Thrizel’s POV"Yes, may kailangan kaming puntahan ng daddy mo tomorrow. Iyong pamilyang tinutulungan natin, remember, baby?" Sumagot ako. "Yes, mom but kaming dalawa na naman ni kuya ang maiiwan dito sa bahay, uutos utusan niya na naman ako." Ngumuso ako rito, nagmamakaawa na isama ako sa pupuntahan nila."Huwag ka nang sumama, baby. Mapapagod ka lang at maiinip." Ngumiti ito. "P’wede mo namang papuntahin ang mga friends mo, bonding dito sa bahay, bawal sa labas, huh?"Bigla namang may pumasok sa aking isipin, oo nga ‘no? Yayain ko kaya sila?"You’re right, mom, mag-oovernight nalang kami nila Amira dito.""Kami?""Yes po with Ryke, mom.""Sure, may tiwala naman kami kay Ryke."Bigla namang may pumasok sa kwarto ni mom at si kuya ito, bigla itong nagtanong. "Overnight?""Yes, kuya, I’ll call Amira and Ryke."Nangunot ang kaniyang noo. "What? Ryke? Bawal ang lalaki, girls only, Thrizel.""Osige, lumabas ka mamayang gabi, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay saka na umalis doon. Kita ko nam
Thrizel’s POVNag-uusap kami ni Amira. Pansin ko ang pagtingin sa‘kin ng kuya niya pero hinayaan ko nalang iyon. Dabi ko nga sa sarili ko, aakto akong kapatid ko siya pero kapatid ko nga siya, e. Jusko, Thrizel. Maya-maya ay naramdaman ko na naman ang tingin sa akin ni kuya kaya muli akong tumingin. ‘Gaya ng ginawa ko kanina, hindi ko iyon pinansin. Inagaw ni Amira ang atensyon ng lahat. “Hoy, hindi pa ba kayo nagugutom?” “Gutom na.” Sagot naman ng kuya niya sabay hawak sa tiyan nito. Parehas talaga sila ng ugali. “Tara, kumain na tayo, doon nalang tayo sa kwarto ni Thrizel tutal mahangin sa balkonahe niya.” Sumang-ayon ako sa sinabi ni Amira. Tapos naman na magluto si Manang Perry kaya kinuha na namin ang niluto nito. Tinulungan kami ng mga lalaking i-akyat ito sa taas. Tumulong na rin ako sa pagkuha ng pagkain namin. Paakyat na ako sa hagdan nang tulungan ako ni Elkhurt sa aking mga dala.Binigay ko naman iyon dahil medyo may kabigatan din naman. Nakapasok na ako sa kwarto, du
Thrizel's POVSobrang tahimik ng aking kwarto nang magsalita si kuya. "Thrizel." Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako dahil nakatingin ito sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang nasa mata, anong gusto niyang iparating?"K-Kuya, bakit po?" Utal kong tanong dito.Napatingin ako sa kamay niyang ngayon ko lang naramdaman na nakahawak sa aking braso. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata, aaminin kong ngayon ko lang ito natitigan nang matagal.Maya-maya lang ay lumuwag ang hawak niya. Pinilig niya ang kaniyang ulo at umayos ng upo. "Are you not yet sleepy?"Hindi ako sigurado sa kaniyang tinanong. Alam kong may iba pa siyang gustong sabihin sa akin. Hindi ako sumagot, tiningnan ko siya sa mga mata muli ngunit pilit niyang iniiwas ang kaniyang paningin. Nagtaka ako dahil napahilamos siya ng kaniyang mukha, parang problemado."Spill it." Kalmado kong sabi. "Anong problema?""You.""What do you mean ako?""No, I mean." Nangunot ang kaniyang noo, sinuri ako nito. "Bakit may-argh, fuck!" Huminga
