Thrizel’s POV
Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Tumayo ako para buksan ang bintana, tumama agad ang sinag ng araw sa aking mukha kaya humikab ako at nag-unat. Napatigil lang ako nang nakita ko si kuyang nasa harapan ng aming bahay at may kausap, si Ate Anissa.Napasinghap ako at pumunta na sa banyo. Naligo muna ako bago bumaba. Hays. Ngayong araw na ito ay hindi na naman ako papansinin ni kuya dahil kahapon. Gano’n naman lagi ang nangyayari. Kapag sinabi niya, gagawin niya talaga. Matigas pa sa bato si Thrale."Gising ka na pala, anak." Bungad ni mom sa akin nang makarating ako sa kusina. Tinutulungan niyang maghain si Manang Perry."Hija, kumain ka na at nang makapasok."Napabuntong-hininga ako at napasandal sa pinto ng kusina na nakasarado. Naghalukipkip at pinanood na lang sila. Tinatamad ako ngayong araw. Ilang minuto rin akong nasa gano’ng posisyon hanggang sa mapadaing ako."A-Aray!" May biglang nagbukas ng pinto. Inis kong binuksan iyon. "Ano ba iyan?! Magdadahan-dahan naman kay—okay."Binitawan ko ang door knob ng pinto at hinayaan sila pumasok, it's kuya and Ate Anissa. Hindi ko na rin tiningnan, umiba na lang ako ng baling."Good morning po, tita at Manang Perry." Magalang na mano ni Ate Anissa, ganiyan talaga siya, mabait. Wala namang problema sa ugali ni Ate Anissa, isa na rin siguro ang dahilan kung bakit mahal na mahal siya ng aking kuya. Ideal girlfriend na yata siya."Oh, sabay ba kayo ng aking anak?""Opo.""Sige, kumain na kayo."Umupo sila sa pinakadulo ng lamesa. Ako ay nakatayo pa rin habang nakasandal sa pader, lumingon ako kay kuya. Masaya siyang nakikipag-usap sa nililigawan niya. Napailing ako at lalabas na dapat nang marinig ko muli ang boses ni mom."Anak, kumain ka muna."Hindi na ako humarap. "Hindi na po, mauuna na po ak—”"Sumabay ka na sa amin, Thrizel. Maaga pa naman, e." Pagyayaya ni ate Anissa kaya pati atensyon ni kuya ay napunta sa akin. Blanko ang mukha nitong nakatingin sa mukha ko. Tinitigan ko siya sa mga mata ng ilang segundo, ako na rin ang sumuko dahil hindi ko kaya. Ang mga titig niya kasi ay parang inuutusan na naman ako. Gusto niya akong kumain."Hindi na, mau—""Ayaw mo ba akong makasabay?"Napakamot ako sa aking kanang kilay. Napabuntong-hininga at walang nagawa kun’di ang umupo. Sila mom at manang ay umupo na para sabay-sabay kaming kumain. Si mom ang naglagay ng aking pagkain sa plato, kinuha ko ang mga kubyertos. Tumingin ako sa bintana at nag-isip.Ayaw niya talaga akong pansinin. Hays. Pabebe. Hindi naman bagay sa kaniya. Mukha siyang ipis. Hmp. Pero ilang araw na naman kaya ang ganito? Sarap niya, sarap niya ibalibag."Thrizel, tulala ka. Bakit walang bawas ang pagkain mo?"Nawala ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni mom. Walang gana man kumain pero pinilit pa rin. Kaunti lang ang bawas niyon. Nagsepilyo na ako, umakyat sa kwarto para kunin ang aking bag at cellphone."Alis na ho ako!"Hindi ko na hinintay ang sagot nila, dali-dali na akong lumabas. Binuksan ko ang aming gate. Ang sariwang hangin agad ang bumungad sa akin."Buti naman, makaka—"Hindi ko na tinuloy ang sasabihin dahil kita ko si kuyang naglalakad papunta sa kotse niya. Hindi na ako nag-ingay at naglakad na."Pst!" Mabilis akong humarap sa tumawag. Akala ko si kuya pero hindi. Bwisit ito!"What?" Masungit na tanong ko. Ang aga-aga, mangungulit na naman ba siya?"Ayaw mo ba talaga? Gagawin ka lang naman naming referee sa aming away. Kailangan kasi ay babae, e.""Ayoko nga! Ako pa ang masuntok niyo!"Inakbayan niya ako. Nagfeeling close, ah? Angas din naman ng lalaking ‘to. "Ano bang gagawin mo kapag nasuntok ka namin?""Aba, malamang ay gagantihan ko kayo.""‘Yon naman pala e, tara na?""Lumayas ka sa harap ko! Hindi ako tambay, maayos na babae ako!"Umasim agad ang kaniyang mukha sa aking sinabi. "Mukha ba akong tambay?""Oo, mukha pa lang.""Hoy, marami lang akong tattoo.""Papasok pa ako.""Mayaman ako, babayaran naman kita." Mabilis akong umiling. "Okay, lalapit at lalapit ka rin sa akin, binibini."Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy ako na lang ako sa paglalakad, ayoko sumabay kay kuya dahil pag-aaral na naman o hindi rin ako papansinin. May maghahatid naman sa akin papuntang paaralan pero ayoko. Malamang ay mamayang uwian ay bantay ako niyon.Nakarating ako sa destinasyon. Naglalakad ako sa pasilyo papuntang aking silid-aralan. Impit na nagtilian ang mga babae nang dumaan ang heartrob sa paaralan na ito. It's Dominic."Ang pogi niya talaga!" Rinig kong tili ng babae sa aking gilid. Ang Dominic naman na ito ay papasalubong sa akin."Wahhhh! Si Dominic!" Hindi ko sila masisisi kung ganiyan sila kinikilig dahil gwapo naman siya. Hindi ko kinakaila. Sa sobrang tunog ng kaniyang pangalan, kilalang-kilala ko na.Nang magkasalubong kami. Nangunot pa ang aking noo nang titigan ako nito sa mismong mga mata. Binangga pa nito ang aking balikat. Huminto ako kaya napahinto siya. Tinitigan niya muli ako sa mga mata, pinabayaan ko iyon. Hinanap ko ang alcohol sa aking bag. Nang makita ito, binuhusan ko ang manggas ng aking blouse na kung saan nadikit ang kaniyang balikat."Kadiri." Ngiwing sabi ko.Gulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Naalala ko na ito, siya ang kuya ng babaeng nakaaway ko noong nakaraang araw, kaya siguro ako nito binagga. Ano naman kung gwapo siya?"What the hell are you doing?" Bakas ang inis sa mukha niya. Hindi ko mawari kung naiinis ba talaga o nagpapanggap. O baka naman nagpapasikat lang siya.Ngumisi ako ng nakakaasar. Umirap ako at muli siyang tiningnan. "Alcohol helps destroy bacteria and other microbes." Kaswal na kaswal ang aking sagot na parang walang ginawang ikakainis ng kaharap ko.Muli akong umirap at tumalikod na. Alam niyang lalaki siya, babanggain niya pa ako. Paano kung malakas iyon? Edi tumalsik ako. Wala akong pakialam kung magkaroon man ako ng haters dahil sa kaniya. As if I care?"Good morning," nakangiting bati sa akin ni Amira.Ngumiti ako sa kaniya. "Pasensya na pala kahapon, iyong nangyari sa baha—""No, it's okay," sagot niya agad. "Ang kwarto mo kasing napunta ay kay Kuya Elkhurt.""Uhm, salamat naman. Sige, kakain muna ako sa cafe, hindi pa ako nag-almulsal, e.""Okay. Ikaw na lang. I'm not done yet with our assignment."Tumango na lang ako, pumasok sa loob at inilipag ang bag sa upuan. Dali-dali akong lumabas, nagmadali rin akong maglakad. Pagkapasok ko sa cafe, gutom agad ang nanguna sa akin. Pum’westo ako sa pinakasulok nang matapos umorder. Kumain na lang ako ng tahimik.Ang mata ko lang ang malikot dahil kung saan-saan ako tumitingin. Sumama ang aking mukha nang pumasok ang babaeng nakaaway ko, hindi ko kasi alam ang kaniyang pangalan. Ang mas lalo kong isinasama ay patungo siya sa aking direksyon. Kinalampag niya ang mesa ko ngunit hindi ako natinag."Pinahiya mo pa talaga ang kuya ko!" Galit na galit siya sa akin. Gusto niya na akong saktan pero pinipigilan lang siya ng kaniyang mga kaibigan. Samatalang ako ay tuloy sa pagkain at nagpapanggap na wala siya sa aking harapan. Nananatiling sa pinto lang ang aking paningin."Ano na?! Thrizel Wrent?"Umirap ako, wala akong ginawa. Ganoon pa rin