A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi
Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah
Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na
Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu
Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas
Prologue."I'm sorryyyyyyyyy!" Sunod-sunod kong hingi ng tawad sa kaniya. "Please, stop." Pagpapatigil ko dahil lalapit ito sa akin. Baka kapag lumapit siya, magawa ko na naman ang kamaliang iyon."Thrizel!" Tawag niya sa akin, may ekpresyong nagtataka. Naguguluhan siya. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto kong magpaliwanag pero papaano?"Don't you come near me." Matigas na aking utos na naiiyak. Huwag kang lalapit. Huwag mong hayaang palapitin mo ulit ang sarili mo sa akin.Nangunot ang noo niya at alam kong nag-uumpisa na siyang magalit. "Thrizel." Matigas pa nitong banggit sa aking pangalan. Marahil ay nagtataka na siya sa aking kinikilos. Pumikit ako. Dahan dahang umiling habang ang dalawang kamay ay nakapigil sa kaniya. "Tama na, kuya." Ngumiti ako ng pilit kahit ang mga luha ko'y nag-uumpisa nang bumagsak."Thrizel! I don't understand you! Why are you acting like this?!" Sigaw niya sa akin pero hindi ako natinag. Bakit nga ba ganito ako umakto? Bakit ganito ang kinikilos ko?"K
Thrizel's POV"Thrizel, nandiyan na ang kuya mo!" Sigaw ng kaibigan kong si Amira.Mabilis kong binitawan ang buhok ng ka-eskuwela ko bago umayos ng tayo. Nakikipagsabunutan ako sa kaniya dahil akala niya inagaw ko ang boyfriend niya."Sa susunod, tanongin mo muna iyang boyfriend mo, huh!" Tinuro ko pa ang nobyo niyang nasa likuran. Ngumisi ako ng nakakaasar. "Hays, ang hirap maging maganda. Ang daming naghahabol sa akin." Animo ko pa itong iniinis kaya iyon ang sinabi ko. Kung ganiyang ugali lang din naman ang ilalaan niya sa akin, patigasan na lang kami."Anong ibig mong sabihin? Boyfriend ko pa ang naghabol sa 'yo?" Nanggagalaiti niyang tanong habang hawak-hawak ang kaniyang boyfriend. Wow, huh? Oo naman.Kumindat ako sa nobyo niya para dumagdag ang inis nito. "Of course, sa tingin mo ba papatol ako riyan sa cheap na iyan? Mukha ba akong walang taste?" Pinakita ko talagang nandidiri ako. Masama na kung masama. Ang sama kasi ng mukha niya.Umirap muna ako sa babae bago nilihis ang k
Thrizel’s POVHindi na ako nagtuloy sa pag-ayos ng sarili. Naligo na lang at pagkatapos ay bumaba. Naabutan ko pa si kuyang nasa sala habang nagcecellphone at pangiti-ngiti. Kausap na naman niya si Ate Anissa."Lolokohin ka rin niyon." Pang-aasar ko pa nang hindi siya nililingon. Nasa ibang direksyon ang paningin ko dahil makakakuha na naman ako sa kaniya ng masamang tingin. Humarap lang ako nang makababa ako sa hagdan. Nakakunot ang noong nakatingin siya sa akin. Parang hindi inaasahan na sasabihin ko iyon."Are you insane?" Tanong niya at muling tumingin sa cellphone. Halata ang iritasyon."Are you stupid?" Muli siyang napaharap sa akin dahil sa sinabi ko. Napailing-iling siya at tumingin na naman sa cellphone. Kingina talaga! Binubuwisit ko siya! Bakit ayaw gumana? Masiyado siyang seryoso!"Kuya naman, e." Umaakto na naman akong bata. "Hindi mo ba nahahalata na nagpapansin ako sa 'yo?""Hindi," kaswal na sagot niya."Okay."Nagpapadyak akong lumabas ng bahay. Gusto ko lang naman