Thrizelʼs POV "Gusto mo paamuhin kita?" "Fck you." Dahil sa mura ko ay napahalakhak siya. Maya-maya ay may narinig kaming yapak ng mga paa. Palapit na ito sa aking kwarto kaya bigla kong tinulak si Dominic papuntang balkonahe at sinara iyon. Bigla nalang pumasok si kuya nang nakasimangot. “Kanina ka pa namin hinihintay sa baba, magbihis ka na. Ang kupad mo talaga kumilos, Thrizel.” Sabi nito sa‘kin. Pinalibot ang paningin sa buong kwarto. Parang may nahalata siya.Gagi, gano’n ba kalakas ang pakiramdam ni kuya na parang may iba? “May kailangan ka pa, kuya? Magbibihis na ako e.” "Bakit nagulo ang kurtina mo, Thrizel? Wala kang alagang pusa para pumunta riyan.""Uh." Nagulat ako sa kaniyang sinabi dahil hindi ko inaakala na mapapansin niya pa iyon. "Pumunta ako kanina, nagpahangin ako."Tumingin siya sa gilid ng aking kama. "Hindi man lang nagulo ang ayos ng alpombra slipper mo.""I went to the balcony barefoot.""Don’t me, we both know you’re not used to being barefoot." Natigila
Thrizel’s POVMag-isa akong naglalakad sa hallway. Papunta sa aking silid-aralan, malayo pa ang aking lalakarin dahil nasa ibang edipisyo ako. Inutusan lang naman ako ng guro na nasalubong ko kanina. Angas ‘no? Puro pa ako pagtatanong sa mga estudiyante dahil hindi ko talaga alam. Hindi makapal ang mukha ko para gawin iyon nang paulit-ulit. Kaya sa susunod, ayoko nang sumunod.Pero may isa pa, ramdam kong kanina pa ako sinusundan ng lalaking ‘to. Pamilyar ang kaniyang mukha pero hindi ko maalala kung anong pangalan niya, ano bang kailangan nito sa akin? Para malaman, nang paliko ang daan, mabilis akong pumunta roon. Tumayo ako ng tuwid at handang harapin ang lalaki, nagcross arm pa ako. Hindi ako nagkamali, sa mismong harap ko ito napahinto, nakaharang ako sa kaniyang daan."Anong kailangan mo, Phryx Recas?" Naalala ko ang kaniyang pangalan nang makita ko ang kabuohan ng kaniyang mukha. Yeah, tama si kuya, gwapo nga ito ngunit walang ka-ayos ayos. Ang suot na uniporme ay lukot lukot.
Thrizelʼs POV Limang minuto na lamang ay uwian at ito ako tulala. Hinihintay na tumunog ang bell. Mamaya ay bigla na itong tumunog, pinayagan na kami ng aming adviser na umalis ng silid. Nakita ko si Amira na wala na naman sa sarili kaya tinawag ko 'to. “Amira, hintayin mo ako!” Bulaslas ko rito pero parang wala siyang narinig kayaʼt hinayaan ko na lamang siya.Naglakad nalang ako ng tahimik hanggang sa nakalabas ako ng paaralan. May mga studyante pang nasa daan. Napaisip ako kung maglalakad ba ako o sasakay dahil wala akong kasama.Pero mas pinili kong maglakad dahil nakasanayan ko naman ito. Abala ako sa pag a-alala kay Amira kung ayos lang ba siya nang biglang may pigura ng tao na humarang sa aking dinadaanan kaya tiningnan ko ito. Sino ba lagi ang nanghaharang sa akin sa daan? Walang iba kun’di si Brooks. Ano na naman bang kailangan ng lalaking' to? Lalagpasan ko na sana siya nang bigla itong magsalita. “Kamusta na, Thrizel? Tagal na rin ng huli kitang nakita, namiss kita.” Sab
Thrizel’s POV"Kailan pa naging ganito ang oras ng uwi ng babae, Thrizel?" Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong naka-abang si kuya sa main door namin. Kung titingnan, kanina pa siya naghihintay.Wala akong naging salita. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ngunit bigla ako nitong hinawakan sa pulsuhan. Alam kong gagawin niya iyon kaya hindi na kataka-taka sa akin."I’m asking you." Matigas pa nitong dagdag. Ewan, nang makarating kami sa bahay bigla akong nawala sa mood. Parang bumigat ang pakiramdam ko.Humarap ako kay kuya, walang gana akong sumagot dito. "I’m tired, I’m going to sleep.""You have not eaten yet!" Pigil niyang sigaw. Sabi ko ay pagod ako, mas lalo tuloy bumigat ang aking pakiramdam sa panenermon niya."I’m not hungry." Muli akong naglakad. Sumunod siya sa akin pero hinayaan ko nalang. Nang papasok ako sa aking kwarto, tiningnan ko siya. "Papasok ka rin ba?""Yes, kaya kong pumasok sa kwarto mo."Nangunot ang aking noo. "I’ll take off my clothes, I’ll take
