Share

Chapter 2:

Thrizel’s POV

Hindi na ako nagtuloy sa pag-ayos ng sarili. Naligo na lang at pagkatapos ay bumaba. Naabutan ko pa si kuyang nasa sala habang nagcecellphone at pangiti-ngiti. Kausap na naman niya si Ate Anissa.

"Lolokohin ka rin niyon." Pang-aasar ko pa nang hindi siya nililingon.

Nasa ibang direksyon ang paningin ko dahil makakakuha na naman ako sa kaniya ng masamang tingin. Humarap lang ako nang makababa ako sa hagdan. Nakakunot ang noong nakatingin siya sa akin. Parang hindi inaasahan na sasabihin ko iyon.

"Are you insane?" Tanong niya at muling tumingin sa cellphone. Halata ang iritasyon.

"Are you stupid?"

Muli siyang napaharap sa akin dahil sa sinabi ko. Napailing-iling siya at tumingin na naman sa cellphone. Kingina talaga! Binubuwisit ko siya! Bakit ayaw gumana? Masiyado siyang seryoso!

"Kuya naman, e." Umaakto na naman akong bata. "Hindi mo ba nahahalata na nagpapansin ako sa 'yo?"

"Hindi," kaswal na sagot niya.

"Okay."

Nagpapadyak akong lumabas ng bahay. Gusto ko lang naman niyang kausapin ako tapos susungitan pa ako. Tatanongin pa ako kung baliw akooooo! Nasanay akong nasa akin ang atensyon niya!

"SAAN KA NA NAMAN PUPUNTA, THRIZEL?!" Sigaw niya mula sa loob ng bahay. Ngayon magtatanong kung saan ako pupunta. Siya ang baliw rito e. "IT’S ALREADY LATE!

"Kung saan wala ka!" Inis kong sigaw pabalik. Diniretso ko.

"ISUSUMBONG KITA!"

"Sumbong mo!

"PAPANSININ KA NA NI KUYA!"

"Ayaw ko na!"

"HUWAG KANG PUPUNTA KINA AMIRA!"

"Ewan ko sa ‘yo!"

Masama ang loob kong nagdoorbell sa bahay nina Amira. Bumungad naman sa akin ang kanilang katiwala.

"Magandang gabi po, ma'am."

"Nandiyan po ba si Amira?"

"Opo, ma'am, nasa kwarto niya. Sila lang magkapatid ang nasa loob, e."

"Sige po."

Pumasok na ako sa loob at walang taong bumungad sa akin. Nakalimutan ko, hindi ko pa pala alam ang kwarto ni Amira. Dami kasing arte niyon, ayaw ipaalam sa akin kung saan ang kwarto niya. Siguro may tinatago siya.

Hanggang pangalawang palapag lang ang bahay nila pero malawak at maganda. Nasa pangalawang palapag ang mga kwarto. Bawat kwarto ay hinahawakan ko ang door knob pero mga nakasarado.

Ang natitira na lang ay ang kwartong nasa dulo. Itim at asul ang kulay niyon. Ano bang paboritong kulay ng babaeng 'yon? Ang alam ko ay puti. Tumungo ako sa kulay asul at hinawakan ang doorknob. Noong una ay ayaw pa, kumakailan ay nagpabukas na.

Bumungad sa akin ang kwartong puno ng mga instrumento. Music Room nila ito. Bubuksan ko sana ang itim nang makita ko ang kulay puti na pinto. Katabi ito ng itim pero may daan pang makipot para makapunta sa kwartong iyon.

Napabuntong-hininga akong pumunta roon. Dahil sa gigil ko ay binuksan ko agad ang kwarto nang walang kahirap-hirap.

"Hindi ba siya titigil kakahabol sa akin? At kailangan niya pa talagang pumunta rito? Akala niya pagbubuksan ko siya ng pin—what are you doing here?"

Isang lalaki agad ang bumungad sa akin. I think, he's 18 years old. Napadako ang tingin ko sa katawan niya, nakaboxer lang siya. Iniwas ko agad ang aking tingin. Naabutan ko kasing siyang naghahalungkat sa closet, mukhang magbibihis.

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya pa rin. Nakakunot ang noo nito at nakatayo na sa harap ko. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil ramdam ko ang ilanh. "Look at me, miss." Utos pa niya. Ang demanding naman nito.

"Kung magbihis ka muna kaya!" May pagsusungit ang pananalita ko.

"Akyat bahay ka ba? Ikaw na nga lang ang magnanakaw, ikaw pa nagsusungit!"

"How dare you?"

"Walang mali sa suot ko. Tumingin ka sa akin!"

"Anong walang mali? Nakaboxer ka lang at bakat ang putotoy mo!"

Naramdaman kong naningkit ang kaniyang mga mata. "What did you say? Putot—"

"LOVE!" Boses babae ang sumigaw dahilan para maagaw niyon ang atensyon naming dalawa. "I'm here!"

"Oh, fuck."

"Hoy!"

Nagulat ako nang ipasok niya ako sa loob ng kwarto niya saka niya sinarado ang pinto. Ano bang ginagawa niya? Grabe naman kakapal ang mukha nito para hatakin ako sa loob.

"Ano bang ginagawa mo?" Naiinis na ako. Unang-una hindi ko siya kilala, baka kung ano pang gawin niya sa akin.

