Thrizel’s POVNag-uusap kami ni Amira. Pansin ko ang pagtingin sa‘kin ng kuya niya pero hinayaan ko nalang iyon. Dabi ko nga sa sarili ko, aakto akong kapatid ko siya pero kapatid ko nga siya, e. Jusko, Thrizel. Maya-maya ay naramdaman ko na naman ang tingin sa akin ni kuya kaya muli akong tumingin. ‘Gaya ng ginawa ko kanina, hindi ko iyon pinansin. Inagaw ni Amira ang atensyon ng lahat. “Hoy, hindi pa ba kayo nagugutom?” “Gutom na.” Sagot naman ng kuya niya sabay hawak sa tiyan nito. Parehas talaga sila ng ugali. “Tara, kumain na tayo, doon nalang tayo sa kwarto ni Thrizel tutal mahangin sa balkonahe niya.” Sumang-ayon ako sa sinabi ni Amira. Tapos naman na magluto si Manang Perry kaya kinuha na namin ang niluto nito. Tinulungan kami ng mga lalaking i-akyat ito sa taas. Tumulong na rin ako sa pagkuha ng pagkain namin. Paakyat na ako sa hagdan nang tulungan ako ni Elkhurt sa aking mga dala.Binigay ko naman iyon dahil medyo may kabigatan din naman. Nakapasok na ako sa kwarto, du
Thrizel's POVSobrang tahimik ng aking kwarto nang magsalita si kuya. "Thrizel." Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako dahil nakatingin ito sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang nasa mata, anong gusto niyang iparating?"K-Kuya, bakit po?" Utal kong tanong dito.Napatingin ako sa kamay niyang ngayon ko lang naramdaman na nakahawak sa aking braso. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata, aaminin kong ngayon ko lang ito natitigan nang matagal.Maya-maya lang ay lumuwag ang hawak niya. Pinilig niya ang kaniyang ulo at umayos ng upo. "Are you not yet sleepy?"Hindi ako sigurado sa kaniyang tinanong. Alam kong may iba pa siyang gustong sabihin sa akin. Hindi ako sumagot, tiningnan ko siya sa mga mata muli ngunit pilit niyang iniiwas ang kaniyang paningin. Nagtaka ako dahil napahilamos siya ng kaniyang mukha, parang problemado."Spill it." Kalmado kong sabi. "Anong problema?""You.""What do you mean ako?""No, I mean." Nangunot ang kaniyang noo, sinuri ako nito. "Bakit may-argh, fuck!" Huminga
Thrizelʼs POV "Gusto mo paamuhin kita?" "Fck you." Dahil sa mura ko ay napahalakhak siya. Maya-maya ay may narinig kaming yapak ng mga paa. Palapit na ito sa aking kwarto kaya bigla kong tinulak si Dominic papuntang balkonahe at sinara iyon. Bigla nalang pumasok si kuya nang nakasimangot. “Kanina ka pa namin hinihintay sa baba, magbihis ka na. Ang kupad mo talaga kumilos, Thrizel.” Sabi nito sa‘kin. Pinalibot ang paningin sa buong kwarto. Parang may nahalata siya.Gagi, gano’n ba kalakas ang pakiramdam ni kuya na parang may iba? “May kailangan ka pa, kuya? Magbibihis na ako e.” "Bakit nagulo ang kurtina mo, Thrizel? Wala kang alagang pusa para pumunta riyan.""Uh." Nagulat ako sa kaniyang sinabi dahil hindi ko inaakala na mapapansin niya pa iyon. "Pumunta ako kanina, nagpahangin ako."Tumingin siya sa gilid ng aking kama. "Hindi man lang nagulo ang ayos ng alpombra slipper mo.""I went to the balcony barefoot.""Don’t me, we both know you’re not used to being barefoot." Natigila
Thrizel’s POVMag-isa akong naglalakad sa hallway. Papunta sa aking silid-aralan, malayo pa ang aking lalakarin dahil nasa ibang edipisyo ako. Inutusan lang naman ako ng guro na nasalubong ko kanina. Angas ‘no? Puro pa ako pagtatanong sa mga estudiyante dahil hindi ko talaga alam. Hindi makapal ang mukha ko para gawin iyon nang paulit-ulit. Kaya sa susunod, ayoko nang sumunod.Pero may isa pa, ramdam kong kanina pa ako sinusundan ng lalaking ‘to. Pamilyar ang kaniyang mukha pero hindi ko maalala kung anong pangalan niya, ano bang kailangan nito sa akin? Para malaman, nang paliko ang daan, mabilis akong pumunta roon. Tumayo ako ng tuwid at handang harapin ang lalaki, nagcross arm pa ako. Hindi ako nagkamali, sa mismong harap ko ito napahinto, nakaharang ako sa kaniyang daan."Anong kailangan mo, Phryx Recas?" Naalala ko ang kaniyang pangalan nang makita ko ang kabuohan ng kaniyang mukha. Yeah, tama si kuya, gwapo nga ito ngunit walang ka-ayos ayos. Ang suot na uniporme ay lukot lukot.
Thrizelʼs POV Limang minuto na lamang ay uwian at ito ako tulala. Hinihintay na tumunog ang bell. Mamaya ay bigla na itong tumunog, pinayagan na kami ng aming adviser na umalis ng silid. Nakita ko si Amira na wala na naman sa sarili kaya tinawag ko 'to. “Amira, hintayin mo ako!” Bulaslas ko rito pero parang wala siyang narinig kayaʼt hinayaan ko na lamang siya.Naglakad nalang ako ng tahimik hanggang sa nakalabas ako ng paaralan. May mga studyante pang nasa daan. Napaisip ako kung maglalakad ba ako o sasakay dahil wala akong kasama.Pero mas pinili kong maglakad dahil nakasanayan ko naman ito. Abala ako sa pag a-alala kay Amira kung ayos lang ba siya nang biglang may pigura ng tao na humarang sa aking dinadaanan kaya tiningnan ko ito. Sino ba lagi ang nanghaharang sa akin sa daan? Walang iba kun’di si Brooks. Ano na naman bang kailangan ng lalaking' to? Lalagpasan ko na sana siya nang bigla itong magsalita. “Kamusta na, Thrizel? Tagal na rin ng huli kitang nakita, namiss kita.” Sab
Thrizel’s POV"Kailan pa naging ganito ang oras ng uwi ng babae, Thrizel?" Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong naka-abang si kuya sa main door namin. Kung titingnan, kanina pa siya naghihintay.Wala akong naging salita. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ngunit bigla ako nitong hinawakan sa pulsuhan. Alam kong gagawin niya iyon kaya hindi na kataka-taka sa akin."I’m asking you." Matigas pa nitong dagdag. Ewan, nang makarating kami sa bahay bigla akong nawala sa mood. Parang bumigat ang pakiramdam ko.Humarap ako kay kuya, walang gana akong sumagot dito. "I’m tired, I’m going to sleep.""You have not eaten yet!" Pigil niyang sigaw. Sabi ko ay pagod ako, mas lalo tuloy bumigat ang aking pakiramdam sa panenermon niya."I’m not hungry." Muli akong naglakad. Sumunod siya sa akin pero hinayaan ko nalang. Nang papasok ako sa aking kwarto, tiningnan ko siya. "Papasok ka rin ba?""Yes, kaya kong pumasok sa kwarto mo."Nangunot ang aking noo. "I’ll take off my clothes, I’ll take
Thrizelʼs POV Patuloy lamang ako sa pakikinig ng mga tinuturo ng aking mga subject teachers na pumapasok sa silid na 'to. Nagising na rin 'yong lalaking kulay asul ang buhok at nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang kaniyang pagtitig sa akin na para bang sinusuri ang aking bawat kilos, maging ang paglabi ko ay tinitingnan din nito.Anong problema ng lalaking ito? Saktong pagtingin niya sa akin, tiningnan ko rin siya ng walang gana. Bumakas sa mukha nito ang takot pero mabilis niya itong natago sa pamamagitan ng pagngisi.Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin nalang sa pintuan upang makita kung sino ang susunod na papasok na guro sa amin. Hindi ‘gaya sa school namin ang breaktime rito, kanina ay tanghali na ngunit sa amin ay maaga.Napatingin ako kay Amira noong bigla siyang bumuntong hininga na para bang sobrang lalim ng pinanghuhugutan nito. Napansin niya siguro ang pagtingin ko kaya binigyan ako nito ng pekeng ngiti.Napalabi ulit ako bago magsalita. “Hindi kaya may luma
Thrizel's POVAlam kong si Mr. Valle ang nagtext n’on. Nasalisihan niya ako kanina, ni hindi ko man lang naramdaman na nakuha nito ang aking telepono. Gusto niyang makipaglaro, iyon lang ang ibig sabihin. Hindi ako marunong sa mga ganito pero kaya kong gumanti, hindi ko siya masyado kilala kaya hindi ko alam kung ano bang kahinaan nito. Napapatanong nalang ako sa aking sarili kung dapat ko ba itong pagtuonan ng pansin o hindi? Tsk.Natapos ang aking klase. Lumabas na kaming dalawa ng room ni Amira. Maglalakad na sana kami nang magtanong si Kier."Uhm, saan kayo? I mean, alam niyo naman kung paano umuwi, right?" Lumapit yata siya para alamin kung sasabay ba kami sa kaniya pauwi. "Ah, yes." Sagot ni Amira dito."May dadaanan pa kasi ako, ingat sa inyong dalawa." Ngumiti muna siya bago umalis.Nagsalita si Amira. "Ikaw talaga, hindi ka talaga palakaibigan, hmp."Sinagot ko siya habang naglalakad. Hinatak ko na ang kaniyang kamay. "Bakit naman kailangan kong maging palakaibigan? Hindi na