Home / Romance / Lovelies / Panimula

Share

Lovelies
Lovelies
Author: Zephyrine Louis

Panimula

Author: Zephyrine Louis
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema? Ano naman kaya ang tawag 'doon?

Malas?

Walang kwenta?

Salot?

Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.

Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaan ko na lang na gano’n na lang kami habang-buhay.

"Cheska linalangaw na 'yung mga paninda nating tinapay oh!" sigaw sa akin ni Aling Rosa habang nginunguso ‘yung mga langaw sa eskaparate.

Liningon ko ito kaagad at tama nga may tatlong langaw na lumilipad sa loob nito. Agad kong binuksan ang eskaparate ng tinapay sabay hampas sa gilid nito para mabulabog 'yung mga langaw sa loob at lumabas. At saka ko lang napagtanto na mayroon pala akong customer sa harapan ko na bibili ng ensaymada, dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa kanya. Kitang-kita ko naman kung paano ngumiwi ng tuluyan ang kanyang mukha sa kanyang nasaksihan. Dali-dali niyang binawi ang kanyang bayad at tuluyan ng umalis. 

Ilang buwan na rin ako nagtratrabaho dito sa bakery na ito. Pumapasok lang ako dito tuwing hapon hanggang gabi dahil may pasok ako sa school at kapag linggo naman ay buong araw akong naririto. Minsan ay sumaside-line rin ako sa pag-aalaga ng bata at paglalaba lalo na kapag walang pasok.

"Oh! Ayan singkwenta muna, wala tayong masyadong benta ngayon, kasi naman masyado kang pahalata na nilalangaw 'yung paninda natin!" nakasimangot na saad ni Aling Rosa sa akin.

Walang imik kong tinanggap ang singkwenta na ibinigay niya. Isangdaan lang talaga ang sahod ko sa bakery kaso nga dahil matumal kami ngayong araw singkwenta lang ang binigay niya sa akin.

Umuwi ako nang mapayapa dahil sa wakas makakapag-review na ako ng mga aralin ko. Marami rin kasi akong gagawin ngayon dahil malapit na ang pagtatapos namin kaya maraming ipapasa sa mga guro. Consistent top one ako sa paaralan namin at mine-maintain ko talaga 'yun dahil alam ko kapag naging valedictorian ako pagka-graduate ko makakakuha ako ng scholarship para sa kolehiyo. At baka sakali maging proud na rin sa akin si nanay kahit na ayaw niya 'yung ideyang iyon dahil dagdag daw sa gastusin.

"Anong oras na? Bakit ngayon ka lang? Wala na tayong ulam at bigas!" Salubong sa akin ni nanay pagkapasok ko pa lang ng pinto.

“Ito lang po maibibigay ko sa inyo ngayon, pasensya na po. Wala na rin po talaga akong pera kasi pinambayad ko po sa school para sa science project po namin kanina." Linabas ko 'yung singkwenta na ibinigay sa akin ni Aling Rosa kanina pero halos mapapikit ako sa hapdi nang sampal sa akin ni nanay.

"Punyeta kang bata ka! Pinagloloko mo ba ako?! Aan'hin ko ‘yang singkwenta na 'yan ha?!" saad niya at sabay hila sa buhok ko patungo sa kusina. "Nakikita mo ba 'to?!" sigaw pa niya sa akin.

Halos ingudngod niya ang mukha ko sa kaldero na may panis na kanin at biglaan niyang tinulak ang ulo ko na nagpawala naman ng balanse sa aking pagkatayo kaya naman napasalampak ako ngayon sa sahig.

"Sinabi ko na sa'yo noon pa lang na 'wag ka ng mag-aral! Magtrabaho ka na lang sa Maynila! Puro na lang pansarili ang iniisip mo, kailan ka ba matatauhan ha?!" panenermon niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko. Ilang beses na ba niya sinabi sa akin 'yan, halos hindi ko na rin mabilang. Parang gustong-gusto niya na ako mawala sa lugar na 'to pero hindi ko naman hahayaang iwanan siya dito mag-isa dahil alam ko siya ang magdurusa sa mga gastusin dito sa bahay kapag umalis ako. 

