Home / All / Lovelies / Kabanata 4

Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2021-09-24 17:30:44

Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.

“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.

Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.

Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya pa pumasok ang isang guard sa club at ‘yung isa naman ay nakatoka sa pag-iinspeksyon sa mga labas-masok na customer. Mukhang may kaganapan na ngayon sa loob kasi wala na rin 'yung mga nakatambay na customer at may naririnig pa akong palakpakan at hiyawan. Ayoko ng malaman kung anong meron doon.

Dahan-dahan akong naglakad at nag-iingat na hindi mahuli ng isang guard. Nang malapit na ako sa labasan bigla ko na lang narinig ang sigaw ng isang babae. Si Wina!

"Hoy! Saan ka pupunta?! Guard!" sigaw niya sa may hagdanan habang tinuturo ako.

Pagkarinig ko pa lang ng boses niya ay kumaripas na ako nang takbo dahil alam kong hahabulin ako ng mga guard. Mabuti na lang at naka doll shoes ako ngayon kaya komportable ako tumakbo. Tumakbo ako palayo sa kanila at palayo sa lugar na ‘yon, wala na rin akong paki kung may mabunggo ako. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang makatakas sa lugar na 'yon. Akala ko malayo-layo na ako pero naririnig ko pa rin ang sigaw ni Wina at ng mga guards.

"Hoy babae! Bumalik ka rito!" sigaw ni Wina sa malayo.

Pumasok ako sa isang madilim na eskinita at palabas pala ito sa palengke. Nang maramdaman ko nang medyo nakakalayo na ako sa kanila ay lumingon ako sa aking likuran at walang senyales ni Wina o ng mga guard. Bumagal na ang paglakad ko hanggang sa mabunggo ako ng isang lalaki na nagmamadali. Napatumba na lang ako sa harapan niya sa sobrang kapaguran at panghihina.

"Nako, sorry iha!" aniya.

"S-Sorry din po," wika ko at tumayo na pero tinulungan din naman niya ako bumangon.

"Okay ka lang ba? Kinakapos ka yata ng hininga, gusto mo ba ng tubig?" nag-aalalang tanong niya.

Tinitigan ko lang siya at napangiti na lang ako nang maramdaman ko ang pag-aalala sa kanyang boses, mabuti pa ang ibang tao may concern sa akin. Maputi siyang lalaki at siguro mga nasa late 40's na siya. May pagkamalumanay at malambot din ang kanyang boses at hindi rin siya katangkaran. Bumaba ang tingin ko sa bitbit niya na isang malaking bag.

"Ayos lang po ako. Salamat po," saad ko.

Maya-maya pa ay narinig ko ang sigaw ng isang lalaki, paglingon ko ang mga guwardiya mula sa club. Kumaripas ako nang takbo at hindi na ako nakapagpaalam pa sa lalaking nakabunguan ko. Gusto ko sanang humingi ng tulong sa kanya kaso ayaw ko na siyang madamay pa.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin ngayong gabi. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na 'to at wala akong mapupuntahan na kakilala rito. At isa pa lumalalim na ang gabi, alam ko kahit umikot-ikot ako dito mahahanap nila ako. Kailangan kong umalis. Naisip kong pumunta sana sa police station pero hindi ko naman alam kung nasaan 'yon. Isa lang ang alam kong lugar dito sa bayan, ang terminal ng bus. Naalala ko kasi noong hinatid ko si nanay dito noong bumiyahe siya papuntang Maynila.

Natuwa ako nang makakita ako ng mga nakapilang bus at madaming tao. Dumukot ako sa bulsa ko kahit na alam ko namang hindi aabot ang dala kong pera papunta ng Maynila. Wala akong ibang choice kundi lumisan sa lugar na 'to kung babalik naman ako sa bahay namin siguradong itataboy lang ako ni nanay at dadalhin ulit sa club na 'yon.

