Blue’s POVKanina pa ako palinga-linga dahil hindi ko mahanap ang aking hinahanap. Tawag ako nang tawag sa kaniya ngunit wala man lang sa aking lumalapit. Kakapakain ko palang sa kaniya kaya nakakapagtaka kung aalis siya. Tutal kaming dalawa lang naman ni tatay ang nandirito kaya sumigaw ako para magtanong. Kahit nasa taas siya, sa lakas ng boses ko, alam kong maririnig niya.“Tatay!” Umalingawngaw iyon damay ang itaas. Nahihilo na ako paikot-ikot sa bahay na ‘to.“Oh?” Iritasyon ang binungad niya sa akin. Sa araw-araw, puro yata kami pagtatalo lalo na’t nagduduty si Daddy Leo sa kaniyang trabaho. Hindi talaga ako mahal ni Thrale. Hmp.“Nakita mo ba si Smurf? Hindi ko pa hindi nakikita. Pumunta lang akong banyo e.” Bahagya pa akong ngumuso rito. Nagpapaawa.Masungit niya akong tiningnan. “Aba, nasa taas ako. Minsan ko lang hawakan ang aso mo. Tawagin mo kaya.” “Nakailang tawag na rin ako, walang lumalapit.”Nag-umpisa na naman akong maghanap. Pansin kong bumalik si tatay sa kaniyang
Thrale’s POVSa kinagawian, nagpawelcome party si dad. Sobrang dami ng bisita, kani-kaniya silang pag-uusap. Mas maraming bisita sa hardin dahil doon kinakausap ng aking mga magulang ang kanilang mga kaibigan. Nakakapagtaka nga dahil wala man lang dumadating na kaibigan ni Thrizel. Hindi pa rin ba siya nagbabago? Hindi pa rin ba siya nakikisalamuha at ayaw niya ng kaibigan? Kahit sina Aevie, wala akong nakita. Ayaw ba siyang kumustahin? Wala akong balita kay Amira dahil hindi nagkukwento itong si Elkhurt.Nandirito ako ngayon sa upuan, tapat ng pool habang umiinom ng beer. Katabi ko si Ryke na napahalf day sa kaniyang trabaho dahil dito. Hindi siya nadidistorbo sa trabaho pero para kay mom, kaya niyang lumiban, huh. Wow. Kapag sa akin ang daming dahilan? Lugi talaga ko sa mga ito. Ang mga tingin ko ay nasa iisang direksyon, na kina Blue at Thrizel na magkahapong magkasama. Kung kukumustahin niyo si Blue, nakukuha niyang ngumiti sa harap ng aking kapatid. May kinikilos din siyang iba d
Thrale's POVNandirito ako ngayon sa bintana ng bahay nila Gio. Ilang araw na ang lumipas simula nang mag-usap kami ng aking kapatid. Hindi na nasundan iyon dahil parang iwas na iwas siya sa akin. Ngayon, ang mga mata ko ay nakatingin sa iisang direksyon. Nasa bintana pero ang tingin ay nasa ibaba. Nakatingin sa labas kung saan kakababa lang ni Thrizel sa kotse ni Blue. Oo, magkasama na naman sila ni Blue. Na naman dahil halos araw-araw. Kakatapos lang ng aking duty, nakapolice uniform pa akong pumunta sa kaarawan ni Gia. Hindi naman ako pupunta kung hindi ako kinulit ng batang 'yon. Hindi raw ako makakapasok sa bahay nila kapag hindi niya ako nakita ngayon. She's 15 years old now pero tila mala-lumang Blue ito kung mag-isip. Masyadong bata. Siya yata ang nagmana ng ganoong ugali ng lalaking 'yon."You can't take your eyes off to your sister." Rinig kong sabi ni Gio. Kahit nasa laptop ang kaniyang paningin, alam niya pa rin kung kanina ako nagmamasid. "Are you jealous? Dapat masanay
Thrale’s POVIlang araw na ang lumipas. Nandito kaming dalawa ni Dominic sa presinto habang kausap si Captain na kasama rin sa aming kaso. Gustong makausap ni Dominic ng harapan ang witness na baka may makuha siyang ibang ebidensya rito. Ngayon, dalawang video ang binigay. Pinanood namin ang dalawa, ang nauna ay nagtapos sa oras na isang minuto at labing tatlong segundo. Ang pumangalawa naman ay isang minuto at isang segundo. Hindi putol ang mga kuha dahil napanood namin ang pangyayari kung paano pinatay ang biktima.“Kaninang umaga, may lalaking patay na inaanod sa ilog.” Striktong sabi ni Captain. Iniisip kung anong susunod na sasabihin. “Sa pangatlong video, masasabi kong iyon ang lalaking pinatay kagabi. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Tagong-tago ang mukha ng alkalde. Hindi natin p’wedeng arestuhin nalang iyon.”Nangunot ang noo ni Mr. Reyes sa wika ni Captain. Mukhang hindi sang-ayon sa desisyon. “May apat na tayong ebidensya! Kung hindi sila maniniwala, ididiin ko ang hayop
Thrale’s POVLahat kami ay nandirito sa korte, maging ibang pulis at detective. Sa argumentong ito, kasama ni Dominic ang aking kapatid. Kasama naman ni Thrizel sina Link at Blue. Natahimik kami nang mag-umpisa na ang argumento. Nailabas na rin naman ang ibang ebidensya.Ang unang bumida ay si Mr. Sanford. Mayor Valencia’s lawyer. “I call Mrs. Valencia for the stand.” Tumayo ang asawa ng alkalde. Agaran itong nagpaliwanag. “I’m the wife of Mayor Valencia.” Lahat kami ay nakikinig sa susunod nilang sasabihin.“So Mr. Valencia, what can you say about your husband’s case?” Mr. Sanford asked.“Hindi iyon magagawa ng asawa ko dahil malinis ang intensyon niya sa aming barangay.” Ang mga tingin niya ay na kay Mayor Valencia na seryoso lamang ang reaksyon. “Tuwing gabi, hindi umaalis ang asawa ko. Araw-araw siyang subsob sa trabaho kaya pagpatak ng takip-silim, agad na malalim ang tulog niya.”Napatango-tango si Mr. Sanford. “He never really go out at night? In all the evidence, there’s a mo
Thrizel’s POV“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”Sa tanong siya, nat
Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s
A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi