Home / All / Lovelies / Kabanata 2

Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2021-08-23 20:17:00

Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila.

"Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik.

Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng mga problema ko.

"Nako, nangbobola ka pa! Pero alam mo salamat talaga sa lahat. Alam mo ‘yung presensya mo pa lang sobrang laking tulong na sa akin," saad ko.

"Hala ka! Nagdra-drama na yan? Tara na nga mag-review na tayo bago pa tayo maiyak na dalawa dito!" saad niya at nagsimula na ulit kaming mag-aral.

***

Pag-uwi ko ng bahay galing sa trabaho bigla akong tinawag ni nanay mula sa kusina. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan sa biglaang pag-alala niya sa akin.

"Franceska!" sigaw ni Nanay.

"Bakit po?" sagot ko nang makalapit agad ako sa kinauupuan niya.

Nandoon din si Sarah na pana'y kuha ng litrato sa bagong cellphone niya. Sinulyapan ko lang siya nang saglit dahil nanlalaki nanaman agad ang mata niya sa akin.

"Wala ka na bang pera ha?" seryosong tanong sa akin ni nanay.

"Wala na po. Wala nga rin po ako pambili para sa mga kailangan ko sa school," saad ko.

"Kung gano'n tumigil ka na para 'di ka mamroblema!" Itinikom ko na ang bibig ko, hindi na ako sumagot pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Magpapaalam na sana ako nang bigla niya ulit akong tanungin. "May raket ka ba ngayon?Bukod diyan sa pinagtratrabahuan mo sa karinderya?"

"Wala po," agad kong sagot

Tumango-tango lang si Nanay habang nakatingin sa akin. Samantalang si Sarah naman ay sinandal ang kanyang siko sa lamesa at humarap na sa akin.

"Pwes, magkakaroon ka na sa lalong madaling panahon!" paniningit naman ni Sarah. "Galingan mo ah, para may pang tuition ako!" pahabol pa niya at pana'y tawa.

Hindi ko naman maintindihan kung ano ang pinagtatawanan niya kaya binalewala ko na lang ‘to kasi alam ko namang nang-aasar lang siya. Pagkatapos namin mag-usap ni nanay umakyat na ako sa kwarto ko para mag-review, ngunit hindi ko pala naisara ang pinto kaya nakapasok si Sarah at hinigit sa akin ang mga notebooks ko.

Tinignan ko lang si Sarah habang tinatakpan ang kanyang ilong. "Ang baho talaga ng kwarto mo kasing baho mo, Cheska!" aniya pagkapasok pa lang sa aking kwarto. "Akin na muna 'yong mga notes mo sa minor subjects na mayroon din ako. Dali! Magre-review ako!" Hinugot niya mula sa upuan 'yung bag ko kaya naman nakipag-agawan ako sa kanya at naging dahilan ito para matulak ko siya.

Sumama ang tingin niya sa akin at bigla siyang sumugod at hinila ang buhok ko. "Walanghiya ka! Ang lakas ng loob mong itulak ako, napakadamot mong babae ka! Bwiset, mamatay ka na!" Hinila-hila niya ang buhok ko.

Ginawa ko lang naman 'yon kasi alam ko namang hindi siya manghihiram at magre-review, kundi itatapon niya lang ulit 'yong notebook at bag ko sa basurahan sa labas katulad ng ginawa niya sa akin dati.

"Ano ba nangyayari dito?!" saad ni nanay kaya agad napatigil si Sarah.

"Ito! Ito kasi tong babaeng 'to, napakadamot!" Sabay turo niya sa akin at hindi pa siya nakuntento itinulak-tulak niya pa 'yung ulo ko.

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Sarah hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Nagkulong ulit ako do’n gaya ng palagi kong ginagawa at umiyak nang umiyak. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi na madamot ako halos lahat ng perang pinagtratrabahuan ko ay napupunta sa kanilang lahat. Hindi ako palanumbat na tao pero halos lahat ng meron kami ay galing sa akin. Mismo nga 'yung pang tuition fee rin niya pera ko 'yon, maski 'yung cellphone niya sa pera ko 'yon galing. Ako nga 'di ko mabilihan ‘yung sarili ko ng cellphone, samantalang siya papalit-palit pa.

Iniisip ko kung nandito ba ang tunay kong ama at kung kasama ko siya magiging ganito rin kaya ang buhay ko? Ganito rin kaya ang trato niya sa akin? O baka sa kanya ko maramdaman ‘yung aruga na hindi ko nakuha kay nanay. 'Yung pagmamahal na kailangan ng isang anak. Sagana naman ako sa pagmamahal ng aking lola pero masama bang maghangad na mahalin din ako ng magulang ko.