Napaupo ako sa upuang bakal na nakatapat sa bus. Iyak lang ako nang iyak, natatakot ako na baka makita nanaman nila ako. Feeling ko wala na akong lakas na tumakbo pa ulit kung sakaling makita nila ako dito. Desperada kong tinignan ang pera na nasa palad ko gusto kong bilangin ulit baka sakaling madagdagan ito at mali lang ang pagkakabilang ko kanina. Nakita ko kasi sa isang counter ang presyong nakapaskil roon, limandaang piso ang ordinary bus at walongdaang piso naman ang may aircon. Nanlumo ako nang bilangin ko ulit ang pera ko kulang na kulang.

Habang nag-iisip ako nagulat na lang ako nang may biglang lumapit sa akin. Agad akong napatayo at tatakbo na sana kaso nakita ko ang mukha niyang nakatingin sa akin ‘yung lalaking nakabungguan ko kanina. "Iha, ayos ka lang ba?" aniya.

"Kayo po pala, pasensya na po sa nangyari kanina hindi ko po talaga ‘yun sinasadya," saad ko at nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa akin.

Panibagong gulo nanaman ba 'to? Hindi ko naman talaga sinasadya ang pagbunggo sa kanya. Ang lakas nanaman tuloy nang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

"Wala 'yon, ano ka ba!" wika niya at sabay ngiti sa akin. "Ano bang pangalan mo?" pahabol na tanong niya sa akin habang nakangiti pa rin.

"Franceska pero Cheska na lang po ang itawag niyo sa akin," sagot ko naman.

"My name is Bobby pero tawagin mo na lang akong Tita Bubbles. H’wag ka nang mag-isip, oo isa akong pusong babae!" aniya at tinakpan pa niya ang kanyang bibig pinipigilan ang paghagikhik niya. "By the way, nakita ko kanina na hinahabol ka ng dalawang lalaki. Anong nangyari bakit ka ba nila hinahabol?"

Agad na bumagsak ang luha sa aking mga mata nang maalala ko ‘yun. Hindi ko na mapigilang i-kwento sa kanya ang nangyari sa akin ngayong gabi siguro dala ng kaba at konting pag-asa na baka sakaling matulungan niya ako. Hindi naman ako nagpapaawa sa kanya dahil lahat naman ‘yun ay totoo at desperada na talaga akong makaalis sa lugar na ‘to. Kung gaano ko kagusto na manatili rito noon para kay nanay ay kabaligtaran naman ‘yun ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umalis sa lugar na ‘to dahil sa pagpapahamak niya sa akin.

"I’m so sorry to hear that dear. Grabe! Bakit naman sila gano’n sa’yo? Anong klaseng ina siya?!” galit na saad ni Tita Bubbles. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang naging reaksyon at 'di na sumagot. "So, anong balak mo ngayon?" tanong niya sa akin na nagpatigil sa pag-iisip ko.

"Pupunta po ako sa Maynila para magtrabaho dahil wala naman na po akong mauuwian dito. Kahit saan ako mapadpad makikipagsapalaran ako pero sa ngayon kailangan ko po munang kumita ng pera dito para makabili ng ticket ko." Madaling pakinggan pero alam ko sa sarili ko na magiging mahirap ‘to dahil takot na rin ako manatili pa rito. Malaki ang posibilidad na mahanap nila ako at ibalik ulit sa club na iyon.

Tinignan lang niya ako at nginitian. "Don't worry, hindi mo na kailangan pang manatili rito at magtrabaho para makabili ng ticket. Ako na ang bahala sa'yo,” aniya.

Para akong nawalan ng tinik sa dibdib at nakahinga na ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. "T-Talaga po?” saad ko.

"Sagot ko na pamasahe mo, okay?" Binitbit niya na ang bag niya tinignan niya ako ulit at inabot ang kanyang kamay sa harap ko.

Hindi ako makapaniwala na tutulungan niya ako na makaalis dito, pana'y ko lang pasalamat sa kanya at hindi ko rin mapigilang humagulgol. Nang maka-recover na ako ay yinaya niya na ako papunta sa counter para bumili ng ticket ko kaso bigla ko na lang naramdaman na may humawak sa magkabilang braso ko kaya napabitaw na ako kay Tita Bubbles.

"Nandito ka lang pala, pinahabol-habol mo pa kami!" sabi ng isang guard na nagmula sa club.

Sumigaw ako at naagaw ko ang atensyon ng mga tao sa buong terminal kaya lahat sila ay nakatitig na sa akin. "Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ako, ano ba! Tulong!" sigaw ko.

"Tumahimik ka!” Tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko at kinaladkad palapit sa kanya. “Halika na bumalik ka na sa club, malilintikan ka kay Madam Sheena!" wika naman ng guard na bumuhat sa akin kanina.

"Let her go!" Narinig kong sigaw ni Tita Bubbles, pinagtututulak niya ‘yung mga guard pero wala rin siyang nagawa. 

Maya-maya pa pa-simple akong binitbit ng dalawa. Nang may narinig akong pumito biglang huminto ang dalawang guard sa paglalakad habang ako naman ay binitawan nila.

"Anong nangyayari dito?!" tanong ng isang pulis sa dalawa.

"Dinudukot po nila ako, pinipilit nila akong magtrabaho sa club!" agad kong sumbong at naluha nanaman.

Kinausap na ni Tita Bubbles ang pulis tungkol sa nangyari sa akin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala si Tita Bubbles. Sobrang laking pasasalamat ko na nakilala ko siya. Kinuha nila ang konting impormasyon tungkol sa akin, pinakita ko rin ang ID ko sa school na nakalagay sa wallet ko. Pagkatapos no’n ay binigay ko iyon kay Tita Bubbles.

"Cheska, ano 'to?" tanong niya sa akin.

"Itago niyo po 'yan. Alam ko pong kakakilala lang po natin, pero madami na po kayong itinulong sa akin. Gusto ko pong masuklian ang tiwalang ibinigay niyo at gusto ko pong malaman niyo na totoo po ako sa inyo," saad ko sa kanya ngumiti siya sa akin at bahagyang tumango.

"Sir, mauna na po kami kasi byabyahe pa kami papuntang Maynila. Ang abogado ko na lang po ang bahala dito. He's actually here in the province, sasabihin ko na lang po sa kanya ang buong details. Hindi pwedeng hindi sila maparusahan," wika nito at sabay tingin sa dalawang guard ng club.

Bigla akong napalingon kay Tita Bubbles nang iabot niya ang isang card.

"H-Huwag na po," saad ko kay Tita Bubbles hinarap niya ako at nag-usap kami.

Pumayag siya sa naging desisyon ko na patawarin ang mga guards na humahabol sa akin dahil alam ko namang wala silang kasalanan at utos lang ito sa kanila. Isa pa mauungkat lang ang tungkol kay nanay, tungkol sa pagbenta niya sa akin. Galit ako sa kanya pero ayoko siyang ipahamak kagaya na lang ng ginawa niya sa akin.

"Tita Bubbles, napakalaking tulong ng ginawa mo para sa akin, maraming salamat po talaga!" 

“Wala ‘yun, iha. Tara na ibibili na kita ng ticket," pag-anyaya niya sa akin.

Nalaman kong may naipareserba na si Tita Bubbles na upuan para sa kanya at may ticket na rin siya. Mabuti na lang nga at konti lang ang pasahero ngayon. "May nakaupo na pala sa katabi ng pwesto ko pero ‘wag ka mag-alala kasi pinalipat ko na lang ang pinareserba kong upuan sa may dalawang upuan na bakante kaya magkatabi pa rin tayo."

Pinakita niya sa akin 'yung dalawang ticket na hawak niya at ngumiti. "Tita Bubbles, magkano po ‘yung ticket? Babayaran ko na lang po 'pag nagkapera ako. Pangako po hahanap agad ako ng trabaho pagkarating natin sa Maynila," saad ko.