"Huwag kang maingay! May baliw na babaeng nakapasok sa bahay namin. Ikaw? Ano bang ginagawa mo rito?"

"Si Amira ang pakay ko!"

"Huwag kang sumigaw!"

"Bakit kasi hindi mo harapin ang babaeng 'yon!"

"Ayoko sa kaniya! Hindi ko siya gusto! Huwag kang mainga—"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya. Napangisi siya, parang may magandang naisip. Ang kwarto niyang nakasara ay dapat na isasarado ay hindi natuloy.

"Makisabay ka lang, please, para tigilan na ako ng babaeng iyon."

Aaminin kong gwapo ito, ngayon ko lang siya nakita. Nagulat ako nang lumakad siya papalapit sa akin, ako naman ay napaupo sa gilid ng kama niya.

"Hoy! Ano ba?!"

Seryoso lang ako nitong tiningnan. Nang makalapit siya, kinulong niya ako gamit ang dalawang braso, ang braso niyang sa kama nakapatong. Nakaupo ako at siya ay nasa harapan ko, nakayuko. Pinagtapat niya ang aming mukha. Bakit ang hilig ng mga lalaki ng ganito? Pati si kuy—

"Thrizel!"

Imbis na boses babae ang maririnig namin pero hindi. Boses lalaki at kilala ko kung kanino iyon. Dahan-dahan akong humarap. Nakita ko si kuyang nakatayo sa pinto at masamang nakatingin sa aki—sa kaniya. Sa lalaking ito.

"Kuya."

"Who are you?" Pagtatanong niya sa lalaki. Bigla siyang tumingin sa akin. "Who's that bastard?" Tinuro niya pa ang lalaki. Ramdam ko ang kaniyang inis. Baka iniisip nitong binabastos ako.

"Kuya."

"Sino?" Ano bang ikinagagalit niya? "Fuck, Trizhel. Kaya ka ba pumupunta rito? For that boy?"

"Kuya!"

Mabilis akong tumayo at nilapitan siya. Para kasing gusto niya nang sapakin ang lalaking ito. Ayokong magkaroon ng gulo dahil wala naman kaming ginagawa. Isip lang ni Thrale ang mali.

"Umuwi na tayo!" Hatak ko sa kaniya pero hindi siya nagpadala sa akin.

"Sagutin mo muna ako kung sino 'yon."

"SABING UMUWI NA, E!" Sumigaw na rin ako para matigil siya. Tumingin ako sa lalaki. "Pasensiya na, uuwi n—"

Imbis na ako ang manghatak sa kaniya. Siya na ang humatak sa akin paalis doon.

"Lov—" Hindi natuloy ng babae ang pagsigaw niya nang makita kami ni kuya. Ito yata ang tinutukoy ng lalaki.

"Kuya, masakit," d***g ko sa kaniya dahil ang higpit ng hawak niya sa pulsuhan ko.

"Oh, Thriz—"

Kikiligin dapat si Amira nang makita si kuya. Mukhang nahalata niyang galit ito kaya hindi na natuloy.

"Pasensiya na, Amira. Sorry talaga." Hingi ko ng tawad kahit alam kong wala siyang alam sa nangyayari.

Nakakunot ang noo niya at hindi maintindihan ang sinasabi ko. Nginuso ko ang kwarto na iyon. Ngumiti siya sa akin at pinuntahan ‘yon. Nang makalabas kami ni kuya. Doon niya lang ako binitawan. Napahilamos siya ng mukha at napasipa sa lupa. Inis na inis talaga siya.

"Ipaliwanag mo kung ano 'yon." Matigas na utos nito, ni hindi ako tinitingnan.

"Wala nga iyo—"

"Explain."

Napayuko ako at napabuntong-hininga na rin bago magsalita. "Nagkamali lang ako ng kwarto, kay Amira dapat ang pupuntahan ko."

"Nagkamali lang? Tapos ano? Magpapahalik? Ano iyong naabutan ko? Kilala mo ba kung sino 'yon? Ako kasi hindi, siguro kilala mo kaya pumupunta kina Amir—"

"Hindi ko siya kilala, iyong babaeng nasalubong natin kanina. Pagseselosin niya yata. Ginawa niya iyon para makita kami ng babaeng gano'n ang aming puwesto kapag pumasok sa kwart—"

"Pumayag ka naman?"

"Nagulat lang ak—"

"Huwag mo akong kausapin."

Aalis na dapat siya nang hawakan ko siya sa kamay. "Kuya." Kumikibot ang aking labi at may namumuo na ring luha. Kapag kasi sinabi ni kuya ay gagawin niya. Hindi ko ka kakayanin kapag hindi kami nag-uusap. Gabi na rin at streetlights lang ang nagbibigay liwanag sa daan.

"Bitawan mo ako." Saka na siya umalis at pumasok sa bahay.

Ako naman ay naiwan sa kalsadang nakatungo habang umiiyak. Ayoko na nag-aaway kami. Ayoko ng ganito. Malay ko bang siya ang makakakita niyon. Bakit pa kasi ako pumasok sa puting pintuan na iyon? Ang protective niya masyado kaya ganoon siya magreaksyon. Ayaw niya talagang nilalapitan ako ng mga lalaki. Matutuwa ba ako o maiinis?

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status