Home / Romance / Marahuyo / Kabanata 2

Share

Kabanata 2

Author: Sept
last update Last Updated: 2022-10-11 07:13:55

MATUNOG na paghalik sa pisngi ang ipinabaon ni Agata sa kasintahan. Namula pa nang bahagya ang mukha niya ng makaramdam ng hiya dahil sa pangunguna. Wala naman siyang narinig mula sa labi ni Efraim, bahagya pa ngang umangat ang sulok ng labi nito dahil sa tuwa.

Limang taon na silang magkasintahan. Subalit, ito ang unang pagkakataon na lumapat ang labi ni Agata sa balat ng nobyo. Nasapat na sila sa pagyakap, pagsalikop ng mga kamay at pagpapalitan nang matatamis na salita.

Bago pa mapansin ni Efraim ang pamumula niya at mauwi iyon sa panunudyo ay mabilis na niyang inabala ang sarili sa pagbabalot ng kagamitang dadalahin nito sa trabaho.

Tahimik na tumayo sa kinauupuan si Efraim. Sinigurado munang nasaid ang kapeng sinisimsim bago tinungo ang kalan at doon ay dinarang sa apoy ang dahon ng saging na magsisilbing balutan ng kaniyang pagkain.

"Aabutin ka na naman ba ng dilim?" pag-uusisa pa ni Agata dito nang matapos sa ginagawa.

"Hindi ako sigurado."

Nilingon niya si Efraim sa naging tugon nito. Abala na ito ngayon sa pagsasandok ng kanin at ulam na siyang babalutin ng dahon.

"Bakit hindi?" pangungulit pa niya rito.

Huminto ito sa ginagawa. Malawak pa siyang nginitian. "Hindi ko hawak ang oras, Mahal."

Nanulis ang labi niya sa iwinika nito. Natitiyak niyang mauubos na naman ang maghapon niya sa loob ng bahay. "Bakit kasi hindi na lang tayo sa bayan manirahan? Nang magkaroon naman ako ng kasama at kaibigan."

Hindi napalis ang ngiti sa labi ni Efraim nang lapitan si Agata. Mabilis ang naging pagkilos nito patungo sa likuran ng huli at niyakap mula roon. "Kung gusto mo ng makakasama, hintayin mo na maikasal na tayo nang mabigyan kita ng maraming supling, Mahal." Nagawa pa nitong pahapyawan nang pag-ihip ang punong tainga ni Agata. Sapat na dahilan para manindig ang mga pinong balahibo sa batok at braso nito.

"Bakit natahimik ka, Mahal?" pagpuna nito nang hindi maringgan ng komento mula sa kaniya. "Hindi mo ba gustong magkaroon ng anak? O hindi mo na ako mahal?" mababakas na ang pagtatampo sa tinig ni Efraim.

Hindi naman magawang tugunin ni Agata ang lalaki. Mas natuon ang atensiyon niya sa ginagawang paglalaro nito sa nakalugay niyang buhok. Nagmistulang sinulid ang mga hibla ng buhok na ipinupulupot nito sa sariling daliri.

"Wala sa nabanggit mo ang dahilan, Efraim," sa wakas ay tugon niya. "Lahat naman siguro ng babae ay pangarap na magkaroon ng anak."

"Mabuti naman dahil. . ." Huminto ito sa pagsasalita. Muling bumalik ang dalawang braso sa baywang niya at idinikit ang tungki ng ilong sa bumbunan niya at inamoy iyon. ". . .dahil hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin, Agata. Hanggang kamatayan, tayo'y magsasama."

Umawang ang labi niya matapos itong magsalita. Bago pa mag-isip at makaramdam ng kung ano ay mabilis na siyang nakawala sa pagkakayakap ni Efraim. Hindi niya pinansin ang kaseryusuhan nito at ipinagpatuloy ang balak na hampasin ito nang mabawasan ang biglaang pagbigat ng paligid. "Ikaw! Kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mo." Pinaikutan niya ito ng mga mata.

Malakas namang humalakhak si Efraim sa inasta niya. "Bigla ka kasing nanahimik."

Hindi na ito tinugon pa ni Agata. Nilampasan niya ito at nagtungo sa lamesa kung saan nakatiwangwang pa ang kanilang pinagkainan ngayong umagahan.

