Home / All / Lovelies / Kabanata 7

Share

Kabanata 7

last update Last Updated: 2021-12-12 23:23:10

Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit.

"Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin.

“Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. 

Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles.

"Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin.

"Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." 

Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang tao ibang usapan na rin ‘yon, lalo na kung ‘yung taong nanglalait sa akin hindi naman ako lubos na kilala.

"Shut your mouth, Johann!" sita ni Tita Bubbles. 

Napatigil naman siya pero nakatuon ang kanyang mga mata sa akin. Nang magtagal naramdaman ko na ang mga kamay ni Tita Bubbles at hinila ako palayo roon.

"Cheska alam kong gusto mo ng trabaho, pero wag naman 'to,” bulong niya at sabay hilot sa kanyang sentido. Maya-maya pa hinila niya na ako palayo sa kanyang pamangkin.

"Pero kaya ko naman po 'yun ma---" Hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko kasi nagsalita na ulit siya.

"Marangal ang pagiging katulong, pero hindi natin maitatanggi na mahirap 'yon para sa edad mo. You don't need to do this. Ayos lang naman sa akin na manatili ka rito, in fact gusto nga kita tulungan ipagpatuloy ang pag-aaral mo," saad niya at sabay hawak sa kamay ko. 

Napakagandang offer pero hindi pwedeng umasa na lang ako sa ibang tao. Ayaw ko ng gano’n kung alam ko namang kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa, bakit pa ako mang-aabala ng iba kung kaya ko naman kumilos para sa sarili ko. 

"May karanasan na po ako sa pagtratrabaho. Elementary pa lang po ako natuto na po ako magtrabaho. Nakapagtrabaho na po ako sa palengke, bakery at karinderya. Namasukan na din po ako bilang katulong sa kapitbahay naming no’ng first year high school ako," saad ko na nagpakunot noo naman kay Tita Bubbles mukhang nabigla siya sa mga pinagsasasabi ko.

"What?! Are you serious?" aniya at tinanguan ko lang naman siya bilang sagot. 

Hindi ko pa kasi naikwento sa kanya ang lahat. Ang mga nasabi ko lang ay 'yong tungkol sa relasyon ko sa aking ina at kung paano ako umabot do’n sa sitwasyon na 'yon.

"Kaya ko po ito. Tungkol naman sa pag-aaral ko itutuloy ko po 'yon, pero hindi po muna sa ngayon," sagot ko pero mukhang mas lalo siyang na-stress sa sinabi ko.

"Sabi ko naman sa'yo kaya naman kita pag-aralin," aniya at sabay lingon kay Johann mula sa kanyang kinauupuan. Mukhang inaabangan niya kung ano na ang reaksyon ng pamangkin niya sa ngayon.

"Naiintindihan ko po kayo pero marami na po kayong naitulong sa akin. Kakakilala lang po natin pero sobra-sobra na po ang nagawa niyo. Sa totoo lang nahihiya na po ako sainyo, ayaw ko naman po na abusuhin ang kabaitan niyo sa akin."

Nakatungo lang akong nakaharap sa kanya. Naagaw niya ang atensyon ko nang hawakan niya na ako sa kamay at diretsong nakatingin sa mata ko. 

"Cheska ang totoo niyan bukod sa ayaw ko talagang magtrabaho ka. Ayaw ko talagang magtrabaho ka kay Johann. Halimaw yang pamangkin ko ‘wag ka magpadala sa mukha niyan. Sina manang galing 'yan sa kanya kaso hindi nila kinaya si Johann napaka-metikuloso at maarte tas ngayon may baby pa baka 'di mo kayanin lalo."

Napatango-tango na lang ako sa sinabi ni Tita Bubbles. Mukha nga siyang gano’n 'yong hilatsya pa lang ng mukha niya parang hindi ka pwedeng magkamali kapag kaharap mo siya. Ngayon mas naiintindihan ko na ang pag-aalala ni Tita Bubbles.

"Tita Bubbles kayang-kaya ko po 'yan, magaling po akong magtiis. Nakayanan ko nga po lahat ng hirap sa buhay ko eh, siya pa kaya." 

