Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto.
"Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko.
"Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.
Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles sa mga gamit kaya 'di ko na ring mapigilang mapalingon ulit sa mga paperbags na nakapatong sa lamesa.
"Ito pala ‘yung mga pinamili ko para sa’yo, mga damit, sapatos, at mga iba mo pang kailangan. Hindi na kita ginising kanina kasi alam ko naman na sobrang pagod ka kaya ako na lang ang namili at 'yung assistant ko, don't worry 'yung mga clothes mo straight from my botique kaya high quality talaga." Kumindat pa siya sa akin at sabay ngiti, may kinuha siya sa isa sa mga paper bags na nakalapag sa lamesa at ipinakita niya sa akin ang isang peach dress na sobrang ganda.
"Nako tita, sobra-sobra na po 'to. Nakakahiya naman po grabe na ang utang na loob ko po sa inyo, 'yung pagtulong niyo lang po sa akin umalis sa Esperanza sobrang laking tulong na po sa buhay ko. Pangako po babawi po ako sa inyo kapag may makuha na po akong trabaho," wika ko pero
Napangiti siya sa sinabi ko at tinapik ang aking ulo. "Cheska, hindi naman kita sinisingil eh. Tinulungan kita kasi 'yon ang nararapat at dahil na rin sa kagustuhan ko. Ibig sabihin hindi ako humihingi ng kahit anong kapalit sa'yo, okay?" mahinahon niyang saad.
"S-Salamat po, sobrang salamat po!" Hindi ko nanaman tuloy mapigilan ang sarili ko na mapaiyak ulit sa harapan ni Tita Bubbles.
Pagkatapos namin mag-usap ay naligo na muna ako dahil halos isang buong araw na akong walang ligo nagpalit lang ako ng damit kanina bago matulog dahil bawal maligo ng puyat. Pagkatapos namin kumain ng dinner ay tumulong ako sa pagligpit ng mga pinagkainan at dahil ayaw nila ako paghugasin ng mga pinggan aakyat na sana ako sa taas para maglinis naman ng kwarto, nang bigla akong senyasan ni Tita Bubbles kaya naman napahinto ako at pinanood ko lang siya ngayon na may kausap sa telepono.
"What happened?" aniya at mukhang seryosong-seryoso ang kanilang pag-uusap. "Kararating ko lang kasi galing Esperanza at saka malay ko ba na itutuloy mo 'yung plano mo," dugtong pa ni Tita Bubbles sa kanyang kausap sa telepono.
Nakatayo lang ako sa tabi ng sofa at nag isip-isip muna kung ano ba dapat kong gawin kapag nag-apply na ako ng trabaho kasi panigurado akong napakataas ng standard nila dito sa siyudad kumpara sa probinsya at sigurado rin ako na sandamakmak na requirements ang kailangan.
"Cheska?" tawag sa akin ni Tita Bubbles.
Agad akong napalingon sa kanya at napaayos naman ng tayo dahil na rin sa gulat. "Umupo ka na muna dito." Ibinaba na pala niya ang tawag, kakaisip ko sa pag-aapply ng trabaho hindi ko na namalayan ang paligid ko.
Sumunod naman ako sa kanyang sinabi at umupo sa tapat niya. "Sabi sa akin ni manang may balak ka raw umalis bukas."
Agad ako napailing sa kanyang sinabi kaya pala parang ang seryoso niya ngayon. "H-Hindi po! Hindi po 'yon katulad ng iniisip niyo. Hindi naman po ko aalis basta-basta." May kasamang kumpas pa ng kamay habang nagpapaliwanag ako. Natakot kasi ako baka kung ano isipin sa akin ni Tita Bubbles pagkatapos ng lahat na ginawa niya para sa akin.
Dahan-dahan lumitaw naman ulit ang ngiti ni Tita Bubbles. "Mabuti naman, iha. Ano ba 'yong sinasabi ni manang?" aniya at napahawak pa sa kanyang dibdib. Parang guminhawa ang kanyang pakiramdam nang marinig niya ang sagot ko.
