Prologue."I'm sorryyyyyyyyy!" Sunod-sunod kong hingi ng tawad sa kaniya. "Please, stop." Pagpapatigil ko dahil lalapit ito sa akin. Baka kapag lumapit siya, magawa ko na naman ang kamaliang iyon."Thrizel!" Tawag niya sa akin, may ekpresyong nagtataka. Naguguluhan siya. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto kong magpaliwanag pero papaano?"Don't you come near me." Matigas na aking utos na naiiyak. Huwag kang lalapit. Huwag mong hayaang palapitin mo ulit ang sarili mo sa akin.Nangunot ang noo niya at alam kong nag-uumpisa na siyang magalit. "Thrizel." Matigas pa nitong banggit sa aking pangalan. Marahil ay nagtataka na siya sa aking kinikilos. Pumikit ako. Dahan dahang umiling habang ang dalawang kamay ay nakapigil sa kaniya. "Tama na, kuya." Ngumiti ako ng pilit kahit ang mga luha ko'y nag-uumpisa nang bumagsak."Thrizel! I don't understand you! Why are you acting like this?!" Sigaw niya sa akin pero hindi ako natinag. Bakit nga ba ganito ako umakto? Bakit ganito ang kinikilos ko?"K
Thrizel's POV"Thrizel, nandiyan na ang kuya mo!" Sigaw ng kaibigan kong si Amira.Mabilis kong binitawan ang buhok ng ka-eskuwela ko bago umayos ng tayo. Nakikipagsabunutan ako sa kaniya dahil akala niya inagaw ko ang boyfriend niya."Sa susunod, tanongin mo muna iyang boyfriend mo, huh!" Tinuro ko pa ang nobyo niyang nasa likuran. Ngumisi ako ng nakakaasar. "Hays, ang hirap maging maganda. Ang daming naghahabol sa akin." Animo ko pa itong iniinis kaya iyon ang sinabi ko. Kung ganiyang ugali lang din naman ang ilalaan niya sa akin, patigasan na lang kami."Anong ibig mong sabihin? Boyfriend ko pa ang naghabol sa 'yo?" Nanggagalaiti niyang tanong habang hawak-hawak ang kaniyang boyfriend. Wow, huh? Oo naman.Kumindat ako sa nobyo niya para dumagdag ang inis nito. "Of course, sa tingin mo ba papatol ako riyan sa cheap na iyan? Mukha ba akong walang taste?" Pinakita ko talagang nandidiri ako. Masama na kung masama. Ang sama kasi ng mukha niya.Umirap muna ako sa babae bago nilihis ang k
Thrizel’s POVHindi na ako nagtuloy sa pag-ayos ng sarili. Naligo na lang at pagkatapos ay bumaba. Naabutan ko pa si kuyang nasa sala habang nagcecellphone at pangiti-ngiti. Kausap na naman niya si Ate Anissa."Lolokohin ka rin niyon." Pang-aasar ko pa nang hindi siya nililingon. Nasa ibang direksyon ang paningin ko dahil makakakuha na naman ako sa kaniya ng masamang tingin. Humarap lang ako nang makababa ako sa hagdan. Nakakunot ang noong nakatingin siya sa akin. Parang hindi inaasahan na sasabihin ko iyon."Are you insane?" Tanong niya at muling tumingin sa cellphone. Halata ang iritasyon."Are you stupid?" Muli siyang napaharap sa akin dahil sa sinabi ko. Napailing-iling siya at tumingin na naman sa cellphone. Kingina talaga! Binubuwisit ko siya! Bakit ayaw gumana? Masiyado siyang seryoso!"Kuya naman, e." Umaakto na naman akong bata. "Hindi mo ba nahahalata na nagpapansin ako sa 'yo?""Hindi," kaswal na sagot niya."Okay."Nagpapadyak akong lumabas ng bahay. Gusto ko lang naman