Sabay lingon ko sa kinauupuan ni Johann at saka ko binigyan nang matamis na ngiti si Tita Bubbles para mawala na ang kanyang pag-aalala. 

"Atsaka makakabisita po ako sainyo at kayo rin po kasi pamangkin niyo naman po 'yong magiging amo ko. If ever man na tanggapin niya ako. Parang nasa puder niyo pa rin po ako, hindi katulad kapag sa iba ako pumasok," dugtong ko pa para lang makumbinsi ko siya at mukhang effective naman.

Nag-isip siya nang konti at bumuntong hininga. "Well, tama ka naman sa sinabi mong 'yon. Mababantayan pa rin kita kahit nandoon ka, pero sure ka na ba talaga?"

Tinanguan ko lang siya bilang sagot at hindi muna siya nagsalita nang mga ilang segundo.

"Sige basta ilang buwan ka lang do’n ah? Kapag may nakuha na siya bumalik ka na sa akin." Kahit na hindi pa sigurado kung tatanggapin ba ako nitong lalaki na ‘to, tumango na lang ako at yinakap si Tita Bubbles. Pagkabalik namin sa harapan ni Johann ay rinekomenda na ako ni Tita Bubbles sa kanya.

Sinabi rin ni Tita na dapat sa isang linggo ay may rest day ako. Mukhang hindi naman sumang-ayon 'yong isa kasi ang sama nang tingin niya sa akin.

"Bakit ba kailangan ikaw pumili? Kung hindi pwede si Manang Aida, si Manang Amelia na lang," saad niya habang karga-karga pa rin ang bata.

"Matanda na si Manang Amelia, tignan mo nga ngayon linalagnat siya. Hindi na niya kakayanin pang mag-alaga ng bata. Kung ayaw mo kay Cheska, eh ‘di 'wag! Mas mabuti nga 'yon para dito lang siya sa akin at maayos ko nang husto ang career ng batang ito. Simulan mo ng maghanap ng katulong na matino. Huwag 'yong basta-basta lang!" saad ni Tita Bubbles.

"Para namang may oras pa ako para maghanap ng katulong. Marami pa akong aasikasuhin kaya nga sa'yo ako nagpapatulong," sagot naman ng lalaking masungit.

"So, what are you trying to say? I’m a lazy ass?! Baka mas madami pa akong pinagkakaabalahan kaysa sa’yo. Anyways, ‘wag ka ng mag-inarte diyan nandito na nga sa harap mo 'yong sagot," wika ni Tita Bubbles sabay turo sa akin. "At saka masipag 'tong si Cheska, may experience na rin siya sa mga ganitong trabaho." 

Buong pagmamalaki ni Tita Bubbles sa akin. Samantalang 'yong isa naman parang hindi pa rin kumbinsido. Bumuntong hininga si Johann at humugis arko ang kanyang kanang kilay. 

"How am I supposed to believe that? Come on, look at her! Mukha ngang hindi siya marunong humawak ng bata. At bakit biglang nagbago isip mo? Kanina ayaw mo siyang mag-apply sa akin, ‘di ba?"

Gusto ko sana siyang sagutin kaso baka lalong hindi niya ako kunin.

"Nagulat lang naman ako rito kay Cheska. Alam mo naman artistahin ang batang 'to.” At biglang humagikhik si Tita Bubbles sabay hawak sa kamay ko nang mahigpit.

Napaisip si Johan at tinitigan ako simula ulo hanggang paa. Para naman akong matutunaw sa mata niyang mapanuri, nakakailang naman 'tong ginagawa niya!

"Okay fine, wala na akong oras para makipagtalo! May gagawin pa ako just make sure na maayos kang babae ka!" saad niya habang nakaturo sa akin.

"Johann, you're so rude!" sigaw ni Tita Bubbles sa kanyang pamangkin.

