Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi.
"Cheska, gising na malapit na tayo."
Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza.
Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya.
Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay nakikita ko lang sa mga palabas sa TV. "Wow, ang ganda,” bulong ko sa aking sarili.
"Malapit na kami. Ah nandiyan ka na manong, okay okay thanks bye!" saad ni Tita Bubbles kaya liningon ko ito na may kausap sa cellphone.
Maya-maya pa ay tumigil na ang bus. Tumayo na kami ni Tita Bubbles at tinulungan ko siyang bitbitin ang isang bag niya. Pagkababa namin may lumapit sa amin na lalaki at kinuha na ang mga bitbit namin.
"Tara na," saad ni Tita bubbles sa akin.
Binuksan niya ‘yung pintuan ng kotse at kahit nahihiya akong sumakay wala na rin ako nagawa kundi tumabi na lang sa kanya.
"Kotse niyo po ito?" tanong ko at tumango-tango lang siya.
Hindi na ako nagsalita pa at dumungaw na lang sa bintana. First time kong makapunta dito sa Maynila at first time ko ring sumakay sa isang kotse wala naman kasing ganito sa amin para lang sa mga mayayaman ang mga malalamig na sasakyan. Tuwang-tuwa ako nang makakita ng mga totoong buildings na napakataas at pati yung mga mall tapos ang dami ring mga kotse sa kalsada mayroon pang train sa itaas at mga taxis. Sobrang laki nang pinagkaiba sa probinsya at dito sa siyudad, ang panget lang na napansin ko rito ay wala masyadong puno.
"Finally, makakauwi na rin tayo!" ani Tita Bubbles na sobrang excited makauwi, siguro miss na miss niya na ang kanyang pamilya.
"Sir Bobby, pumunta po pala si Sir Johann sa bahay niyo kahapon, hindi niya daw po kasi kayo ma-contact. Ang sabi niya kailangan niyo raw pong mag-usap.” Napalingon ako sa sinabi ni manong, at ngayon pinapanood ko siya habang nagdradrive, maya-maya pa nakadungaw na ako ulit sa bintana dahil may nakita akong malaking poster ito yata ‘yung sinasabi nilang billboard.
"Hayaan mo siya! Kaya nga ako sumakay ng bus para makapag-isip at hindi makarating agad dito kasi sigurado guguluhin nanaman niya ang buhay ko," sagot naman ni Tita Bubbles at tanging tango lang naman ang naging sagot ni manong.
Nang makapasok na kami sa isang lugar na puro bahay ay napanganga na lang ako. Bawat madaanan kong bahay ay napakaganda at napakalaki. Nakakatuwa namang pagmasdan ito para talaga akong nasa TV. Sabay kaming bumaba ni Tita Bubbles sa kanyang sasakyan at tumambad sa akin ang isang malaking bahay. Mas maganda pa sa mga nadaanan namin kanina. Mayroon itong pine trees sa gilid at iba’t-ibang uri ng halaman at bulaklak. Napatunganga na lang ako sa harap ng bahay, totoo ba talaga ‘to? Sa gate pa lang na pagkalaki-laki alam mo nang hindi ito basta-bastang bahay.
Nagulat ako nang may lumapit sa aming mga babae na nagsilabasan sa malaking gate ng bahay ni Tita Bubbles. "Ipasok mo na ‘yan manang sa loob," utos ni Tita Bubbles at itinuro ang mga gamit niya.
"Pasok na tayo at nang makapagpahinga ka na," pag-anyaya niya sa akin.
Pagpasok namin mas napanganga ako sa sobrang ganda. Ang linis at ang laki ng bahay. Beige and white ang kulay sa loob nito, wala na akong masabi kundi wow talaga. Ang presko nito sa mata hindi lang dahil sa kulay kundi dahil sa liwanag na nagmumula sa labas. Natanaw ko sa kanang bahagi na may isang malaking pintuan ang nakabukas. Lumapit ako doon at bumungad sa akin ang isang garden.
Linapitan ako ni Tita Bubbles at kinalabit ako sa aking balikat. "Nagpahanda na ako ng makakain natin at syempre may cake, spaghetti at marami pang iba," aniya sabay ngiti sa akin.
"Happy birthday, Cheska!" bati sa akin ni Tita Bubbles.
Maya-maya pa may lumapit sa akin na babae hawak-hawak ang chocolate cake na may nakasinding dalawang kandila na hugis numerong 2 at 0. Binati at kinantahan nila akong lahat, sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan ang ganito hindi ko alam pero parang mas lalo akong nalungkot na maaalala na birthday ko pala ngayon at kahapon lang ay trinaydor ako nila nanay.
