Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito.
"Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay.
"Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad.
"Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah.
Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot.
Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay.
Hindi ko na lang 'to pinansin at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko. Nang mag alas-sais na nagsimula na akong magbihis at ang gusto nila nanay ay mag make-up ako, pero dahil hindi ako marunong sila na ang nag-ayos sa akin. Naiilang nga ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin parang hindi ako. Medyo makapal nga lang ang pagkakalagay ni Sarah ng lipstick sa labi ko kagaya ng ginagawa niya sa kanya, kaya naman nang tumalikod siya ay pasimple kong ipinunas ang kamay ko sa aking labi.
"Oh, ayan mukhang tao ka na," wika ni Sarah nang humarap na siya sa akin.
Nang pasuotin nila ako ng isang tube dress na napakaiksi ay agad akong tumanggi, hindi ko kayang lumabas ng bahay na ganyan ang suot. Nasermunan tuloy ako ni nanay at pinaliguan ako nang irap ni Sarah, para sa kanila nag-iinarte ako nito pero sadyang hindi lang ako nagsusuot ng damit na gano'n. Pinasuot na lang tuloy nila ako ng isang dress na itim at may mga butones sa gitna, mas okay na ‘to dahil mahaba kaysa sa unang dress na halos masisilipan na ako kapag yumuko ako. Kumuha na rin ako ng jacket na itim para ipatong sa suot ko dahil baka lamigin lang ako sa labas. Wala akong ideya kung saan kami pupunta ni nanay kaya hindi ko rin alam kung anong oras kami aabutin.
Maya-maya pa yinaya na ako ni nanay na umalis. Halatang-halata naman kay Sarah na excited siyang umalis kami dahil habang palabas kami ng bahay ay kumakaway pa siya sa amin. Kung hindi ko kilala si Sarah maiisip ko na close kaming dalawa. Masyadong kakaiba ang kinikilos niya ngayon dahil ang normal na Sarah ay galit sa akin at laging nagseselos kapag lumalapit ako kay nanay pero ngayon masaya pa siya na umalis kaming magkasama ni nanay. At isa pa, parang walang away na naganap kanina sa school, eh halos awayin na rin niya ako kanina pag-uwi ko dahil hindi ko siya pinagtanggol kay Janine at pinagbantaan pa niya ako sa school.
Habang naglalakad kami papunta sa paradahan ng jeep ay hindi ko maiwasan magtanong kay nanay. "Pwede ko po ba malaman kung sa’n tayo pupunta? Baka gabihin tayo nito may pasok pa po ako bukas nang umaga.”
"Sa trabaho nga! Raket 'to, ‘wag ka mag-alala," aniya at umiwas nang tingin sa akin.
Pagkarating namin sa paradahan ay agad naman kaming nakasakay at habang pinupuno ang jeep ay kinulit ko ulit si nanay.
"Bakit po pala kailangan mag-ayos nang ganito?” Tinuro ko ang dress na pinasuot nila sa akin. “At saka masyado na po yatang gabi para mag-apply sa trabaho, hindi po kaya sarado na po sila?" wika ko at ang totoo niyan ay hindi na ako mapakali ngayon.
May mali rito, may mali sa nangyayari. Ang sabi kasi niya ipapakilala niya ako sa magiging amo ko, pero bakit ganito? Bakit abot-abot ang kaba nang dibdib ko habang palayo kami ni nanay sa bahay? Pakiramdam ko hindi na ako makakauwi nang buhay eh.
"Pwede ba Cheska, manahimik ka na lang!" bulyaw sa akin ni nanay. Napatingin na rin sa amin 'yung ibang pasahero kaya nanahimik na lang ako pero 'yung isip ko hindi matahimik.
Habang umaandar na ang jeep papunta sa sentro ng Esperanza hindi ako mapakali. Nakadungaw lang ako sa bintana ng jeep habang nag-iisip kung anong klaseng trabaho ba ang papasukan ko, halos lahat ng mga establisyemento na dinadaanan namin ay sarado na. May bumabagabag talaga sa aking isipan pero sana naman mali 'tong kutob ko.
"Para ho, manong!" sigaw ni nanay at sumunod na ako sa kanya pababa ng jeep.
Pagkababa namin ay bumungad kaagad sa akin ang maingay at may iba't-ibang kulay ng ilaw na lugar. May mga babaeng maiiksi ang suot at mga kalalakihan.
"N-Nay?" nanginginig kong tawag.
"Halika na, hinihintay na tayo ng kumare ko," aniya at hinila na ang aking kamay.
Naalala ko 'yong sinabi niya sa akin dati bukod sa pagtratrabaho sa siyudad, minungkahi din niya sa akin na pumasok sa club lalo na ‘pag kinukulang kami ng pera. Ayon na ang nasa isip ko ng sabihan niya ako tungkol sa raket na ‘to, pero pilit kong tinanggi 'yon dahil may tiwala ako sa taong nagsilang sa akin, pero bakit naman ganito? Hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa akin ‘to.
"Nay, ayoko po magtrabaho diyan!" Pinipigilan ko ang aking mga luha, pero huli na dahil tuluyan na akong hinila ni nanay.
Pagpasok namin sa club may malaking hagdanan na bumungad sa amin at nakasulat sa pader ang salitang motel. Paglingon ko naman sa aking kanan naroroon ang entrance ng club. Dumiretso kami ng lakad sa hallway at pumasok sa isang kwarto.
"Cecilia! Nandito ka na pala, ito ba 'yong anak mo?" saad ng isang babaeng payat at kulay pula ang buhok.
Iniikutan niya ako tila kinakabisado ang itsura ko, masasabi kong nasa singkwenta na ang babaeng ‘to. “Nako! Magugustuhan siya ng mga customer ko! Lalong-lalo na pag linagay ko 'to sa central stage at nakasuot ng mga bikini habang sumasayaw," aniya at nagtawanan na sila ni nanay.
Para akong nabuhusan nang napakalamig na tubig. Nangangatog ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan si nanay. Nang maiabot nang babae 'yong pera kay nanay parang gusto ko ng tumakbo palayo. Malayong-malayo sa lugar na 'to!
Tama nga ang hinala ko, ibinenta nila ako. Ibinenta ako ng sarili kong ina!
"Nako kumare, salamat talaga dito! Huwag ka mag-alala alam ko naman na kikita ka rito sa anak ko. Oh, siya alis na ako, ikaw na bahala rito. Ipagawa mo kahit ano gusto mong ipagawa diyan," wika ni nanay at agad niya akong tinalikuran tila iniiwasan akong tignan.
Tumayo na si nanay sa kinauupuan niya at nagmadali rin akong tumayo para pigilan siya. Hindi niya ako matitigan sa mata, na mas lalong nagpakirot sa puso ko.
“Nay! ‘Wag mo kong iwan dito!” Naluluha ako habang hinahawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na mapigilang umiyak dahil hindi ko inaasahan na tama lahat ng iniisip ko kanina sa jeep.
“Ano ba, Cheska! Gusto mong makatulong sa akin, ‘di ba? Pwes magtrabaho ka dito!”
Pana'y ko lang hikbi habang pinipigilan si nanay na umalis. "N-Nay, nagmamakaawa ako. Titigan mo ako! Huwag mo kong iwan dito, maghahanap ako ng trabaho sa Maynila, pangako! Hindi na po ako mag-aaral!" saad ko at tuluyan na akong lumuhod at nakayakap sa mga hita ni nanay.
Nang marinig ko ang mahihinang hikbi ni nanay, mas lalo akong nanghina dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Alam kong masakit din para sa kanya ‘to, pero bakit pa niya pinipigilan ang nararamdaman niya? Hindi ko napansin na nasa likuran ko na ang babae at buong lakas niya ako hinila palayo kay nanay. Nang tuluyan niya na akong napabitaw ay agad akong pumalag pero itinulak niya ako papasok sa office niya kaya tumama ako sa lamesa. Hindi ko na ininda ang hapdi ng aking labi na duguan ngayon, bumangon ulit ako para pigilan pa rin si nanay.
"Tumigil ka na, Franceska! Gusto mo pang nasasaktan!" naiiyak na sigaw sa akin ni nanay.
Bigla akong napatahimik nang marinig ko ang pagtawag niya sa buong pangalan ko, ramdam ko ngayon ang pagpiga sa aking puso. Umiwas na siya nang tingin sa akin at binaling ang pansin do’n sa babae. Maya-maya pa may isang lalaki na ang pumasok at hinila ako palapit sa kanya.
"Dalhin mo 'yan sa dressing room, sabihan mo si Wina na bagong salta at pasuotan yan ng special dress natin!" ani ng babae at hinila na nga ako ng guard palabas.
"Nay, tulungan mo ako! Parang awa mo na! Nay!" sigaw ko palabas ng kwarto na iyon.
Pana'y tulo lang ng luha ko habang kinakaladkad pa rin ako ng lalaki. Pinagsusuntok ko ng isa kong kamay ang likod niya, pero tumigil na rin ako nang maramdaman kong walang epekto 'yon sa kanya. Pinunasan ko na lang 'yung namuong dugo sa labi ko. Nakakainis parang wala na akong kawala rito.
Papasok na kami ngayon sa isang pinto na hindi naman kalayuan sa pinanggalingan namin kanina. "Wina! Bilin ni Madame Sheena ayusan mo ‘tong babaeng ‘to! Ikaw na bahala diyan!" wika ng guard at tuluyan ng isinara ang pinto at umalis.
Tinignan ko lang nang saglit si Wina na busy sa cellphone niya. "Newbie?" aniya kaya napalingon ulit ako sa kanya.
Kami lang ang nandito sa isang kwarto na punong-puno ng mga damit at may malaking salamin din, sa harapan naman nito ay mga iba't ibang make up. Tumango lang ako sa kanya at pinaupo niya ako sa isang upuan na nakaharap sa malaking salamin.
