Share

Chapter 1:

Thrizel's POV

"Thrizel, nandiyan na ang kuya mo!" Sigaw ng kaibigan kong si Amira.

Mabilis kong binitawan ang buhok ng ka-eskuwela ko bago umayos ng tayo. Nakikipagsabunutan ako sa kaniya dahil akala niya inagaw ko ang boyfriend niya.

"Sa susunod, tanongin mo muna iyang boyfriend mo, huh!" Tinuro ko pa ang nobyo niyang nasa likuran. Ngumisi ako ng nakakaasar. "Hays, ang hirap maging maganda. Ang daming naghahabol sa akin." Animo ko pa itong iniinis kaya iyon ang sinabi ko. Kung ganiyang ugali lang din naman ang ilalaan niya sa akin, patigasan na lang kami.

"Anong ibig mong sabihin? Boyfriend ko pa ang naghabol sa 'yo?" Nanggagalaiti niyang tanong habang hawak-hawak ang kaniyang boyfriend. Wow, huh? Oo naman.

Kumindat ako sa nobyo niya para dumagdag ang inis nito. "Of course, sa tingin mo ba papatol ako riyan sa cheap na iyan? Mukha ba akong walang taste?" Pinakita ko talagang nandidiri ako. Masama na kung masama. Ang sama kasi ng mukha niya.

Umirap muna ako sa babae bago nilihis ang katawan ko paharap sa daan pero nabunggo ako sa katawan ng tao. Unti-onti ko itong tiningnan, napakamot na lang ako sa ulo. Nakatayo siya sa harap ko habang nakapamulsa at seryosong nakatingin sa akin. Matangkad siya kaya nakayuko ito.

"Hehe." Pekeng tawa ko.

"What's this?" Tanong niya gamit ang tinig na seryoso.

Hinatak-hatak ko siya pero sadya siyang mabigat kaya hindi man lang ito naalis sa kaniyang kinatatayuan. Napasimangot ako.

"I'll repeat, what's this?"

Hindi pa rin umaalis ang nakaaway ko. Nakatingin lang siya sa amin ni kuya. Nang mapadako ang paningin nito sa akin ay mabilis ko itong tinarayan.

"Wala iyan, kuya."

"You?" Turo niya sa babae. Bahagya naman itong nagulat. "Ano ito, miss?"

"Oo na! Oo na!" Pagsuko ko dahil marami ng estudiyanteng nakikinood. "Boyfriend niya ang lumapit sa akin at sabi niya, inaagaw ko raw ang boyfriend niya kaya nag-away kami. Sa tingin mo ba gagawin ko iyon, kuya?" Umirap ako at humalukipkip.

"Pasensiya na sa ginawa ng kapatid ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano?! Humihingi siya ng pasensiya? Ano? Ako ang may mali?

"Kuy—" Magmamataktol pa sana ako nang mabilis niya akong hatakin at i-alis sa nagkukumpulang estudiyante.

"Are you looking for trouble again? For fuck’s sake, Thrizel. Lagi kang sangkot sa gulo rito. Are you uneducated? Where's your brain? Please, use it. High school ka na! Be matured! Linisin mo naman ang imahe mo!" Nagpanggap akong walang narinig sa mga sinabi niya. Pangiti-ngiti lang ako at tumitingin sa ibang direksyon. Patay malisya lang kapag nagsasalita siya. "Are you listening?! You're embarrasing!"

Nakanguso akong humarap at nagmamaktol. "Kuya naman, e. I hate you. It's not my fault, it's her fault. Bakit ka ba humingi ng pasensiya roon? Sila ang mali. Nanahimik lang ako!" Nakuha ko lang ipadyak ang isa kong paa.

Pumikit siya at tinitigan ako sa mga mata. Nakipagsabayan ako pero hindi ko kaya kaya umiwas ako. "Hindi sa lahat ng oras ikaw ang tama. Babaan mo rin ang pride mo."

"Kuya naman." Pagmamaktol ko habang nagpapadiyak na ng mga paa.

"Stop that! Para kang bata! Ako ang magsusundo sa 'yo mamaya!"

Mas lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Ayaw ko! Ayaw ko!"