"Mas luluwag po ang buhay natin kung makakapagtapos po ako ng pag-aaral," mahinahon kong paliwanag sa kanya habang dahan-dahan na tumayo.

"Sa tingin mo gano'n kadali 'yun ha?! Hay nako, Cheska! Pahirap ka sa buhay, umalis ka nga d'yan!" aniya at napapikit na lang ulit ako sa biglaang pagtulak niya sa akin.

Pagkatapos ng paghaharap namin ni nanay ay hindi na ako lumabas sa kwarto ko. Halos araw-araw naman siyang ganyan sa akin medyo grabe lang ngayon dahil nagkukulang kami sa pera, nawalan na kasi ng trabaho si nanay at ang asawa naman niya ay tinanggal sa trabaho dahil sa pakikipag-away sa kasamahan nito. Nakaharap lang ako ngayon sa salamin habang pinupunasan ng alcohol ang mga galos ko dahil sa nangyari kanina. Hindi na rin ako nakapag-aral dahil sa ingay sa baba. Mukhang nandito na 'yung asawa ni nanay na si Tito Robert. 

Nag-aayos na ako ngayon dahil matutulog na sana ako kaso nagulat ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Bumangon naman ako para buksan ang pinto.

"Hay salamat naman at lumabas ka na diyan sa mabaho mong kwarto," wika ni Sarah na anak ni Tito Robert na nakatayo ngayon sa pintuan.

Dito kasi ako natutulog sa bakanteng kwarto namin na naging bodega. Lahat ng mga lumang gamit ng lola ko ay naka-imbak dito. Mayroon naman akong foam para sa higaan ko kaso luma na ito kaya sinasapinan ko na lang ng kumot para hindi maamoy ang singaw nito, may pagka maarte lang talaga ‘tong si Sarah dahil spoiled kila nanay at sa kanyang ama.  

"Labahan mo 'tong uniform ko, dali!" aniya at sabay hagis sa mukha ko ng uniform niya. Narinig ko naman ang halakhak niya dahil sa naging itsura ko.

Wala akong choice kundi bumaba at labahan ang uniform ni Sarah, dahil ayoko ng gulo at gusto ko ng matulog hindi na ako humadlang sa gusto niyang ipagawa tutal isang damit lang naman ito. Habang kinukusot ko ang blouse niya narinig ko naman ang yapak ng paa ni nanay na pababa ngayon sa hagdanan.

"Gabing-gabi na Robert, wala pa kayong balak tumigil diyan?" narinig kong saad ni nanay sa labas ng bahay namin. May kainuman nanaman kasi si Tito Robert kaya pala ang ingay.

"Eh ano bang paki mo ha?! Bigwasan kita diyan eh!" wika ni Tito Robert na halatang-halatang lasing na at wala na sa kanyang sarili. Narinig ko rin ang hiyawan ng mga kaibigan ni Tito Robert dahil sa mga binitawan niyang salita kay nanay.

Nagulat na lang ako ng marinig ko ang malakas na pagbagsak ng kahoy na screen door namin hudyat na pumasok na siya sa loob. Naramdaman ko ang presensya ni nanay sa likuran ko kaya agad naman akong napalingon sa kanya.

Tinignan niya ako nang masama. "Anong tinitingin-tingin mo diyan ha?!" bulyaw na tanong niya sa akin. 

Napayuko na lang ako at umiling bilang sagot at nagpatuloy na lang sa pagkusot.

* * * 

“Mga magulang at mga kaibigan narito ang valedictorian ng klase nang Mataas na Paaralang Pambansa ng Esperanza taong dalawang libo at labing-walo na si Franceska Ramirez upang maghatid sa atin ng kanyang talumpati ng pamamaalam.”

Nang dumating na ang pinakahihintay naming pagtatapos, umakyat ako sa entablado ng punong-puno nang pag-asa. Tinanggap ko ang aking diploma at mga medalya. Nag-iwan din ako ng speech para sa aking mga kamag-aral, mga guro at pati na rin sa mga magulang na naroroon. Rinig na rinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao at pati na rin ang hiyawan ng mga kaklase ko.

