Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro.
Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko.
"At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot.
“Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw.
Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin.
Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na ang prelim exam. Eh hindi ko naman din alam kung saan ako kukuha ng limang libo para sa tuition fee at mga kailangan niya.”
“Anong nangyari? Nag-away nanaman ba kayo at pinagbuhatan ka ng kamay dahil wala kang maibigay na pera para sa bruha na ‘yon? Ang hirap kasi niyan ikaw lang talaga ang inaasahan nila sa lahat.” Lalong naging malalim ang tingin sa akin ni Janine at hinihintay ang aking sagot, alam niyang umiiwas ako sa ganyang klaseng usapan dahil ayoko lalong masira ang imahe ni nanay sa kanya.
Simula kasi nang masaksihan niya ang nangyari sa akin apat na buwang nakaraan sa graduation ceremony namin. Araw-araw niya na akong kinukumusta at palagi siyang nag-aalala kapag uuwi ako ng bahay. Napangiwi tuloy ako nang maalala ko ‘yun. Nang dahil sa mga medals ko nagkasugat ako sa aking noo at pisngi. Mabuti na lang nga hindi gaano malalim ang mga sugat na natamo ko at ‘yung sugat ko lang sa noo ang nagkaroon ng peklat at hindi naman ito halata dahil sa aking buhok.
Napabuntong hininga na lang ako habang inaalala ang nangyari kahapon. “Nagkasagutan lang kami ni nanay, normal naman na ‘yun sa amin.” Kinuha na namin ang mga inorder namin at naupo na sa pwesto naming dalawa.
Maraming nagalit sa nanay ko dahil sa nasaksihan nilang pangyayari noong graduation. Tinatanong pa nga ako ng mga guro ko kung bakit siya nagalit sa akin at kung gusto ko ba siya i-report sa mga kinauukulan. Syempre hindi ko 'yon ginawa dahil ayoko siyang mapahamak.
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit gano'n sa akin si nanay, halos isumpa niya na ako sa sobrang galit. Noong bata pa kasi ako kami lang talaga ni lola ang magkasama, bumibisita lang siya sa amin kapag may panahon siya. Hindi naman sa akin ipinaliwanag ni Lola Ideng kung bakit mailap sa akin si nanay dahil hindi raw dapat ito manggaling sa kanya. Kaya simula naman ng mamatay si lola napunta na ako sa puder ni nanay nang walang kaalam-alam kung bakit siya galit sa akin. Ang totoo nga niyan ayaw talaga niya akong kupkupin lalo na ng mag-asawa siya, pero dahil sa wala akong ibang mapupuntahan kinuha na lang niya ako.
First year ako no’ng magpakasal sila nanay at Tito Robert. Maglilimang taon na kaming magkakasama sa iisang bubong kaya medyo sanay na ako sa kanila, lalo na kay Sarah.
“Pakiramdam ko kapatid mo may salarin eh! Alam mo na tamang sulsol sa mama mo masyadong bida-bida kasi dito sa school ‘yan kaya ayaw malaman ng iba na wala siyang pang-tuition fee. Hay nako, hindi na lang kasi magsumikap!” wika ni Janine at sabay gusot ng tissue sa harap ko.
Gusto kong sumang-ayon kay Janine na sana magsumikap din si Sarah dahil para sa kanya naman ‘yun. Pareho sila ng course na dalawa pero si Janine ay nag-apply rin sa isang scholarship program dito sa school at nag-apply rin siya bilang student assistant at pareho siyang natanggap kaya halos bayad na rin ang tuition fee niya at may pera rin siya para sa mga kailangan niya, kung sana may diskarte rin si Sarah kagaya ni Janine hindi kami mamromroblema nila nanay ngayon para sa tuition fee niya.
"Kalma lang, ang puso mo!” biro ko sa kanya at inayos ang mga pagkaing inorder namin na inilapag ni ate sa lamesa.
"Hay nako! Kumain na nga tayo, ang payat-payat mo na! Naiinis talaga ako sa mga kasama mo sa bahay kung hindi lang din kami naghihirap aampunin na kita eh!" Natawa naman ako sa sinabi ni Janine kaya agad naman niya ako liningon. "Hoy, seryoso ako 'no! 'Wag ka mag-alala kapag yumaman ako titira tayo sa isang bahay at tayo lang dalawa ang magkasama, tapos marami tayong pagkain at kapag gabi manonood tayo ng mga movies hanggang sa makatulog tayo, pero bago ‘yun tataya muna ako sa lotto!" biro pa niya na nagpatawa sa aming dalawa.
"Gusto ko rin ‘yon! Pero hayaan mo na sila, okay lang naman ako. Wala naman akong magagawa kung gano’n sila sa akin, kung ayaw nila hindi ko naman mapipilit sarili ko ang magagawa ko na lang ay tulungan sila.”
Napahinto si Janine at liningon si Sarah. “Hindi siya worth it tulungan, tignan mo nga napakaarte ang kapal ng lipstick mukha siyang janitor fish!” Pareho kaming nagpipigil ng tawa ni Janine dahil sa sinabi niya, napalingon tuloy ako kay Sarah at tama nga siya ang kapal ng lipstick niya.
“Halika na nga kumain na tayo at baka marinig pa tayo niyan," saad ko at sabay sulyap ulit sa aking kapatid na nakikipagtawanan ngayon sa kabilang lamesa.
Alam ko 'pag narinig niya ang mga sinasabi ni Janine ngayon makakarating 'to kay nanay. Hindi naman ako natatakot na magsumbong siya, ang akin lang ayoko ng gulo masyado na akong abala para doon.
Hinigop ko na ang sabaw ng tinolang manok at tinuon ang aking sarili sa pagkain. Tama si Janine, pumapayat na talaga ako kaunti na lang baka maging buto't balat na lang ako, kaya kailangan kong kumain nang marami.
"Tara mga bhe! Sa kabila na lang tayo kumain, mga pipitsugi dito eh." Napalingon ako kay Sarah dahil sa sinabi niya. Nakatutok ang kanyang mga mata sa akin at nakataas ang isa niyang kilay. Hindi naman siya kalayuan sa pwesto namin kaya rinig na rinig ko lahat ng mga pinag-uusapan nila.
"Kita mo na, ubod ng yabang at arte! Akala mo naman pera niya 'yang ginagasta niya. Feeling mayaman!" saad ni Janine habang nakatitig din kila Sarah na palabas na ngayon ng canteen.
Pagkatapos ng nakakapagod naming klase ngayong araw ay dumiretso agad ako sa trabaho. Ganito ang takbo ng buhay ko ngayon, gigising sa umaga para pumasok sa eskwelahan, pagkatapos naman ng klase diretso sa trabaho at uuwi. Ang sabi nga ni Janine napaka-boring daw ng buhay ko kahit minsan kasi hindi pa ako nakadalo sa mga kasiyahan o gumala man lang kasama siya. Hindi naman sa ayaw ko sumama kay Janine kailangan ko lang talagang kumayod nang todo para kay nanay. Ayaw ko na rin kasi siya magtrabaho dahil no’ng nakaraang buwan nagkasakit si nanay nang rumaket siyang tindera sa palengke, kinailangan pa namin siya dalhin sa hospital dahil lumala ang kanyang ubo at hirap siyang huminga.
Sa ngayon nagtratrabaho na ako sa isang malaking karinderya malapit sa Esperanza College. Tinanggal kasi ako sa bakery na pinagtratrabahuan ko noon. Nagalit at sinugod kasi ni nanay si Aling Rosa dahil sa sweldo ko, kaya naman ako ang napagbuntungan ng galit ni Aling Rosa at pinatalsik niya ako. Madalas naman na ako ngayon gabihin umuwi dahil maraming kumakain ng hapunan doon sa karinderya, minsan ako ang taga hugas at minsan naman taga bigay ng mga order.
Nang matapos na ang trabaho ko kinuha ko na agad ang mga gamit ko para makauwi na. Tinignan ko ang aking orasan at do’n ko nalaman na maaga pa pala alas-otso pa lang. Kinalas ko na ang kandado ng aking lumang bisikleta at sinakyan ito. May dala akong bike kasi medyo may kalayuan pa rito ang bahay namin at ayoko rin namang gumastos pa para sa pamasahe ko kailangan kong magtipid ngayon para sa tuition fee ni Sarah.
Papalapit pa lang ako sa bahay namin kitang-kita ko na ang mga tao sa bintana. Nang buksan ko ang kawayan na gate namin sumalubong sa akin ang tatlong lalaking naninigarilyo at nagkwekwentuhan.
Dumiretso na ko at tinabi ang bike ko sa gilid at pumasok na sa loob at mas lalo akong nagulat sa nakita ko. Mga kalalakihang lunod na sa alak at wala na sa kanilang mga sarili. Mabilis akong pumasok at papaakyat na sana ako sa hagdan nang bigla akong hilahin ng isang lalaking lasing.
"Saan ka pupunta, Cheska? Dito ka muna kwentuhan tayo, ang seksi mong bata talaga manang-mana ka sa nanay mo hahaha!" aniya at hindi na matapos ang halakhak niya. Hinila niya ako palapit sa kanya pero nagpumiglas ako. Pinipilit niya akong umupo at tumabi sa kanya.
"Pare, bitawan mo na si Cheska!" Napalingon naman ako bigla sa umawat do’n sa lalaking lasing, si Tito Robert.
"Pre naman baka pwede mo ng ibalato sa akin 'to! Magbabayad naman ako sa’yo!" saad ng lalaking lasing at tumawa nanaman.
Nang hindi kumibo si Tito Robert ay binitawan na ako ng lalaki kaso hinila naman niya ako ngayon papunta sa kusina.
"Bakit wala na tayong pagkain dito? Ni isang butil ng bigas wala na, nasaan na ba 'yong mga binibigay mo sa nanay mo ha?" mahinang tanong niya sa akin. Alam kong lasing na rin siya dahil sa naaamoy ko sa kanya at isa pa pulang-pula na rinang kanyang mga mata.
"Hindi ko po alam," mabilis na sagot ko, kasi ayoko ng humaba pa ‘tong usapan namin. Dahil kahit noon pa lang ay hindi na ako komportable sa kanya.
Liningon niya ako at tinignan nang masama. "Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?" sigaw niya at sabay duro sa ulo ko. Hindi na lang ako sumagot pa dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
"Bigyan mo na lang ako ng limangdaan baka kulangin kami sa alak at pulutan," saad niya ulit pero sa mababang tono.
Kumuha ako ng limangdaan sa pitaka ko at nanginginig na inabot 'yon sa kanya. "Ayon naman pala, may silbi ka rin naman pala sa akin kahit papaano," aniya at ilinapit pa lalo ang mukha niya sa akin pero agad ko siyang itinulak.
"M-May five hundred na po kayo bumili na po kayo ng kailangan niyo!" wika ko at bago niya ako tinalikuran ngumisi muna siya sa akin nang nakakaloko habang hinahaplos ang mukha ko at saka umalis.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagkulong na ako sa maliit kong kwarto. Nagbihis na ako at humiga. Hindi ko maiwasang matulala at maluha sa nangyayari sa akin. Hanggang ngayon kinikilabutan ako sa ngisi at haplos niya sa akin. Hindi na 'yon bago sa akin dahil minsan niya na akong muntikang pagsamantalahan. Mabuti na lang dumating si nanay no’n. May mga araw rin na pinagbubuhatan niya ako ng kamay. Hindi niya ako anak kaya nagagawa niya 'yon sa akin. Wala rin naman akong alam tungkol sa aking ama dahil ayaw pag-usapan 'yon ni nanay.
Sa totoo lang hirap na hirap na ako sa buhay ko pero wala naman ako magawa kasi pamilya ko sila. Hindi ko magawang lumaban sa kanila kahit kay Sarah, dahil kahit gano'n siya tinuturing ko siyang tunay na kapatid. Si Sarah naman ay hindi anak ni nanay, anak siya ni Tito Robert sa dati niyang kinakasama na sumakabilang buhay dahil sa aksidente. Obvious na obvious kay nanay kung sino ang mas mahal niya at naiintindihan ko naman 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nila ginagawa sa akin 'to. Ang abusuhin at pagmalupitan ako gayon wala naman akong masamang ginawa sa kanila.
Nang maalala ko ang limangdaang piso na hiningi sa akin ni Tito Robert ay agad kong sinilip ang wallet ko at two hundred fifty pesos na lang pala ang natitira sa akin. Lumapit ako sa lumang cabinet ni Lola Ideng at hinukay ang pinakailalim na damit kung nasaan nakalagay ang mga inipon kong pera mula sa mga nagbigay sa akin no’ng grumaduate ako. At halos matumba ako nang makita kong wala ng laman na pera ang alkansya ko at kahit isang piso ay walang natira. Habang namromroblema ako sa pera kong nawala nakarinig ako ng sigawan sa ibaba kaya naman napakaripas ako nang takbo.
"Jusko naman! Napakalakas niyo naman gumastos!" sigaw ni Tito Robert.
Pagkababa ko sa hagdanan sumalubong sa akin ang sigawan nila nanay at Tito Robert. Samantalang si Sarah busy sa bagong cellphone niya at walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Mukhang alam ko na kung saan napunta ang pera ko. Mabuti na lang din umalis na ‘yong mga kainuman ni Tito Robert, siguro pinaalis ni nanay.
"Namili lang naman kami nang mga pagkain at binili ko na rin 'yang anak mo ng gusto niya dahil malapit na raw ang birthday niya atsaka hindi naman 'yon naubos. Kaya ‘wag ka ng mag-alala diyan," sagot naman ni nanay.
"Alam ko naman papa hindi ka nagagalit dahil dito," sabi ni Sarah at sabay taas ng bagong cellphone niya na isang touch screen at manipis.
"Nagagalit ako dahil 'don sa pagpapaalis niyo sa mga kainuman ko at dahil din diyan sa magaling mong anak!" lasing na saad ni Tito Robert. Sabay tingin nang masama sa akin ni Tito Robert, napalingon din sa akin si nanay habang nakasimangot.
Ano bang ginawa ko? Binigyan ko naman siya ng hinihingi niya ah?
"A-Ako po?" nag-aalangan naman na sagot ko habang nakatayo sa gilid ng hagdanan.
"Malamang! Alangan naman ako, tanga ka talaga!" saad ni Sarah at sabay bunggo sa akin ng makadaan siya sa harap ko.
Ano nanaman ba ang maling nagawa ko? Ayan ang tanong na paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko hanggang sa makatulog ako ngayong gabi.
Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m
Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu
Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya
Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay
Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles
Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta
Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa

Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an