NAGTATAKANG pinulot ni Agata ang puting kahon na siyang bumungad nang buksan niya ang pinto. May nakatali pang pulang laso roon na nagsisilbing palamuti at pansara nito.
Isinandal niya sa gilid ng bahay ang walis tingting na hawak. Nagawa pang igala ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling matatagpuan ang taong nag-iwan nito. Pero nabigo siya, pulos halamang gubat at mga punong kahoy lang ang naroroon.Ipinagsawalang bahala na niya ang pagwawalis ng bakuran. Muli siyang pumanhik sa loob, tangan-tangan ang kahon. Hindi naalis ang atensiyon niya sa kahon kahit pa nagawa na niyang maupo at ilapag ito sa lamesita. "Efraim, nakita mo ba kung sinong nag-iwan nitong kahon sa labas?" Tiningnan niya ang ibang parte ng kahon, umaasang makakakita ng nakadikit na sulat doon. "Efraim?" muli niyang tinawag ang lalaki.Maaga itong gumising kaya imposibleng hindi nito nakita kung sinong naglagay roon. "Nalulon mo na ba ang dila mo at—" Napahinto siya sa pagsasalita nang tapunan ng paningin ang kinalulugaran ng lalaki bago siya lumabas ng bahay. Walang Efraim doon, maayos na ring nakasalansan sa kalan ang panggatong na kahoy.Napasimangot siya nang napagtantong nawala na namang parang bula ang lalaki. Hindi na siya magtataka kung biglang susulpot na naman ito mula sa kung saan."Agata."Hindi na nga siya nagkamali. Bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Efraim. May malawak na ngiti sa labi habang may itinatagong kung ano sa likuran."Saan ka galing?" pagsalubong na tanong niya rito. Nagawa na nitong lumapit sa kaniya pero hindi niya magawang makita ang itinatago nito."Diyan lang sa tabi-tabi," nakangiting turan nito.Nangunot ang kaniyang noo. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Efraim. Malinis na ang kasuotan nito. Hindi na hubad-baro katulad kanina dahil sa pagsisibak ng kahoy. May kakaibang ngiti rin ito sa labi, na hindi niya alam kung para saan."Oo nga pala." Iwinaksi na lang niya ang iniisip. Kinuha niya ang kahon. Inilapag iyon sa espasiyong namamagitan sa kanilang dalawa. "Nakita mo ba kung sinong nag-iwan nito?" Inilagay niya ang palad sa baba. "Ang layo naman natin sa bayan para magkamali ang nagdala nito.""Hindi mo ba binuksan?" pagbabalik tanong ni Efraim.Agad niya itong inilingan. Hindi niya naman kinasanayan na mangialam ng mga bagay na hindi naman para sa kaniya. "Dapat ko bang buksan?" may bahid nang pagtataka na tanong niya ng mapansin ang tingin ni Efraim na parang sinasabi na dapat ay binuksan niya iyon."Akala ko pa naman ay nasukat mo na," bagsak ang balikat na wika nito. "Kaya pala hindi mo ako sinalubong ng halik." Nanulis pa ang labi nito na ikinatulala niya."Bakit naman kita sasalubungin ng halik, Efraim? Nakarami ka na noong isang araw," pag-asik niya. Nginisian lang naman siya ng lalaki."Aba't—"Hindi na niya naituloy pa ang tangkang sasabihin nang ilabas na ni Efraim ang bagay na kanina pa nitong itinatago sa likuran. Walang pasabing lumuhod ito sa sahig na mismong ibaba niya. Kinuha ang mga paa niya at isinuot doon ang dalawang pares ng puting sandalyas. Saktong-sakto lang ang sukat noon sa paa niya."Hindi talaga ako nagkamali ng pinili," tutok ang paningin ni Efraim sa kaniya nang sabihin iyon. "Kahit kailan, hinding-hindi ako magsisisi Agata na ipinaglaban kita."Nasapo niya ang mga pisngi dahil sa sinabi nito. Dinaig pa naman niya ang prinsesang nakatira sa tuktok ng tore at binabantayan ng dragon kung magsalita si Efraim. Wala namang ibang naging problema sa