ang pakikitungo ko sa kaniya. Gusto ba ng eskandalo ng babaeng ‘to?"Thrize—"I stood up and looked at her. Nakita ko kasi si kuya na pumasok. Tinaasan ko siya ng kilay, malakas kong binagsak ang kubyertos na nakaagaw ng atensyon ng lahat."Are you insane? Are you slut? Flirt? Or whatever? Did you see? I'm eating and you're bothering me. Kung eskandalo ang gusto mo, lubayan mo ako.""Walang hiya k—""Sandali." Sabi ko nang mahawakan ko ang kaniyang kamay na pasabunot sa akin. "Huwag masyadong magmadali."Gigil na gigil siyang ibinaba ang kaniyang kamay. Hinanap ko si kuya pero naudlot iyon nang sugurin ako ng babaeng ito. Nahablot niya ang aking buhok at aaminin kong masakit ang kaniyang pagkakasabunot. Ramdam ko ring nakalmot niya ang aking mukha, rinig ko ring nagkakagulo na. Dahil sa inis at galit ko, buong puwersa kong tinulak ang babaeng ito. Alam kong tumalsik siya, inayos ko ang aking buhok at nakita ko ang babaeng nakahiga sa sahig na napapalibutan ng mga upuan. Tinayo naman siya ng mga kaibigan niya."You mother fuck—""Stop." Harang ni kuya sa babae. Wala na itong nagawa.Pumunta sa direksyon ko si kuya, yumuko na ako dahil alam kong sermon na naman. Kaya ko pinatulan para mapansin niya ako. Nakita ko ang dalawang pares ng sapatos na tumapat sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at tinaas ang mukha. Seryoso lang siyang nakatingin sa mukha ko. Nagulat ako nang gamitin niya ang kaniyang hinlalaking daliri para ipapahid sa aking pisngi. May dugo iyon, iyon yata ang kalmot na natamo ko."Sorry," usal niya at yinakap ako.Bigla nalang akong nakaramadam ng kaba at pakakailang. Ang bilis ng tibok ng puso ko at masaya ako sa kaniyang ginawa.Itutuloy...Thrizel’s POV"K-Kuya." Nauutal na tawag ko habang nakayakap siya sa akin.Ibang-iba talaga ang aking nararamdam kanina. Matagal na akong yinayakap ni kuya pero bakit kanina ko lang naramdaman iyon. Sobra tuloy ang pagkakailang ko. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Heart, tumigil ka, please.Sa wakas ay kumalas na siya sa pagkakayakap. Umayos siya ng tayo at inayos din ang aking buhok. "Ayos ka lang? May kalmot ka sa mukha. Wait lang, ah? Magtatanong lang ako kung may first ai—""Kuya." Pigil ko sa kaniya dahil halata ko sa kilos niyang natataranta siya. "Ayos lang ako."Nakahinga siya nang makuwag. "I know," sagot niya. "Diyan ka muna. May first aid kit naman yata ang cafe rito, hihiramin ko na lang."Napabuntong-hininga ako. "Sige."Umupo ako sa silya. Hays. Sayang ang pagkain ko. Nagpapasalamat nga ako dahil dito ako sinugod ng babaeng iyon, bihira lang kasi magpuntahan ang mga guro dito. Kapag may nakakita sa amin, malamang sa malamang, detention slip ang abo
Thrizel’s POVNagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit."Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?""Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?""Hindi, ayoko!""Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigi
Thrizel’s POVNagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit."Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?""Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?""Hindi, ayoko!""Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigi
Thrizel’s POV"Mom! Dad! Hinalikan ako ni kuya!" Pagdedeliryo ko.Bigla-bigla naman lumabas si mom na may hawak na sandok. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Sino?! Sinong humalik sa 'yo?!"Tiningnan ko si kuya. Bakas ang kaba sa mukha nito. "Si kuya."Napasimangot naman si mom habang si dad ay natawa. "Pinakaba mo 'ko, akala ko kung sino."Nagmaktol ako. "Si kuya nga, mom, si kuya!"Hindi man lang sila nagalit! Nakakainis! Dapat magalit sila! Magalit! Pati si dad tinawanan lang ako! Sama ng pamilya ko! Dapat magalit sila! Babae ako at lalaki siya!"Ano naman kung hinalikan ka, anak?" Sabi ni mom habang tinatali ang apron. "Magkapatid naman kayo, walang problema ro'n.""Kahit na, mom! Malaki na ako, malaki na siya! Bawal na 'yon." Naiinis na sabi ko at pumunta kay kuya. Pinagpapalo ko ito."Oy, ano ba, Thriz—Ouch! Pwede na—sabihin mong gusto mo pa ng is—""Kapal ng mukha mo!" Saka ako umupo sa sofa habang nakacross arm. Masamang tingin ang pinukol ko kay kuya. Masyado siya."Tama na
Thrizel’s POV"Buhay ka pa?" Tanong ko kay kuya habang naglalakad kami patungo sa school. Oo, ayaw niyang magdrive dahil nahihilo siya. Hang-over ang kumag. Inom pa!"Tumahimik ka na nga lang diyan!" Pagsusungit niya. Kaaga-aga ang sungit-sungit! Pwe!"Inom pa kasi," pang-aasar ko pa lalo."Wala ka namang natutulong so please, shut up.""Pero kay ate Anissa, gustong gustong kasama." Mahinang bulong ko. Sabagay, kapag mahal naman talaga, gustog makasama. Sino bang tatanggi roon?Pero unfair!"Anong sabi mo?!""Wal—""Fck!" Sabay kaming natumba ni kuya sa lupa nang may bigla dumaan na motor sa aming harapan. Sobrang bilis no'n kaya sabay kaming na-out balance."Hoy!" Inis na tawag ko rito ngunit patuloy pa rin ito sa pagmamaneho."Baka naman gusto mo nang tumayo?"Ngayon ko lang rin napansin na nakapatong ako kay kuya. Potek na motor iyan! Hindi man lang tumitingin sa daan, maneho nalang nang mameho."Sorry naman, 'di ba? May payakap-yakap ka pa kasing nalalaman tapos nadaganan kita, m
Thrizel’s POVTiningnan ko si Amira sa mga mata na kaya ko na ito. Nagets naman niya pero habang paalis ay bakas pa rin sa kinikilos niya ang kinikilig.Hays.Pumasok na ako sa cafeteria. Marami-rami ang tao kaya hindi ko agad nakita si Ryke. Pinuntahan ko siya, nandoon siya malapit-lapit sa gitna. Walang pasintabi akong umupo sa kaniyang harapan."Nandiyan ka na pala." Puna niya sa akin at inabutan ng pagkain. Mukhang umorder na.Ngumiti ako. "Ano bang pag-uusapan natin?"Uminom muna ito ng tubig at tumingin sa aking mga mata ng diretso. "Nasaan ang kuya mo?""Hindi ko siya kasama, ewan ko ro'n.""Buti naman, bawal niya kasing malaman." Tumingin muna siya sa aming paligid kung may naririnig ba o wala. "Thrizel, huwag kang magagalit kapag sinabi ko.Kinabahan ako roon pero tuloy pa rin sa pagkain. Mga ilang segundo ako bago sumagot. "Yeah.""S-Si Kristina Altejano.""Anong mayro'n sa kaniya?"Thrale’s POVNapangiti ako nang matapos ko na ang aking ginuguhit. Nagpapag na ako at nilikgp
Thrizel’s POV"Kuya." Saka ako yumakap sa kaniya nang mahigpit at doon umiyak nang umiyak. "Sorry, sorry, sorry hindi ko napigilan ang sarili ko."Wala siyang naging tugon pero nakayakap siya sa akin. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil dito."Where's Ryke?!" Galit na sigaw ni kuya sa loob ng cafeteria. Alam kong nandidito pa rin ang Dean. "Nasaan ang gagong lalaking 'yon?""I'm here." Boses ni Ryke 'yon. Gusto ko siyang sigawan dahil ang tanga niya. Bakit pa siya nagpakita kay kuya?Dahan-dahang tinanggal ni kuya ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Sa isang iglap ay biglang sinuntok ni kuya si Ryke. Si Ryke naman ay napaupo sa sahig, nakangising nagpupunas ng labing may dugo."Fuck you, bastard!"Biglang tumayo si Ryke at binawian ng suntok si kuya. Tanging panonood na lang ang nagawa ko, hindi ko sila nagawang pigilan."Stop!" Sigaw ng Dean na halatang galit na. Inutusan ang dalawang guards na pigilan ang dalawang lalaki 'to.Maya-maya ay may humawak sa aking braso, tiningnan ko