Sumunod naman si Efraim dito. Walang pasabing nagnakaw ng halik sa babae bago nagwika. "Aalis na ako, Mahal. Hintayin mo ako, ha?"

Nakatangong iniikot niya ang katawan paharap kay Efraim. "Para namang makakaalis ako." Umangat ang sulok ng labi nito sa itinuran niya. Naisin man niyang magtungo sa bayan ay hindi naman niya magagawa. Sa paanan sila ng bundok naninirahan. Walang kapitbahay, kuryente at malayo sa siyudad. Sa tantiya niya ay gugugol siya ng maraming oras bago marating ang bayan.

"Mabuti at alam mo."

Naipikit niya nang mariin ang mga mata ng walang pasabing sinakop nito ang labi niya. Ito ang unang pagkakataon na hinalikan siya ng lalaki. Hindi lang simpleng halik iyon dahil dinaig pa ni Efraim ang isang lobo na hayuk na hayok sa kung saan. Naging mapaghanap, agresibo at animo'y may hinahabol itong oras dahil sa klase nang paggawad sa kaniya ng halik.

"Efraim," agad na niya itong sinita nang maramdaman ang pagbaba ng labi nito sa kaniyang leeg.

Umungot lang ito sa kaniya. Nagpatuloy ang labi nito sa leeg niya. Kinintalan ng halik ang kabuoan noon. Wala siyang naging imik nang walang pasabing ibinaba nito ang tirante ng suot niyang bestida. Maging ang batok at balikat niya ay ginawaran nito ng halik.

Natulos siya sa kinatatayuan nang maramdaman ang bahagyang pagtulak sa kaniya ni Efraim, dahilan para mapasandal siya sa lamesa. Tumatama na ang mainit nitong hininga sa kaniyang mukha.

"Agata," malalim ang tinig at naghahabol ng hininga ito.

Nakasalubong niya ang madilim na mga mata ni Efraim. Halos kagatin niya ang sariling labi nang hindi maunawaan ang emosyong ibinabalandra ng mukha nito.

Umangat ang dalawang palad nito patungo sa kaniyang pisngi at marahan na hinaplos iyon.

Muli siyang napapikit nang makita ang marahan na paglapit ng mukha ni Efraim sa kaniya. Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala na siyang naramdaman na dumampi sa kaniyang labi.

"Aalis na ako," halos pabulong na wika ni Efraim.

Doon lang siya natauhan. Binitiwan na rin nito ang pisngi niya at tinungo ang sisidlan na dadalahin sa trabaho.

Ilang pagbuga ng sariling hangin ang ginawa ni Agata. Nasapo pa niya ang mga pisngi nang makaramdam ng kakaibang init.

"Dito ka na lang sa loob ng bahay, Mahal. Huwag ka na rin magsalok pa sa balon dahil pinuno ko na ang tubigan kanina," mahabang litanya ni Efraim. Matamis pa siya nitong nginitian bago muling lumapit sa kaniya. "Pasensiya na kanina. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Ginawaran nito ng halik ang noo niya.

Malawak niya itong nginitian. "Wala lang iyon. Nauunawaan kita, Mahal." Lalo lang lumiwanag ang mukha ni Efraim dahil sa sinabi niya.

Nakasunod si Agata rito nang magsimula na itong lumabas ng bahay. Nabungaran pa nila ang babaeng kabayong pagmamay-ari ni Efraim.

"Isasama mo si Macky?" nagtatakang tanong niya. Nauna pa siyang lumapit sa kabayo at hinaplusan ng palad ang noo nito. Lumikha naman ito ng tunog dahil sa ginagawa niya.

"Oo. May itinatayong bagong bahay malapit sa taniman. Baka sakaling makasideline ako ng hakot ng materyales."

Tinanguan niya ang lalaki. Agad na rin naman siyang lumayo sa kabayo dahil nagsimula na si Efraim na kabitan ito ng postre sa katawan.

"Pumasok ka na sa loob, Agata," pag-uutos nito nang matapos sa ginagawa.

"Mag-iingat ka." Hindi na niya nakita pa ang reaksiyon nito sa sinabi niya dahil mabilis na siyang pumanhik sa loob.