"Wow! In fairness maganda ka, matangkad at sexy. Ganda mo, may lahi ka siguro!" aniya habang tinitignan ako nang maigi. “At maganda rin ang pagkalagay mo ng make-up sa’yo,” pahabol pa niya habang may linalagay na kung ano sa mukha ko.
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa salamin sa harap ko. Naalala ko tuloy si Sarah. Panigurado akong may alam siya rito, kaya gano’n na lang siya kasaya kanina. Lahat sila trinaydor ako, kahit sarili kong ina! Nalulungkot din siya sa ginawa niya pero tinuloy pa rin niya, paano niya nagawa ‘yun? Paano niya linunok ang sakit na nararamdaman niya at iwan ako sa ganitong klaseng lugar. Mas lalo akong naiinis at nasasaktan sa ideya na binalewala niya ang nararamdaman niya bilang ina para lang ituloy ang plano nila sa akin.
Pinagmasdan ko ngayon si Wina na umalis sa tabi ko at nagsimula nang maghanap ng damit. Habang abala siya ay nag-iisip ako kung paano ako makakatakas sa pesteng lugar na 'to. Pinapangako ko talaga makalabas lang ako rito hinding-hindi na ako babalik sa bahay.
"Hay nako, ang daming bagay sa'yo dito! Ikaw na lang mamili diyan," tamad niyang sinabi habang nagtetext at sabay upo sa kabilang upuan. “Kainis naman wala signal dito,” narinig ko pang bulong niya sa gilid ko.
Hindi ako kumilos. Sa katunayan hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Hindi makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko alam na suklam na suklam sa akin si nanay para gawin sa akin ‘to.
"Oh, ba't iyak ka pa nang iyak diyan? Nako, sa una lang yan 'teh! Kapag tumagal at nasanay ka na mag-eenjoy ka pa sa trabaho na 'to!" Tumayo siya at lumapit sa akin para ipakita ang cellphone niya sa akin na may litrato ng isang foreigner na lalaki na kita ang pang-itaas na katawan. “Tignan mo ‘to, nakabingwit ako ng foreigner sa club na ‘to! AFAM girl! As in AFAM na fafa!” Tawa siya nang tawa habang nagsasalita habang ako naman bumabaha nang luha ang aking mga mata.
Maya-maya pa biglang nag-ring ang cellphone niya, tinignan niya muna ako bago niya sagutin ito. "Diyan ka lang ah? Mamili ka nang damit. Nandito na sa may sofa ‘yung mga special dress linagay ko na diyan. Pagbalik ko aayusin ko ‘yang buhok mo at konting retouch ulit sa make-up mo. Mahina kasi signal dito eh, babush!" aniya at nagmamadali na siyang lumabas.
Nakahinga na ako nang maluwag ngayon. Mabuti na lang may tumawag sa kanya, siguro ayun ‘yung boyfriend niyang foreigner. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras pinunasan ko ang mga luha ko at lumapit sa may pinto. Pinakikinggan ko muna kung may tao, pinihit ko ang doorknob at sumilip nang kaunti.
Nakita ko ang mga lalaki na nasa labas kasama ang mga babaeng nagtratrabaho dito sa club na 'to. Nakatambay sila sa tapat ng entrance, may ilan naman na nakaupo lang sa hagdanan at nagyoyosi. Sumilip ulit ako at nakita kong may dalawang guards at isa 'don ang guard na kumaladkad sa akin kanina. Busy siya sa pag-iinspeksyon sa mga bagong dating na customer.
Hinahanap ng aking mata si Wina. Nasaan kaya siya? Siguro'y lumabas siya o hindi kaya umakyat sa second floor. Maya-maya pa'y nakita ko si Madam Sheena na palabas sa opisina niya.
"Patay!" saad ko sa aking sarili at agad nang isinarado ang pinto. Dali-dali na akong lumapit sa mga damit na nakasabit, kunwari pumipili ako ng damit. Mga damit na kapos sa tela, mas malala pa ‘to sa tube dress na gustong ipasuot sa akin nila Sarah kanina. Ngayon mas naging maliwanag na sa akin lahat ng kinikilos nila kanina kaya gusto nila sa akin ipasuot ‘yun.
Lumapit ulit ako sa pinto at pinapakinggan ko ang mga tao sa labas. Nang makarinig ako ng boses babae ay tila lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba. Nagdasal ako na sana hindi siya pumunta rito para tignan ako. Huminga ako nang malalim at klinaro ang aking utak para makapag-isip ako nang maayos. Hindi ako pwedeng magpakain sa kaba. Kailangan ko makaalis dito agad, hindi ako papayag na sumayaw sa harapan ng mga kalalakihan habang nakasuot ng damit na labas ang kaluluwa.
Keep safe everyone! :) I will update three times a week.
Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya
Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay
Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles
Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta
Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa
Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an
Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m

Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu