Thrizel’s POVNatapos din naman ang aming pagiging exchange students. Salamat naman dahil hindi ko na makikita si Blue dahil alam kong gaganti iyon sa akin. Siya ang nanguna at sigurado akong hindi siya magpapatalo. Ewan ko kung anong naisip no'n at nakuhang makipaglaro sa akin. Pagiging isip bata na yata ito dahil pinatulan ko? No, naglalaro lang naman kami.Nandidito ako sa aking kwarto, matamlay. Matapos kami naming magkita ni Phryx, pag-uwi ko ay hindi na maganda ang aking pakiramdam. Feel ko lalagnatin ako kahit anomang oras. Mamaya kami pupunta sa kaarawan ng SSG President at sigurado akong hindi papayag si kuya na hindi ako sumama. Ayaw niyang maburyo ako rito.Kailangan kong matulog para makapahinga, pagod lang yata ako. Baka umayos ayos ang aking pakiramdam kapag natulog ako. Pumikit na ako. Medyo nahirapan pa ako sa pagtulog ngunit ‘di kalaunan ay tuluyan na akong bumagsak.Nagising lamang ako nang maggabi na. Nakita ko si kuya’ng nakatayo sa aking pintuan, nagsalita ito. "K
Thrizelʼs POV Nagising ako sa kwarto. Umupo muna ako para pakiramdaman ang katawan ko kung ayos lang na na ako o hindi. Mukhang mabuti na ang aking nararamdaman kaya pumunta na akong banyo para maligo. Dinadama ko ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan ko. Naalala ko ang nangyari kagabi, pag-uwi namin ay hindi nagalit si kuya. Nalaman niya ring nilalagnat ako no’n kaya ang ginawa niya ay binantayan ako hanggang sa makatulog.Maya-maya lang ay natapos na ako sa pagligo, nagbihis na rin ako ng uniporme. Lumabas na ako at bumaba para kumain dahil nagugutom na ako. Epekto siguro ng nangyari kagabi. Pagkarating ko sa kusina ay naabutan si manang. “Good morning, manang.” Nakangiting bati sa kaniya at naupo. Ngumiti naman ito sa akin at binati ako pabalik. “Good morning, hija. Kumain ka na.” Hinainan ako nito ng mga pagkain na nasa mesa. Tumango naman ako sa kaniya at nag-umpisa nang sumubo.Tahimik lang akong kumakain dito. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig sa loob ng ku
Thrizel's POVMaaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok. Uminom ako ng tubig at bumaba na. Wala akong naabutang manang pero may pagkain sa lamesa. Umupo ako at nag-umpisa nang kumain. Sa malaking lamesa na 'to, solong-solo ko 'to mula kahapon pa.Hindi na ako nakatiis. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si mom. Sinagot niya naman agad. "Yes, baby?""Mom, balik ka na." Malungkot at may paglalambing sa aking boses. "Miss ko na kayo ni daddy, a-ako lang mag-isa rito. Wala na akong kasabay kumain.""Sorry, baby. Mukhang matatagalan kami ng daddy mo. Where's Thrale?""Wala siya, kahapon pa.""Si Link?" Sakto namang pagtanong ni mom. Siya namang pasok ni Link dito sa kusina. Kakagising niya lang din at mukhang kakain ito."He's here." "Good, sumama ka nalang muna sa kaniya, baby. Marami pa akong dapat gawin. I love you. Have a nice day.""I love you too, mom, I miss you." Pinatay ko na ang tawag at hinarap si Link. "Kain ka na. By the way, wala ka bang pasok?""Huh?" Nanguno
Thrizelʼs POV Naghahanda ako ngayon papuntang lamay ng mommy ni ate Anissa. Nauna si kuyang umalis dahil kailangan siya ni ate. Kasama ko naman si Link papunta roon kaya ayos lang sa akin. Napaupo ako sa kama at nag-iisip kung kumusta kaya si ate Anissa? Mahal na mahal niya ang kaniyang nanay. Napabuntong hininga ako at napatingin sa aking pintuan dahil may kumakatok dito. “Hey, Thrizel, tapos ka na ba? Hihintayin kita sa labas ng gate.” Rinig ko na sabi ni Link mula sa labas ng kwarto ko kaya sumagot naman ako. “Sige, saglit na lang ako.” Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Ayos naman na ang aking damit. Bumaba na ako at nagpaalam kay manang na aalis na kami. Lumabas na ako at pinuntahan si Link, sumakay na ako sa kotse nito. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya, halatang parehas kaming nakikiramdam sa bawat isa. Nakatingin lamang ako sa labas at tinitingnan ang mga nadadaanan namin. Naagaw ni Link ang atensyon ko kaya napatingin ako sa rito. “Kumain ka na ba?” Tanong