Napabangon ako sa kinahihigaan ko nang makarinig ako ng katok sa pinto. Baka si Sarah nanaman 'to. Hindi pa ba siya tapos?

"Cheska, buksan mo nga 'to!" sigaw ni nanay. Agad-agad ko naman binuksan ang pinto at iniluwa nito si nanay na may dala-dalang mga damit at isang maliit na box.

"Ano po 'yan, nay?" nagtatakang tanong ko habang sumusunod kay nanay na inilapag ang mga gamit na dala-dala niya sa isang silya.

"Mga lumang gamit ni Sarah, sa'yo na 'yan," walang gana niyang saad at naglakad na papalapit sa pinto nang bigla siyang magsalita ulit.

"Aalis tayo bukas nang gabi. Magbihis at mag-ayos ka, gamitin mo ‘yang mga gamit ni Sarah na binigay ko sa'yo, naiintindihan mo ba?" Agad-agad naman akong tumango at tuluyan ng lumabas si nanay sa aking kwarto.

***

"Cheska! Ano ba gumising ka na nga! Letse ka talagang babae ka, sasabay ako sa'yo ngayon kaya dalian mo!" sigaw sa akin ni Sarah na nakadungaw sa pinto ko.

Bumangon agad ako at kumaripas pababa papunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ko mag-asikaso nakita ko naman si Sarah na kumakain ng almusal sa kusina habang si nanay naman naghuhugas ng mga plato. Lumapit na ako sa lalagyan ng pingganan at dumiretso sa lamesa para kumuha ng sinangag, tinapa, at itlog, pero nagulat ako ng biglang tapikin ni Sarah ang kamay ko.

"Akin yan, magkape ka na lang!" aniya at umirap sa akin.

"Madami naman yan ah? At saka gutom na talaga ako," saad ko naman. Napapikit na lang ako sa mga sinabi ni Sarah dahil nakakapuno na rin 'tong kamalditahan niyang wala sa lugar. Pinagtrabahuan ko ang mga pagkain na 'yan tas hindi man lang ako makakatikim kahit konti.

"Aangal pa akala mo naman may magagawa!" Pagpaparinig niya sa akin at inirapan nanaman ako.

Sabay kaming pumasok sa eskwelahan syempre para makalibre raw siya ng pamasahe sa tricycle. Hindi ako nag-bike ngayon kasi wala akong pasok sa karinderya, at saktong-sakto naman kasi aalis daw kami ni nanay mamaya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero na-eexcite ako kasi unang beses ko pa lang lalabas na kasama si nanay kahit na sa raket lang na sinasabi niya ang punta namin.

Pagkatapos ng una kong subject dumiretso ako sa canteen sinamahan ko si Janine magkape kasi hindi pa siya nag-aalmusal samantalang ako nagre-review.

"Sipag mo talaga!" saad sa akin ni Josh na nakatayo sa harapan ko.

Kaklase namin siya sa isang minor subject at naging kagrupo ko kaya naman lagi niya ako linalapitan kapag nakikita niya ako.

"Hindi naman,” matipid kong sagot sa kanya.

Napangiti siya sa akin at lumabas ang dimple niya sa kanyang kaliwang pisngi. Napasarap ang kwentuhan namin nila Josh at Janine, ni hindi ko na namalayan na nasa harapan na namin si Sarah.

"Malandi ka talaga, ano? Kunwari nagre-review para mapansin! Hoy, impakta! Hindi mo ko madadaan sa ganyan at saka kahit anong review mo diyan hindi ka makakapasa kasi hindi ka makakapag-exam!" sigaw niya sa akin.

Nang makita ko si Sarah saka ko lang naalala na ex-boyfriend pala niya itong si Josh kaya medyo gets ko na kung bakit siya biglang nagwawala. Hindi ko lang maintindihan kung saan niya napulot ang ideya na hindi ako makakapag-exam. Fully paid na ako at pwedeng-pwede ako makapag-exam, siya ang may problema sa kanyang tuition fee kaya hindi ko alam kung saan nanggaling ang ideya niya na 'yon

“Sarah, tumigil ka na. Ano ka ba, nakakahiya!” rinig kong sabi ni Josh kay Sarah nang makalapit siya rito.

“Ha? At bakit naman ako titigil? Para sa’yo? Asa ka!” Inirapan nang ilang beses ni Sarah si Josh at binunggo ito nang lumapit siya sa amin. “Totoo naman ang sinasabi ko, kaya nga kahit mismong mama niya hindi siya mahal at pinaniniwalaan. Masyado ka kasing bait-baitan, ang plastic masyado!” aniya habang nakaduro sa akin.

"Sumosobra ka na ha! Para malaman mo 'yong tuition fee mo kay Cheska galing 'yon! Pinaghihirapan niya 'yon! Samantalang ikaw na may ulo pero walang laman easy-easy ka lang. Tas kung makaasta ka pa diyan akala mo naman napakalaki ng silbi mo sa mundo!" diretsong saad ni Janine habang dinuro-duro rin si Sarah.

"Ay girl, bakit ba masyado kang apektado? Eh hindi naman ikaw kinakausap ko! Ikaw ba si Cheska?!" sagot naman ni Sarah sa kanya.

Parehong matatalim ang kanilang mga tingin sa isa't-isa. Ngayon ko lang nakita si Janine magalit at halos yakapin ko na siya para lang tumigil ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Maya-maya pa naririnig ko na ang mahinang hikbi ni Janine sa sobrang galit kaya naman agad akong napalingon sa kanya at saka siya nagsalita ulit. “Hindi ako si Cheska. At kung ako man si Cheska hindi ko alam kung kaya ko ba kayong pakisamahan at tanggapin bilang pamilya. Hindi na kayo naawa sa kanya. Lahat ng kailangan at gusto niyo binibigay niya sainyo pero nagawa niyo pa siyang pagnakawan! Ang tindi niyo, mga wala kayong kaluluwa!"

Nakatayo na si Janine ngayon at nakaharap kay Sarah at kahit anong pilit kong paupuin siya hindi siya natitinag. Nakarinig na lang kami nang malakas na lagapak. Nakita ko kung paano sinampal ni Sarah si Janine. Agad-agad naman kaming pumagitna ni Josh para pigilan silang dalawa.

"Ang kapal naman ng mukha mo makisawsaw! Hoy! Para sabihin ko sa’yo wala kaming ninanakaw diyan! Wala ngang pera ‘yan eh! At isa pa kahit anong sabihin mo walang halaga sa akin ‘yan kagaya na lang ni Cheska walang halaga sa amin, lalo na sa mama niya!" mapang-asar na sinabi ni Sarah at bigla na lang siya sinugod ni Janine ng sabunot.

"Gaga! Ikaw ang makapal ang mukha, ikaw ang walang halaga! Nagkamali ka ng kinalaban mo dahil hindi ako papayag na ganyan-ganyanin mo si Cheska sa harap ko!" galit na saad ni Janine.

Naiiyak na lang ako habang pinapanood sila dahil sa akin kaya sila nag-aaway. Isa nga talaga akong malaking problema. Sinubukan kong hilahin si Janine at si Josh naman kay Sarah pero napahinto na lang kami nang biglang may sumigaw sa gilid namin

"What is happening here?!" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Ang dean ng aming Department ang nakasaksi sa kaibigan at kapatid ko na nagkakagulo.

Agad naman nanahimik ang loob ng canteen at napatigil sina Janine at Sarah sa kanilang pag-aaway. Pinatawag naman silang dalawa para magpaliwanag sa nangyaring insidente.

Lumapit naman muna sa akin si Sarah bago sumunod sa dean. Tinignan niya ako nang masama at linapit ang kanyang mukha sa akin. "Hindi kita gagantihan ngayon kasi sigurado ako lahat ng lakas nang loob mo ay mawawala rin ‘yan mamaya," bulong niya sa akin habang nakaismid.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Binaling ko na ang atensyon ko kay Janine na ngayon ay papaalis na sa table namin kasama ang dean.

Related chapters

  • Lovelies   Kabanata 3

    Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu

    Last Updated : 2021-09-23
  • Lovelies   Kabanata 4

    Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya

    Last Updated : 2021-09-24
  • Lovelies   Kabanata 5

    Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay

    Last Updated : 2021-09-30
  • Lovelies   Kabanata 6

    Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles

    Last Updated : 2021-10-22
  • Lovelies   Kabanata 7

    Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta

    Last Updated : 2021-12-12
  • Lovelies   Panimula

    Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa

    Last Updated : 2021-08-23
  • Lovelies   Kabanata 1

    Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an

    Last Updated : 2021-08-23

Latest chapter

  • Lovelies   Kabanata 2

    Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m

  • Lovelies   Kabanata 1

    Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an

  • Lovelies   Panimula

    Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status