"Nagtanong po kasi ako sa kanila kung saan makakahanap ng computer shop. Balak ko po sanang lumabas para gumawa ng resume at magpaprint po," tumango lang naman siya sa sagot ko.
"Ah ayun pala ‘yun. Akala ko naman kung ano na kaloka talaga ‘to si manang!” Natawa na lang kami pareho dahil mukhang nagkaroon ng misunderstanding. “but to be honest ayaw ko talaga munang magwork ka eh. Ayokong pabayaan ka mag-isa dito sa siyudad masyadong delikado, lalo na't ako pa ang nagdala sa'yo rito. Hindi ko maiiwasan na mag-alala sa'yo, baka mabaliw ako kakaisip kung maayos ba kalagayan mo o ano.”
Ang sarap pala sa pakiramdam na may taong concern sa kapakanan mo kahit na hindi mo naman kadugo. “S-Salamat po, Tita Bubbles,” wika ko at nagpipigil nanaman ng luha pero itong luha na ‘to hindi dahil sa malungkot ako at nasasaktan. Masaya ako ngayon, luha ito ng kasiyahan.
"Ayokong mapalayo ka sa akin, kung gusto mo mag-work ayos lang sa akin. May desktop at may printer ako diyan, you can use it para gumawa ka ng resume, curriculum vitae or whatever you need to apply. And also, I can help you sa paghahanap ng work, but please ‘wag kang aalis sa bahay," aniya at bigla akong yinakap.
Nagtawanan at nagkwentuhan lang kaming dalawa buong gabi. Wala akong masabi kay Tita Bubbles sobrang bait niya, dahil sa mga nangyari sa akin hindi ko lubos akalain na may ganitong klase pa pala ng tao sa mundo.
***
Kinabukasan maaga ako nagising para tumulong dito sa bahay nila Tita Bubbles. Nakakatuwa nga kasi nakakapagkwentuhan na kami nila manang at ang saya rin nila kasama puro lang kami kwentuhan habang naglilinis.
“Sir, may bisita po kayo,” narinig kong tawag sa itaas.
Nandoon kasi si Tita Bubbles sa office room niya ang sabi niya sa akin marami raw kasi siyang inaasikaso sa trabaho niya kaya hindi rin siya nakasabay sa akin mag-almusal ngayon. Ang galing nga kasi may sariling office siya dito sa bahay niya, minsan daw kasi nakakatamad pumunta sa kompanya nila kaya nagpagawa siya nito sa bahay niya. At tama rin naman ‘yun para mabawasan ang bakanteng kwarto dito sa napakalaking bahay niya.
Nandito na ako ngayon sa kusina tutulong sana ako sa pagluluto ni Manang Aida kaso 'wag na daw kasi magagalit si Tita Bubbles ‘pag nalaman ito. Kaya heto, nandito ako nakaupo sa high chair habang nakikipanood ng TV kay manang. Ang astig nga kasi may TV sila sa kusina at ang laki-laki pa.
Libang na libang ako sa panonood pero naagaw ang atensyon ko nang mapansin ko ang pagmamadaling pumasok sa kusina ng isang kasambahay ni Tita Bubbles. Pinagmamasdan ko lang siya habang nag-aasikaso, alam kong may mali sa kanya.
"Ayos lang po ba kayo? May problema po ba?" tanong ko habang tinitignan pa rin siya.
Muntikan na niyang mahulog ‘yung platitong hawak niya kaya mabuti na lang nakalapit agad ako sa kanya at nasalo ko iyon. Hinawakan ko siya sa kanyang braso at doon ko napag-alaman na mainit siya at hindi normal na init ito.
"Nako, linalagnat ho kayo!" nag-aalalang saad ko kaya naman kinuha ko agad 'yong mga bitbit niya at pinaupo siya. "Mabuti pa maupo muna ho kayo. Ako nalang po bahala rito," saad ko pero tumayo siya ulit at kinuha ‘yung tray na may mga laman ng pagkain.