"Hiyah!" Lumagitik sa puwitan ng kabayo ang may kanipisang patpat. Naging dahilan iyon para tumulin ito sa pagtakbo habang nakasakay si Efraim.

Nasapat na lang si Agata sa pagtanaw sa papalayong bulto ng nobyo.

Nang hindi na maabot ng tanaw ang lalaki, mabilis niyang kinuha ang ginagantsilyong damit at doon itinutok ang atensiyon buong maghapon.

NAG-AAGAW na ang liwanag at dilim nang mapagpasyahan ni Agata na ihinto na ang ginagawa. Nag-uunat pa ng mga braso nang tunguhin niya ang kinasasabitan ng gasera. Mabilis ikiniskis sa bahay ng posporo ang palitong nilalaman nito, bago iyon nagningas at idinikit sa sindihan ng apoy. Kasingkulay ng langit ng takip-silim ang liwanag na ibinibigay ng gasera.

Malungkot niyang tinanaw ang bukas na bintana. Nakapuwesto ito sa nag-iisang daan na siyang lilitawan ni Efraim. Hindi na niya mabilang sa mga daliri kung nakakailang tanaw na siya roon sa araw-araw. Hindi na bago sa kaniya ang ganitong pangyayari. Nagkakaroon lang ng buhay ang bahay sa tuwing lumiliban sa trabaho si Efraim. Madalas pa ngang siya lang ang naririto. Hindi niya naman puwedeng pilitin ang lalaki na manatili na lang sa tabi niya dahil wala naman silang ibang pagkukunan.

Marahas siyang nagbuga ng hangin. Tinungo ang kalan at nagpalingas ng apoy. Iinitin na lang niya ang pagkain kaninang tanghalian. Sa sobrang abala sa ginagawa ay nakalimutan na niyang kumain. Tiyak na sesermunan na naman siya ni Efraim kapag nalaman nito.

Nangangalahati pa lang ng sindi ang tuyong mga kahoy nang mabulabog siya sa ginagawa dahil sa pamilyar na paghalinghing ng isang kabayo.

Hindi na niya nalaman kung saan naihagis ang posporo. Agad nabuhay ang dugo niya sa katawan, dahilan para mabilis niyang marating ang labas ng bahay.

Sumalubong sa kaniya ang matamis na halimuyak ng mga bulaklak, na siyang pumapalibot sa buong katawan ng kabayo. Nagsilbi itong palamuti kay Macky, habang ang lalaking may karay rito ay may isang palumpon ng mga rosas sa kamay.

Naitakip niya ang palad sa bibig. Hindi siya makapaniwala sa nasa harapan niya ngayon. Mala-prinsipe ang Efraim na nasa harapan niya. Asul na polo ang suot nito, bagong tabas din ang buhok at nakasuot ng itim na sapatos.

"Kaya ka ba inabot ng dilim dahil dito?" hindi makapaniwalang tanong niya.

May bahid ng hiya na tinanguan siya ni Efraim. "Hindi mo ba nagustuhan?" pagtatanong pa nito.

Mabilis niyang tinakbo ang pagitan nila. Agad niyang niyakap ang lalaki dahilan para mabitiwan nito ang tali.

"Gustong-gusto ko, Efraim."

Nakangiting gumanti ito ng yakap kay Agata. "Sana ganiyan din ang magiging tugon mo sa susunod kong tanong."

May bahid ng pagtataka na kumalas sa yakap si Agata. "Bakit? Ano bang itatanong mo?"

Hindi agad tumugon si Efraim. Humakbang ito ng dalawang beses paatras bago lumuhod sa mismong harapan niya. Hinawi nito ang palumpon ng mga rosas na hawak nito. Mula sa rosas, lumitaw ang may kaliitang pulang kahon. Hindi inalis ni Efraim ang pagkakatitig sa kaniya ng buksan na nito ang kahon. Tumama ang sinag ng buwan sa singsing nitong laman.

"Agata," puno nang pagmamahal ang tinig nito.

Nagsimulang tumibok ang puso niya ng kakaiba. Hindi pa man nagsisimula ang lalaki na magsalita patungkol sa pakay nito ay agad nang nagwawala ang puso niya. "E-Efraim, anong ibig sabihin nito?"

Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. "Wala akong ibang maiipangako sa iyo, Mahal. Kilala mo ako, hindi ako katulad ng ibang lalaki na matatamis ang dila. Pero kung pagdating sa iyo ay handa kong gawin ang lahat. Hindi ako mayaman, Mahal. Wala akong kayamanan na maiialay sa iyo. Pero ang pag-ibig ko sa iyo ay hindi matutumbasan ng kahit na anong kayamanan sa mundo." Huminto ito sa pagsasalita, na animo'y inaaral kung anong magiging reaksiyon niya. "Agata, handa ka bang pakasalan ang isang tulad ko na ang tanging maiialay sa iyo ay ang tapat at wagas na pagmamahal? Handa ka ba, Agata? Handa ka bang makasama ako hanggang sa huli nating hininga?"

Nauna pang dumaloy ang luha sa kaniyang dalawang mata kaysa sagutin ang lalaki. Lalo pang lumakas ang pag-iyak niya ng tapunan ng paningin ang singsing. Ikakasal na siya. Ikakasal na siya sa lalaking mahal niya.

Bumakas ang pangamba sa mukha ni Efraim nang walang makuhang tugon. Nawala sa balanse ang pagkakaluhod nito. Pinili na lang na pantayan siya sa pagkakatayo. "S-Sumagot ka naman, Mahal," garalgal na ang boses nito, na parang anumang oras ay magsisimula na itong umiyak.

Kinalma muna ni Agata ang sarili. Agad tumingkayad para maabot ang labi ni Efraim. Sinigurado niyang mababatid ni Efraim ang tugon niya sa pamamagitan ng halik. "Handang-handa na ako, Efraim."

Sapat na marahil ang limang taon para masabi niya na ang lalaki na nga ang para sa kaniya. Wala siyang naging tagapag-gabay sa pagpili ng lalaking iibigin. Pero naniniwala siya na si Efraim na. Si Efraim na ang para sa kaniya.

Nanginginig ang kamay ni Agata ng hawakan na ni Efraim iyon. Naging mabagal ang lahat para sa kaniya. Mula sa pagkuha nito sa singsing at pagsuot sa kaniyang daliri.

"Hindi ako makapaniwalang sa akin ka na, Agata." Masuyong hinalikan nito ang kamay niya.

Tinanguan niya ito. "Iyong-iyo ako, Efraim." Iniangat niya ang kamay sa hangin. Hinayaan na tumama ang sinag ng buwan sa maliit na batong disenyo ng singsing.

"Akin ka lang, Agata."

Bumaba ang paningin niya kay Efraim. Pinagkatitigan niya ang lalaki. Kakaibang emosyon ang isinisigaw ng mga mata nito. Mapanganib? Mapagbanta? Hindi siya sigurado sa nakikita. Biglang tumalim ang klase nang pagtitig ni Efraim. Panandalian lang naman iyon nang makita ang pagkabalisa sa kaniya.

"Hindi ako makapaniwala. Noon, tinatanaw lang kita. Pero ngayon, abot-kamay na kita, Agata. Akin ka na at sisiguraduhin ko na sa akin ka lang mula una hanggang dulo."

Nangangamba siya para sa mga salitang lumalabas sa labi nito. Hindi tama na makaramdam siya ng takot pagdating kay Efraim. Pero iyon ang pilit isinisigaw ng isipan niya. Ang matakot at mag-alangan sa lalaki.

Related chapters

  • Marahuyo    Kabanata 3

    NAGTATAKANG pinulot ni Agata ang puting kahon na siyang bumungad nang buksan niya ang pinto. May nakatali pang pulang laso roon na nagsisilbing palamuti at pansara nito.Isinandal niya sa gilid ng bahay ang walis tingting na hawak. Nagawa pang igala ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling matatagpuan ang taong nag-iwan nito. Pero nabigo siya, pulos halamang gubat at mga punong kahoy lang ang naroroon.Ipinagsawalang bahala na niya ang pagwawalis ng bakuran. Muli siyang pumanhik sa loob, tangan-tangan ang kahon. Hindi naalis ang atensiyon niya sa kahon kahit pa nagawa na niyang maupo at ilapag ito sa lamesita. "Efraim, nakita mo ba kung sinong nag-iwan nitong kahon sa labas?" Tiningnan niya ang ibang parte ng kahon, umaasang makakakita ng nakadikit na sulat doon. "Efraim?" muli niyang tinawag ang lalaki. Maaga itong gumising kaya imposibleng hindi nito nakita kung sinong naglagay roon. "Nalulon mo na ba ang dila mo at—" Napahinto siya sa pagsasalita nang tapunan ng paningin ang kin

