Thrizel’s POV
Nagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit."Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?""Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?""Hindi, ayoko!""Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigil sa pag-iyak. Kailangan kong tigilan iyon. "Hays, ewan ko na lang.""Tara na? Huling-huli na tayo sa klase. Anong oras na, e.""Tara n—"Natuptop ako sa aking kinakatayuan nang may mapansin akong babaeng nakauniporme na kasing tulad ng sa amin. Pumasok siya sa isang silid-aralan, abandonado na iyon. Ang likod ko kasi ay pader, ang nasa likuran naman ni Amira ay ang pasilyo. Sa pasilyo na may tatlong silid-aralan na abandonado na. Nakita ko talaga na may babaeng pumasok doon. Oras ng klase, malamang ay walang pagala-pagala na ka-grade level namin dahil mahigpit dito. Iyon din ang dahilan kung bakit dito ako tumuloy."M-May napansin ka?" Utal na tanong ko."Saan?""M-May babaeng pumasok sa pangatlong silid-aralan, ka-grade level natin. Bawal pumasok doon, hindi ba?""Wala, tayong dalawa lang ang nandirito. Wala akong tunog ng sapatos na narinig.""Guni-guni ko lang." Sabi ko at hinatak na siya. Ewan ko pero nangilabot agad ako nang makita ko iyon.Habang papalapit kami nang papalapit ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kahit hindi ako sigurado na tao ba iyon. Nang matapat kami, hindi ako tumingin sa silid-aralan. Kaso biglang huminto si Amira. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay kaya pati ako ay natatakot na. Kami lang ang dalawa sa pasilyo na ito."Thrizel." Kabadong sabi niya. Ramdam ko ring pasmado ang kaniyang palad at malamig. "T-Thrizel.""B-Bakit?"Kinakabahan na rin ako, Amira! Ano ba iyon? Hindi pa rin kasi ako lumilingon."T-Thrizel.""Ano nga?!""Waaahhh! May ipis!"Sabay kaming napatakbo pababa ng hagdan ni Amira. Ang bilis ng takbo namin kaya hingal na hingal kaming huminto sa baba. Kingina, may ipis. May ipis? May ipis?!"IPIS?!" Sigaw ko rito. Kingina, ipis lang pala. Dala siguro ng takot ko ay hindi ko na naintindihan ang sinabi niya."Oo, mayro'n, e. Nasa tabi ng paa ko kaya hindi ako makahakbang baka lumipad.""Tinakot mo ako, akala ko naman kung ano," sabi ko sabay irap dito."Ano bang akala mo?!""Wala!"Siya naman ang humawak sa aking kamay. "Tara? Puntahin natin si Ryke.""Anong gagawin natin kay Ryke?""Doon mo ibubuhos lahat ng atensyon mo, para naman masanay ka na hindi kuya mo lagi ang nasa tabi mo kaya iyan, nagkakaganiyan ka!""E, galit nga si kuya roon. Tara? Bumalik na tayo sa silid-aralan."Ako na ang nanghatak sa kaniya. Sa palapag na ito ay may mga estudiyante na. May mga gurong rin naglelesson na hindi mapigilang lingunin kami. Bago kami bumaba sa bababaan naming hagdan ay nilingon ko muna ang hagdan na aming binabaan kanina.Ganoon nalang ako abutin ng takot at kaba. Mabilis kong iniwas ang tingin ko roon. Nagmadali rin akong naglakad."Nakasara ba 'yong pinto? Sa pangatlong room kanina?" Aligagang tanong ko kay Amira."Oo, sabi ko sa 'yo walang tao."E, sino iyon? Sino iyong babaeng nakasunod ng tingin sa amin? Nakita ko siyang nakatayo sa hagdan habang tinitingnan kami. Siya, siya iyong babaeng pumasok sa pangatlong silid-aralan doon, tanda ko pa ang itsura niya. Ka-grade level namin siya, wala sabi ni Amira. Namamalikmata ba ako?"Hoy, lalim ng iniisip mo."Inalis ko nalang iyon sa isip ko at hinarap si Amira. "Wala."Marami ng estudiyanteng naglalakad sa hallway. May dala-dala na itong bag. Tumingin ako sa aking wrist watch. Uwian na pala."Saan ba natin ibibigay ang isang identification na 'to?" Tanong ko kay Amira habang tinitingnan ang ID na ito."Ano ba ulit pangalan? May section ba?""Iyon nga, wala, Redelyn Guaniria." Saka ko ito tinago sa bulsa.Mag-aangat na sana ako ng tingin ngunit gano’n nalang ang aking gulat nang may tumulak sa akin kaya napasandal ako sa pader."Anong sabi mo?!"Tumingin ako sa lalaking ito. Galit na galit itong nakatingin sa akin. Base sa mukha nito ay wala itong tulog at ang kapal ng eye bags, iyon kasi ang aking unang napansin. Napapikit ako nang sumuntok ito sa pader, kinulong ako nito sa kaniyang mga braso."Hoy, sino ka ba?! Pakawalan mo nga ang kaibigan ko!" Sigaw rito ni Amira habang nakayakap sa baywang ng lalaki para hilahin ito, pero ni urong ay wala itong naging kilos. Tanging matalim na tingin lang ang pinukol nito sa akin."Anong sinabi mo?! Ano nga ulit 'yon?!"Madilim na dahil maggagabi na, bakit ayaw pa nila buksan ang ilaw? Hindi ko kasi masyado makita ang nakapaligid sa amin. Ang alam ko lang ay nanonood sila at ayaw mangialam."Hoy, hampaslupa! Pakawalan mo siya!" Wala pa ring tigil si Amira sa paghahatak rito.Ang mga mata ko'y nakatuon sa kaniyang mga mata habang nakikipagsabayan ng titig. Ewan ko pero hindi man lang ako nagalit sa lalaking 'to. Hindi ko siya nagawang maitulak."Say it again, please." Nananatili pa rin sa boses nito ang galit. Hindi ko magawang ibuka ang aking mga bibig, basta ay nakatitig lang ako sa mga mata nito.Maya-maya, sabay-sabay nagbukasan ang ilaw. Doon ko natitigan ang buong mukha nito, aaminin kong gwapo ito. Hindi ko na natagalan ang pagtitig rito dahil nasilaw na ako.Lumingon ako sa kanang direksyon. Gano'n nalang ako magulat nang makita ko si kuyang galit na nakatingin sa akin.Kingina, galit na naman siya! Dapat ako ang galit!Hindi katagalan ay may mga gurong lalaking dumating, inawat nito ang lalaki. Wala namang naging kilos ito kun’di ay sumunod na lang. Naiwan akong tulala habang nakatuon pa rin ang tingin kay kuya.Umiling-iling ito at saka nag-umpisang maglakad paalis. Nang mawala siya sa paningin ko, doon ko lang nakuhang lingunin si Amira."Ayos ka lang? Anong masakit sa 'yo? Bakit 'di mo tinulak ang lalaking 'yon? Ako tuloy ay hatak ng hatak, gusto mo ba ang ginawa niya? Salamat naman at nakahanap ka na ng crush m—"Siya rin ay hindi makapaniwalang hindi ko ito tinulak. Pero napasimangot ako sa huli nitong sinabi. "Kapag tinulak ko 'yon, damay ka. Remember? Nakakapit ka sa baywang niya.""Hehehe, nga naman."Saka na kami nag-umpisang maglakad muli ni Amira papunta sa room namin dahil naroon ang aming gamit. Kami na lang muli ang naglalakad sa hallway dahil nga nag-uwian na ang mga estudiyante.Kinuha ko ang aking gamit pati na rin si Amira nang makarating kami sa silid-aralan. Tanging tunog lang ng aming sapatos ang maririnig dito sa hallway hanggang sa makababa kami sa first floor. Kaso pagdating sa first floor ay may tubig, may putik din, mukhang galing ito sa mga halaman noong umulan.Hindi ko na pinansin iyon hanggang sa makita namin si manong Ello na taga-sarado ng mga silid-aralan tuwing oras na ng uwian."Mga bata, gabi na. Babae pa naman kayo, bakit di pa kayo umuuwi?""Hehehe, manong, nakapagcutting classes nga kami, e. Ang dami kasing nangyari kaya natagalan kami bumalik sa room." Si Amira ang sumagot.Natapos si manong Ello sa pagsara ng isang stock kwarto at sinunod ang isa pero napatigil siya. "Bakit bukas ito?" Tanong niya kaya pati kami ay napatingin. Nakauwang lang naman kaunti ang pinto, kaming tatlo naman ay nakatayo sa pinakapantay ng pinto na ito."Hindi kasi ito binubuksan dahil maalikabok. Kagabi lang ay nakasarado ito."Hinawakan ni manong Ello ang doorknob ng pinto pero ayaw nito magsara, mukhang sira na ang bisagra. Nakailang ulit pa si manong Ello pero ayaw talaga kaya niluwagan niya na ang bukas, isasara na dapat pero naudlot iyon nang may makita kami."WAHHHHHHH!" Boses ni Amira ang nangibabaw. Pati kaming dalawa ni manong Ello ay napatakbo dala ng takot.Ngayon lang ito nangyari sa buhay ko. Sa loob ng kwarto na iyon ay may babaeng nakalutang o sabihing nagbigti. Nakayuko na ito at mahahalatang wala ng buhay.Itutuloy...Thrizel’s POVNagmamadali akong maglakad dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ramdam kong nakasunod sa akin ang kaibigan ko. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ganito ang kinikilos ko. Huminto ako sa pinakadulo ng pasilyo kung saan kakaunti ang estudiyanteng dumadaan. Tahimik dito at ang tatlong silid ay hindi ginagamit."Uy, ano bang nangyayaring sa 'yo? Umayos ka nga!"Tuloy pa rin ako sa pagluha. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano ‘to! Am I over acting?""Pinapalabas mo na naman na may gusto ka sa kaniya?""Hindi, ayoko!""Pati ako ay naguguluhan sa 'yo, nagseselos ka 'no?" Tumango ako na may pag-aalinlangan. "Ituon mo kasi ang atensyon mo sa iba, huwag lang sa kuya mo. Alam kong wala kang gusto sa kuya mo. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay baka gusto mo ay sa 'yo lang siya nakatuon, ayaw mo na siyang mapalapit sa ibang babae." Kinukumbinsi niya ang aking sarili.Natigilan ako. Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. "Siguro ganoon nga." Malumanay at tumigi
Thrizel’s POV"Mom! Dad! Hinalikan ako ni kuya!" Pagdedeliryo ko.Bigla-bigla naman lumabas si mom na may hawak na sandok. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Sino?! Sinong humalik sa 'yo?!"Tiningnan ko si kuya. Bakas ang kaba sa mukha nito. "Si kuya."Napasimangot naman si mom habang si dad ay natawa. "Pinakaba mo 'ko, akala ko kung sino."Nagmaktol ako. "Si kuya nga, mom, si kuya!"Hindi man lang sila nagalit! Nakakainis! Dapat magalit sila! Magalit! Pati si dad tinawanan lang ako! Sama ng pamilya ko! Dapat magalit sila! Babae ako at lalaki siya!"Ano naman kung hinalikan ka, anak?" Sabi ni mom habang tinatali ang apron. "Magkapatid naman kayo, walang problema ro'n.""Kahit na, mom! Malaki na ako, malaki na siya! Bawal na 'yon." Naiinis na sabi ko at pumunta kay kuya. Pinagpapalo ko ito."Oy, ano ba, Thriz—Ouch! Pwede na—sabihin mong gusto mo pa ng is—""Kapal ng mukha mo!" Saka ako umupo sa sofa habang nakacross arm. Masamang tingin ang pinukol ko kay kuya. Masyado siya."Tama na
