Share

Chapter 127:

Kein’s POV

Nakatayo ako ngayon sa balkonahe. Ang mga tingin ko ay na kay Thrizel lamang. Pagkatapos naming mag-almusal, dumiretso agad ako rito para magpahangin. Mahangin naman sa baba, malakas nga lang dito kaya ito ang pinili ko. Nalibot ko naman na ang buong hacienda, hindi ko na kailangang maglakad-lakad pa. Sapat na ang aking mga nakita rito.

Tumutulong kasi si Thrizel sa mga babaeng kawani. Nagdidilig sila ng mga halaman, nandoroon din ang kaniyang nanay. Halata namang hilig ni Tita Threa ang magtanim. Hindi maalis sa isip ko ang kaniyang mga ngiti. Sa pagtitig ko, kabisado ko na ang kaniyang pagkatao.

“Hindi kaya matunaw iyan?” Nagulat ako sa boses na narinig ko sa aking likuran. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako dahil siya ang lalaking galit na galit sa akin.

“Link...” Pagbanggit ko nalang. Muli akong lumingon sa babaeng tinitingnan ko. Hanggang ngayon, may ngiti pa rin sa kaniyang labi. “Anong ginagawa mo rito? Nakakapagtaka lang. Hindi naman tayo malapit sa isa’t is
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status