Thrizel’s POV"Kailan pa naging ganito ang oras ng uwi ng babae, Thrizel?" Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong naka-abang si kuya sa main door namin. Kung titingnan, kanina pa siya naghihintay.Wala akong naging salita. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ngunit bigla ako nitong hinawakan sa pulsuhan. Alam kong gagawin niya iyon kaya hindi na kataka-taka sa akin."I’m asking you." Matigas pa nitong dagdag. Ewan, nang makarating kami sa bahay bigla akong nawala sa mood. Parang bumigat ang pakiramdam ko.Humarap ako kay kuya, walang gana akong sumagot dito. "I’m tired, I’m going to sleep.""You have not eaten yet!" Pigil niyang sigaw. Sabi ko ay pagod ako, mas lalo tuloy bumigat ang aking pakiramdam sa panenermon niya."I’m not hungry." Muli akong naglakad. Sumunod siya sa akin pero hinayaan ko nalang. Nang papasok ako sa aking kwarto, tiningnan ko siya. "Papasok ka rin ba?""Yes, kaya kong pumasok sa kwarto mo."Nangunot ang aking noo. "I’ll take off my clothes, I’ll take
Thrizelʼs POV Patuloy lamang ako sa pakikinig ng mga tinuturo ng aking mga subject teachers na pumapasok sa silid na 'to. Nagising na rin 'yong lalaking kulay asul ang buhok at nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang kaniyang pagtitig sa akin na para bang sinusuri ang aking bawat kilos, maging ang paglabi ko ay tinitingnan din nito.Anong problema ng lalaking ito? Saktong pagtingin niya sa akin, tiningnan ko rin siya ng walang gana. Bumakas sa mukha nito ang takot pero mabilis niya itong natago sa pamamagitan ng pagngisi.Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin nalang sa pintuan upang makita kung sino ang susunod na papasok na guro sa amin. Hindi ‘gaya sa school namin ang breaktime rito, kanina ay tanghali na ngunit sa amin ay maaga.Napatingin ako kay Amira noong bigla siyang bumuntong hininga na para bang sobrang lalim ng pinanghuhugutan nito. Napansin niya siguro ang pagtingin ko kaya binigyan ako nito ng pekeng ngiti.Napalabi ulit ako bago magsalita. “Hindi kaya may luma
Thrizel's POVAlam kong si Mr. Valle ang nagtext n’on. Nasalisihan niya ako kanina, ni hindi ko man lang naramdaman na nakuha nito ang aking telepono. Gusto niyang makipaglaro, iyon lang ang ibig sabihin. Hindi ako marunong sa mga ganito pero kaya kong gumanti, hindi ko siya masyado kilala kaya hindi ko alam kung ano bang kahinaan nito. Napapatanong nalang ako sa aking sarili kung dapat ko ba itong pagtuonan ng pansin o hindi? Tsk.Natapos ang aking klase. Lumabas na kaming dalawa ng room ni Amira. Maglalakad na sana kami nang magtanong si Kier."Uhm, saan kayo? I mean, alam niyo naman kung paano umuwi, right?" Lumapit yata siya para alamin kung sasabay ba kami sa kaniya pauwi. "Ah, yes." Sagot ni Amira dito."May dadaanan pa kasi ako, ingat sa inyong dalawa." Ngumiti muna siya bago umalis.Nagsalita si Amira. "Ikaw talaga, hindi ka talaga palakaibigan, hmp."Sinagot ko siya habang naglalakad. Hinatak ko na ang kaniyang kamay. "Bakit naman kailangan kong maging palakaibigan? Hindi na
Thrizelʼs POV Nakauwi na kami. Nakakain na rin ako bago umakyat sa kwarto. Ang gagawin ko na lang ngayon ay maglinis ng katawan para makapagpahinga na ako. Mabilis akong natapos at sumalampak sa higaan. Nakatulog naman ako ng mabilis. Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok sa paaralan. Still exchanged student pa rin kami. Sabay kami ni Amira, bumaba na ako para kumain. Masyado pang maaga kaya alam kong tulog pa si kuya. Nang natapos akong mag-almusal, pumunta ako kila Amira. Kumatok sa kanilang pintuan. Katulong ang nagbukas kayaʼt nagtanong ako rito. “Si Amira po?” Tanong ko habang nililibot ang tingin sa bahay nila. Tahimik ‘gaya rin ng sa bahay. Sumagot naman 'to. “Nasa dinning table po, kumakain.” Sagot nito sa akin. Tumango na lamang ako sa kaniya at naglakad papuntang dinning nila. Nandon siya kumakain kasabay ang kuya niyang maharot. Tinawag ko ito. “Hoy, Amira.” Naagaw ko agad ang kaniyang atensyon. Hindi lang ang kaniya kun'di pati ang sa kuya niyang maharot. “G
Thrizel’s POVDumating ang uwian. Laking pasasalamat ko naman doon dahil kanina pa ako buryong-buryo sa klase. Tiningnan ko kung saan nakaupo si Blue, wala akong nakitang pigura niya. Ano nalang ang ipapaliwanag nito sa kaniyang mga guro dahil sa pagliban niya sa apat na asignatura? Tsk.Hinatak na ako ni Amira palabas ng silid. Naglakad na kaming dalawa ngunit huminto ako at nag-isip. Taka pa akong tiningnan ni Amira, ang mga tingin ay nagtatanong kung bakit ba ako huminto."May pupuntahan lang ako." Sabi ko sa kaniya. "Tara?" Walang naging angal si Amira, sumunod nalang ito sa akin. Kahit naman kasi saan ako pumunta nakasunod talaga itong si Amira sa akin. Bawat estudiyanteng nadadaanan namin ay tinatanong ko dahil hindi ko alam kung saan ang patungo papunta roon. Tumitingin din si Amira sa mapa ng paaralan. Salamat naman, hindi kami naligaw sa pangalawang pagkakataon.Pumunta ako sa detention room. Binuksan ko ang pinto, bumungad sa akin si Blue na nakaupo sa sahig na nag-iisip. S
Thrizelʼs POV Nakahiga ako habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko iyong pinag-usapan namin ni Phryx kanina sa coffee shop, hawig ko raw ang kasintaha niya. Bigla na lamang akong napasigaw dahil sa pag-iisip. "Wahhhh!" Agad namang sumakit ang lalamunan ko. Nasobrahan yata ako sa pagsigaw, potek. Ewan, naiirita ako, bakit ba ako nadadamay sa problema nila?Naalala ko hindi ko pa pala nalinisan ang katawan ko pagdating ko rito sa bahay kaya tumayo na ako at pumuntang banyo kaso biglang kumalabog ang pinto ng aking kwarto kaya napatingin ako dala ng gulat. Pagtingin ko, si kuya at may pag-aalala sa kaniyang mukha. Bigla itong nagsalita. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka biglang sumigaw?" Tanong nito sa akin. Napakagat labi naman ako at nag-iisp nang isasagot sa kaniya. "May nakita akong ipis at dumapo sa akin." Simpleng sagot ko rito. Tiningnan ko siya kung maniniwala ba siya o hindi pero mukang hindi ito kumbinsido sa aking sagot. "Ano?" Pangungumpirma ko dahil nakita ko na tinititig
Thrizel’s POVNatapos din naman ang aming pagiging exchange students. Salamat naman dahil hindi ko na makikita si Blue dahil alam kong gaganti iyon sa akin. Siya ang nanguna at sigurado akong hindi siya magpapatalo. Ewan ko kung anong naisip no'n at nakuhang makipaglaro sa akin. Pagiging isip bata na yata ito dahil pinatulan ko? No, naglalaro lang naman kami.Nandidito ako sa aking kwarto, matamlay. Matapos kami naming magkita ni Phryx, pag-uwi ko ay hindi na maganda ang aking pakiramdam. Feel ko lalagnatin ako kahit anomang oras. Mamaya kami pupunta sa kaarawan ng SSG President at sigurado akong hindi papayag si kuya na hindi ako sumama. Ayaw niyang maburyo ako rito.Kailangan kong matulog para makapahinga, pagod lang yata ako. Baka umayos ayos ang aking pakiramdam kapag natulog ako. Pumikit na ako. Medyo nahirapan pa ako sa pagtulog ngunit ‘di kalaunan ay tuluyan na akong bumagsak.Nagising lamang ako nang maggabi na. Nakita ko si kuya’ng nakatayo sa aking pintuan, nagsalita ito. "K
Thrizelʼs POV Nagising ako sa kwarto. Umupo muna ako para pakiramdaman ang katawan ko kung ayos lang na na ako o hindi. Mukhang mabuti na ang aking nararamdaman kaya pumunta na akong banyo para maligo. Dinadama ko ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan ko. Naalala ko ang nangyari kagabi, pag-uwi namin ay hindi nagalit si kuya. Nalaman niya ring nilalagnat ako no’n kaya ang ginawa niya ay binantayan ako hanggang sa makatulog.Maya-maya lang ay natapos na ako sa pagligo, nagbihis na rin ako ng uniporme. Lumabas na ako at bumaba para kumain dahil nagugutom na ako. Epekto siguro ng nangyari kagabi. Pagkarating ko sa kusina ay naabutan si manang. “Good morning, manang.” Nakangiting bati sa kaniya at naupo. Ngumiti naman ito sa akin at binati ako pabalik. “Good morning, hija. Kumain ka na.” Hinainan ako nito ng mga pagkain na nasa mesa. Tumango naman ako sa kaniya at nag-umpisa nang sumubo.Tahimik lang akong kumakain dito. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig sa loob ng ku