Umiling lang siya sa sinabi ko at hindi pinansin ang sinabi ko. Nang makaraan ang ilang minuto, dumating na ang bus na sasakyan namin. Nagulat ako no’ng sumakay na kami sa bus dahil sobrang ganda ng bus at hindi lang 'yon, maluwag pa tas 'yong mga upuan ay mukhang komportable.

Narinig ko sa isang babae na kasabay namin bumili ng ticket kanina na ito daw 'yong pinakamahal na bus na papunta sa Maynila.

"Tita Bubbles?" tawag ko sa kanya dahil hindi pa rin niya pinansin ‘yung sinabi ko.  

"Iha, hindi mo ‘yun babayaran. H’wag ka na rin mag-alala dahil pwede kang tumuloy sa bahay ko kaya huwag ka ng mag-isip diyan!" aniya sasagot pa sana ako kaso naunahan na niya ako. "Hayaan mo na lang ako na tulungan kita,” nakangiti niyang saad sa akin.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang sa sinabi niya. Hindi ako sanay na may tumutulong sa akin na ibang tao dahil sa lugar namin halos lahat ng pamilya na naroon ay naghihikahos din sa buhay.

Liningon ako ni Tita Bubbles at saka nagtanong ng tungkol sa akin. "Ay teka nga pala, ilang taon ka na ba?"

"Nineteen years old po." wika ko at sabay yuko nang may maalala ako.

"Ang bata mo pa pala talaga. Kailan ka naman mag-bibirthday?"

Napakagat ako sa aking labi at nagpipigil umiyak. "B-Bukas po," mahina kong sagot na halos pabulong na lang.

Napatahimik si Tita Bubbles kaya tumingin ako sa kanya. "Oh my gosh! Really? Anong gusto mong handa? Nako, we need to celebrate!" aniya at tuwang-tuwa.

"Huwag na po, sobrang abala na po 'tong ginawa ko sa inyo eh. Atsaka sanay naman po ako na hindi nag-cecelebrate ng birthday ko kaya wala po 'yon sa akin."

"Cheska, kusang loob kong tulungan ka. At sa nangyari sa’yo ngayong gabi you need to de-stress, basta magcecelebrate tayo pag-uwi natin!" masaya niyang anunsyo sa akin.

Hindi na ako nakasagot at nagpasalamat na lang ako kay Tita Bubbles. Sobrang pagod ako ngayong gabi na ‘to. ‘Yung tinakbo ko kanina ay hindi lang para tumakas sa lugar na ‘yon para rin ‘yon sa buhay ko, hindi ko maimagine kung ano mangyayari sa akin ngayon kung hindi ako naglakas loob na tumakas. Napalingon ako sa bintana ng bus at ngayon ko lang napansin na kanina pa pala umaandar ang bus na sinasakyan namin. Napapikit na lang ako at napabuntong hininga, sana palagi na lang ganito ang buhay ko 'yong tipong nakikiayon sa akin ang tadhana.

Related chapters

  • Lovelies   Kabanata 5

    Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay

    Last Updated : 2021-09-30
  • Lovelies   Kabanata 6

    Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles

    Last Updated : 2021-10-22
  • Lovelies   Kabanata 7

    Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta

    Last Updated : 2021-12-12
  • Lovelies   Panimula

    Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa

    Last Updated : 2021-08-23
  • Lovelies   Kabanata 1

    Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an

    Last Updated : 2021-08-23
  • Lovelies   Kabanata 2

    Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m

    Last Updated : 2021-08-23
  • Lovelies   Kabanata 3

    Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu

    Last Updated : 2021-09-23

Latest chapter

  • Lovelies   Kabanata 4

    Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya

  • Lovelies   Kabanata 3

    Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu

  • Lovelies   Kabanata 2

    Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m

  • Lovelies   Kabanata 1

    Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an

  • Lovelies   Panimula

    Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa

DMCA.com Protection Status