    Last Updated : 2022-10-11
  • Marahuyo    Kabanata 4

    ILANG ulit pang napalunok ng sariling laway si Agata habang nakatungangang nakatingin sa papahinang usok ng kanina lang ay bagong hango sa kalan na inihaw na karneng manok."Nasaan na ba ang lalaking iyon?" naiwika na lang sa sarili. Nanulis ang labi niya dahil sa pagkabagot. Nanlalambot pa na tumayo sa kinauupuan at tinungo ang bintana upang doon sungawin ang lalaki.Ang saglit na pamamaalam ni Efraim ay tumagal na ng ilang oras. Lalo niya lang naramdaman na sobrang tagal ng nawala ng asawa dahil sa pag-aalburuto ng tiyan.Bagsak na ang dilim sa kapaligiran. May iilang huni na ng mga kulisap sa paligid at maging ang palaka na animo'y nagpupuri sa Panginoon.Itinukod niya ang dalawang siko sa hamba ng bintana. Pinaningkit ang mga mata para aninagin ang may kadilimang daan. Puti ang kasuotan ni Efraim, kaya natitiyak niyang mabilis niya itong makikilala sa dilim. Idagdag pa ang matikas nitong tindig at pangangatawan na kahit yata nakapikit siya ay magagawa niyang ilarawan.Lihim niyang

    Last Updated : 2022-10-11
  • Marahuyo    Kabanata 5

    PILIT iwinaksi ni Agata ang kalungkutang nadarama habang papalapit kay Efraim na tahimik na naghihintay sa hapag-kainan.Nang matanaw siya ng asawa, agad siya nitong nilapitan at kinuha ang isang mangkok na naglalaman ng sinangag na kanin at platong may piniritong itlog ng inahin nilang manok.Agad naupo si Efraim nang matagumpay na nailapag sa lamesa ang pagkain. Naudlot pa ang pagsandok ng pagkain nang mapansin ang pananahimik ni Agata sa isang gilid."Hindi ka ba kakain?" pagtatanong nito. Ibinalik ang sandok sa pinagkunan at nilapitan ang asawa.Agad nagtungo si Efraim sa likuran ni Agata. Panandaliang inamoy ang buhok ng asawa bago tinungo ng mga kamay ang balikat nito. "Halika, pagsisilbihan kita, Mahal ko," malalim ngunit may bahid nang paglalambing na wika nito.Wala sa sariling nagpatangay na lang si Agata sa nais ni Efraim. Dinulutan siya nito ng makakain, nagawa niya lang tumanggi nang magprisinta pa ito para subuan siya."Ako na, Efraim. Kaya ko na." Kinuha niya ang kutsar

    Last Updated : 2022-10-11
  • Marahuyo    Kabanata 6

    PAGKAMANGHA ang mababakas sa mukha ni Agata habang pinagmamasdan ang malawak at malinis na batong daan. May iilang bahay na rin na gawa sa bato ang abot-tanaw niya. Malakas na hiyawan ng mga paslit at maingay na busina ng sasakyan."Nasa bayan na ba talaga ako?" Nilingon niya panandalian ang pinanggalingan. Mga punong kahoy at damo na lang ang natatanaw niya. May ilang bakuran na rin siyang nadaanan, pero lahat iyon ay private property kaya tanging ligaw na damo lang din ang laman.Huminga siya nang malalim. Inihakbang ang mga paa, kasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib."Totoo na ito. Nakalabas na nga ako," masayang litanya niya nang sa wakas ay nailapat na ang mga paa sa batuhang daan.Halos mayupi pa ang bayong na dala dahil sa pagkakahigpit ng hawak doon.Naghahalo ang nadarama niya. Pangamba, pag-asa at kasiyahan.Nagpatuloy na si Agata sa paglalakad. Palinga-linga sa paligid na animo'y isang paslit na bago lang nasilayan ang mundo.Kusang huminto ang mga paa niya nang matanaw