Thrizelʼs POV Patuloy lamang ako sa pakikinig ng mga tinuturo ng aking mga subject teachers na pumapasok sa silid na 'to. Nagising na rin 'yong lalaking kulay asul ang buhok at nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang kaniyang pagtitig sa akin na para bang sinusuri ang aking bawat kilos, maging ang paglabi ko ay tinitingnan din nito.Anong problema ng lalaking ito? Saktong pagtingin niya sa akin, tiningnan ko rin siya ng walang gana. Bumakas sa mukha nito ang takot pero mabilis niya itong natago sa pamamagitan ng pagngisi.Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin nalang sa pintuan upang makita kung sino ang susunod na papasok na guro sa amin. Hindi ‘gaya sa school namin ang breaktime rito, kanina ay tanghali na ngunit sa amin ay maaga.Napatingin ako kay Amira noong bigla siyang bumuntong hininga na para bang sobrang lalim ng pinanghuhugutan nito. Napansin niya siguro ang pagtingin ko kaya binigyan ako nito ng pekeng ngiti.Napalabi ulit ako bago magsalita. “Hindi kaya may luma
Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas
Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu
Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na
Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah
A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi
Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s
Thrizel’s POV“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”Sa tanong siya, nat
Thrale’s POVLahat kami ay nandirito sa korte, maging ibang pulis at detective. Sa argumentong ito, kasama ni Dominic ang aking kapatid. Kasama naman ni Thrizel sina Link at Blue. Natahimik kami nang mag-umpisa na ang argumento. Nailabas na rin naman ang ibang ebidensya.Ang unang bumida ay si Mr. Sanford. Mayor Valencia’s lawyer. “I call Mrs. Valencia for the stand.” Tumayo ang asawa ng alkalde. Agaran itong nagpaliwanag. “I’m the wife of Mayor Valencia.” Lahat kami ay nakikinig sa susunod nilang sasabihin.“So Mr. Valencia, what can you say about your husband’s case?” Mr. Sanford asked.“Hindi iyon magagawa ng asawa ko dahil malinis ang intensyon niya sa aming barangay.” Ang mga tingin niya ay na kay Mayor Valencia na seryoso lamang ang reaksyon. “Tuwing gabi, hindi umaalis ang asawa ko. Araw-araw siyang subsob sa trabaho kaya pagpatak ng takip-silim, agad na malalim ang tulog niya.”Napatango-tango si Mr. Sanford. “He never really go out at night? In all the evidence, there’s a mo
Thrale’s POVIlang araw na ang lumipas. Nandito kaming dalawa ni Dominic sa presinto habang kausap si Captain na kasama rin sa aming kaso. Gustong makausap ni Dominic ng harapan ang witness na baka may makuha siyang ibang ebidensya rito. Ngayon, dalawang video ang binigay. Pinanood namin ang dalawa, ang nauna ay nagtapos sa oras na isang minuto at labing tatlong segundo. Ang pumangalawa naman ay isang minuto at isang segundo. Hindi putol ang mga kuha dahil napanood namin ang pangyayari kung paano pinatay ang biktima.“Kaninang umaga, may lalaking patay na inaanod sa ilog.” Striktong sabi ni Captain. Iniisip kung anong susunod na sasabihin. “Sa pangatlong video, masasabi kong iyon ang lalaking pinatay kagabi. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Tagong-tago ang mukha ng alkalde. Hindi natin p’wedeng arestuhin nalang iyon.”Nangunot ang noo ni Mr. Reyes sa wika ni Captain. Mukhang hindi sang-ayon sa desisyon. “May apat na tayong ebidensya! Kung hindi sila maniniwala, ididiin ko ang hayop