relasyon nila dahil wala naman ng ibang lalaki ang pumasok sa buhay niya. Wala rin siyang istriktong magulang o kamag-anak dahil wala naman siya noon. Lumaki siya sa ampunan, katulad nang kuwento ni Efraim.Hinawakan niya ang kuwintas na nakasabit sa kaniyang leeg. Ito na lang ang tanging pinanghahawakan niya para bumalik ang nawalang alaala. Agata, ang limang letrang nagsisilbing pendant nito.Tumayo na si Efraim mula sa pagkakaluhod. Iniunat nito ang kanang braso na naglahad sa kaniya ng palad. "Handa ka na ba, Mahal?""Saan?" takang tanong niya."Sa kung saan magiging akin ka na." Nangislap ang mga mata nito.Doon lang napagtanto ni Agata kung para saan ang sapatos. Wala siyang inaksayang oras. Mabilis niyang hinalungkat ang laman ng kahon. Isa itong simpleng bestida na kulay puti na halos magsiksikan na ang mga nakaimprintang maliliit na kulay pulang rosas.Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Efraim. "Para saan ito? Hindi ba mahal ang lahat ng ito, Efraim?"Idinikit nito ang hintuturo sa kaniyang labi, dahilan para mapahinto siya."Para sa kasal natin, Mahal. Huwag mo nang isipin ang gastos dahil pagdating sa iyo, lahat ay gagawan ko ng paraan."Masayang tinalon niya ito ng yakap. "Salamat, Mahal ko."AGAD nagtaka si Agata nang muling napansin ang pag-iwas ng tingin sa kaniya ng abogadong magpapatibay ng kasal nila ni Efraim.Marami itong papeles na pinapirmahan, ngunit ni isa roon ay wala siyang maunawaan dahil mas natutok ang atensiyon niya sa kakaibang kilos ng abogado."Tapos na."Bahagya pa itong napatalon sa kinatatayuan dahil sa iwinika ni Efraim. Hindi maitago ang panginginig ng dalawang kamay nang tanggapin ang papeles na inilahad ni Efraim."Kailangan mo ba nang mapapatungan, Attorney?" Nagawa na niyang hilahin ang lamesita patungo rito nang mapuna ang pagpatong nito sa tuhod ng papeles.Kanina pa niya inaalok ng mauupuan ang lalaki. Pero mariin lang itong tumatanggi. Animo'y napapaso ito na mapadikit sa kahit na ano at sino na nasa loob ng kanilang pamamahay."Hindi na A-Agata." Nagawa pa nitong lumunok ng sariling laway nang isatinig ang pangalan niya. "Tapos na rin naman ako sa sadya ko rito."Hindi niya batid kung saan nahagilap ni Efraim ang abogado na ito. Nagulat na lang siya kanina nang bigla itong dumating sa bahay.Mabilis ang pagsilid nito ng mga papeles na kanilang pinirmahan papasok sa suitcase. Nagawa munang luwagan ang necktie bago matipid na ikinurba ang labi. "Nagagalak ako na batiin kayo bilang bagong mag-asawa. Nawa'y mapuno nang pagmamahalan ang inyong pagsasama, Efraim at Agata." Magkasunod na inilahad nito ang kanang kamay sa kanilang dalawa."Salamat po, Attorney." Magiliw niya itong nginitian. Nawala lang ang ngiting iyon nang mapuna na hindi sa kaniya nakatuon ang atensiyon nito.Nagtataka na sinundan niya ang tinitingnan ng abogado. Kapuwa seryoso ang dalawang lalaki habang nagpapalitan ng hindi maunawaan na emosyon.Marahan niyang ikinawit ang braso kay Efraim. Doon lang naputol ang pagtitigan ng dalawa. Walang namutawi sa labi ni Efraim. Tanging tango lang ang itinugon nito sa abogado."Mauna na ako, Agata. Binabati ko ulit kayo sa inyong kasal."Tinangka pa niyang alukin ang abogado na kumain, pero mukhang nagmamadali ito dahil agad din itong tumalikod matapos na sabihin iyon."Ihahatid ko muna siya sa bayan, Mahal," pamamaalam sa kaniya ni Efraim. Mabilis lang nitong dinampian ng halik ang noo niya at agad na ring sumunod sa abogado.ILANG ulit pang napalunok ng sariling laway