Thrizel's POVUminit ang aking dugo dahil sa pag-uusap doon sa Dean’s Office. Nandidito ako sa labas ng paaralan habang nakaupo sa waiting shed mag-isa. Hindi pa uwian ngunit nasa labas na ako. Gusto kong makapag-isip isip. Sinong tao ang magliligtas sa akin sa problemang 'yon?Buti na nga lang ay walang bantay sa gate dahil sigurado akong hindi ako makalalabas. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at walang pag-aalinlangang hinithit ko iyon. Ito ang bisyo ko dati. Natigil lang ito ng bantay sarado na ako ni kuya. Speaking of kuya, halatang galit siya sa akin kasi hindi ako pinapansin. Sa ngayon ay parang naiinis naman ako.Wala akong ibang ginawa rito kung hindi ang tumulala lang sa kalsada. Parang nagbago ang aking ginagalawan, parang nakakasakal. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, gusto ko lang ay—"Argh!" Napasigaw ko at napasipa sa sahig. "Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?" Naiinis ako sa anomang gusto ko. Naiinis ako nang tuloy-tuloy. Naiinis ako sa lahattttt!"Hindi
Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas
Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu
Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na
Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah
A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi
Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s
Thrizel’s POV“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”Sa tanong siya, nat
Thrale’s POVLahat kami ay nandirito sa korte, maging ibang pulis at detective. Sa argumentong ito, kasama ni Dominic ang aking kapatid. Kasama naman ni Thrizel sina Link at Blue. Natahimik kami nang mag-umpisa na ang argumento. Nailabas na rin naman ang ibang ebidensya.Ang unang bumida ay si Mr. Sanford. Mayor Valencia’s lawyer. “I call Mrs. Valencia for the stand.” Tumayo ang asawa ng alkalde. Agaran itong nagpaliwanag. “I’m the wife of Mayor Valencia.” Lahat kami ay nakikinig sa susunod nilang sasabihin.“So Mr. Valencia, what can you say about your husband’s case?” Mr. Sanford asked.“Hindi iyon magagawa ng asawa ko dahil malinis ang intensyon niya sa aming barangay.” Ang mga tingin niya ay na kay Mayor Valencia na seryoso lamang ang reaksyon. “Tuwing gabi, hindi umaalis ang asawa ko. Araw-araw siyang subsob sa trabaho kaya pagpatak ng takip-silim, agad na malalim ang tulog niya.”Napatango-tango si Mr. Sanford. “He never really go out at night? In all the evidence, there’s a mo
Thrale’s POVIlang araw na ang lumipas. Nandito kaming dalawa ni Dominic sa presinto habang kausap si Captain na kasama rin sa aming kaso. Gustong makausap ni Dominic ng harapan ang witness na baka may makuha siyang ibang ebidensya rito. Ngayon, dalawang video ang binigay. Pinanood namin ang dalawa, ang nauna ay nagtapos sa oras na isang minuto at labing tatlong segundo. Ang pumangalawa naman ay isang minuto at isang segundo. Hindi putol ang mga kuha dahil napanood namin ang pangyayari kung paano pinatay ang biktima.“Kaninang umaga, may lalaking patay na inaanod sa ilog.” Striktong sabi ni Captain. Iniisip kung anong susunod na sasabihin. “Sa pangatlong video, masasabi kong iyon ang lalaking pinatay kagabi. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Tagong-tago ang mukha ng alkalde. Hindi natin p’wedeng arestuhin nalang iyon.”Nangunot ang noo ni Mr. Reyes sa wika ni Captain. Mukhang hindi sang-ayon sa desisyon. “May apat na tayong ebidensya! Kung hindi sila maniniwala, ididiin ko ang hayop