwag kang mabibigla."

"Saan naman? Magpo-propose ka bang muli?" Nginisian niya ang lalaki. Hindi naman nagbago ang hilatsa ng mukha nito.

"Naaksidente ang anak mo, Aloe."

Ilang segundo ang dumaan bago naproseso ng utak ng ginang ang sinabi ni Matias. "Na. . . Nasaan ang anak ko? Nasaan siya?" Hindi maintindihan na wika nito. Nawaglit na rin sa isipan ng ginang ang kasuotan at tanging nasa isip lang ay ang kalagayan ng anak.

Agad naman itong nahila ni Matias para makalabas ng Mansion. Maging ang lalaki ay hindi makapaniwala sa balitang bumungad sa kaniyang umaga. Inaasahan niya na maganda iyon dahil nagbabakasakali siyang umuwi na ang dalaga. Pero masamang balita ang natanggap niya. Nagmula iyon sa isang pulis na siyang nag-asikaso nang nangyaring aksidente sa padre de pamilya ng Marquez. Dahil kilala ang pamilya Marquez sa lugar nila, agad nilang natunton na ang sasakyan na naaksidente ay pagmamay-ari ng anak ni Aloe.

Mabilis niyang nasalo ang susi ng sasakyan na hinagis sa kaniya ng isang kasambahay. Halos takbuhin pa nila ni Aloe ang nakaparadang sasakyan.

Napahapyawan pa niya ang pag-uusap ng mga ito patungkol sa isang tauhan ng Mansion na agad nawala na parang bula.

"B-Bilisan mo, Matias. Baka kung napano na ang anak ko," garalgal na ang boses ni Aloe at hilam na ang mga mata dahil sa pagluha.

Wala namang inaksayang oras si Matias. Naging matulin ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Hindi inalintana ang aksidenteng puwedeng mangyari sa kanila sa oras na magkamali siya nang pagmamaneho. Walang ibang tumatakbo sa isipan niya ngayon, kung 'di ang agad makarating sa lugar ng insidente at makita ng buhay ang dalaga.

MATAO na sa lugar nang makarating sila. Abandunadong lote ang pinangyarihan ng aksidente. Nakabangga ang sasakyan na patuloy na nilalamon ng apoy sa pinaglumaan at inabandunang batong-bahay.

Mabilis na hinarang ng mga pulis ang taong nagtatangkang lumapit sa sasakyan. Agad namang naapula ng bumbero ang apoy, pero tupok na ang sasakyan dahil ilang oras na rin ang lumipas bago ito natunton.

"Nasaan ang anak ko?" agad na tanong ni Aloe sa babaeng pulis na lumapit sa kanila.

Bitbit nito sa kanang kamay ang mga gamit na nasunog, kabilang na roon ang cellphone ng dalaga.

"Negative, Ma'am. Wala ang anak ninyo sa loob. Tinitingnan pa ng aming team kung may tao bang naunang nakapunta rito at tinulungan ang anak ninyo. Ang tanging pag-asa na lang natin ngayon ay isa-isahin ang malalapit na pagamutan sa lugar para makita kung doon ba dinala ang anak ninyo."

Agad namang humagulhol si Aloe sa narinig. Maaaring buhay nga ang anak niya pero hindi niya naman alam kung saan at sino ang kumuha rito.

"Shh. . . Tahan na. Hindi ko hahayaan na hindi makita ang anak mo," pang-aalo ni Matias sa umiiyak na ginang.

Pero lumipas ang araw, buwan at maging ang taon, ni anino ng dalaga ay hindi na nila nasilayan pang muli ito.

Related chapters

  • Marahuyo    Kabanata 2

    MATUNOG na paghalik sa pisngi ang ipinabaon ni Agata sa kasintahan. Namula pa nang bahagya ang mukha niya ng makaramdam ng hiya dahil sa pangunguna. Wala naman siyang narinig mula sa labi ni Efraim, bahagya pa ngang umangat ang sulok ng labi nito dahil sa tuwa.Limang taon na silang magkasintahan. Subalit, ito ang unang pagkakataon na lumapat ang labi ni Agata sa balat ng nobyo. Nasapat na sila sa pagyakap, pagsalikop ng mga kamay at pagpapalitan nang matatamis na salita.Bago pa mapansin ni Efraim ang pamumula niya at mauwi iyon sa panunudyo ay mabilis na niyang inabala ang sarili sa pagbabalot ng kagamitang dadalahin nito sa trabaho.Tahimik na tumayo sa kinauupuan si Efraim. Sinigurado munang nasaid ang kapeng sinisimsim bago tinungo ang kalan at doon ay dinarang sa apoy ang dahon ng saging na magsisilbing balutan ng kaniyang pagkain."Aabutin ka na naman ba ng dilim?" pag-uusisa pa ni Agata dito nang matapos sa ginagawa."Hindi ako sigurado."Nilingon niya si Efraim sa naging tugo

    Last Updated : 2022-10-11
  • Marahuyo    Kabanata 3

    NAGTATAKANG pinulot ni Agata ang puting kahon na siyang bumungad nang buksan niya ang pinto. May nakatali pang pulang laso roon na nagsisilbing palamuti at pansara nito.Isinandal niya sa gilid ng bahay ang walis tingting na hawak. Nagawa pang igala ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling matatagpuan ang taong nag-iwan nito. Pero nabigo siya, pulos halamang gubat at mga punong kahoy lang ang naroroon.Ipinagsawalang bahala na niya ang pagwawalis ng bakuran. Muli siyang pumanhik sa loob, tangan-tangan ang kahon. Hindi naalis ang atensiyon niya sa kahon kahit pa nagawa na niyang maupo at ilapag ito sa lamesita. "Efraim, nakita mo ba kung sinong nag-iwan nitong kahon sa labas?" Tiningnan niya ang ibang parte ng kahon, umaasang makakakita ng nakadikit na sulat doon. "Efraim?" muli niyang tinawag ang lalaki. Maaga itong gumising kaya imposibleng hindi nito nakita kung sinong naglagay roon. "Nalulon mo na ba ang dila mo at—" Napahinto siya sa pagsasalita nang tapunan ng paningin ang kin