Thrizel’s POV"Buhay ka pa?" Tanong ko kay kuya habang naglalakad kami patungo sa school. Oo, ayaw niyang magdrive dahil nahihilo siya. Hang-over ang kumag. Inom pa!"Tumahimik ka na nga lang diyan!" Pagsusungit niya. Kaaga-aga ang sungit-sungit! Pwe!"Inom pa kasi," pang-aasar ko pa lalo."Wala ka namang natutulong so please, shut up.""Pero kay ate Anissa, gustong gustong kasama." Mahinang bulong ko. Sabagay, kapag mahal naman talaga, gustog makasama. Sino bang tatanggi roon?Pero unfair!"Anong sabi mo?!""Wal—""Fck!" Sabay kaming natumba ni kuya sa lupa nang may bigla dumaan na motor sa aming harapan. Sobrang bilis no'n kaya sabay kaming na-out balance."Hoy!" Inis na tawag ko rito ngunit patuloy pa rin ito sa pagmamaneho."Baka naman gusto mo nang tumayo?"Ngayon ko lang rin napansin na nakapatong ako kay kuya. Potek na motor iyan! Hindi man lang tumitingin sa daan, maneho nalang nang mameho."Sorry naman, 'di ba? May payakap-yakap ka pa kasing nalalaman tapos nadaganan kita, m
Thrizel’s POVTiningnan ko si Amira sa mga mata na kaya ko na ito. Nagets naman niya pero habang paalis ay bakas pa rin sa kinikilos niya ang kinikilig.Hays.Pumasok na ako sa cafeteria. Marami-rami ang tao kaya hindi ko agad nakita si Ryke. Pinuntahan ko siya, nandoon siya malapit-lapit sa gitna. Walang pasintabi akong umupo sa kaniyang harapan."Nandiyan ka na pala." Puna niya sa akin at inabutan ng pagkain. Mukhang umorder na.Ngumiti ako. "Ano bang pag-uusapan natin?"Uminom muna ito ng tubig at tumingin sa aking mga mata ng diretso. "Nasaan ang kuya mo?""Hindi ko siya kasama, ewan ko ro'n.""Buti naman, bawal niya kasing malaman." Tumingin muna siya sa aming paligid kung may naririnig ba o wala. "Thrizel, huwag kang magagalit kapag sinabi ko.Kinabahan ako roon pero tuloy pa rin sa pagkain. Mga ilang segundo ako bago sumagot. "Yeah.""S-Si Kristina Altejano.""Anong mayro'n sa kaniya?"Thrale’s POVNapangiti ako nang matapos ko na ang aking ginuguhit. Nagpapag na ako at nilikgp
Thrizel’s POV"Kuya." Saka ako yumakap sa kaniya nang mahigpit at doon umiyak nang umiyak. "Sorry, sorry, sorry hindi ko napigilan ang sarili ko."Wala siyang naging tugon pero nakayakap siya sa akin. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil dito."Where's Ryke?!" Galit na sigaw ni kuya sa loob ng cafeteria. Alam kong nandidito pa rin ang Dean. "Nasaan ang gagong lalaking 'yon?""I'm here." Boses ni Ryke 'yon. Gusto ko siyang sigawan dahil ang tanga niya. Bakit pa siya nagpakita kay kuya?Dahan-dahang tinanggal ni kuya ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Sa isang iglap ay biglang sinuntok ni kuya si Ryke. Si Ryke naman ay napaupo sa sahig, nakangising nagpupunas ng labing may dugo."Fuck you, bastard!"Biglang tumayo si Ryke at binawian ng suntok si kuya. Tanging panonood na lang ang nagawa ko, hindi ko sila nagawang pigilan."Stop!" Sigaw ng Dean na halatang galit na. Inutusan ang dalawang guards na pigilan ang dalawang lalaki 'to.Maya-maya ay may humawak sa aking braso, tiningnan ko
Thrizel's POVUminit ang aking dugo dahil sa pag-uusap doon sa Dean’s Office. Nandidito ako sa labas ng paaralan habang nakaupo sa waiting shed mag-isa. Hindi pa uwian ngunit nasa labas na ako. Gusto kong makapag-isip isip. Sinong tao ang magliligtas sa akin sa problemang 'yon?Buti na nga lang ay walang bantay sa gate dahil sigurado akong hindi ako makalalabas. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at walang pag-aalinlangang hinithit ko iyon. Ito ang bisyo ko dati. Natigil lang ito ng bantay sarado na ako ni kuya. Speaking of kuya, halatang galit siya sa akin kasi hindi ako pinapansin. Sa ngayon ay parang naiinis naman ako.Wala akong ibang ginawa rito kung hindi ang tumulala lang sa kalsada. Parang nagbago ang aking ginagalawan, parang nakakasakal. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, gusto ko lang ay—"Argh!" Napasigaw ko at napasipa sa sahig. "Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?" Naiinis ako sa anomang gusto ko. Naiinis ako nang tuloy-tuloy. Naiinis ako sa lahattttt!"Hindi
Thrizel’s POVHawak-hawak ko ang aking ballpen habang nagtutuktok sa desk kakahintay ng oras. Ang tagal naman matapos ng asignatura na ito, makikipagkita pa ako kay Dominic.Lunch break namin ang 1:00 pm, ang tagal magbell. Nakatitig lang ako sa kawalan dahil wala rin naman akong maiintindihan sa tinuturo ng aming guro about sa dressmaking, iyan na yata ang pinakanakakatamad na pinapagawa.Hanggang sa magbell.Salamat naman.Tumayo na ako at niligpit ang aking mga gamit. Lumapit pa si Amira sa aking pwesto para tanungin ako."Makikipagkita ka ba kay Dominic?" Tanong nito sa akin."Oo.""Baka pinagtitripan ka lang no'n. Hindi ako makakasama dahil may assignment tayo sa math about Law of Cosine, papakopyahin na lang kita basta bilisan mo baka malate ka.""Sige, una na ako." Saka na ako lumabas ng aming room. May isang oras kami ni Dominic na mag-usap bago bumalik sa klase.Mabilis na ang naging takbo ko papunta sa rooftop. Pagkarating ko roon ay wala pa si Dominic. Gusto ko siyang tawa
Thrizel’s POV"Bakit ka naman nagtaka na may gustong tumulong sa akin? 'Di ba dapat masaya na tayo no'n dahil hindi na tayo mahihirapan. Halata kasi sa reaksyon mo kanina ang gulat at hindi makapaniwala." Sabi ko kay Dominic habang naglalakad kami papasok sa loob ng paaralan."Huh?"Napasimangot ako. "Sabi k—""Hindi talaga ako makapaniwala." Biglang sabi niya at nagpamulsa. "Dahil hindi nga ikinalat iyon, 'di ba? Bakit may nag-imbestiga? Sariling pamilya na ni Kristina Altejano ang nagsasabing huwag ipakalat.""So? Nagtataka ka kung bakit may nag-imbestiga dahil wala naman nakakaalam no'n?"Tumango naman siya. "Saka paano nakapasok ang nag-imbestiga sa loob ng school? Pinagbabawala—""Hayaan mo na iyon, basta ay ayos na ang problema ko." Saka na kami nakapasok sa loob. Hanggang ngayon ay tulog pa ang guard. Mapapatanggal din 'to balang araw. Rinig ko pang bumuntong hininga si Dominic bago magsalita. "Curious ako kay Mr. X. Sino kaya iyon? Para kasi siyang misteryoso sa aking palaga