Kumain muna kami kasama ang mga kasama ni Tita Bubbles sa bahay. Natutuwa ako sa pagiging mabait niya sa kanyang mga tauhan. Paulit-ulit din akong nagpasalamat kay Tita Bubbles sa paghanda para sa birthday ko pati rin kila manang na naghanda ng mga pagkain para sa akin. Lahat sila mababait sa akin, kinakausap din nila ako at tinatanong ng mga kung anu-ano tungkol sa akin. Ang hirap lang sagutin nang tanungin na nila ako kung bakit ako napunta rito mabuti na lang at sinalba ako ni Tita Bubbles.
"Halika akyat na tayo sa taas," yaya niya sa akin nang mapansin niyang hindi na ako komportable sa pinag-uusapan namin ngayon.
Nandito na kami ngayon sa kanilang grand staircase ‘di ko akalain pati sa hagdanan mapapanganga ako. Malapad kasi ito at gawa sa mamahaling kahoy pati rin ang kanyang hawakan ay ganun din. Tumingala ako sa itaas sa may gitna kasi ng kisame nakita ko ang isang nagniningning na pabilog na bagay na gawa sa salamin meron itong mga ilaw sa paligid at napakaganda pagmasdan.
Halatang mayaman ang nakatira dito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay sa buong buhay ko, parang ‘yung mga bahay lang sa teleserye sa TV gano’n na gano’n ang dating. Dalawang palapag ang bahay ni Tita Bubbles, pero sobrang laki. Siguro marami silang nakatira dito ng pamilya niya.
"Nandito po ba ang pamilya niyo?" tanong ko sa kanya habang umaakyat kami sa hagdan.
"Ako lang ang nakatira dito at saka yung mga maids and drivers ko. Kaya ‘wag ka mag-alala okay na okay lang na tumira ka dito," aniya at tinuro sa akin ang daan.
Parang nahulog ang panga ko sa sinabi ni Tita Bubbles na siya lang ang nakatira rito. Nakakalungkot naman yata ‘yon. Kumaliwa na kami dahil papunta raw 'yon sa guest room. Pagkapasok namin sa kwarto na 'yon napanganga na naman ako sa napakagandang kwarto.
"Ang ganda naman po dito!" bulalas ko nang makita ko ang guest room.
Hindi ko magawang pumasok sa loob dahil natatakot ako madumihan 'yong carpet. Ayaw kasi ipaalis ni Tita Bubbles 'yong sapatos ko kanina dahil malamig daw ang sahig kaso ang dungis ng sapatos ko.
"Halika na, pasok ka na rito.”
"Wait lang po, tanggalin ko lang po itong sapatos ko. Nakakahiya po kasi baka madumihan ko 'tong carpet." Sabay tanggal ng madungis kong doll shoes, naalala ko tuloy ‘yung pagtakbo ko kagabi sa centro ng Esperanza kung saan-saan ako sumuot para lang tumakas sa mga guards kagabi.
"Ikaw talagang bata ka! Ayos lang yan 'no at saka magiging kwarto mo na 'to. Ito oh, suotin mo." Inilagay niya sa tapat ko ang isang cute na slippers, malaki sa akin ito pero ang sarap sa pakiramdam dahil napakalambot nito sa paa. Sinuot ko ito at napatitig ulit sa kwarto.
"H-Hindi na po, ayos lang naman po ako kahit saan. Sanay naman po ako sa maliit na kwarto lang kahit nga sa sahig lang po ako matulog o bodega."
"Cheska, hindi kita hahayaan na matulog sa gano'ng klaseng kwarto. Halika na dito sa kwarto mo," aniya at pinagdiinan ang mga huling salita.
Hindi na ako umimik at sumunod na lang sa utos niya. Ang bait-bait talaga ni Tita Bubbles kaya siguro pinagpala siya nang todo dahil busilak ang puso niya. Napaupo ako sa silyang naroroon samantalang si Tita Bubbles naman ay inaayos ‘yung mga hanger sa cabinet.
"Ano na ang balak mo, iha?" biglaang tanong niya sa akin.
"Gusto ko po sanang maghanap ng trabaho," naiilang na sagot ko kay Tita Bubbles.
Tinitignan na kasi niya ako nang maigi habang nakaupo ako dito sa maliit na silya. "Alam mo kasi Cheska masyadong matindi ang pinagdaanan mo, kaya hindi kita papayagan na magtrabaho sa ngayon. Pero kung gusto mo talaga, wala naman akong magagawa do’n basta tandaan mo nandito lang ako palagi para sa'yo."
Napangiti ako sa sinabi niya at bigla namang nag-iba ang reaksyon niya. "Ay teka matanong ko lang, may lahi ka ba?"
Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin? Kung hindi ba ako purong Pinoy?
"What I mean is kung foreigner ba 'yong mama or papa mo?" aniya at tinignan ako nang maigi.
Umiling ako nang bahagya, hindi ko naman alam kung ano isasagot ko eh.