Thrizel’s POVNagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Tumayo ako para buksan ang bintana, tumama agad ang sinag ng araw sa aking mukha kaya humikab ako at nag-unat. Napatigil lang ako nang nakita ko si kuyang nasa harapan ng aming bahay at may kausap, si Ate Anissa.Napasinghap ako at pumunta na sa banyo. Naligo muna ako bago bumaba. Hays. Ngayong araw na ito ay hindi na naman ako papansinin ni kuya dahil kahapon. Gano’n naman lagi ang nangyayari. Kapag sinabi niya, gagawin niya talaga. Matigas pa sa bato si Thrale."Gising ka na pala, anak." Bungad ni mom sa akin nang makarating ako sa kusina. Tinutulungan niyang maghain si Manang Perry."Hija, kumain ka na at nang makapasok."Napabuntong-hininga ako at napasandal sa pinto ng kusina na nakasarado. Naghalukipkip at pinanood na lang sila. Tinatamad ako ngayong araw. Ilang minuto rin akong nasa gano’ng posisyon hanggang sa mapadaing ako."A-Aray!" May biglang nagbukas ng pinto. Inis kong binuksan iyon. "Ano ba iyan?! Magdadaha
Thrizel’s POV"K-Kuya." Nauutal na tawag ko habang nakayakap siya sa akin.Ibang-iba talaga ang aking nararamdam kanina. Matagal na akong yinayakap ni kuya pero bakit kanina ko lang naramdaman iyon. Sobra tuloy ang pagkakailang ko. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Heart, tumigil ka, please.Sa wakas ay kumalas na siya sa pagkakayakap. Umayos siya ng tayo at inayos din ang aking buhok. "Ayos ka lang? May kalmot ka sa mukha. Wait lang, ah? Magtatanong lang ako kung may first ai—""Kuya." Pigil ko sa kaniya dahil halata ko sa kilos niyang natataranta siya. "Ayos lang ako."Nakahinga siya nang makuwag. "I know," sagot niya. "Diyan ka muna. May first aid kit naman yata ang cafe rito, hihiramin ko na lang."Napabuntong-hininga ako. "Sige."Umupo ako sa silya. Hays. Sayang ang pagkain ko. Nagpapasalamat nga ako dahil dito ako sinugod ng babaeng iyon, bihira lang kasi magpuntahan ang mga guro dito. Kapag may nakakita sa amin, malamang sa malamang, detention slip ang abo
Thrizel’s POVNagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit."Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?""Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?""Hindi, ayoko!""Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigi
Thrizel’s POVNagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit."Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?""Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?""Hindi, ayoko!""Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigi
Thrizel’s POV"Mom! Dad! Hinalikan ako ni kuya!" Pagdedeliryo ko.Bigla-bigla naman lumabas si mom na may hawak na sandok. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Sino?! Sinong humalik sa 'yo?!"Tiningnan ko si kuya. Bakas ang kaba sa mukha nito. "Si kuya."Napasimangot naman si mom habang si dad ay natawa. "Pinakaba mo 'ko, akala ko kung sino."Nagmaktol ako. "Si kuya nga, mom, si kuya!"Hindi man lang sila nagalit! Nakakainis! Dapat magalit sila! Magalit! Pati si dad tinawanan lang ako! Sama ng pamilya ko! Dapat magalit sila! Babae ako at lalaki siya!"Ano naman kung hinalikan ka, anak?" Sabi ni mom habang tinatali ang apron. "Magkapatid naman kayo, walang problema ro'n.""Kahit na, mom! Malaki na ako, malaki na siya! Bawal na 'yon." Naiinis na sabi ko at pumunta kay kuya. Pinagpapalo ko ito."Oy, ano ba, Thriz—Ouch! Pwede na—sabihin mong gusto mo pa ng is—""Kapal ng mukha mo!" Saka ako umupo sa sofa habang nakacross arm. Masamang tingin ang pinukol ko kay kuya. Masyado siya."Tama na