"May practice sila Anissa kaya masusundo kita." Nagpamulsa siya at tumalikod na. Bago siya maglakad ay humarap na naman ito. "At huwag mo akong subukang takasan! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo sa bahay!" Saka na siya nagpatuloy. May pagbabanta talaga.

Masaya akong naglakad patungo sa silid ko. Bahala ka riyan, tatakas ako. Kapag kasi si kuya ang lagi kong kasabay, tungkol lang sa pag-aaral ang pag-uusapan namin buong biyahe. Ang lagi niya kasing kasabay ay si Ate Anissa, ang nililigawan niya.

Pagkarating ko sa silid ay mga kaklase kong magugulo agad ang bumungad sa akin. Hindi ko 'yon pinansin at tumabi na kay Amira na hindi man lang ako hinintay. Crush niya si kuya at hindi niya yata napigilan ang kilig kaya nagpatiuna na.

"Hindi mo man lang ako hinintay!" Bulyaw ko habang umuupo.

"Hehe," kamot niya sa ulo. "Nandoon kasi si crush. Baka masira pa ang image ko sa kuya mo 'no at hindi pa ako magustuhan."

Napairap na lang ako ng mga mata at hinintay ang guro. Pumasok naman na ito maya-maya kaya buong araw ng klase ay antok na antok ako. Dumating ang uwian. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at lalabas na dapat nang tawagin ako ni Amira.

"Saan ka pupunta? Nagmamadali ka? Hindi ba tayo sabay?"

Reporter lang? Tanong nang tanong?

"Tatakasan ko si kuya! Bwahahaha!"

Napailing na lang siya at hindi na ako kinulit. Nagmadali na akong maglakad. Para pa akong nagnininja moves dahil bawat liko ay pasimple kong tinitingnan at patago-tago.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil walang kuyang bumungad sa akin sa parking lot. Masaya akong naglalakad mag-isa sa daan. Hindi naman malayo ang bahay namin sa paaralan kaya pwede ka ring maglakad. Si kuya lang ang may kotse at ako ay wala. Fourth year high school na si kuya at may student license kaya pwede siya magmaneho. Ako? Grade 9 pa lang.

Malapit na ako sa bahay. Kaunti na lang ang aking lalakarin nang bigla may bumusina. Lagot ka, Thrizel!

"What do you think you're doing?"

Boses niya!

Imbis na lingunin ko siya ay mabilis akong kumaripas ng takbo papasok sa bahay. Bahala ka riyan! Wahhhhh! Mama!

"Thrizel!" Sigaw niya mula sa labas.

"Mommy!" Sigaw ko sa loob ng bahay. Lumabas naman ang nanay namin mula sa kusina. Akala siguro ay kung anong nangyayari. Hehe, sorry, mom.

"Oh? Ano 'yon? Bakit ka tumatakbo?"

"Si kuya!" Sigaw ko at umakyat pataas ng kwarto. Sinara ko ang pinto at doon sumandal para magpahinga dahil hingal na hingal ako.

"Mom, nasaan si Thrizel?! Tinakasan na naman ako!" Sigaw niya mula sa baba, sapat na para aking marinig.

"Hay nakung mga bata kayo!"

Napabunton- hininga ako at nagpunas ng pawis. Isasarado ko na sana ang pinto nang bumukas ito at ang bumungad ang kuya kong naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin.

"Thrizel!" Banggit niya sa aking pangalan.

"Kuya Thrale."

Paatras ako nang paatras, siya naman ay palapit nang palapit sa akin. Naramdaman ko ang malamig na pader sa aking likod.

Nang makalapit siya, yumuko ito at inilipat ang mukha sa mukha ko. "Ang tigas talaga ng ulo mo!" Saka niya ako binatukan. Mahina lang iyon pero nagawa kong ngumuso.

"E, ayoko nga!" Saka ako pumunta sa salamin para mag-ayos ng sarili.

"Isa pa, Thrizel! Ginagalit mo talaga ako!"

"Nyenyenye!"

"Bumaba ka na para kumain!" Lumabas na siya ng aking kwarto.

Kala mo talaga pogi, mas pogi pa nga ako roon kapag naging lalaki ako, e. Duh! Kung hindi—oo na! Gwapo nga siya.

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status