si Agata habang nakatungangang nakatingin sa papahinang usok ng kanina lang ay bagong hango sa kalan na inihaw na karneng manok."Nasaan na ba ang lalaking iyon?" naiwika na lang sa sarili. Nanulis ang labi niya dahil sa pagkabagot. Nanlalambot pa na tumayo sa kinauupuan at tinungo ang bintana upang doon sungawin ang lalaki.Ang saglit na pamamaalam ni Efraim ay tumagal na ng ilang oras. Lalo niya lang naramdaman na sobrang tagal ng nawala ng asawa dahil sa pag-aalburuto ng tiyan.Bagsak na ang dilim sa kapaligiran. May iilang huni na ng mga kulisap sa paligid at maging ang palaka na animo'y nagpupuri sa Panginoon.Itinukod niya ang dalawang siko sa hamba ng bintana. Pinaningkit ang mga mata para aninagin ang may kadilimang daan. Puti ang kasuotan ni Efraim, kaya natitiyak niyang mabilis niya itong makikilala sa dilim. Idagdag pa ang matikas nitong tindig at pangangatawan na kahit yata nakapikit siya ay magagawa niyang ilarawan.Lihim niyang
PILIT iwinaksi ni Agata ang kalungkutang nadarama habang papalapit kay Efraim na tahimik na naghihintay sa hapag-kainan.Nang matanaw siya ng asawa, agad siya nitong nilapitan at kinuha ang isang mangkok na naglalaman ng sinangag na kanin at platong may piniritong itlog ng inahin nilang manok.Agad naupo si Efraim nang matagumpay na nailapag sa lamesa ang pagkain. Naudlot pa ang pagsandok ng pagkain nang mapansin ang pananahimik ni Agata sa isang gilid."Hindi ka ba kakain?" pagtatanong nito. Ibinalik ang sandok sa pinagkunan at nilapitan ang asawa.Agad nagtungo si Efraim sa likuran ni Agata. Panandaliang inamoy ang buhok ng asawa bago tinungo ng mga kamay ang balikat nito. "Halika, pagsisilbihan kita, Mahal ko," malalim ngunit may bahid nang paglalambing na wika nito.Wala sa sariling nagpatangay na lang si Agata sa nais ni Efraim. Dinulutan siya nito ng makakain, nagawa niya lang tumanggi nang magprisinta pa ito para subuan siya."Ako na, Efraim. Kaya ko na." Kinuha niya ang kutsar
PAGKAMANGHA ang mababakas sa mukha ni Agata habang pinagmamasdan ang malawak at malinis na batong daan. May iilang bahay na rin na gawa sa bato ang abot-tanaw niya. Malakas na hiyawan ng mga paslit at maingay na busina ng sasakyan."Nasa bayan na ba talaga ako?" Nilingon niya panandalian ang pinanggalingan. Mga punong kahoy at damo na lang ang natatanaw niya. May ilang bakuran na rin siyang nadaanan, pero lahat iyon ay private property kaya tanging ligaw na damo lang din ang laman.Huminga siya nang malalim. Inihakbang ang mga paa, kasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib."Totoo na ito. Nakalabas na nga ako," masayang litanya niya nang sa wakas ay nailapat na ang mga paa sa batuhang daan.Halos mayupi pa ang bayong na dala dahil sa pagkakahigpit ng hawak doon.Naghahalo ang nadarama niya. Pangamba, pag-asa at kasiyahan.Nagpatuloy na si Agata sa paglalakad. Palinga-linga sa paligid na animo'y isang paslit na bago lang nasilayan ang mundo.Kusang huminto ang mga paa niya nang matanaw
MALAKAS na pagdadabog ng anak ang nagpahinto kay Aloe sa paglalahad ng pagkain sa plato ng kaniyang kasintahan na si Matias. Naging dahilan din ang pagdadabog na iyon para magsalubong ang kilay ni Matias. Hindi inaasahan na ang dalagang laging nakangiti at mahinhin kung kumilos ay magagawang pagdabugan ang hapag-kainan.Sabagay, hindi pa ba siya masasanay? Hindi siya gusto ng dalaga. Lalung-lalo na ang pang-aagaw niya sa puwesto ng Ama nitong yumao. Hindi maipinta ang mukha ng unica hija ni Aloe nang tapunan niya ito ng paningin. Pinunasan niya muna ang labi ng tissue bago sinimulang kausapin ang anak."Anong problema? Hindi mo ba nagustuhan ang nakahain?" malumanay na tanong niya rito. Nagawa pa niyang senyasan ang abot-tanaw na kasambahay upang magtungo ito sa kusina nang maipagluto ng bagong putahe ang dalaga."Maayos ang pagkain," nagtitimping wika nito. "Pero hindi ko magawang lumunok kahit anong pilit ko." Kinuha nito ang basong nag-uumapaw sa tubig at inisang lagok iyon. "Baki
