Lovelies

Lovelies

last updateLast Updated : 2021-12-12
By:   Zephyrine Louis  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
8Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

Sa murang edad, naranasan na ni Cheska kung gaano kahirap mamuhay, buhay na hindi dapat maranasan agad ng kabataan. Isang mahirap na buhay. Natutunan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa upang magsikap para sa kanyang pag-aaral at para sa kanyang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa siyang ipahamak ng kanyang sariling ina. At dahil sa pangyayaring iyon, kinailangan niyang tumakas sa kanilang probinsya at pumunta sa siyudad upang makipagsapalaran. At dahil doon... Makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya na muling bumangon. Makakakilala siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sasaktan din siya. At higit sa lahat ay mahahanap niya ang mga nawawalang piraso sa kanyang buhay.

View More

Latest chapter

Free Preview

Panimula

Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa...

Interesting books of the same period

Comments

default avatar
trinanes.vanessa01
updated po
2022-03-21 23:26:15
1
8 Chapters
Panimula
Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema? Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa
last updateLast Updated : 2021-08-23
Read more
Kabanata 1
Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an
last updateLast Updated : 2021-08-23
Read more
Kabanata 2
Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m
last updateLast Updated : 2021-08-23
Read more
Kabanata 3
Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu
last updateLast Updated : 2021-09-23
Read more
Kabanata 4
Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya
last updateLast Updated : 2021-09-24
Read more
Kabanata 5
Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo."  Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay
last updateLast Updated : 2021-09-30
Read more
Kabanata 6
Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles
last updateLast Updated : 2021-10-22
Read more
Kabanata 7
Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa.  Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless."  Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta
last updateLast Updated : 2021-12-12
Read more
DMCA.com Protection Status