Pinanood ko naman sa malayo si nanay na inaayos ang toga ni Sarah. Ngumiti ako sa kanila at huminga nang malalim para walang kumawala na luha sa aking mga mata. Inaamin ko naiinggit ako kay Sarah dahil na sa kanya ang atensyon ni nanay. Itinuturing niya ito na para niyang sariling anak pero ako na kadugo niya kahit minsan hindi man lang ako nakaranas ng pag-aalaga at atensyon mula sa kanya.

Maaga pa lang natuto na akong tumayo sa aking sariling mga paa dahil wala namang ibang paraan para mabuhay sa mundong ‘to. Nang mawala ang lola ko na nag-aalaga sa akin, alam ko na sa sarili ko na wala akong ibang pwedeng asahan sa mundong ‘to kundi ang sarili ko.

Buong araw ko nga naiisip si Lola Ideng ngayon kasi alam ko kung nandito siya panigurado sobrang saya niya ngayong araw na ‘to. Simula pagkabata siya na ang tumayong ina sa akin, inalagaan niya ako nang husto at wala akong masasabi sa pagmamahal na binigay sa akin ng lola ko, lahat ng pagkukulang ni nanay ay pinunan niya. Siya nagturo sa akin kung paano bumasa at magsulat, lahat ng mga kailangan ko kahit kapos kami ay talagang pinagtratrabahuan niya ‘yun para lang maibigay niya sa akin. Naalala ko rin ang palagi niyang pangaral sa akin, ‘Anak, wala akong ibang hiling para sa’yo kundi maging mabuti kang tao dahil ang mundo natin ay punong-puno nang kasamaan at kalungkutan, hindi mo na kailangan pang dumagdag dito.’

Nang makababa ako sa stage ay linapitan ako ng adviser ko binati niya ako at pinayuhan na mas maganda raw kung mag-aral ako sa Maynila para sa mas magandang kinabukasan, pero sinabi ko rin sa kanya ang plano ko na dito ako sa Esperanza magpapatuloy ng pag-aaral. Magandang pagkakataon din na sa siyudad ako makapag-aral kaso ang iniisip ko kasi si nanay, kakailanganin kong iwan siya. Natapos na ang seremonya at nagsilapitan ang mga kaklase ko para batiin ako at maging ang bestfriend ko na si Janine.

“Cheska, congratulations! Nakaka-proud ka talaga, naiiyak ako kanina habang pinapanood kita sa speech mo!” Yinakap ako ni Janine nang magkalapit kami.

“Congratulations din sa’yo, Janine! Masaya ako na sabay tayong naka-graduate at hindi rin ko maaabot ‘to.” Itinaas ko ang aking medalya na nakasabit sa aking leeg, “kung hindi dahil sa’yo, palagi mo akong tinutulungan kapag walang-wala ako. Palagi mo rin ako pinapaalalahanan sa mga assignments natin kapag busy ako sa trabaho. Kaya maraming salamat at maswerte ako na may kaibigan akong kagaya mo,” nangingiyak kong saad kay Janine.

“Ano ba ‘yan pinapaiyak mo nanaman ako, Cheska! ‘Yung make up ko!” Natawa na lang kami pareho sa ka-dramahan namin ngayong araw. Masyado lang siguro kaming masaya ngayon sa pagtatapos namin sa High School.

Nagpaalam na ako kay Janine para hanapin kaagad sila nanay at si Sarah para batiin din siya.

"Nay!" tawag ko.

Nang makita ko na parang may hindi tama ay agad akong tumakbo palapit sa kanilang dalawa. Yakap-yakap ni nanay si Sarah ngayon, nang makalapit na ako sa kanila nang husto ay doon ko napag-alaman na umiiyak pala si Sarah.

"B-Bakit ka umiiyak, Sarah? Anong nangyari?” nag-aalala ko namang tanong, pero papalapit pa lang ako para daluhan si Sarah mahigpit nang hinawakan ni nanay ang pala-pulsuhan ko.

