Thrale's POVIlang araw na ang nakalipas. Nandidito kami ngayon sa bahay, kaming tatlo nila Thrizel. Kahit anong pilit ko rito sa babaeng ‘to na tumigil na sa pagtatrabaho, ayaw niya pa rin dahil daw may mga nakilala na siya roon. Ayaw niya rin dito manatili sa bahay pero bumibisita naman siya minsan. Todo bantay ako sa kaniya, baka kung ano na naman ang gawin ni Callum. Sapat na rason na yata ang ginawa namin para matakot sila, hindi ba?“Malakas na ba talaga ang kutob mong siya si Arella?” Bulong ni Link sa aking gilid. Oo, iyan ang pinag-uusapan namin kanina pa. Nakatingin nga lang kami kay Thrizel na kumakain sa lamesa. Mabuti nga hindi kami napapansin.“3 years old ako nang umalis si mom, buntis na siya sa kapatid ko. Pagdating ni Thrizel dito, I’m 5 years old, she’s 4 years old. Hindi ba dapat magtaka na ako n’on? Kung siya ang totoong kapatid ko, 17 years old ako, 14 o 15 years old siya. Iyong sinabi pa ni Callum na si Arella si Thrizel and remember? Iyong sa selpon niya, sketc
Thrizel’s POV“If you ask me, I will stop courting you.”Nakikipag-usap lang naman sa akin sila Gio at Ryke rito sa bahay nila Gio. Dito nila ako dinala kasama ang aking kuya. Sa ngayon, sa iisang lamesa, kaming tatlo lang ang nag-uusap dahil lumabas muna si Thrale. Ayos lang naman sa aking kausapin nila ako.Sinagot ko ang sinabi ni Ryke. “Ayos lang.” Ngumiti ako sa kaniya. “Dapat ba ako magpasalamat dahil dalawang beses kang naghintay sa akin? Or should I say sorry because I hurt you?”Natawa siya ng mahina. “Wala. Kung anong pakikitungo mo sa akin dati, iyon pa rin. We can be friends, Thrizel. Hindi porque niligawan kita, kailangan mo na akong gustohing pabalik. Tanggap ko naman kung anong desisyon mo.”Napatango-tango ako. “How about Gio?” Nagsalong baba ako dahil nasa harapan ko si Gio. Tahimik lang siyang kumakain ng ice cream.“Ako?” Puno pa ang kaniyang bibig. “Kung ano ang desisyon ni Ryke, iyon din sa akin.”Sinamaan siya ng tingin ni Ryke dahil doon. “Nakabase ka ba sa akin
Thrizel’s POVKaming pito ay nakatayo para harapin si Mr. X. Hindi kasi siya nagtuloy-tuloy sa paglalakad, halata namang hinintuan niya kami para kausapin. Kung wala siyang pakialam, dire-diretso lang ito. At nakuha niya pang humarap sa amin ng walang maskara, ah? Saan siya kumuha ng kapal ng mukha? Dapat nagtatago na siya dahil sa ginawa niya. Ang lakas ng loob ng lalaking ‘to. “Anong ginagawa mo rito, Mr. X?” Pagharap ni Thrale. Siya ang unang nagsalita dahil kilala niya ‘to. “Himala, wala kang suot na maskara. Nakakapanibago tuloy. Pakiramdam ko, bago kang tao sa akin.” Matapos ang pangyayari sa akin, ano bang ginawa ni Thrale sa lalaking ito? Ang huli kong tanda ay pinatulog nila. Hays, bakit ba kasi iisang grupo sila ni Thrale? Hindi sila p’wede mag-away. Iyon ang pagkakaalam ko. Bawal kalabanin ang sariling kapartido.“Wala ka na roon, Thrale.” Inismiran niya ang aking kuya. Napalingon siya sa akin. “Hi, my lovely lady, you look beautiful.” Naigtad ako dahil sa tinawag niya sa
Thrizel's POVBalik na naman ako sa trabaho. Ito na ang huli kong pasok dahil kailangan ko nang umalis. Ayos lang naman kay Gio, bago naman ako pumasok dito nabanggit niya kila manager na pansamantala lang ako rito. Sinusulit ko na ang pakikisalamuha ko kay Chef Sanchez dahil hindi naman kami gaano malapit sa isa't isa. Hindi hadlang 'yon para makisalamuha ng sobra sa kaniya ngayon. "Hindi ko akalain na hindi na kita makasasama." Mula sa aking gilid 'yon, kay Chef Sanchez. Abala siya sa paghihiwa ng mga gulay dahil ako ay naghahalo ng kaniyang niluto. Siya naman ang nagtitimpla at tumitikim nito."Oo nga po." Sagot ko. Binitawan ko ang sandok at kinuha ang kaniyang ginagawa. "Kailangan kasi dahil uuwi ang aking mga magulang. Sa totoo lang, hindi nila alam ito." Tinuon ko nalang ang paningin ko sa ginagawa.Sabay kaming napatingin ni chef sa pintuan nang bumukas 'yon. Nakita ko ang aming manager na seryoso ang mukha. May pagkasungit pa rin sa kaniya. Kakabalik ko lang sa trabaho, simu
