Thrale’s POVMatapos ang kaunting pagdiriwang na ‘yon, wala namang nagbago. Nandidito na naman kaming lahat sa iisang lamesa, kumakain ng umagahan. Ewan ko ba, maganda naman ang gising ko pero hindi ko magawang ngumiti ngayon. Ang mga tingin at kilos ko ay pangtamad. Halos mapako na nga lang ang baba ko sa aking palad dahil pulos sabong-baba ang aking ginagawa. Laking pasasalamat ko rin na hindi ako nahahalata ng aking mga magulang. Tiyak akong magtatanong sila.“Napag-usapan pala namin ng daddy mo.” Kahit nagsalita si mom, hindi ko nakuhang lingunin. “Next month is the school year. Your daddy and I decided to go on a family trip.” Hindi ako interesado. “Thrizel, baby. Saan mo naman gustong pumunta?”Rinig kong napatikhim ang aking kapatid. “Uh, kahit saan, mom. Kasama naman ako.”“How about beach? Magstay tayo ng onenweek sa resort.”Napaharap ako kay mom dahil doon. “Kakapunta lang namin diyan sa resort nila Kein, mom.” “Mommy is right! Tara na’t magbeach!” Tuwang-tuwang sigaw ng b
Thrale’s POVMatapos ang pagsasama namin ni Thrizel. Nandidito ako ngayon sa puno, nakahiga. Malapit-lapit na ang paglubog ng araw. Sa ganitong oras, tinatamad ako kaya mas pinili kong magpahinga. Ewan ko rin doon sa mga kaibigan ko, sasama raw sila pero hanggang ngayon wala pa rin akong naririnig na sinisigaw nila ang aking pangalan. Mukhang sa iba ito pumunta.Napahinga ako nang malalim. Pipikit na sana nang may marinig akong yapak ng mga paa sa mga bulok na dahon. May tao. Bahagya kong nilihis ang aking sarili para tingnan ang ibaba. Nakita ko si Kein na nakapamulsa. Dito siya mismo huminto kung saan ako nakahiga. Walang duda na napansin niya ako.“Hindi ba dapat kasama mo ang kapatid ko?” Kahit nakapikit ako at mahina ang aking pagsasalita. Alam kong narinig niya dahil kami lang ang nandidito, masyadong tahimik.“Kasama mo lang kanina.” Iba ang kaniyang pananalita. Simula nang ulitin niya ang kaniyang ginawa, ganiyan na siya umasta. Hindi na ngumingiti. Hindi ko mawari kung saan a
Kein’s POVNakatayo ako ngayon sa balkonahe. Ang mga tingin ko ay na kay Thrizel lamang. Pagkatapos naming mag-almusal, dumiretso agad ako rito para magpahangin. Mahangin naman sa baba, malakas nga lang dito kaya ito ang pinili ko. Nalibot ko naman na ang buong hacienda, hindi ko na kailangang maglakad-lakad pa. Sapat na ang aking mga nakita rito. Tumutulong kasi si Thrizel sa mga babaeng kawani. Nagdidilig sila ng mga halaman, nandoroon din ang kaniyang nanay. Halata namang hilig ni Tita Threa ang magtanim. Hindi maalis sa isip ko ang kaniyang mga ngiti. Sa pagtitig ko, kabisado ko na ang kaniyang pagkatao.“Hindi kaya matunaw iyan?” Nagulat ako sa boses na narinig ko sa aking likuran. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako dahil siya ang lalaking galit na galit sa akin.“Link...” Pagbanggit ko nalang. Muli akong lumingon sa babaeng tinitingnan ko. Hanggang ngayon, may ngiti pa rin sa kaniyang labi. “Anong ginagawa mo rito? Nakakapagtaka lang. Hindi naman tayo malapit sa isa’t is
Thrizel’s POVPauwi na kami ngayon. Isang linggo rin kaming namalagi. Simula nang umuwi si Thrale, wala na akong gana. Halos magkulong na nga lang ako sa kwarto kung hindi pa ako yayayain ni Kein na lumabas. Nakakaburyo kapag hindi namin kasama si Thrale. May parte sa aking hinahanap ko ang presensya niya. Dahil ba nakasanayan ko siya?“Sana ay makabalik kayo.” Nakangiting turan sa amin ni Mang Boy.“Sige po, Mang Boy. Una na kami.”Matapos ang maayos na pamamaalam. Sumakay na kaming lahat sa van. Ang katabi ko ay Silas. Nakakapagtaka dahil hindi man lang siya kumikibo. Ang atensyon niya ay nasa aso lamang. Ni isa sa amin ay wala siyang pinapansin. Gusto ko sanang tanongin kung anong problema pero ‘gaya niya, wala rin akong gana makipag-usap sa iba. Tahimik ang buong biyahe. Ang mga maiingay ay tulog. Hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip. Nang malapit na kaming makauwi, nagkakaroon ng pagkasabik sa aking pagkatao. Para bang matutuwa ako kapag nakarating sa bahay. Ang unang hinatid
Thrizel's POV"Mom, aalis kami ng mga kaibigan ko. Magsasaya lang naman po, walang gagawin. We'll stay at the hotel, I don't know yet when we will go home." Napatingin ako kay Thrale na nakaharap sa salamin. Ang dami niyang dalang gamit. Hindi ko alam na aalis pala sila at saka sinong kaibigan? Hays, pakiramdam ko may iba pa itong kakilala.Napalingon sa kaniya si mom na abala sa pagsasaayos ng mga flower vase. Pinaghihiwalay-hiwalay ang mga bulaklak. "Ilang araw kayong nandoroon? Bilisan mo dahil dadating na sila Manang Perry. Mag-istay naman pala kayo sa hotel, bakit ang dami mo pang dala?" Pansin ko rin 'yon. "Uh, diretso po kaming hotel pero hindi ko pa po alam kung anong gagawin namin." Nang matapos niyang ayusin ang kaniyang buhok. Binuhat niya na ang bag niyang dala. "Hindi po yata kami magtatagal. Don't worry, I'll update kung anong mga ginagawa ko.""Osige na, mag-ingat ka. I-text mo ako kung nakarating ka na." Nagpagpag ng kamay si mom para halikan si kuya sa pisngi. Umang
Thrizel's POVNakarating na kaming party. Sa labas palang ay marami ng tao. Karamihan ay grupo-grupo sa p'westo. May umiinom, may sumasayaw sa dance floor at may kumakanta sa stage. Masyadong maingay. Kaming sampo ay sabay-sabay na pumasok. Nauna si Xia na sinasabi ni Rya na ito ang may kaarawan. Maraming sumasalubong sa kaniya para bumati. Ganitong event pala ang gusto niya, mayayaman nga naman."Tara, sa loob tayo." Nginitian niya kaming nasa kaniyang likuran.Nakahawak pa rin ako sa braso ni Thrale, naglalakad kami papasok. Naiilang ako dahil tinitingnan ako ng ibang lalaki. Sinulyapan ko ang aking kuya, nasa iisang direksyon lang ang kaniyang paningin. Ayaw ilibot ang paningin dahil sa mga babaeng pinagnanasahan siya. Oo, kung tingnan nila si Thrale, tila nila itong hinububaran. Mabuti at mahaba ang pasensya nito.Nang makapasok kami sa loob, dilim ang bumungad ngunit may ilaw naman, iba-iba nga lang ang kulay. Sobrang dami ring tao rito, karamihan ay kasing-edaran ni Thrale o nil
Thrizel’s POVNaiwan akong mag-isa rito sa kotse. Ilang minuto lang naman iyon dahil dumating si Thrale. Umurong ako sa upuan kung saan ang passenger seat dahil diretso siya sa driver seat. Hindi niya ako tinitingnan, iwas na iwas siya sa akin kaya wala akong ibang nagawa kun’di ang mapabuntong hininga. Sinara niya ang pinto at binuksan na ang mahina ng kotse. Bago siya magmaneho. Nagsalita ito habang nakatingin sa labas. “Uuwi na tayo.”“Bakit hindi mo man lang ako pinapansin? Nagsorry naman na ako.” Inilihis ko ang tingin ko sa kaniya. Tinuon ko sa labas dahil grabe ang kaniyang galit sa akin. Naramdaman ko ang kaniyang tingin na sinuyod ang aking kabuoan. “Tingnan mo nga ang hitsura mo. Sirang blazer, necktie nalang ang nakasuporta sa suot mo para matakpan ‘yang katawan mo. Look at your legs, hindi mo ba iyan tatakpan? Lalaki ang nagmamaneho.” Naibaba ko ang laylayan ng blazer. Napailing-iling siya. “Hindi nag-iingat. Isa pang pangbabastos ng lalaki sa ‘yo, lalabas kang nakapanja
Thrizel’s POVDUMATING ang gabi. Kakatapos lang namin kumain. Sa ngayon ay nag-aayos sila ng tent dahil magtatakip silim na. Nagsisindi na rin naman ng bonfire si Gio. Siya ang nag-asikaso niyon. Ako ay nakaupo lang dito sa tent, maayos naman na ang aking binti kaya nakakalakad na ako. Ika-ika nga lang, kailangan pa akong alalayan.Hinanap ng mga mata ko si Thrale dahil hindi ko makita. Nangunot ang noo ko dahil kulang kami ng dalawang kasama. Sina Thrale at Rya ang nawawala, saan nagpunta ang dalawa? Iisipin ko palang na magkasama sila parang sumisikip na ang dibdib ko. Tatayo sana nang magsalita sa aking tabi si Brooks. Kakapunta niya palang sa akin.“Saan ka pupunta? Binabantay ka sa akin ni Thrale.” Kinakain niya ang nilutong ulam ni Ryke kanina. Sumandok ito at tinapat sa aking bibig. “Tikman mo, masarap magluto ang lokong ‘yon.”Sinubo ko ang pagkain. Napatango-tango ako dahil masarap nga iyon. Uminom ako ng tubig at tumayo na. Nagtaka pa si Brooks. Hindi ko siya pinansin, nagla