Share

Chapter 4:

last update Last Updated: 2023-09-15 17:33:09

Thrizel’s POV

"K-Kuya." Nauutal na tawag ko habang nakayakap siya sa akin.

Ibang-iba talaga ang aking nararamdam kanina. Matagal na akong yinayakap ni kuya pero bakit kanina ko lang naramdaman iyon. Sobra tuloy ang pagkakailang ko. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Heart, tumigil ka, please.

Sa wakas ay kumalas na siya sa pagkakayakap. Umayos siya ng tayo at inayos din ang aking buhok. "Ayos ka lang? May kalmot ka sa mukha. Wait lang, ah? Magtatanong lang ako kung may first ai—"

"Kuya." Pigil ko sa kaniya dahil halata ko sa kilos niyang natataranta siya. "Ayos lang ako."

Nakahinga siya nang makuwag. "I know," sagot niya. "Diyan ka muna. May first aid kit naman yata ang cafe rito, hihiramin ko na lang."

Napabuntong-hininga ako. "Sige."

Umupo ako sa silya. Hays. Sayang ang pagkain ko. Nagpapasalamat nga ako dahil dito ako sinugod ng babaeng iyon, bihira lang kasi magpuntahan ang mga guro dito. Kapag may nakakita sa amin, malamang sa malamang, detention slip ang abot ko. Humina na rin ang tibok ng aking puso, kaya siguro ito mabilis dala ng hingal sa pakikipag-away. E, paano ang pagkakailang ko? God, Thrizel, kumbinsihin mo ang sarili mo.

"Thrizel." Papalapit na si kuya sa kinaroroonan ko. May dala siyang bulak, bond aid at—what? Alcohol?

"Kuya, bond aid na lang, may klase pa k—"

Tumayo siya sa aking harapan. "Takot ka lang talaga sa alcoho—"

"Alam mo naman pala, e!" Sigaw ko habang nakabusangot ang mukha.

Natawa siya at tumingin sa aking mukha. "Akin na at nang magamot."

Wala na akong nagawa kun’di ang ilapit ang mukha ko sa kaniya. Habang titig na titig siya sa pisngi ko dahil ginagamot niya ang aking sugat, ako naman ay titig na titig sa mukha niya. Maputi si kuya, matangos ang ilong at medyo singkitan ang mata. Ang pagkakaayos pa ng buhok nito ay patagilid kaya mas lalo siyang gumwapo. Natatakpan niya ang kabilang gilid ng noo niya dahil sa buhok niyang nakalaylay.

Maraming babaeng nagkakagulo dati sa kaniya. Nawala ang iba nang malaman nilang nililigawan niya si Ate Anissa. Isa rin sa aking dahilan ang mamili ng kaibigan dahil ang iba ay kinakaibigan ako para mapansin sila ni kuya. Si Amira kasi ay kaibigan ko na iyon since we’re grade 2.

"Pst, kanina ka pa tulala. May dumi ba sa mukha ko?" Nawala ako sa pag-iisip nang magsalita siya. Pinilig ko ang ulo ko at nakangiting humarap sa kaniya. "Tumayo ka na riyan. Bumalik ka na sa room mo."

Tumango ako at aalis na dapat nang bigla niyang hawakan ang aking pulsuhan. Parang nagkakarerahan na naman ang aking puso sa bilis ng tibok nito. Ano bang nangyayari sa akin?

"Sabay tayo uuwi."

"O-Oo."

"Huwag—"

"Oo, kuya. Mauna na ak—"

"Kang tataka—"

"Oo!" Saka ako lumabas ng cafe. Alam kong takang-taka na si kuya sa inaakto ko. Hindi ko kasi mapatigil ang puso ko sa pagbilis ng tibok. Kinakabahan din ako kaya mas pinili ko pang lumabas na.

"Hoy, tulala ka riyan." Biglang harang sa akin ni Amira sa pasilyo.

Napapikit ako at humarap sa kaniya. "Huwag na."

"Anong huwag na? Lutang? Hoy, ang layo ng sagot mo sa sinabi ko!" Ano ba kasi talagang nangyayari sa akin?!  "Saka bakit ka may sugat sa mukha? Si Demzell na naman ang may gawa niyan 'no?"

"Demzell?" Kunot noo kong tanong.

"Duh, kaaway mo hindi mo kilala. Iyong kapatid ni Dominic."