"Hindi na, Cheska. Okay ako kaya ko 'to,” pagpupumilit niya
Nang subukan niyang humakbang inalalayan ko siya agad dahil para siyang matutumba. "Manang, nahihilo ka ba? Sobrang taas po kasi ng lagnat niyo. Mabuti pa po diyan na muna kayo at ako na ang bahala rito." Hindi na siya nakipagtalo pa, tumango lang siya at nginitian ako nang matipid.
Linapitan ng isang mas batang katulong si Manang Amelia, sinabi ko na rin dito na mataas ang lagnat niya kaya't inasikaso siya nito. Si Manang Aida naman pipigilan pa sana ako kaso wala na rin siyang nagawa kasi lumabas na ako ng kusina.
Nang makarating na ako sa living room, napatitig ako nang husto sa lalaking kausap ni Tita Bubbles. Napatigil rin ako nang lakad at natulala sa kanilang dalawa. Totoong tao ba ‘to? Para siyang artista.
Siguro nga isa siya sa mga hawak na artista dati ni Tita Bubbles.
"Nako... napakagandang bata naman nito manang-mana kay lola, ano baby? 'Di ba kamukha mo si Lola Bubbles?" wika ni Tita Bubbles habang tuwang-tuwa 'yung baby na karga niya.
Napaka-cute nga baby nakangiti siya kaya napangiti rin tuloy ako bigla. Nakakahawa talaga ang smile ng mga baby, may kapangyarihan silang gano'n.
Hula ko anak 'to ng lalake.
"Lolo Bobby is the correct name. 'Wag mo nga turuan ng mali 'yong bata," saad ng lalaki at tawa nang tawa.
"Sipain kaya kita palabas ng bahay ko!" mataray na sagot naman ni Tita Bubbles.
Nanginginig akong lumapit sa kanila at inihain ang kanilang meryenda. Kinakabahan ako baka kasi bigla silang mag-away.
"Cheska, ba't ikaw ang nag-aasikaso? Nasaan sila?" tanong sa akin ni Tita Bubbles habang linilingon ‘yung pasukan sa kusina.
"Si Manang Amelia po kasi inaapoy ng lagnat. Kaya ako na po ang nagpresinta na magdala nito. Si Manang Aida naman po naghuhugas," wika ko.
"I see, sige salamat dito. Magpahinga ka na sa taas." Tumango ako at nagpaalam na, ngunit napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong tawagin ni Tita Bubbles. Tumayo siya at linapitan ako. Nakita ko naman ngayon na karga nang lalaki 'yong baby.
Tama nga ako, anak niya 'yon!
"I'm so sorry... I forgot to introduce you." Nasa tabi ko na si Tita Bubbles at nakahawak siya sa aking magkabilang-balikat. Halos matunaw na ako sa tingin ng lalaking ito. Bakit naman siya ganyan makatingin? Galit ba siya?
"Cheska this is Johann my nephew, and Johann this is Cheska my daughter.” Tawa nang tawa si Tita Bubbles matapos ang kanyang huling sinabi. Napangiti na lang din ako kahit na sobrang awkward dahil nakasimangot ‘yung lalake!
"Charot lang!" pahabol pa niya.
Ngumiti ako kay Johann kahit na napakalamig na tingin ang sinukli niya sa akin. Kung nakasimangot siya kanina mas malala itsura niya ngayon! Anong problema niya? Ang pogi pa naman sana niya kaso mukhang masungit.
Mukhang hindi napapansin ni Tita Bubbles ang mala-kidlat na tinginan namin ng pamangkin niya, kaya bumalik na ito sa kinuupuan niya at ako naman naglakad na papunta ng hagdanan.
"Okay mabalik na tayo sa usapan natin. I told you, kailangan mo ng kumuha ng babysitter para mag-alaga dito kay Baby Rylie or else your mom will get her again," narinig kong saad ni Tita Bubbles.
Hindi ko alam kung bakit ayaw pa umakyat ng mga paa ko sa hagdanan. Parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi naman gano'n kalapit 'yong pwesto ko kina Tita Bubbles. Mabuti na lang nga nasa ilalim ng hagdan na 'to, ang kinauupuan nila kaya hindi nila ako nakikita.