***

Pinahatid na lang ako ni Tita Bubbles sa driver niya dito sa isang building, dito raw kasi nakatira si Johann. Samantalang si Johann naman nauna ng umalis dahil may aasikasuhin daw siya. Ihahatid nga sana ako ni Tita Bubbles kaso may urgent meeting daw siya. 

Luminga-linga ako sa aking paligid ang ganda naman sa lugar na 'to, halatang-halata na pang-mayaman dahil sa mga muwebles pa lang nagkikintaban na.

"Excuse me? Are you Ms. Cheska?" tanong sa akin ng babae na mukhang nagtratrabaho sa gusaling ito kaya agad naman ako napalingon sa kanya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya iniwan ko 'yung mga dala-dala kong paper bags na ipinamili sa akin ni Tita Bubbles sa may sofa wala pa kasi akong lalagyanan para sa mga gamit na ‘to.

"Opo, bakit po?" magalang na saad ko.

"Pinapapunta na kayo ni Mr. Aguilar sa penthouse, 50th floor ngayon na daw po," mahinhin niyang saad.

So, ayun pala ang kanyang apelyido. Aguilar. Tatanungin ko pa sana iyong babae kung saan ang daanan papunta sa floor na ‘yun kaso paglingon ko sa kanya ay may kinakausap na siyang foreigner. Umalis na ako do’n at mabilis akong sumakay sa elevator bitbit ang sandamakmak na paperbags.

Pagkalabas ko ng elevator ay dumiretso ako ng lakad sa hallway. Luminga-linga ako sa buong floor na mayroong dalawang pinto at sa totoo lang hindi ko na alam kung sa’n na ako pupunta ngayon wala naman kasing sinabi ‘yung babae kung saang pinto ba ako papasok.  

Lumapit ako sa isa at binuksan ito pero bumulaga sa akin ang isang mataas at magandang view, grabe parang nasa langit na ako. Ang gulo-gulo na rin ngayon ng buhok ko dahil sa malakas na hangin sa labas. Maya-maya pa narinig ko na ang sigaw ng lalaking masungit.

"What the hell are you doing? Close the fucking door!" aniya.

Dali-dali ko namang sinara ang pinto at lumingon sa kanya.

"And what are those?" nakasimangot na tanong niya habang tinitignan ang mga paper bags na dala-dala ko.

"W-Wala po!" Kinakabahan naman tuloy ako, palapit na siya nang palapit ngayon at parang gusto ko na lang tumalon ngayon sa gusaling ito. Bakit ba kasi ang init agad ng ulo niya sa akin? 

Nagulat na lang ako nang bigla siyang huminto at tumalikod, pabalik na siya ngayon sa pintuang pinanggalingan niya na hindi ko napansin kanina. Tatlo pala ang pinto dito sa buong floor. Pagpasok ko sa loob napanganga nanaman ako nang bongga, hindi maitatanggi na mayaman talaga ang pamilya nila Tita Bubbles. 

Inikot ko ng tingin ang buong bahay niya. Ang ganda ng bahay color gold, black, and white ang buong dingding pati na rin ang mga kagamitan ganun din ang kulay. Hindi siya gano’n kalakihan katulas ng bahay ni Tita Bubbles dahil nga nasa building ang bahay niya pero grabe ang disenyo at mga gamit yayamanin talaga. Halatang-halata rin na lalaki ang nakatira.

"Are you done? Alam mo na ba ang mga nanakawin mo?" Nakaupo siya ngayon sa itim na sofa at nakaharap sa akin habang naka-dekwatro.

"Huy! Hindi naman ako magnanakaw, grabe ka naman!" saad ko nang hindi ko mapigilan ang aking bibig. 

Hay nako gusto mo ba mawalan agad ng trabaho, Cheska? Wala pa ngang isang araw pumupuntos ka na kaagad!

"Okay, may natitira pa naman akong oras bago ko umalis." Tinignan niya ang kanyang relo at sabay balik sa akin ng mga mata niya.  "So, let’s have a short interview." 

Pagkabitaw niya ng mga salitang iyon ay napaayos agad ako nang tayo ko. Heto nanaman at kinakabahan ako, lalo nang maisip ko na wala si Tita Bubbles sa tabi ko.

"Teka lang, ano ba ‘yang mga 'yan? ‘Wag mong sabihing nag-shopping ka muna bago dumiretso dito?" 

Pinagsasabi nito wala nga akong perang pang kain ko pang-shopping pa kaya!

"Nako hindi po! Bigay lang sa akin 'yan."

"Nino? Ni Tito Bobby ba?" pang-uusisa pa niya at napakunot naman ang kanyang noo sa akin.

Gustuhin ko man sabihin ang salitang oo para matapos na ang pang-iinterogate niya sa akin, kaso kabilin-bilinan sa akin ni Tita Bubbles ay 'wag kong sabihin na galing sa kanya ang mga ‘to dahil panigurado ay magtataka ang pamangkin niya. Baka daw kasi palayasin ako kaagad kapag nalaman na kakakilala pa lang namin ni Tita Bubbles. Kahit nga rin kung taga saan talaga ako bawal ko ring sabihin, kasi alam niya na kagagaling lang ni Tita Bubbles sa Esperanza at malalaman niya na doon lang kami nagkakilala.

"Kaibigan ko po nagbigay sa akin ng mga 'to at hindi si Tita Bubbles ‘yun," pagsisinungaling ko. 

"Okay fine!” Tinignan niya ako nang matalim at hinilot ang kanyang sentido. Halatang-halata sa kanya ang pagkayamot sa sagot ko. “So, what’s your full name?" aniya.

Pwede ko naman siguro sabihin ang tunay kong pangalan kasi wala naman sinabi si Tita Bubbles na bawal, 'di ba?

"F-Franceska Ramirez," nag-aalangan na sagot ko.

"I'm Johann Maurice Aguilar."

Tumango-tango lang ako nang marinig ko ang pangalan niya, pati ‘yung pangalan niya pang mayaman. 

"Where are you from and why do you need this job?" tanong ulit niya sa akin.

Huminga ako nang napakalalim at nag-isip ng lugar. Sasagot na sana ako kaso biglang umatungal si Rylie kaya naman napatakbo agad si Sir Johann, pati ako napakaripas rin nang takbo.

Thank you, baby! Sinalba mo ako sa nakakatakot na tanong na 'yon kasi sa totoo lang wala akong maisip na lugar kundi Manila. Hindi pa nga ako sure kung nasa Manila ba talaga ako, basta ang alam ko nasa NCR o Metro Manila ako ngayon.

"Ssshhh… Tahan na Riley, daddy is here."

Napangiti naman ako nang marinig ko ang bulong ni Sir Johann kay Riley habang hinehele niya. Hindi ko maiwasang mamangha at mapangiti habang pinapanood sila. Siguro kaya ganito na lang ang reaksyon ko dahil na rin sa wala akong tatay. Ganyan pala ang pagmamahal ng isang ama, sana naranasan ko rin 'yong ganyang kalinga no’ng bata pa ako.

Related chapters

  • Lovelies   Panimula

    Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa

    Last Updated : 2021-08-23
  • Lovelies   Kabanata 1

    Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an

    Last Updated : 2021-08-23
  • Lovelies   Kabanata 2

    Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m

    Last Updated : 2021-08-23
  • Lovelies   Kabanata 3

    Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu

    Last Updated : 2021-09-23
  • Lovelies   Kabanata 4

    Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya

    Last Updated : 2021-09-24
  • Lovelies   Kabanata 5

    Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay

    Last Updated : 2021-09-30
  • Lovelies   Kabanata 6

    Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles

    Last Updated : 2021-10-22

Latest chapter

  • Lovelies   Kabanata 7

    Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta

  • Lovelies   Kabanata 6

    Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles

  • Lovelies   Kabanata 5

    Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay

  • Lovelies   Kabanata 4

    Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya

  • Lovelies   Kabanata 3

    Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu

  • Lovelies   Kabanata 2

    Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m

  • Lovelies   Kabanata 1

    Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an

  • Lovelies   Panimula

    Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status