    Last Updated : 2022-10-11
  • Marahuyo    Kabanata 4

    ILANG ulit pang napalunok ng sariling laway si Agata habang nakatungangang nakatingin sa papahinang usok ng kanina lang ay bagong hango sa kalan na inihaw na karneng manok."Nasaan na ba ang lalaking iyon?" naiwika na lang sa sarili. Nanulis ang labi niya dahil sa pagkabagot. Nanlalambot pa na tumayo sa kinauupuan at tinungo ang bintana upang doon sungawin ang lalaki.Ang saglit na pamamaalam ni Efraim ay tumagal na ng ilang oras. Lalo niya lang naramdaman na sobrang tagal ng nawala ng asawa dahil sa pag-aalburuto ng tiyan.Bagsak na ang dilim sa kapaligiran. May iilang huni na ng mga kulisap sa paligid at maging ang palaka na animo'y nagpupuri sa Panginoon.Itinukod niya ang dalawang siko sa hamba ng bintana. Pinaningkit ang mga mata para aninagin ang may kadilimang daan. Puti ang kasuotan ni Efraim, kaya natitiyak niyang mabilis niya itong makikilala sa dilim. Idagdag pa ang matikas nitong tindig at pangangatawan na kahit yata nakapikit siya ay magagawa niyang ilarawan.Lihim niyang

    Last Updated : 2022-10-11
  • Marahuyo    Kabanata 5

    PILIT iwinaksi ni Agata ang kalungkutang nadarama habang papalapit kay Efraim na tahimik na naghihintay sa hapag-kainan.Nang matanaw siya ng asawa, agad siya nitong nilapitan at kinuha ang isang mangkok na naglalaman ng sinangag na kanin at platong may piniritong itlog ng inahin nilang manok.Agad naupo si Efraim nang matagumpay na nailapag sa lamesa ang pagkain. Naudlot pa ang pagsandok ng pagkain nang mapansin ang pananahimik ni Agata sa isang gilid."Hindi ka ba kakain?" pagtatanong nito. Ibinalik ang sandok sa pinagkunan at nilapitan ang asawa.Agad nagtungo si Efraim sa likuran ni Agata. Panandaliang inamoy ang buhok ng asawa bago tinungo ng mga kamay ang balikat nito. "Halika, pagsisilbihan kita, Mahal ko," malalim ngunit may bahid nang paglalambing na wika nito.Wala sa sariling nagpatangay na lang si Agata sa nais ni Efraim. Dinulutan siya nito ng makakain, nagawa niya lang tumanggi nang magprisinta pa ito para subuan siya."Ako na, Efraim. Kaya ko na." Kinuha niya ang kutsar

    Last Updated : 2022-10-11
  • Marahuyo    Kabanata 6

    PAGKAMANGHA ang mababakas sa mukha ni Agata habang pinagmamasdan ang malawak at malinis na batong daan. May iilang bahay na rin na gawa sa bato ang abot-tanaw niya. Malakas na hiyawan ng mga paslit at maingay na busina ng sasakyan."Nasa bayan na ba talaga ako?" Nilingon niya panandalian ang pinanggalingan. Mga punong kahoy at damo na lang ang natatanaw niya. May ilang bakuran na rin siyang nadaanan, pero lahat iyon ay private property kaya tanging ligaw na damo lang din ang laman.Huminga siya nang malalim. Inihakbang ang mga paa, kasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib."Totoo na ito. Nakalabas na nga ako," masayang litanya niya nang sa wakas ay nailapat na ang mga paa sa batuhang daan.Halos mayupi pa ang bayong na dala dahil sa pagkakahigpit ng hawak doon.Naghahalo ang nadarama niya. Pangamba, pag-asa at kasiyahan.Nagpatuloy na si Agata sa paglalakad. Palinga-linga sa paligid na animo'y isang paslit na bago lang nasilayan ang mundo.Kusang huminto ang mga paa niya nang matanaw

    Last Updated : 2022-10-13

Latest chapter

  • Marahuyo    Kabanata 1

    MALAKAS na pagdadabog ng anak ang nagpahinto kay Aloe sa paglalahad ng pagkain sa plato ng kaniyang kasintahan na si Matias. Naging dahilan din ang pagdadabog na iyon para magsalubong ang kilay ni Matias. Hindi inaasahan na ang dalagang laging nakangiti at mahinhin kung kumilos ay magagawang pagdabugan ang hapag-kainan.Sabagay, hindi pa ba siya masasanay? Hindi siya gusto ng dalaga. Lalung-lalo na ang pang-aagaw niya sa puwesto ng Ama nitong yumao. Hindi maipinta ang mukha ng unica hija ni Aloe nang tapunan niya ito ng paningin. Pinunasan niya muna ang labi ng tissue bago sinimulang kausapin ang anak."Anong problema? Hindi mo ba nagustuhan ang nakahain?" malumanay na tanong niya rito. Nagawa pa niyang senyasan ang abot-tanaw na kasambahay upang magtungo ito sa kusina nang maipagluto ng bagong putahe ang dalaga."Maayos ang pagkain," nagtitimping wika nito. "Pero hindi ko magawang lumunok kahit anong pilit ko." Kinuha nito ang basong nag-uumapaw sa tubig at inisang lagok iyon. "Baki

DMCA.com Protection Status