Tumango ako at naglakad na kaming dalawa papuntang silid. Habang naglalakad kami ay sabay kaming napatingin ni Amira sa sahig, may identification doon. Kinuha ko iyon at binasa ang pangalan.

"Dalawa?" Patanong ni Amira. Dalawa kasing identification ang nakuha ko sa sahig.

Tumango ako at binasa ang pangalan. "Elizabeth G. Dellara." Basa ko sa pangalan. "E, kay ma'am Dellara ito."

"‘Yong isa." Nguso niya sa isang identification.

Binasa ko rin ang pangalan. "Redelyn C. Guaniria."

"Hindi ko kilala iyan, baka sa estudiyante iyan ni Ma'am Dellara." Tumingin siya sa daraanan. "Tara? Isauli natin kay ma'am."

Maglalakad na sana kami pero napahinto ako. Napansin ko kasi ang presensiya ni kuya na naglalakad sa pasilyo patungo kung nasaan kami. Hinatak ko na si Amira dahil kapag maabutan kami ni kuya, matataranta na naman ako.

"Kuya mo iyon, bakit iniiwasan mo? Halata sa kilos mo." Puna ng kaibigan ko. Alam niya na talaga ang bawat kilos ko.

"K-Kasi naman, tuwing lalapit siya ang bilis ng tibok ng puso ko at naiilang ako." Hindi ako nahirapan na sabihin iyon. Hindi naman siya iba sa akin, naguguluhan lang talaga ako.

Napatigil siya sa paglalakad. "Huh?" Kunot-noo niya akong tiningnan. "H'wag mong sabihin na may gusto ka sa kuya m—"

"Hoy, manahimik ka nga pero nasa isip ko rin 'yon."

"Hala ka! Ano bang paraan ang ginamit niya para makaramdam ka niyan?"

"Matapos ako makipag-away, yinakap­ niya ako."

"Hmm?" Humawak siya sa kaniyang baba, halatang nag-iisip. "Kung may gus—tangek! Kaya siguro mabilis ang pagtibok ng puso mo dala ng hingal. Sabi mo, matapos makipag-away."

"Iyon nga rin ang naisip ko kanina. Kaso paano ang pagkakailang?"

"Kakatapos niyo lang mag-away ng kuya mo, 'di ba?" Tumango ako. "Naiilang ka dahil kababati niyo pa lang."

"Ang talino mo talaga. Tara na. Puntahan na natin si ma’am."  Maglalakad na sana muli nang magsandali siya. Kunot-noo ko siyang hinarap.  "Ano na naman?"

"Wahhh! Thrizel, late na tayo! Takbo na!"

Kumiripas kami ng takbo papunta sa pangatlong palapag. Naroon kasi ang silid ni  Ma'am Dellara. Ang daldal kasi ni Amira. May pahinto-hinto pa kasing nalalaman, edi mas lalo kami mahuhuli sa klase.

"MA'AM!" Sigaw ko pagkatapat sa pintuan habang nakataas ang kanang kamay at nandoroon ang identification na hawak ko.

Halos mapangiwi ako nang mapagtanto kong lahat ng estudiyanteng nasa silid na ito ay nakatingin sa akin. Walang nagsasalita, nasa akin lang talaga ang atensyon nila pati ang guro.

"Ma'am Della—hehe."  Napakamot si Amira sa ulo na kararating lang. Napahiya pa ako roon.

"You two, what do you need?" Istrikto ang boses nito. Nabulahaw yata namin ang matahimik niyang klase.

"Identification niyo po, kakikita lang namin kanina." Si Amira ang nagsalita. Tinalon niya ang ID na nasa aking kamay at pumasok sa loob para ibigay. Hindi niya iniingatan.

Nakalimutan ko, hindi ko pa pala nabababa ang aking kamay na nakataas kaya umayos ako ng tayo.

"Thanks," aniya.

"Kilala niyo po ba si Redelyn C. Guaniria?" Ako na ang nagsalita para kahit papaano mawala ang hiya.

"Nope, she's not my student. Now, go back to your class! You’re late!"

"Pasensiya na, ma'am," sabay kaming yumukod ni Amira.

Sungit! Buti nga sinauli namin ang important things niya.

Umalis kami ni Amira sa silid-aralan na iyon. Parehong bagsak ang aming balikat, napahiya kami sa buong klase niya.

"Tara na? Balik na tayo sa room."

"Wait lang, Thrizel. Naiihi ako, comfort room muna tayo."

"Sige," sang-ayon ko. Huli na rin naman kami sa klase, bakit hindi pa sagarin?

Pumunta na kami sa banyo. Ang unang pumasok ay si Amira. Parang nag-aalinlangan pa akong pumasok dahil sa naging kilos niya, tila may kakaiba. Dahil pakiramdam ko lang naman iyon, pumasok ako.

Nagtaka pa dahil nakatayo lang ang kaibigan ko sa main door. Hinawakan ko siya sa balikat, bahagya pa siyang nagulat. Lumingon siya sa akin pero binalik muli ang tingin kung saan ang kaniyang tinitingnan. Nangunot­ ang aking noo kaya pati ako nakiusisa.

Hindi ko alam kung magagalit ako o kung ano. Basta naestatwa ako sa aking kinatatayuan. May nararamdaman din akong parang sumisikip ang dibdib. Hindi ko maibuka ang aking mga labi. Basta ang mga mata ko lang ay nakatuon sa kanila.

"Kuya." At sa wakas. "Ate Anissa."

Kuya and ate Anissa are making out. Naghahalikan sila habang nakaupo si Ate Anissa sa sink. Ang mga kamay ni kuya ay naglalakbay, banyo ito ng mga babae. Bakit nandito si kuya? Bawat kanilang galaw ay pinapanood ko at ito pa ang aking pinagtatak. Bakit nagbabadya ang mga luha ko sa mga mata? Hindi, Thrizel. Huwag kang maiiyak sa harap nila. Sa isip mo lang iyan kung anong iniisip mo sa nararamdaman mo.

"Thrizel," usal nila sa aking pangalan.

Mabilis silang nagsiayos. Lalapitan­ sana ako ni kuya kaso ang mga paa ko ay may sariling buhay. Kusa na lang itong naglakad at kusa nalang ding pumatak ang aking mga luha. Ano bang nangyayari sa akin? Ayokong isipin ang aking iniisip!

Itutuloy...

Related chapters

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 5:

    Thrizel’s POVNagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit."Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?""Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?""Hindi, ayoko!""Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigi

    Last Updated : 2023-09-15
  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 6:

    Thrizel’s POVNagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit."Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?""Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?""Hindi, ayoko!""Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigi

    Last Updated : 2023-09-20
  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 7:

    Thrizel’s POV"Mom! Dad! Hinalikan ako ni kuya!" Pagdedeliryo ko.Bigla-bigla naman lumabas si mom na may hawak na sandok. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Sino?! Sinong humalik sa 'yo?!"Tiningnan ko si kuya. Bakas ang kaba sa mukha nito. "Si kuya."Napasimangot naman si mom habang si dad ay natawa. "Pinakaba mo 'ko, akala ko kung sino."Nagmaktol ako. "Si kuya nga, mom, si kuya!"Hindi man lang sila nagalit! Nakakainis! Dapat magalit sila! Magalit! Pati si dad tinawanan lang ako! Sama ng pamilya ko! Dapat magalit sila! Babae ako at lalaki siya!"Ano naman kung hinalikan ka, anak?" Sabi ni mom habang tinatali ang apron. "Magkapatid naman kayo, walang problema ro'n.""Kahit na, mom! Malaki na ako, malaki na siya! Bawal na 'yon." Naiinis na sabi ko at pumunta kay kuya. Pinagpapalo ko ito."Oy, ano ba, Thriz—Ouch! Pwede na—sabihin mong gusto mo pa ng is—""Kapal ng mukha mo!" Saka ako umupo sa sofa habang nakacross arm. Masamang tingin ang pinukol ko kay kuya. Masyado siya."Tama na

    Last Updated : 2023-09-21
  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 8:

    Thrizel’s POV"Buhay ka pa?" Tanong ko kay kuya habang naglalakad kami patungo sa school. Oo, ayaw niyang magdrive dahil nahihilo siya. Hang-over ang kumag. Inom pa!"Tumahimik ka na nga lang diyan!" Pagsusungit niya. Kaaga-aga ang sungit-sungit! Pwe!"Inom pa kasi," pang-aasar ko pa lalo."Wala ka namang natutulong so please, shut up.""Pero kay ate Anissa, gustong gustong kasama." Mahinang bulong ko. Sabagay, kapag mahal naman talaga, gustog makasama. Sino bang tatanggi roon?Pero unfair!"Anong sabi mo?!""Wal—""Fck!" Sabay kaming natumba ni kuya sa lupa nang may bigla dumaan na motor sa aming harapan. Sobrang bilis no'n kaya sabay kaming na-out balance."Hoy!" Inis na tawag ko rito ngunit patuloy pa rin ito sa pagmamaneho."Baka naman gusto mo nang tumayo?"Ngayon ko lang rin napansin na nakapatong ako kay kuya. Potek na motor iyan! Hindi man lang tumitingin sa daan, maneho nalang nang mameho."Sorry naman, 'di ba? May payakap-yakap ka pa kasing nalalaman tapos nadaganan kita, m

    Last Updated : 2023-09-23
  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 9:

    Thrizel’s POVTiningnan ko si Amira sa mga mata na kaya ko na ito. Nagets naman niya pero habang paalis ay bakas pa rin sa kinikilos niya ang kinikilig.Hays.Pumasok na ako sa cafeteria. Marami-rami ang tao kaya hindi ko agad nakita si Ryke. Pinuntahan ko siya, nandoon siya malapit-lapit sa gitna. Walang pasintabi akong umupo sa kaniyang harapan."Nandiyan ka na pala." Puna niya sa akin at inabutan ng pagkain. Mukhang umorder na.Ngumiti ako. "Ano bang pag-uusapan natin?"Uminom muna ito ng tubig at tumingin sa aking mga mata ng diretso. "Nasaan ang kuya mo?""Hindi ko siya kasama, ewan ko ro'n.""Buti naman, bawal niya kasing malaman." Tumingin muna siya sa aming paligid kung may naririnig ba o wala. "Thrizel, huwag kang magagalit kapag sinabi ko.Kinabahan ako roon pero tuloy pa rin sa pagkain. Mga ilang segundo ako bago sumagot. "Yeah.""S-Si Kristina Altejano.""Anong mayro'n sa kaniya?"Thrale’s POVNapangiti ako nang matapos ko na ang aking ginuguhit. Nagpapag na ako at nilikgp

    Last Updated : 2023-09-24
  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 10:

    Thrizel’s POV"Kuya." Saka ako yumakap sa kaniya nang mahigpit at doon umiyak nang umiyak. "Sorry, sorry, sorry hindi ko napigilan ang sarili ko."Wala siyang naging tugon pero nakayakap siya sa akin. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil dito."Where's Ryke?!" Galit na sigaw ni kuya sa loob ng cafeteria. Alam kong nandidito pa rin ang Dean. "Nasaan ang gagong lalaking 'yon?""I'm here." Boses ni Ryke 'yon. Gusto ko siyang sigawan dahil ang tanga niya. Bakit pa siya nagpakita kay kuya?Dahan-dahang tinanggal ni kuya ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Sa isang iglap ay biglang sinuntok ni kuya si Ryke. Si Ryke naman ay napaupo sa sahig, nakangising nagpupunas ng labing may dugo."Fuck you, bastard!"Biglang tumayo si Ryke at binawian ng suntok si kuya. Tanging panonood na lang ang nagawa ko, hindi ko sila nagawang pigilan."Stop!" Sigaw ng Dean na halatang galit na. Inutusan ang dalawang guards na pigilan ang dalawang lalaki 'to.Maya-maya ay may humawak sa aking braso, tiningnan ko

    Last Updated : 2023-09-25
  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 11:

    Thrizel's POVUminit ang aking dugo dahil sa pag-uusap doon sa Dean’s Office. Nandidito ako sa labas ng paaralan habang nakaupo sa waiting shed mag-isa. Hindi pa uwian ngunit nasa labas na ako. Gusto kong makapag-isip isip. Sinong tao ang magliligtas sa akin sa problemang 'yon?Buti na nga lang ay walang bantay sa gate dahil sigurado akong hindi ako makalalabas. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at walang pag-aalinlangang hinithit ko iyon. Ito ang bisyo ko dati. Natigil lang ito ng bantay sarado na ako ni kuya. Speaking of kuya, halatang galit siya sa akin kasi hindi ako pinapansin. Sa ngayon ay parang naiinis naman ako.Wala akong ibang ginawa rito kung hindi ang tumulala lang sa kalsada. Parang nagbago ang aking ginagalawan, parang nakakasakal. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, gusto ko lang ay—"Argh!" Napasigaw ko at napasipa sa sahig. "Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?" Naiinis ako sa anomang gusto ko. Naiinis ako nang tuloy-tuloy. Naiinis ako sa lahattttt!"Hindi

    Last Updated : 2023-09-26
  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 12:

    Thrizel’s POVHawak-hawak ko ang aking ballpen habang nagtutuktok sa desk kakahintay ng oras. Ang tagal naman matapos ng asignatura na ito, makikipagkita pa ako kay Dominic.Lunch break namin ang 1:00 pm, ang tagal magbell. Nakatitig lang ako sa kawalan dahil wala rin naman akong maiintindihan sa tinuturo ng aming guro about sa dressmaking, iyan na yata ang pinakanakakatamad na pinapagawa.Hanggang sa magbell.Salamat naman.Tumayo na ako at niligpit ang aking mga gamit. Lumapit pa si Amira sa aking pwesto para tanungin ako."Makikipagkita ka ba kay Dominic?" Tanong nito sa akin."Oo.""Baka pinagtitripan ka lang no'n. Hindi ako makakasama dahil may assignment tayo sa math about Law of Cosine, papakopyahin na lang kita basta bilisan mo baka malate ka.""Sige, una na ako." Saka na ako lumabas ng aming room. May isang oras kami ni Dominic na mag-usap bago bumalik sa klase.Mabilis na ang naging takbo ko papunta sa rooftop. Pagkarating ko roon ay wala pa si Dominic. Gusto ko siyang tawa

    Last Updated : 2023-09-27

Latest chapter

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Epilogue:

    Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 148:

    Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 147:

    Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 146:

    Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 145: Own me

    A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 144:

    Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 143:

    Thrizel’s POV“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”Sa tanong siya, nat

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 142:

    Thrale’s POVLahat kami ay nandirito sa korte, maging ibang pulis at detective. Sa argumentong ito, kasama ni Dominic ang aking kapatid. Kasama naman ni Thrizel sina Link at Blue. Natahimik kami nang mag-umpisa na ang argumento. Nailabas na rin naman ang ibang ebidensya.Ang unang bumida ay si Mr. Sanford. Mayor Valencia’s lawyer. “I call Mrs. Valencia for the stand.” Tumayo ang asawa ng alkalde. Agaran itong nagpaliwanag. “I’m the wife of Mayor Valencia.” Lahat kami ay nakikinig sa susunod nilang sasabihin.“So Mr. Valencia, what can you say about your husband’s case?” Mr. Sanford asked.“Hindi iyon magagawa ng asawa ko dahil malinis ang intensyon niya sa aming barangay.” Ang mga tingin niya ay na kay Mayor Valencia na seryoso lamang ang reaksyon. “Tuwing gabi, hindi umaalis ang asawa ko. Araw-araw siyang subsob sa trabaho kaya pagpatak ng takip-silim, agad na malalim ang tulog niya.”Napatango-tango si Mr. Sanford. “He never really go out at night? In all the evidence, there’s a mo

  • Loving My Brother: Thrale’s Stupidity    Chapter 141:

    Thrale’s POVIlang araw na ang lumipas. Nandito kaming dalawa ni Dominic sa presinto habang kausap si Captain na kasama rin sa aming kaso. Gustong makausap ni Dominic ng harapan ang witness na baka may makuha siyang ibang ebidensya rito. Ngayon, dalawang video ang binigay. Pinanood namin ang dalawa, ang nauna ay nagtapos sa oras na isang minuto at labing tatlong segundo. Ang pumangalawa naman ay isang minuto at isang segundo. Hindi putol ang mga kuha dahil napanood namin ang pangyayari kung paano pinatay ang biktima.“Kaninang umaga, may lalaking patay na inaanod sa ilog.” Striktong sabi ni Captain. Iniisip kung anong susunod na sasabihin. “Sa pangatlong video, masasabi kong iyon ang lalaking pinatay kagabi. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Tagong-tago ang mukha ng alkalde. Hindi natin p’wedeng arestuhin nalang iyon.”Nangunot ang noo ni Mr. Reyes sa wika ni Captain. Mukhang hindi sang-ayon sa desisyon. “May apat na tayong ebidensya! Kung hindi sila maniniwala, ididiin ko ang hayop

DMCA.com Protection Status