Thrizel’s POV"Bakit ka naman nagtaka na may gustong tumulong sa akin? 'Di ba dapat masaya na tayo no'n dahil hindi na tayo mahihirapan. Halata kasi sa reaksyon mo kanina ang gulat at hindi makapaniwala." Sabi ko kay Dominic habang naglalakad kami papasok sa loob ng paaralan."Huh?"Napasimangot ako. "Sabi k—""Hindi talaga ako makapaniwala." Biglang sabi niya at nagpamulsa. "Dahil hindi nga ikinalat iyon, 'di ba? Bakit may nag-imbestiga? Sariling pamilya na ni Kristina Altejano ang nagsasabing huwag ipakalat.""So? Nagtataka ka kung bakit may nag-imbestiga dahil wala naman nakakaalam no'n?"Tumango naman siya. "Saka paano nakapasok ang nag-imbestiga sa loob ng school? Pinagbabawala—""Hayaan mo na iyon, basta ay ayos na ang problema ko." Saka na kami nakapasok sa loob. Hanggang ngayon ay tulog pa ang guard. Mapapatanggal din 'to balang araw. Rinig ko pang bumuntong hininga si Dominic bago magsalita. "Curious ako kay Mr. X. Sino kaya iyon? Para kasi siyang misteryoso sa aking palaga
Thrizel’s POVHalos ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni kuya. Nakikisabay naman ako sa pagtatampo niya sa akin. Siya ang nauna at wala naman akong nagawang mali. Ngayon ay nasa paaralan ako, pinagkakaguluhan ng mga estudiyanteng babae. Tanong sila nang tanong kaya wala akong ibang nagawa kun’di ang sumimangot. "Kayo ba ni Dominic?""Wahhhh! Bakit kayo ni Dominic?!""Huhuhu, wala na ang papa natin.""Dominic ko 'yon, e!""Hindi kami." Malamig na aking sabi. "Isa kayong malaking tangang nilalang kapag naniwala kayo sa usap-usapan." Umirap muna ako bago umalis doon. Nakakairita kasi! Porque magkasama ay kami na? Mga pananaw nga naman ng mga tao. Dumiretso ako sa silid-aralan para kunin ang aking bag. Nakita ko pa si Amira sa pintuan na halatang kanina pa ako hinihintay. Nang maayos ko ang aking mga gamit ay pumunta ako sa kaniyang gawi. "Tara na?" Pagyayaya ko. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. "Lalakad lang ba tayo?""Ikaw ba?""Ikaw? Kapag maglalakad ka, maglalakad din
Thrizel’s POV Nandito ako nakatayo sa labas ng room. Iniisip ko pa rin 'yong sinabi saʼkin ni kuya kagabi, wala si Amira may pinuntahan na guro. Maaga pa naman para magsimula ang klase, tulala ako habang iniisip kung magkapatid ba kami ni kuya o hindi dahil hindi ko makalimutan ang sinabi ng aming kasambahay kahapon. “Argh, nababaliw na ‘ko.” Bulong ko sa sarili ko. Kung ano-ano aking iniisip. Dahil ba may iba akong nararamdaman kaya nag-iisip ako ng ganoon?“Matagal ka ng baliw. ” Sulpot ng boses mula sa aking tagiliran, tiningnan ko ito, si Amira. “Alam ko.” Tinatamad kong sagot sa kaniya at nauna nang pumasok sa room, umupo sa aking upuan. “Ayos ka lang ba?” Tanong nito sakin habang nakatingin. Nag-aalala pa rin ba siya?“Oo, bakit?” Tanong ko pabalik. Ayos lang naman ako, ano bang napapansin ng babaeng ‘to? “Ang lalim kasi ng iniisip mo kanina pa.” Halata sa boses nito ang pag-aalala. Sabi na kaya pala palatanong e. Ganon na ba kahalata? Grabe, ang lakas naman ng epekto sa‘
Thrizel’s POV“Angas, nagpapahawak.” Matabang niyang sabi. Ang reaksyon ko ay kinakabahan ngunit si Dominic ay parang wala lang sa kaniya. Hindi siya natatakot, taas noo siyang nakapantay kay kuya.Patay.“Will you not remove your hand that held my sister?” Nginisihan ni kuya si Dominic ngunit wala ito kong naging tugon. “Oh, come on, dude, may kapatid ka naman, siya nalang ang hatak hatakin mo, hindi itong pagmamay-ari ko.”W-What? Kailan niya ako naging pagmamay-ari? Pero...kapatid ko lang naman siya, pagmamay-ari niya na ba ako? Kung si daddy ang nagsabi niyan, maiintindihan ko pa. Pero gusto ko itong inaakto ni kuya ngayon, he cares about me."Uhm, so this is your sister?" Takang tanong ni Dominic kay kuya at kalmadong tumingin sa akin. "I didn’t know, sorry." What? Hindi niya alam."Release her." Maowtoridad namang utos ng aking kuya."Not that, dude, may utang na loob ito sa akin kaya tumabi ka sa daanan, padaanin mo kami." Kita kong dumilim ang mukha ni kuya sa sinabi ni Domini
Thrizel’s POVNasa harap na kami ng mesa. Tahimik lamang esti ako lang pala ang tahimik dahil nag-uusap sila mom and dad. Minsan ay nakikisabat na rin si kuya. Oh, ‘di ba sabatero. “Baby, ang tahimik mo yata, ayos ka lang ba?” Baling sa akin ni dad kaya agad akong napaharap.“Oo naman po dad, wala po akong problema, hehe.” Pagtugon ko sa kaniya sabay subo ng kanin. Umiba muli ako ng baling. Si mom naman ang nagtanong habang ang mga tingin ay salit-salitan sa amin ni kuya. “Saturday pala bukas, anong gagawin niyong dalawa?” Inubos muna ni kuya ang pagkain niya na nasa kaniyang bibig bago magsalita. “Kasama ko si Anissa, mom. Pupunta siya rito sa bahay, gagawa kami ng school works ng sabay.” May matamis itong ngiti habang nagsasalita. Sana all, sa akin kasi puro pagsimangot.“Baka ibang school works ang gawin.” Pagbulong ko. Nagulat ako nang magsalita si kuya, narinig niya pala ‘yon. Ano naman?Tumingin siya sa‘kin. “May sinasabi ka?” Tsk, kahit naman narinig niya magtatanong pa, pa-
Thrizel’s POV"Yes, may kailangan kaming puntahan ng daddy mo tomorrow. Iyong pamilyang tinutulungan natin, remember, baby?" Sumagot ako. "Yes, mom but kaming dalawa na naman ni kuya ang maiiwan dito sa bahay, uutos utusan niya na naman ako." Ngumuso ako rito, nagmamakaawa na isama ako sa pupuntahan nila."Huwag ka nang sumama, baby. Mapapagod ka lang at maiinip." Ngumiti ito. "P’wede mo namang papuntahin ang mga friends mo, bonding dito sa bahay, bawal sa labas, huh?"Bigla namang may pumasok sa aking isipin, oo nga ‘no? Yayain ko kaya sila?"You’re right, mom, mag-oovernight nalang kami nila Amira dito.""Kami?""Yes po with Ryke, mom.""Sure, may tiwala naman kami kay Ryke."Bigla namang may pumasok sa kwarto ni mom at si kuya ito, bigla itong nagtanong. "Overnight?""Yes, kuya, I’ll call Amira and Ryke."Nangunot ang kaniyang noo. "What? Ryke? Bawal ang lalaki, girls only, Thrizel.""Osige, lumabas ka mamayang gabi, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay saka na umalis doon. Kita ko nam
Thrizel’s POVNag-uusap kami ni Amira. Pansin ko ang pagtingin sa‘kin ng kuya niya pero hinayaan ko nalang iyon. Dabi ko nga sa sarili ko, aakto akong kapatid ko siya pero kapatid ko nga siya, e. Jusko, Thrizel. Maya-maya ay naramdaman ko na naman ang tingin sa akin ni kuya kaya muli akong tumingin. ‘Gaya ng ginawa ko kanina, hindi ko iyon pinansin. Inagaw ni Amira ang atensyon ng lahat. “Hoy, hindi pa ba kayo nagugutom?” “Gutom na.” Sagot naman ng kuya niya sabay hawak sa tiyan nito. Parehas talaga sila ng ugali. “Tara, kumain na tayo, doon nalang tayo sa kwarto ni Thrizel tutal mahangin sa balkonahe niya.” Sumang-ayon ako sa sinabi ni Amira. Tapos naman na magluto si Manang Perry kaya kinuha na namin ang niluto nito. Tinulungan kami ng mga lalaking i-akyat ito sa taas. Tumulong na rin ako sa pagkuha ng pagkain namin. Paakyat na ako sa hagdan nang tulungan ako ni Elkhurt sa aking mga dala.Binigay ko naman iyon dahil medyo may kabigatan din naman. Nakapasok na ako sa kwarto, du
Thrizel's POVSobrang tahimik ng aking kwarto nang magsalita si kuya. "Thrizel." Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako dahil nakatingin ito sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang nasa mata, anong gusto niyang iparating?"K-Kuya, bakit po?" Utal kong tanong dito.Napatingin ako sa kamay niyang ngayon ko lang naramdaman na nakahawak sa aking braso. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata, aaminin kong ngayon ko lang ito natitigan nang matagal.Maya-maya lang ay lumuwag ang hawak niya. Pinilig niya ang kaniyang ulo at umayos ng upo. "Are you not yet sleepy?"Hindi ako sigurado sa kaniyang tinanong. Alam kong may iba pa siyang gustong sabihin sa akin. Hindi ako sumagot, tiningnan ko siya sa mga mata muli ngunit pilit niyang iniiwas ang kaniyang paningin. Nagtaka ako dahil napahilamos siya ng kaniyang mukha, parang problemado."Spill it." Kalmado kong sabi. "Anong problema?""You.""What do you mean ako?""No, I mean." Nangunot ang kaniyang noo, sinuri ako nito. "Bakit may-argh, fuck!" Huminga