Agad akong napahinto sa ginawa sa akin ni nanay. Nagtataka rin kung ano bang nangyayari at parang galit na galit agad sa akin siya kahit kakalapit ko pa lang sa kanila.

"Ipagyayabang mo nanaman ba sa kapatid mo ang mga medalya mo ha?! Wala ka na ngang kwentang anak, wala ka pang kwentang kapatid! Lumayo-layo ka na nga sa amin!" malakas na sigaw ni nanay sa akin, kaya naman lahat ng natitirang mga guro, magulang at estudyante na kumukuha pa ng litrato sa stage ay naagaw ang atensyon at napalingon sa aming tatlo.

"N-Nay wala naman po akong ginagawa sa kanya, hindi po ako nagyayabang," paliwanag ko naman habang pinipigilan ang paghikbi.

Sa apat na taon na pagsasama namin sa isang bubong nila nanay at kahit araw-araw niya akong nabubungangaan, ni minsan hindi pa ako umiyak sa harap niya pero ngayon todo pigil ako sa aking mga luha. Siguro dahil nag-eexpect ako na kahit papaano ay magiging masaya siya para sa akin pero nagkamali nanaman pala ako.

"Sinungaling! Akala mo hindi kita nakita kung paano mo ako asarin sa stage kanina ha! 'Yung mga tingin mo at 'yung ngiti mong mapanglait, kitang-kita ko 'yun! Kaya puro na lang pagkukumpara ng mga kaklase ko sa'yo at sa akin! Ang sama mo!" saad ni Sarah sabay hagulgol, yinakap naman siya agad ni nanay at iniiwasan akong tignan.

"Nay… alam niyo pong hindi totoo 'yon. Nakatingin lang naman po ako sa inyo kasi para po sa’yo ito." Nanginginig kong inabot kay nanay 'yong mga nakuha kong award. Nagbabaka sakali pa rin na matuwa siya sa akin. Hinablot naman niya sa kamay ko 'yong mga medalya at humarap sa akin.

"Para lang sa mga medalya na ‘to gaganyanin mo na si Sarah? Hindi ko 'to hiningi sa'yo, Cheska! Ayaw nga kitang pag-aralin, ‘di ba? Dahil alam kong lalaki 'yang ulo mo!” Unti-unti siyang lumapit sa akin habang tinuturo ako, sa likuran naman ni nanay nakita ko ang pag-ismid ni Sarah. Doon pa lang alam ko na, nagtagumpay siya. Ito ang gusto niya ang hindi siya masapawan at magalit sa akin nang husto si nanay. “Sabihin mo nga masasangla mo ba ‘tong mga ‘to ha? Mapapakain ba tayo ng mga peke mong medalya?! Hindi ko kailangan ng anak na katulad mo, isaksak mo 'to sa baga mo! Halika na Sarah!"

Napaupo ako sa sahig habang tinatakpan ang aking mukha. Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa paghampas ni nanay ng mga medalya sa mukha ko. Nanatili akong nakaupo doon hanggang sa daluhan na ako ng mga taong naroroon. Halo-halo ang mga lumapit sa akin, mga guro, kapwa ko estudyante at may mga magulang din, nakita ko rin si Janine na dali-dali lumapit sa akin at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Nako! Dalhin na sa clinic 'yung bata, duguan 'yung mukha niya!" sigaw ng isang manong.

Sinubukan kong iangat ang kamay kong nakatakip sa mukha ko, doon ko na nakita ang dugong sinasabi nila at pagkatapos ay nawalan na ako ng malay.

Related chapters

  • Lovelies   Kabanata 1

    Kakatapos lang ng pangalawang subject namin at nandito na kami sa canteen ngayon para mananghalian. Isang buwan na rin simula nang pumasok kami sa kolehiyo. Nakakapanibago pero alam kong kayang-kaya ko 'to, lalo na't unti-unti ko nang natutupad ang pangarap kong maging isang guro. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko na si Janine at base sa itsura niya ay hindi siya natutuwa sa kinukwento ko. "At bakit daw? Baka pati sponsor mo gusto pa nilang huthutan ng pera," wika ni Janine at sabay simangot. “Curious lang sila, tinanong lang nila ako kung binayaran na ba ng buo ‘yung tuition fee ko,” sagot ko naman habang binabasa ang mga ulam na nakahanda para sa ngayong araw. Napasapo na lang siya sa kanyang noo at tinignan ako. “Baka naman gusto kunin ‘yung pang tuition fee mo, para kay ano.” Nginuso niya sa akin si Sarah na nasa gilid lang din pala namin. Tumayo kami ni Janine para umorder nang makakain naming dalawa. “Namromroblema kami kasi malapit na an

  • Lovelies   Kabanata 2

    Dumaan ang ilang araw pero namromroblema pa rin ako sa ginawa sa akin nila nanay. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga kailangan ko sa school at 'yong pang araw-araw na gastusin namin, isama pa 'yong renta ko sa bahay. Oo, pinagbabayad na ako ng renta sa mismong bahay namin. Nagsimula lang 'yon ng maka-graduate ako ng high school dahil marami naman daw nagbibigay sa akin ng pera simula noong grumaduate ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari sa akin at masyado nila akong ginigipit, halos lahat naman binibigay ko pero kulang pa rin ‘yun para sa kanila. "Hayaan mo kapag may extra akong pera ipapahiram ko agad sa'yo, subukan ko rin humiram mamaya kay tita,” sabay tapik niya sa balikat ko. "At saka wag ka nang ma-stress diyan, sayang ang beauty mo. Sige ka papangit ka!" pahabol pa niya at sabay hagikhik. Buti na lang talaga may kaibigan ako. Kung wala, ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala ako malabasan ng m

  • Lovelies   Kabanata 3

    Pagkauwi ko sa bahay nandoon na agad si Sarah kasama si nanay, mukhang malalagot nanaman ako nito. "Anong nangyari, Cheska?" mahinahon na tanong ni nanay. "Uhmm... nagkasagutan po sila kanina ni Janine," saad ko at umiwas nang tingin kay Sarah dahil alam kong mag-rereact siya kaagad. "Ha? Nagkasagutan? Eh halos magpatayan na kami kanina ng babaeng pakilamera na ‘yon at wala ka ‘man lang ginawa! Sinabihan kaming magnanakaw ni nanay at hindi mo man lang kami pinagtanggol!" paniningit ni Sarah. Sinitsitan siya ni nanay at tinignan nang masama kaya naman napatahimik na lang si Sarah sa gilid. Ibinaling na niya ulit ang tingin niya sa akin. "Cheska, mga alas-syete aalis na tayo." Pagbabago niya sa usapan tumango naman ako bilang sagot. Habang umaakyat ako sa hagdanan narinig ko si Sarah na nagsalita. "Nay ah, balitaan mo ako mamaya. Na-eexcite na ako!" wika ni Sarah at hindi naman siya sinagot ni nanay. Hindi ko na lang 'to pinansin at tulu

  • Lovelies   Kabanata 4

    Nakasandal pa rin ako ngayon sa pintuan habang nagdadasal. Nanginginig na ako sa takot at 'di ko na rin mapigilang lumuha. Kailangan kong gawin 'to kaya dapat magpalakas ako nang loob. Isang pagkakamali lang matutuluyan na akong makukulong sa lugar na ‘to at hindi ko masisikmura na magtagal pa dito ng isa pang minuto. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makatakas ngayon kundi habang buhay kong pagsisisihan ‘to.“Kaya mo ‘to, Cheska,” bulong ko sa aking sarili.Nang makakuha na ulit ako ng tiyempo dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saktong nakita kong paakyat ngayon ang babaeng kausap ni nanay kanina. Si Madame Sheena. Tahimik akong lumabas ng kwartong iyon, dahil nasa dulo ng hallway ang pinto na linabasan ko hindi nila agad ako napansin kasi medyo may kadiliman sa kinapwepwestuhan ko.Hindi pa ako makatakbo ngayon kasi naman ‘yung dalawang guard nakaharang pa sa dadaanan ko. Maya-maya