"Brown eyes at mapungay, matangkad ka at maputi. Ang ganda rin ng katawan mo, at saka iba 'yong mukha mo very attractive." Pumalakpak na lang siya bigla, at tumigil tila ba nag-iisip.
"Tita Bubbles?" nagtatakang tawag ko sa kanya.
"Gusto mo ng trabaho, ‘di ba?"
"Uhmm... opo." Nahihiyang sagot ko kasi alam ko naman na hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral ano naman kaya pwede ko maging trabaho dito sa siyudad.
"Ipapasok na lang kita sa mga amigas ko!" Sabay kuha ng kanyang napakagandang cellphone.
"Anong trabaho po ba 'yon?" tanong ko agad sa kanya. May tiwala naman ako kay Tita Bubbles kaso kasi na-trauma lang talaga ako sa huling nag-alok sa akin ng trabaho.
"Model,” simple niyang saad at hindi niya napansin ang reaksyon kong gulat na gulat.
Nagsimula na siyang magtipa sa cellphone niya na nagpataranta naman sa akin lalo. "M-Model?! A-Ako po?" Napatayo ako sa silyang kinauupuan ko. Hindi ko naman sinasadya na mapalakas ang aking boses, kaya dahan-dahan akong umupo ulit habang nakatakip sa aking bibig.
"Yes, why not? Alam mo kasi bagay na bagay ka do’n. Actually, pwede ka ngang pang-artista, kaya ewan ko ba kung ba't pa nagawa ng mommy mo na ibenta ka doon," aniya at bigla naman ako napatikom sa aking bibig. "I don’t intend to hurt you but it’s the truth. Kung gusto niya pagkakitaan 'yang ganda mo, sa magandang paraan na lang sana. Dapat pinag-artista ka na lang niya or pinasok ka sa mga beauty pageant, pasok na pasok ka do’n!" saad ni Tita Bubbles.
Inisip ko kung kaya ko ba mag-model. Wala naman kasi akong alam sa mga gano'ng bagay, hindi ko nga kayang mag-pose o maglakad sa madaming tao. Iniisip ko pa lang, nahihiya na ako!
Nalaman ko ring isang retired talent manager pala si Tita Bubbles. Ang dami na pala niyang mga napasikat na artista at model. May iba pa siyang nahawakan na ngayon ay beauty queen na, pero ngayon mas focus na siya sa kanilang family business at itinigil ang kung anumang koneksyon sa industriyang kinabibilangan niya noon.
"Ano, Cheska? Interesado ka ba maging model? Pwede kitang hanapan ng modeling agency and pwede naman ako na lang manager mo."
Napabalik ako sa aking katawang lupa ngayon dahil sa biglaang pagtanong ni Tita Bubbles. "Uhmm... Tita Bubbles ano po kasi, hindi ko po kaya eh. Opo kailangan ko nga po ng trabaho pero kasi wala kasi akong alam sa mga ganyan," saad ko sa kanya pero binigyan niya pa din ako nang napakatamis na ngiti.
"Nako syempre may training naman ‘yon, pero okay lang naiintindihan kita. Basta once na maging interesado ka. Sabihan mo ako kaagad at tutulungan kita, okay?" Tumango naman ako kaagad at lumapit siya sa akin para yakapin ako.
Ang sabi ni Tita Bubbles magpahinga na muna daw ako at mamaya may pupuntahan kami. Habang nakahiga ako sa napakaganda at napakalambot na kama na ito naisip ko ang nangyari sa akin sa Esperanza. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngayon. Wala akong kaalam-alam dito, wala rin akong kamag-anak o kakilala man lang, wala rin akong papeles na dala-dala.
Kumusta na rin kaya sina nanay doon? Nakokonsensya na kaya sila? Nabalitaan na kaya niya ang nangyari? Hinahanap na din siguro ako ng aking kaibigan na si Janine dahil hindi ako nakapasok ngayong araw lalo na malapit na ang exam namin.
"Paano na ako nito? Ano ng gagawin ko sa buhay ko?" bulong ko sa aking sarili habang tinitignan ang kamay ko. Binitawan na lang ako kaagad ni nanay nang makarati kami doon sa club na iyon. Dugo at laman niya ako, paano niya nagawa sa akin ‘yun?
Bumuhos nanaman ang aking mga luha. Hindi talaga ako makapaniwala na sa isang iglap lang biglang nagbago ang lahat. Nagbago ang buhay ko.
Ngayon naririto na ako sa siyudad pero kailangan kong makahanap ng trabaho agad dahil sobrang abala na ang binibigay ko kay Tita Bubbles. Ang laki nang tinulong niya sa akin. Hindi naman pwedeng umasa na lang ako sa kanya habang nandito ako sa siyudad kaya kahit ano mangyari kailangan kong bumangon at magsimula nang bagong buhay.
Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles
Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta
Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa
Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an
Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m
Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu
Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya

Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay