Thrizel’s POVDUMATING ang gabi. Kakatapos lang namin kumain. Sa ngayon ay nag-aayos sila ng tent dahil magtatakip silim na. Nagsisindi na rin naman ng bonfire si Gio. Siya ang nag-asikaso niyon. Ako ay nakaupo lang dito sa tent, maayos naman na ang aking binti kaya nakakalakad na ako. Ika-ika nga lang, kailangan pa akong alalayan.Hinanap ng mga mata ko si Thrale dahil hindi ko makita. Nangunot ang noo ko dahil kulang kami ng dalawang kasama. Sina Thrale at Rya ang nawawala, saan nagpunta ang dalawa? Iisipin ko palang na magkasama sila parang sumisikip na ang dibdib ko. Tatayo sana nang magsalita sa aking tabi si Brooks. Kakapunta niya palang sa akin.“Saan ka pupunta? Binabantay ka sa akin ni Thrale.” Kinakain niya ang nilutong ulam ni Ryke kanina. Sumandok ito at tinapat sa aking bibig. “Tikman mo, masarap magluto ang lokong ‘yon.”Sinubo ko ang pagkain. Napatango-tango ako dahil masarap nga iyon. Uminom ako ng tubig at tumayo na. Nagtaka pa si Brooks. Hindi ko siya pinansin, nagla
Thrizel’s POVDalawang araw na ang nakalipas simula nang dumating sina Manang Lory. Alam niyo ba ang nakakapagtaka? Arella ang tawag niya sa akin pero ngayon ay Thrizel na. Pakiramdam ko talaga ay may tinatago sila sa amin. May alam na rin kami ni Thrale roon pero kailangan pa talaga ng patunay. Sa ngayon, hindi ko muna iniisip ‘yon. Ayokong sumakit lang ang ulo ko.“Thrizel, kanina ka pa hinahanap. Anong ginagawa mo sa pool?” Tiningnan ko ang nagsalita. Walang iba kun’di si Sittie. Ayos naman ang pakikitungo niya sa amin hindi ‘gaya noong pumunta kami sa kanila. Hindi rin siya paladikit kay Thrale, mas pinili niyang kausapin ako. Nag-uusap kami pero hindi usap magkaibigan. Kumbaga, magkakilala lang.“Punta na ako.” Kaswal kong sagot. Nauna na siyang pumasok kaya sumunod na ako. Papasok na sana ng pinto nang biglang may magdoorbell.“Pakibuksan ang pinto, hija.” Kahit nasa pagtatahi si Manang Lory, naramdaman niyang papasok ako ng pinto.“Opo.” Magalang kong tugon. Pumunta na akong
Thrizel’s POVNandidito ako ngayon sa isang resto. Umagang-umaga ay umalis ako sa bahay para makipagkita kay Chef Sanchez. Siya ang nagmensahe sa aking makipagkita. Agad akong sumang-ayon doon.Sumimsim ako ng kape. “Mabait ba ang bagong manager? Hindi ‘gaya ni Tita Celine na masungit?”Bahagya siyang natawa sa aking sinabi. “Sobrang bait. Si Celine lang naman ang kilala kong ubod ng sungit."Muli akong nang-usisa. “Hindi mo ba siya namimiss? Ang tagal niyo na ring magkasama.”Humalukipkip siya. “Siyempre namimiss, malapit kami sa isa’t isa kahit minsan lang nag-usap. May puso ang matandang ‘yon kahit masungit. Alam mo bang bago siya umalis ay pinuntahan niya muna si Urie sa puntod? Sobrang sungit niya sa batang ‘yon.” Naghiwa ako ng cake at tumango-tango sa kaniya. “Nga pala, Thrizel. May kilala ka bang Callum? Nakausap ko ang aking kaibigan. May kaparehas daw ang kuya mo, Callum ang pangalan kaso marumi raw kumilos. Minsan nga, iyon pa raw ang hinahanap ng mga pulis.”Natigilan ako
Thrizel's POVNakasunod kami kay Thrale papasok ng bahay. Sa pagbukas niya ng pinto, sabay kaming natigilan ni Sittie nang makita naming sampalin siya ni mom. Hindi nakatakas sa aming mga mata ang pangyayaring ‘yon. Gulat na gulat ako dahil iyon ang unang beses na sampal ng aking nanay sa kuya ko. Sa likod ni mom, nandoroon si dad na agad napatayo. Natahimik kaming lahat. Kahit nakatalikod mula sa akin si Thrale, alam kong gulat ang kaniyang mukha.“M-Mom...” Bumabawi pa siya sa pagkagulat. Maayos pa ang pananalita dahil hindi alam ang dahilan kung bakit iyon ginawa ng aming nanay.Pumasok kaming dalawa nina Sittie. Sa gilid kami pum’westo dahil mukhang may pag-uusapan sila. Nakaharap ako ngayon sa kanilang dalawa. Nag-aabang lang ng sasabihin ni mom.“Why do you think I slapped you?” Ngayon ko lang narinig ang pananalita ni mom na sobrang sungit. Kahit kailan, hindi niya kami tinrato ng ganito kaya nakakapagtaka.“Mom...” Hindi pa rin alam ni Thrale ang gagawin. Nananatiling nakatay
Thrizel’s POV“Hey, wake up.” Rinig ko ang boses ni Link sa labas ng kwarto dahilan para dumilat ako. Napikit pa ng sandali dahil sa sinag ng araw. Tumayo ako at nag-unat. Tuluyan ko nang hinawi ang kurtina para lumiwanag sa kwarto. Nilingon ko ang wall clock para tingnan kung anong oras na. Alas-diyès na ng umaga. Mukhang napasarap ako sa aking tulog.Nakuha ko munang uminom ng tubig bago mapagpasiyahang bumaba. Wala akong taong nakita, mukhang lahat sila ay nasa hapagkainan pero masyadong huli ang gising ko, beripekadong ako nalang mag-isa ang kakain sa lamesa.Bumukadkad sila sa aking lahat habang kumakain. Hindi ko natatanongin dahil walang duda na ngayong oras lang din sila nagsigising. Napatabingi pa ako ng leeg dahil sumakit ang aking batok. Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog para makaramdam ng sakit sa katawan.“Good morning.” Umupo ako sa bakateng upuan. Naglagay ako ng pagkain sa plato. “Silas, nandirito ka?” Siya ang unang nakita ko nang bumungad sila. Hindi ko in
Thrale's POVSampong taon na ang nakalipas. I'm here now with Gio. I was really annoyed because I was sitting here in the back while he was teaching at the front. Yes, he's a teacher at the high school level. Hindi ba siya nagsasawa habang panay salita sa harapan? As a listened to his teach, ako ang napapagod. Kaya lang naman ako nandirito dahil off duty ako ng dalawang araw. I just wanted to disturb this man in his work because I had nothing to do at home kun'di ang humiga. Sinong hindi mabuburyo, hindi ba?"Really, Teacher Morales? After I wait a few hours, you won't go out with me?" Naglalakad kami ng sabay dito sa pasilyo. Kakatapos lang ng isang asignatura niya."I have a lot to do, Thrale. I still have lessons to learn. Why don't you focus on your work? Don't disturb me." Napaayos pa siya ng salamin niyang suot dahilan para mapanganga ako. Hays, mas lalo siyang naging seryoso. "Pumunta kang school na nakapants lang at white t-shirt? Bakit hindi ka nakapolice uniform? Ni hindi mo
Blue’s POVKanina pa ako palinga-linga dahil hindi ko mahanap ang aking hinahanap. Tawag ako nang tawag sa kaniya ngunit wala man lang sa aking lumalapit. Kakapakain ko palang sa kaniya kaya nakakapagtaka kung aalis siya. Tutal kaming dalawa lang naman ni tatay ang nandirito kaya sumigaw ako para magtanong. Kahit nasa taas siya, sa lakas ng boses ko, alam kong maririnig niya.“Tatay!” Umalingawngaw iyon damay ang itaas. Nahihilo na ako paikot-ikot sa bahay na ‘to.“Oh?” Iritasyon ang binungad niya sa akin. Sa araw-araw, puro yata kami pagtatalo lalo na’t nagduduty si Daddy Leo sa kaniyang trabaho. Hindi talaga ako mahal ni Thrale. Hmp.“Nakita mo ba si Smurf? Hindi ko pa hindi nakikita. Pumunta lang akong banyo e.” Bahagya pa akong ngumuso rito. Nagpapaawa.Masungit niya akong tiningnan. “Aba, nasa taas ako. Minsan ko lang hawakan ang aso mo. Tawagin mo kaya.” “Nakailang tawag na rin ako, walang lumalapit.”Nag-umpisa na naman akong maghanap. Pansin kong bumalik si tatay sa kaniyang
Thrale’s POVSa kinagawian, nagpawelcome party si dad. Sobrang dami ng bisita, kani-kaniya silang pag-uusap. Mas maraming bisita sa hardin dahil doon kinakausap ng aking mga magulang ang kanilang mga kaibigan. Nakakapagtaka nga dahil wala man lang dumadating na kaibigan ni Thrizel. Hindi pa rin ba siya nagbabago? Hindi pa rin ba siya nakikisalamuha at ayaw niya ng kaibigan? Kahit sina Aevie, wala akong nakita. Ayaw ba siyang kumustahin? Wala akong balita kay Amira dahil hindi nagkukwento itong si Elkhurt.Nandirito ako ngayon sa upuan, tapat ng pool habang umiinom ng beer. Katabi ko si Ryke na napahalf day sa kaniyang trabaho dahil dito. Hindi siya nadidistorbo sa trabaho pero para kay mom, kaya niyang lumiban, huh. Wow. Kapag sa akin ang daming dahilan? Lugi talaga ko sa mga ito. Ang mga tingin ko ay nasa iisang direksyon, na kina Blue at Thrizel na magkahapong magkasama. Kung kukumustahin niyo si Blue, nakukuha niyang ngumiti sa harap ng aking kapatid. May kinikilos din siyang iba d