Thrizel’s POVNaglalaro ako ngayon dito sa aking kwarto. Dinamitan ko ang biniling barbie ng aking mommy. Napatigil ako at napatanong. Where’s mom? Kaya naman niligpit ko ang aking mga laruan at lumabas ng kwarto. Nakita kong nagsisigarilyo si dad. Agad kong tinakpan ang aking ilong bago lumapit sa kaniya."Dad, where’s mom?"Tiningnan lang ako nito at hindi sumagot. Umalis siya sa kaniyang p’westo kaya sumunod ako rito. Nagmamaktol muli akong sumagot. "Dad, I sad, where’s mom? I miss her!""I don’t know where is she." Malumanay na sagot nito sa akin. Bumagsak naman ang dalawang balikat ko."I really miss her, dalawang araw na siyang hindi umuuwi.""Just go to your room and don’t bother me here.""You’re not busy." Pag-angal ko pa. "I’ll wait for mom here.""Just go to your room!""Dad, don’t shout at me.""I’m sorry, please, go to your room.""Okay." Wala na akong ibang nagawa kun’di ang pumunta sa aking kwarto at muling naglaro. Sayang ang paglilikpit ko kanina.Maya-maya ay napatay
Thrizelʼs POV Nandito ako sa silid. Iniisip ko pa rin 'yong nangyari sa kotse ni kuya, ang puso ko ay sobrang bilis. “Lalim ng iniisip mo.” Bulong sa akin ni Amira. Sino pa nga ba? “Medyo." Huminto ako. "Bigyan mo na lang ako ng cpr kapag nalunod ako.” “Yuck, Thrizel, crush mo ba ako huh?” Sabi naman nito. Grabe, sobra na sa pagiging abnormal ang babaeng ito. Hindi ko na lamang siya sinagot at sinamangutan na lang siya. “Hoy, baka humaba nguso mo, hahahaha.” Hays, nag-uumpisa na naman siyang mang-asar. “Abnormal.” Sagot ko nalang.Wala pang guro pero maya-maya ay dumating na ito. Mabilis na lumipas ang oras hanggang dumating ang breaktime. Naglabasan na ang iba habang si Amira naman ay sumilip sa pinto at mukhang may kausap ito. Parang tuwang-tuwa siya sa kaniyang kausap. Pagtingin ko ay si kuya pala ang kausap niya. Kaya pala tuwang tuwa. Narinig ko pa ang kaniyang sinabi kaya napasimangot ako rito. “Hoy, Thrizel, magbreaktime na tayo kasama si Kuya Thrale.” Sabi nito sa akin.
Thrizel’s POVIsang araw na ang nakalipas. Bukas ay libing na ng nanay ni ate Anissa, isang araw ko na ring hindi nakikita si kuya. Ano pa nga ba? Siyempre nandodoon siya sa kaniyang nililigawan. Wala naman akong magiging palag doon. Siguro ay masanay akong hindi talaga sa lahat ng oras ay nasa akin ang atensyon ni kuya at ako ang kaniyang uunahin. I’m just his sister. Kung nakahanap siya ng babaeng kaniyang mamahalin, dapat ay mas priority niya iyon. Ganiyan ang mindset, Thrizel. Hindi ‘yong parang kontrabida ka at tutol sa kanilang dalawa.I’m here in coffee shop, I’m with Dominic. He texted me and said we would meet. I don’t know what we’re going to talk about. Maybe he just missed me o baka naman pag-iisipin niya ulit ako. Hindi na ako nagpaalam kay Link, baka kasi magtanong siya o sasama. Alam mo naman ang lalaking iyon, laging nakabuntot.I’m not busy so I agreed to meet with him. He was staring at me, seemingly wondering how to start our conversation. Nangunot ang aking noo. B
Thrizelʼs POV Abala kami ni Amira sa paggagawa ng mga activities nang biglang tumunog ang aking selpon kaya napatingin ako roon. May mensahe galing kay kuya. Binasa ko ito. From: Kuya Thrale I’m with Anissa, where are you? Basa ko. Malamang nandoon siya kila ate, kailangan siya ng nililigawan niya e. “Hoy, ayos ka lang? Natulala ka sa cellphone mo.” Agaw pansin ni Amira kaya napatingin ako sa kaniya. Napatanga pa ako rito na iniintindi ang kaniyang sinabi. “Huh? Wala naman.” Tumugon na ako sa mensahe ni kuya.To: Kuya Thrale I’m here, Amira's house. Tipid ko na reply sa kaniya. Binaba na ang selpon at ginawa na ang kaninang naudlot kong pagsusulat. Hindi katagalan bigla namang tumaginting ang aking selpon kaya napatingin ako roon. From: Kuya Thrale Alam kong may iba ka pang pinuntahan. Nagpapaalam ka kapag kay Amira ka lang pumupunta. Tumakas ka ba, Thrizel? Sa tingin ko ay pikon ito pero hindi ko na pinansin. Bigla na namang siyang tumawag pero hindi ko ito sinagot. Ibabab