Thrale’s POV“Umuwi na tayo.” Pagyayaya sa akin ni Gio.Nahinto kami rito sa kaniyang kotse. Pinanood nalang namin kung paano umalis ang kotse ni Kein. Ang kamao ko ay nakalapat sa kotse ni Gio dahil sa inis. Nakayuko habang patuloy pa rin ang pagluha. Tumigil na rin ang ulan kaya sa buong kalsada, iyak at sigaw ko lamang ang maririnig.“Gio...” Napapunas ako ng luha. Napasandal na rin sa kotse. Nanginginig ang boses kong nagsalita. “M-Mali ba ‘yong ginawa ko?” Humarap ako sa kaniya. “Mali ba ang ginawa kong ‘yon?!”Napalayo-layo siya sa akin. Seryoso ang mukha. “Sa parents niyo, maling-mali dahil magkapatid kayo. Kung hindi mo naman kapatid si Thrizel at kung siya si Arella, mali pa rin dahil magpinsan kayo.” Tumabi siya ng sandal sa akin. “Kung ako ang nasa sitwasyon mo, mawawalan ako ng pag-asa dahil kahit anong pilit mo sa tadhana, hinahadlangan ka. You have two problems or let’s say your options. Of those two, it is also forbidden. Saan ka lulugar? Saan ka kukuha ng pag-asa? Ang
Thrale’s POVMatapos ang kaunting pagdiriwang na ‘yon, wala namang nagbago. Nandidito na naman kaming lahat sa iisang lamesa, kumakain ng umagahan. Ewan ko ba, maganda naman ang gising ko pero hindi ko magawang ngumiti ngayon. Ang mga tingin at kilos ko ay pangtamad. Halos mapako na nga lang ang baba ko sa aking palad dahil pulos sabong-baba ang aking ginagawa. Laking pasasalamat ko rin na hindi ako nahahalata ng aking mga magulang. Tiyak akong magtatanong sila.“Napag-usapan pala namin ng daddy mo.” Kahit nagsalita si mom, hindi ko nakuhang lingunin. “Next month is the school year. Your daddy and I decided to go on a family trip.” Hindi ako interesado. “Thrizel, baby. Saan mo naman gustong pumunta?”Rinig kong napatikhim ang aking kapatid. “Uh, kahit saan, mom. Kasama naman ako.”“How about beach? Magstay tayo ng onenweek sa resort.”Napaharap ako kay mom dahil doon. “Kakapunta lang namin diyan sa resort nila Kein, mom.” “Mommy is right! Tara na’t magbeach!” Tuwang-tuwang sigaw ng b
Thrale’s POVMatapos ang pagsasama namin ni Thrizel. Nandidito ako ngayon sa puno, nakahiga. Malapit-lapit na ang paglubog ng araw. Sa ganitong oras, tinatamad ako kaya mas pinili kong magpahinga. Ewan ko rin doon sa mga kaibigan ko, sasama raw sila pero hanggang ngayon wala pa rin akong naririnig na sinisigaw nila ang aking pangalan. Mukhang sa iba ito pumunta.Napahinga ako nang malalim. Pipikit na sana nang may marinig akong yapak ng mga paa sa mga bulok na dahon. May tao. Bahagya kong nilihis ang aking sarili para tingnan ang ibaba. Nakita ko si Kein na nakapamulsa. Dito siya mismo huminto kung saan ako nakahiga. Walang duda na napansin niya ako.“Hindi ba dapat kasama mo ang kapatid ko?” Kahit nakapikit ako at mahina ang aking pagsasalita. Alam kong narinig niya dahil kami lang ang nandidito, masyadong tahimik.“Kasama mo lang kanina.” Iba ang kaniyang pananalita. Simula nang ulitin niya ang kaniyang ginawa, ganiyan na siya umasta. Hindi na ngumingiti. Hindi ko mawari kung saan a
Kein’s POVNakatayo ako ngayon sa balkonahe. Ang mga tingin ko ay na kay Thrizel lamang. Pagkatapos naming mag-almusal, dumiretso agad ako rito para magpahangin. Mahangin naman sa baba, malakas nga lang dito kaya ito ang pinili ko. Nalibot ko naman na ang buong hacienda, hindi ko na kailangang maglakad-lakad pa. Sapat na ang aking mga nakita rito. Tumutulong kasi si Thrizel sa mga babaeng kawani. Nagdidilig sila ng mga halaman, nandoroon din ang kaniyang nanay. Halata namang hilig ni Tita Threa ang magtanim. Hindi maalis sa isip ko ang kaniyang mga ngiti. Sa pagtitig ko, kabisado ko na ang kaniyang pagkatao.“Hindi kaya matunaw iyan?” Nagulat ako sa boses na narinig ko sa aking likuran. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako dahil siya ang lalaking galit na galit sa akin.“Link...” Pagbanggit ko nalang. Muli akong lumingon sa babaeng tinitingnan ko. Hanggang ngayon, may ngiti pa rin sa kaniyang labi. “Anong ginagawa mo rito? Nakakapagtaka lang. Hindi naman tayo malapit sa isa’t is