  • Lovelies   Kabanata 5

    Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat, pero gayunman hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang pagod dahil sa nangyari sa akin kagabi. "Cheska, gising na malapit na tayo." Nang may marinig akong boses napaisip agad ako kung sino ‘yun? Si nanay ba ‘yun pero iba ang boses hindi rin naman ‘yun si Sarah o si Tito Robert. Naisip ko na baka nananaginip lang ako, pero nang may humawak sa braso ko doon ko lang iminulat ang mga mata ko dahil alam kong hindi ‘yon isang panaginip lang. Naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aircon na galing sa itaas. Nasa bus ako kasama si Tita Bubbles, at ibig sabihin totoo pala talaga lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na rin ang pagtakas ko sa Esperanza. Liningon ko siya at gulat na gulat sa reaksyon ko. “Ayos ka lang ba, iha?” aniya. Tumango-tango lang ako at napatingin sa bintana na katabi ko lang, umaga na pala. Napamangha ako sa mga naglalakihang building na dinadaanan namin. Dati ay

  • Lovelies   Kabanata 6

    Pagkagising ko may mga iba’t-ibang gamit at mga paperbags na nakalapag sa lamesa sa tapat ng kinahihigaan ko. Lalapitan ko na sana ang mga ‘to kaso biglang bumukas ang pinto."Hello, Cheska! Kumusta na pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" Lumapit sa akin si Tita Bubbles at napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Medyo gulantang pa rin kasi talaga ako sa nangyari sa akin kaya hindi ko talaga ramdam ang oras ngayon. Kaya nang lumingon ako sa bintana saka ko lang napagtanto na gabi na pala at sobrang haba pala ng tulog ko."Opo mukhang napasarap nga po ang tulog ko eh," nahihiya kong saad at sabay lingon ulit sa bintana kung saan kitang-kita roon ang maliwanag at bilog na buwan. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa kahihiyan parang ngayon ko lang nagawa matulog nang mahaba.Ngumiti na lang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang magpalamon ngayon ng buo sa lupa dahil sa kahihiyan. Napansin ko ang paglapit ni Tita Bubbles

  • Lovelies   Kabanata 7

    Nagulat na lang ako sa biglaang pagtawa ni Johann at wala akong kaalam-alam kung bakit. "Are you out of your mind? Do you know what you are talking about?” Tinignan ko lang siya habang ginugulo niya ang kanyang buhok na para bang naiirita sa akin. “Gano'n na ba kaliit ang kita sa pagmo-model ngayon at gusto mong mag-apply sakin bilang maid?" aniya at umiling-iling pa. Ano bang pinagsasabi niya? Ako model? Baliw na yata siya! Sasagot na sana ako kaso bigla ako naunahan ni Tita Bubbles. "Hindi ako papayag, Cheska. No way!" wika niya at tumayo para lumapit sa akin. "Well, me neither! Para namang ipagkakatiwala ko sa kanya si Rylie. Bukod sa 'di katiwa-tiwala ang hitsura mo, you look worthless." Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Makapagsalita naman 'to akala mo kung sino, kabaligtaran siya ni Tita Bubbles. Sanay akong linalait at palaging inaaway nila nanay at Sarah pero kapag ibang ta

Latest chapter

  • Lovelies   Panimula

    Sabi nila boring ang buhay kapag walang problema pero paano naman kung punong-puno nang problema?Ano naman kaya ang tawag 'doon?Malas?Walang kwenta?Salot?Ang mga katagang 'yan ang palagi kong naririnig sa aking ina. Dahil minalas daw siya simula nang pinanganak ako, wala raw akong kwentang anak at salot ako sa pamilya namin lalo na sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako naging malas, walang kwenta at salot sa buhay nila. Hindi naman kasi ako pabigat sa kanila at mas lalo namang hindi rin ako pasaway.Siguro ayun lang talaga ang papel ko sa mundong 'to maging isang malaking problema. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kay nanay para tanggapin niya ako nang buo, dahil alam ko naman na kahit bumaligtad pa ang mundo hinding-hindi natin mapipilit ang ating sarili sa taong ayaw naman sa atin. Bata pa lang ako natanggap ko na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ni nanay, pero hindi naman ibig sabihin ay hahayaa

DMCA.com Protection Status