MATUNOG na paghalik sa pisngi ang ipinabaon ni Agata sa kasintahan. Namula pa nang bahagya ang mukha niya ng makaramdam ng hiya dahil sa pangunguna. Wala naman siyang narinig mula sa labi ni Efraim, bahagya pa ngang umangat ang sulok ng labi nito dahil sa tuwa.Limang taon na silang magkasintahan. Subalit, ito ang unang pagkakataon na lumapat ang labi ni Agata sa balat ng nobyo. Nasapat na sila sa pagyakap, pagsalikop ng mga kamay at pagpapalitan nang matatamis na salita.Bago pa mapansin ni Efraim ang pamumula niya at mauwi iyon sa panunudyo ay mabilis na niyang inabala ang sarili sa pagbabalot ng kagamitang dadalahin nito sa trabaho.Tahimik na tumayo sa kinauupuan si Efraim. Sinigurado munang nasaid ang kapeng sinisimsim bago tinungo ang kalan at doon ay dinarang sa apoy ang dahon ng saging na magsisilbing balutan ng kaniyang pagkain."Aabutin ka na naman ba ng dilim?" pag-uusisa pa ni Agata dito nang matapos sa ginagawa."Hindi ako sigurado."Nilingon niya si Efraim sa naging tugo

ILANG ulit pang napalunok ng sariling laway si Agata habang nakatungangang nakatingin sa papahinang usok ng kanina lang ay bagong hango sa kalan na inihaw na karneng manok."Nasaan na ba ang lalaking iyon?" naiwika na lang sa sarili. Nanulis ang labi niya dahil sa pagkabagot. Nanlalambot pa na tumayo sa kinauupuan at tinungo ang bintana upang doon sungawin ang lalaki.Ang saglit na pamamaalam ni Efraim ay tumagal na ng ilang oras. Lalo niya lang naramdaman na sobrang tagal ng nawala ng asawa dahil sa pag-aalburuto ng tiyan.Bagsak na ang dilim sa kapaligiran. May iilang huni na ng mga kulisap sa paligid at maging ang palaka na animo'y nagpupuri sa Panginoon.Itinukod niya ang dalawang siko sa hamba ng bintana. Pinaningkit ang mga mata para aninagin ang may kadilimang daan. Puti ang kasuotan ni Efraim, kaya natitiyak niyang mabilis niya itong makikilala sa dilim. Idagdag pa ang matikas nitong tindig at pangangatawan na kahit yata nakapikit siya ay magagawa niyang ilarawan.Lihim niyang
NAGTATAKANG pinulot ni Agata ang puting kahon na siyang bumungad nang buksan niya ang pinto. May nakatali pang pulang laso roon na nagsisilbing palamuti at pansara nito.Isinandal niya sa gilid ng bahay ang walis tingting na hawak. Nagawa pang igala ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling matatagpuan ang taong nag-iwan nito. Pero nabigo siya, pulos halamang gubat at mga punong kahoy lang ang naroroon.Ipinagsawalang bahala na niya ang pagwawalis ng bakuran. Muli siyang pumanhik sa loob, tangan-tangan ang kahon. Hindi naalis ang atensiyon niya sa kahon kahit pa nagawa na niyang maupo at ilapag ito sa lamesita. "Efraim, nakita mo ba kung sinong nag-iwan nitong kahon sa labas?" Tiningnan niya ang ibang parte ng kahon, umaasang makakakita ng nakadikit na sulat doon. "Efraim?" muli niyang tinawag ang lalaki. Maaga itong gumising kaya imposibleng hindi nito nakita kung sinong naglagay roon. "Nalulon mo na ba ang dila mo at—" Napahinto siya sa pagsasalita nang tapunan ng paningin ang kin