    Last Updated : 2022-10-13
  • Marahuyo    Kabanata 1

    MALAKAS na pagdadabog ng anak ang nagpahinto kay Aloe sa paglalahad ng pagkain sa plato ng kaniyang kasintahan na si Matias. Naging dahilan din ang pagdadabog na iyon para magsalubong ang kilay ni Matias. Hindi inaasahan na ang dalagang laging nakangiti at mahinhin kung kumilos ay magagawang pagdabugan ang hapag-kainan.Sabagay, hindi pa ba siya masasanay? Hindi siya gusto ng dalaga. Lalung-lalo na ang pang-aagaw niya sa puwesto ng Ama nitong yumao. Hindi maipinta ang mukha ng unica hija ni Aloe nang tapunan niya ito ng paningin. Pinunasan niya muna ang labi ng tissue bago sinimulang kausapin ang anak."Anong problema? Hindi mo ba nagustuhan ang nakahain?" malumanay na tanong niya rito. Nagawa pa niyang senyasan ang abot-tanaw na kasambahay upang magtungo ito sa kusina nang maipagluto ng bagong putahe ang dalaga."Maayos ang pagkain," nagtitimping wika nito. "Pero hindi ko magawang lumunok kahit anong pilit ko." Kinuha nito ang basong nag-uumapaw sa tubig at inisang lagok iyon. "Baki

    Last Updated : 2022-10-11

Latest chapter

  • Marahuyo    Kabanata 2

    MATUNOG na paghalik sa pisngi ang ipinabaon ni Agata sa kasintahan. Namula pa nang bahagya ang mukha niya ng makaramdam ng hiya dahil sa pangunguna. Wala naman siyang narinig mula sa labi ni Efraim, bahagya pa ngang umangat ang sulok ng labi nito dahil sa tuwa.Limang taon na silang magkasintahan. Subalit, ito ang unang pagkakataon na lumapat ang labi ni Agata sa balat ng nobyo. Nasapat na sila sa pagyakap, pagsalikop ng mga kamay at pagpapalitan nang matatamis na salita.Bago pa mapansin ni Efraim ang pamumula niya at mauwi iyon sa panunudyo ay mabilis na niyang inabala ang sarili sa pagbabalot ng kagamitang dadalahin nito sa trabaho.Tahimik na tumayo sa kinauupuan si Efraim. Sinigurado munang nasaid ang kapeng sinisimsim bago tinungo ang kalan at doon ay dinarang sa apoy ang dahon ng saging na magsisilbing balutan ng kaniyang pagkain."Aabutin ka na naman ba ng dilim?" pag-uusisa pa ni Agata dito nang matapos sa ginagawa."Hindi ako sigurado."Nilingon niya si Efraim sa naging tugo

  • Marahuyo    Kabanata 1

    MALAKAS na pagdadabog ng anak ang nagpahinto kay Aloe sa paglalahad ng pagkain sa plato ng kaniyang kasintahan na si Matias. Naging dahilan din ang pagdadabog na iyon para magsalubong ang kilay ni Matias. Hindi inaasahan na ang dalagang laging nakangiti at mahinhin kung kumilos ay magagawang pagdabugan ang hapag-kainan.Sabagay, hindi pa ba siya masasanay? Hindi siya gusto ng dalaga. Lalung-lalo na ang pang-aagaw niya sa puwesto ng Ama nitong yumao. Hindi maipinta ang mukha ng unica hija ni Aloe nang tapunan niya ito ng paningin. Pinunasan niya muna ang labi ng tissue bago sinimulang kausapin ang anak."Anong problema? Hindi mo ba nagustuhan ang nakahain?" malumanay na tanong niya rito. Nagawa pa niyang senyasan ang abot-tanaw na kasambahay upang magtungo ito sa kusina nang maipagluto ng bagong putahe ang dalaga."Maayos ang pagkain," nagtitimping wika nito. "Pero hindi ko magawang lumunok kahit anong pilit ko." Kinuha nito ang basong nag-uumapaw sa tubig at inisang lagok iyon. "Baki

DMCA.com Protection Status