Nako! Ang sama yata nitong ginagawa ko, nakikinig ako sa usapan ng iba. ‘Di bale chismosa with a purpose naman ‘to eh, malay natin makatulong ako sa kanila at makatulong din sila sa akin.
"No way, I don't need a babysitter. Ayokong ipagkatiwala si Rylie sa hindi ko naman kakilala!" wika ni Johann.
"Kung gano'n, sino mag-aalaga kay Rylie kapag nasa work ka ha? At saka isa pa, ano namang alam mo sa pag-aalaga ng bata, Johann?! Magpalit nga ng diaper hindi mo alam, pumunta ka pa rito sa bahay ko! Makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang. Hindi 'to para sa'yo para 'yan sa kapakanan ni Rylie."
Biglang naman napatahimik si Johann sa sinabi ni Tita Bubbles. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng kanilang pag-uusap. Medyo hindi ko lang ma-gets ‘yung mga pinag-uusapan nila pero alam kong medyo may tension kasi napapansin ko ‘yung attitude ng lalake kay Tita Bubbles.
"Well... I hate to say this. But yes, you have a point." Tumigil sandali si Johann at tumikhim. "I'm fine with your suggestion, but I want Manang Aida for Rylie,” diretso at mariin na sabi ni Johann.
Narinig ko naman ang malakas na buntong hininga ni Tita Bubbles senyales na hindi siya sang-ayon.
"Excuse me? Hindi pwede 'no! Tatlo na nga lang ang maids ko kukunin mo pa! Do'n ka sa bahay niyo kumuha, ang dami-dami!" matigas naman na sagot ni Tita Bubbles.
"Very helpful 'yong suggestion mo. Alam mo na ngang hindi kami okay ni mom, kaya ko nga kinuha si Rylie tas hihingi pa ako ng tulong sa kanya. No way!" sagot naman ni Johann.
"That's your problem, Johann! Labas ako diyan, ‘wag mo akong bigyan ng stress sa buhay!"
Bigla tuloy ako napaisip, kailangan niya ng maid/babysitter at kailangan ko ng trabaho. Ang kaso lang hindi ko alam kung papayag ba si Tita Bubbles sa naisip ko. At saka pumayag din kaya 'tong si Johann? Parang malaki ang galit niya sa mundo kaya ang sungit sa akin. At baka pag-isipan lang ako nang masama nito, lalo na't kakakilala lang namin ni Tita Bubbles.
Naglakas-loob akong bumaba at lumapit kina Tita Bubbles. Pareho silang lumingon sa akin, huminga muna ako nang malalim at binulong sa aking sarili ang katagang bahala na.
"What is it, Cheska? May problema ba?" ani Tita Bubbles habang nakatingin sa akin na parang nagulat sa biglaang pagsulpot ko.
Agad akong umiling at tila ba dinala nang hangin ang aking sasabihin. Hindi na ako pwede umatras magmumukha lang akong tanga sa harap nila kung gagawin ko ‘yon!
"Tita Bubbles? Uhmm… S-Sir Johann." Napataas agad ng kilay si Johann nang marinig niya ang pagtawag ko sa kanyang pangalan, kaya naman napapikit ako nang mariin. Mapaghahalataan akong chismosa nito. Mas lalo tuloy akong kinabahan ngayon dahil nakatitig nanaman siya sa akin nang masama.
"Lalakasan ko na po ang loob ko..." Huminto ako para huminga ulit nang malalim, feeling ko naubusan ako ng oxygen sa katawan. "Narinig ko po kasi 'yung pinag-uusapan niyo. Pwede po ba akong mag-apply bilang maid?" saad ko at sabay tingin kay Johann na ngayon ay nakakunot ang noo pero maya-maya pa biglang naging blangko ang kanyang reaksyon.
Patay! Parang mas lalo yata ako dapat kabahan sa itsura niya ngayon.
Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta
Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa
Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an
Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m
Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu
Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya
Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay

Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles