Ito yung sinasabi nilang parang may sariling mundo. HAHAHAHHA.
“Hindi na!! Hindi na!!” Natatawang sabi ni Pan nang mahuli siya ni Juancho.“No. I caught you!!”Tumawa ng malakas si Pan ng kilitiin siya ni Juancho. Maraming tao sa beach, ang ilan ay nakabikini pa. Pero sila, parang sila lang dalawa ang tao sa mundo.“Juancho, stop… Okay na.. I’m sorry. Hahaha. I’m sorry ….hahahhaha.. Juancho stop.. hahahahha.”Pan’s laughter is contagious kaya si Juancho ay napaupo sa buhangin at natatawa na rin kay Pan.Hindi nila napapansin pero nakukuha nila ang attention ng ibang tao sa paligid nila.Hindi nila naririnig pero samu’t saring komplimento ang sinasabi ng iba sa kanila.Na kesyo, ang perfect couple nila.Napatigil si Pan nang makita niya na tumatawa rin si Juancho ngayon.Hindi niya aakalain na darating ang araw na hahalakhak ito sa mga kalokohan niya. At hindi rin napapansin ni Juancho na tumatawa siya ngayon.Tumayo si Pan at yumakap sa kaniya. Tuloy ay napatigil si Juancho sa pagtawa.“What?” tanong ni Juancho sa mababa nitong boses.“Upo tayo na
Nasa kama na sila, at nakahiga si Pan sa mga bisig ni Juancho. Sa totoo lang, hindi matanggal sa isipan ni Pan kung anong dahilan at bakit gusto siyang hanapin ni Logan. Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya, biglang tumawag si Lianne. Napatingin si Pan kay Juancho. Kumirot ang puso niya pero agad niya yung ipinagsawalang bahala. Lumayo siya kay Juancho. Si Juancho naman ay tinitigan siya. Hindi niya makitaan ng kahit na anong bahid ng pagsi-selos si Pan. Hindi niya alam bakit pero naiinis siya doon. Tumayo siya para sagutin ang tawag. Nang lumabas si Juancho ng hotel room, tumayo si Pan para makaligo. Pumasok siya ng banyo at agad niyang kinausap ang sarili niya sa harapan ng salamin. “Pan, hindi mo boyfriend si Juancho. Boyfriend siya ng iba.” Pinilit niyang ngumiti pero may kirot talaga sa puso niya. “Pan, hindi ka pwedeng mainlove sa kaniya. Pag-aari na siya iba at isa pa, oras mainlove ka kay Juancho, hindi mo na kayang hilingin sa kaniya ang pakay mo.” Sabi niya sa sar
“Why are you like this?” tanong ni Juancho. “You said, gusto mo ‘ko?”Nakagat ni Pan ang labi niya. “Gusto kita pero hindi naman ako gaya ng ibang babae na manggugulo kapag hindi mo ‘ko pipiliin.”Tumiim bagang si Juancho.“Are you saying hahayaan mo ‘ko kay Lianne?”“Y-Yes,” parang may bumara sa lalamunan ni Pan nang sumagot siya ng yes.“Really?”“Yes. Hindi ako manggugulo.”‘Hindi ba ito yung gusto ng mga lalaki? Yung hindi picky? So magugustuhan to ni Juancho?’ Pan’s hoping na matutuwa si Juancho sa sasabihin niya.She wanted to reassure him na hindi niya sisirain ang relationship nito with Lianne.“Alright..” Saad ni Juancho. “So isa ka lang talagang call girl na pwede kong gamitin kahit kailan ko gusto.”Nakagat ni Pan ang labi niya. Masakit marinig yung salitang iyon pero yun naman ang gusto niyang iparating.“Oo.”“I get it. You just wanted to be my prosti kapalit ng pera ko.” Natawa si Juancho. “I’m so stupid.” Sabi niya at tinalikuran si Pan at naglakad palayo.Naguguluhan si
Natapos na rin ang maliligayang sandali ni Juancho at Pan na kasama ang isa’t-isa dahil kailangan nilang bumalik na sa mga dati nilang buhay.Bogbog ang katawan ni Pan dahil hindi siya tinantanan ni Juancho bago sila umuwi kaya nagpahinga na muna siya sa bahay nila.At habang natutulog siya, hindi niya nakita na doble ang perang binibigay ni Juancho sa bank account niya.No’ng hapon, paggising niya, nakipagbonding lang muna siya sa anak niya sandali bago siya pumunta ng studio.Kailangan niyang magpakita kay Bobby at marami siyang ipapaliwanag dito.“PANASREE!” Sigaw ni Bobby nang makita siya.“B-Bakit ka sumisigaw?” aniya sabay takip ng tenga. “Hah! Talaga bang wala kang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid mo?”“Na ano?”“Woy babae ka, hihanap na ni Lorciano ang girlfriend ni Logan.”Nabitawan ni Pan ang bag niya. Nanlaki ang mata at parang naputol ang kaniyang hininga. “A-Anong sabi mo?”“Alam na niya girl kaya nag-alala kami sayo at baka mamaya tsinugi ka na niya. Saan ka ba galing
“Juancho? Let’s go?” sabi ni Lianne ng nakangiti. Tumango si Juancho at tumayo sa table niya. Ngayon siya pumayag na magdate sila ni Lianne at hindi maitago ni Lianne ang kasiyahan na nararamdaman niya dahil lalabas sila ng boyfriend niya. “What do you think of my fit? Maganda ba?” Tumango si Juancho. “Maganda.” Sabi niya and it was bland. Para bang hindi man lang siya nabigla o naimpress. Lianne couldn’t ask more so she was grateful na kahit papaano ay boyfriend pa niya ang kaibigan niya at tumutugon ito sa mga tanong niya. Pupunta sila ng Shantara Restaurant—ang pinakakilalang restaurant sa lugar nila lalo’t masasarap lahat ng dish nila doon. “Matagal rin natin itong hindi nagawa. Can we do it again next time bago ka bumalik ng Manhattan?” “Sure,” sabi ni Juancho at ngumiti sa kaniya. Agad na namula si Lianne. Pagpasok nila ng Shantara, nakita nilang dalawa si Logan kasama ang babaeng si Sara. “Logan,” sabi ni Lianne na nagulat nang makita si Juancho. “Oh. Anong ginagawa n
Next morning, sunod sunod na ang trabaho ni Pan at Bobby. Kasama ni Pan ngayon si Trisha. Pupunta sila sa isang kumpanya na may-ari ng product na pino-promote ni Trisha. Siya ang magiging assistant ni Trisha ngayon. Taga ayos ng buhok at taga re-apply ng make-up. Pagdating nila sa Diyamante—isang brand name na ang product ay skin care at whitening soup, umupo si Pan sa waiting area habang si Trisha at tumuloy sa office ng assistant ng CEO. From Trisha: Ate Pan, matatagalan pa po ako sa loob. Wala pa kasi si madam. Napabuntong hininga si Pan dahil maghihintay pa pala siya ng matagal kay Trisha. Pero ayos lang dahil bayad naman ang bawat oras niya. Tumayo muna siya para maglibot libot sandali. At sa kaniyang paglibot-libot, napagkamalan pa siya bilang isang empleyado. “Miss, pakidala ito sa rooftop.” Saad ng isang empleyado na hindi kilala ni Pan. Hindi na siya nakareact dahil biglang ipinatong sa kaniya ang isang box ng mga hindi naayos sa pagpack na whitening soup. Umalis rin a
-HOSPITAL- Kasalukuyang inaabot ni Leon ang tubig kay Pan.“Salamat” Umupo si Leon sa tabi niya ngunit may distansya pa rin sa pagitan nila. “Half-sister ko si Sasha,” panimula ni Leon. “Hindi siya ganto, ngunit nag-iba ang lahat sa kaniya matapos niyang maranasan ang pait na nangyari sa buhay niya.” “Kaya ba siya gusto magpakamatay dahil ayaw siyang balikan ni Ark?” tanong ni Pan dahil iyon lang ang nakikita niyang dahilan. Tumingin si Leon kay Pan at umiling. “Hindi si Ark ang dahilan bakit nagkakaganyan ang kapatid ko. Huwag kang mag-alala, hindi namin sinisisi ang boyfriend mo.” Natahimik si Pan at naalala na sinabi nga pala nila ni Ark na magkarelasyon sila sa harapan ni Sasha. “My sister was being molested by our driver 3 years ago.” Napasinghap si Pan at napatingin kay Leon. “She was a sweet girl and full of life. In fact, madalang ko lang siyang makita noon na umiiyak. Pero dahil sa walangyang taong yun, sinira niya ang dating Sasha.” Kitang kita ni Pan ang
From that day on, naging magkaibigan si Pan at Sasha. Dumating rin ang CEO ng Diyamante na ina ni Sasha, at nagpasalamat ito kay Pan. Ngayon, ang pamilya ni Leon ay tumatanaw ngayon ng malaking utang na loob kay Pan. Even Trisha, she received such merit from what Pan did. Pumirma na siya agad ng contract ng Diyamante at naging official model at endorser ng product matapos malaman na kaibigan ito ni Pan. Kaya samu't-saring regalo ang pinapadala ni Trisha kay Pan dahil sa pagtulong nito sa kaniyang career. Ngayong araw, nagpunta si Sasha sa studio ni Pan at Bobby. First time niya sa studio, at nakatingin siya kay Bobby at Pan na busy sa photo shoot ng kanilang client. Dahil girl with lightning background ang theme, parang may kidlat na picture sa likuran no'ng babaeng client nila. Manghang mangha si Sasha sa galing ng concept. And she's patiently waiting for Pan na matapos ito sa kaniyang trabaho. Ngayon lang kasi siya hinayaan na makalabas ng bahay kaya ngayon
Nang magising si Pan, si Bobby ang agad niyang namulatan.Tumingin siya sa itaas ng kisame, at saka sa paligid niya. Hindi agad rumihestro sa isipan niya kung nasaan sila marahil ngayon.“Nasa hospital ka.” Sabi ni Bobby na namamaga na rin ang mata kakaiyak habang hinihintay na magising si Pan.“Anong nangyari?” mahinang tanong ni Pan.“Nahimatay ka.”Nakagat ni Pan ang labi niya nang maalala ang lahat ng nangyari kanina. Nang makaraharap niya si Lorciano, pakiramdam niya ay para na siyang mamamatay.“Magsumbong na tayo sa pulis.” Sabi ni Bobby sa kaniya. “Namamaga ang pisngi mo dahil sa ginawa nong demonyong yun!”Agad na umiling si Pan. “H-Huwag na..” Sabi niya. “N-Natatakot akong magsumbong.”“At bakit ka matatakot?”“Dahil baka balikan niya ako at idamay niya ang anak ko o di kaya ay si lola o si mama. Ayokong madamay sila.”Kumunot ang noo ni Bobby. “Bakit ka ba niya hinahabol Pan? Ano bang gusto niya sayo? Bakit ka niya sinasaktan?”Tumulo ang luha ni Pan nang maalala na naman n
“PAAAAAN!”“Bobby, tulong!!!!” Sigaw ni Pan na umiiyak na ngayon. “Shit!” Napamura si Lorciano at sinampal si Pan bago umalis at pumasok ng sasakyan niya lalo pa’t hindi lang si Bobby ang papunta sa gawi nila kun’di kasama pa iyong taxi driver at ibang tao.Kanina, nang mawala si Pan sa likuran ni Bobby, kinutuban na si Bobby na baka ay may nangyari sa kaibigan niya.Kaya bago pa umalis ang taxi driver, nagpatulong muna siya na hanapin si Pan at saktong narinig niya ang sigaw nito.“PAAAAAN!” Agad sinaklolohan ni Bobby si Pan na nakaupo na ngayon sa lupa habang yung ibang mga kasama niya ay pinilit habulin si Lorciano.“Pan, si Lorciano iyon diba?”Tumayo si Pan. Pulang pula ang kaniyang mukha. Si Bobby naman ay hindi na alam anong gagawin dahil bagama’t may luha sa mata ni Pan, kita rin niya na natulala na lang ito.“Pan,” niyogyog niya ito pero nahimatay si Pan.“Diyos ko PAAAAAN! TULONG!!!” Sigaw ni Bobby.Yung ibang taong nakarinig sa kaniya ay agad na nagsidatingan at binuhat si
Umuwi si Pan ng namumutla. Hindi na nga niya pinansin ang mga taong nag-aalala sa kaniya at nagtatanong kung anong nangyari. Basta na lang siyang pumasok ng kwarto niya.Nagkatinginan si lola Susana at Leila at sabay na napatayo. Nagmamadali silang sumunod sa kwarto ni Pan.“Pan, apo!” Si Lola Susana ang kumatok sa pinto pero hindi sumasagot si Pan.“Ako ma,” sabi ni Leila at pinalitan si lola Susana sa pagtawag niya kay Pan.“Anak, anong nangyari? Saan ka galing? Bakit namumutla ka?” nag-aalalang tanong niya.“Gusto kong mapag-isa. Ayos lang ako.” Sigaw ni Pan pabalik.Nagkatinginan si Leila at lola Susana at kapwa sa mukha nila makikita na nag-aalala sila ng husto kay Pan.Dumaan na ang dalawang araw pero nasa kwarto pa rin si Pan. Nagkukulong at hindi lumalabas kaya binalikan na siya ni Leila. Determinadong palalabasin ito kahit na ito pa ang umayaw. “Pan, anak! Buksan mo itong pinto! Mag-uusap tayo!” Sigaw ni Leila.Pero walang sagot..., “Hindi ka kumakain. Ano bang nangyayari s
“Nasaan ang gamot, anak?” tanong ni Leila dahil umuwi si Pan na walang dala. Tapos halos tatlong oras din itong nawala na ikinataka niya.“Sarado na lahat ng tindahan, ma.” Sabi ni Pan at agad na dumiretso ng kwarto nila ni Zahara.“Mataas pa ba ang lagnat ni Zahara?” tanong niya bago niya isara ng tuluyan ang pinto.“Hindi na. Bumaba na ang lagnat niya.” Sagot ni Leila habang nakakunot ang noo pagka’t may napansin siyang dugo sa damit ni Pan.“Anak, anong nangyari?” tanong niya.“W-Wala naman. Sige, magpapahinga na ako. B-Bukas na lang ako bibili ng gamot ni Zahara.” Sabi ni Pan at agad na sinirado ang pinto.Hindi pa rin humuhupa ang kaba niya. Agad siyang naghubad ng damit at nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata niya.Hindi niya alam kung guni-guni lang ba yung kanina o hindi. Kung hindi lang niya nakita ang dugo sa katawan niya ay baka isipin niyang nanaginip lang siya ng gising.O di kaya ay stress lang siya sa nangyayari sa kanila ni Juancho.Pero hindi, dahil yung dugong nas
Walang humpay na pang aalipusta at pang-aabuso ang sinapit ni Gidette sa kamay ni Lorciano no’ng gabing iyon.Umiiyak ang anak niya sa sofa habang ginagamit ni Lorciano ang katawan niya.Binaboy siya ng husto nito mula pa no’ng pumayag siyang magpagalaw huwag lang nitong saktan ang anak niya.Nang makatulog si Lorciano dahil sa kapaguran, sinikap ni Gidette na tumayo.Nilapitan niya ang anak niya at kinuha ito sa sofa.“Wil, tahan na anak… Nandito lang si mama.” Sabi ni Gidette. Agad niyang pinadede ang anak niya sa dibdib niya matapos nitong punasan lalo’t nilawayan ito ng animal na si Lorciano.“Mama will protect you.. P-Pangako yan ni m-mama sayo.” Bulong niya.Nang natulog na ulit si Wil, ang anak ni Gidette at Logan, dahan-dahang nilagay ni Gidette ang anak niya pabalik sa sofa.At pagkatapos ay naghanap siya ng kahit na anong bagay na pwede niyang magamit para mapatay si Lorciano.Wala siyang nakita sa kwarto na kahit ano maliban hairpin niyang tinanggal ni Lorciano at lampshade
(8 months ago)Matapos malaman ni Gidette na buntis siya, sobrang saya niya no’ng araw na yun. Wala siyang ibang ginusto kun’di ang mapasakaniya si Logan.She’s rejoicing at halos tumalon pa siya sa tuwa dahil positive ang resulta ng pregnancy test. “Ano ka ngayon, Pan! Akin na si Logan!” Aniya.Pero ang kasiyahang iyon ay agad na napawi nang marinig niya na gustong ipakasal ni Lorciano si Logan kay Lara—ang kapatid ni Ark.“No. Hindi pwede. Magkaka-baby na kami ni Logan. Dapat ako ang maging asawa niya.” Ang sabi niya sa sarili niya.Agad siyang umalis sa bahay nila para puntahan si Lorciano sa kumpanya nito. She’s desperate para maikasal siya kay Logan.Kaya gagamitin niya ang anak niya para mapapayag si Lorciano sa gusto niya.Pagdating niya sa Gamesoft, tuloy tuloy siyang nagtungo sa office ni Lorciano at nagulat siya nang pagpasok niya doon ay naabutan niyang may ginagalaw itong babae sa table nito.Iyong babae ay umiiyak habang may takip ang bibig na panyo, nakatingin ito sa kani
Matapos ang ilang araw, nakauwi si Leila ng bansa at agad na dumiretso kay Pan.Pagpasok niya sa bahay ni lola Susana, nakita niyang karga karga ni Pan si Zahara.“Anong nangyari sa apo ko?” “B-Bakit nandito kayo?” gulat na tanong ni Pan.“May pinagdadaanan ang anak ko. Ayoko ng maulit yung nangyari noon na wala ako no'ng kailangan mo.”Nagulat si Pan sa narinig. Tumingin siya kay Zahara na may lagnat.Mula ng pumunta si Symon sa kanila, nagkakasakit na muli si Zahara.Alam niyang dahil iyon sa labis na kalungkutan na ang papa at lolo na kinilala nito ay pinagtatabuyan na siya.“L-Lolo…” Ang paulit-ulit na pagbanggit ni Zahara.Nag-alala si Pan. Ilang araw ng hinahanap ng anak niya si Symon at Juancho, at wala siyang maisagot dito.Mula doon sa bar, hindi na sila nagkita pa ni Juancho muli.“Anak, hinahanap ni Zahara si Symon. Papuntahin natin siya dito. Kawawa ang bata.”“Papuntahin?” si lola Susana ang sumagot. “Alam mo ba kung paano pinagtabuyan ng asawa mo si Zahara?”Nagulat si L
“Anong nangyari?” kunot noong tanong ni Symon matapos dalhin ni Dom at Ark si Juancho sa bahay niya.“N-Nag-away po sila ni Pan, t-tito.”“I-Is it because of me?” medyo kinakabahan na sabi ni Symon. Hindi pa niya alam ang lahat.Umiling si Dom. “N-Nalaman po ni Juancho na iba p-pala ang ama ni Zahara.”Kumunot ang noo ni Symon. “What do you mean?” Agad na ipinaliwanag ni Ark ang lahat ng nangyari doon sa bar. At halos hindi mailarawan ang itsura ni Symon pagkatapos.Mahal niya si Zahara and knowing na wala siyang bakas ng dugo sa bata, parang nablanko ang utak niya.Bigla niyang naalala ang pangalan ni Pan sa waiting list na gustong magpa-appoint sa kaniya.Biglang nag-align lahat at ngayon, pati siya ay galit na galit na.Dahil nauunawaan na niya lahat….“Kung ganoon, niloko niya ang anak ko. Pinaako niya kay Juancho si Zahara para mapalapit sa akin. Grabe, hindi ako makapaniwala na napaikot kami ng babaeng yun!” Nanggigil na sabi ni Symon.Agad na nagring ang phone niya at nakita ni
YAKAP YAKAP NI PAN si Zahara habang nakatingin sila sa katawan ni Aaron na ngayon ay tinatabunan na ng tela.Nawalan si Aaron ng hininga habang yakap-yakap si Zahara.“Ms. Pan,” napatingin si Pan sa tumawag sa kaniya.“Ako si Gael, ang assistant ni sir Aaron.”Gaya niya, namamaga rin ang mata ni Gael. “Maraming hinabilin sa akin si sir Aaron tungkol sa inyo. Sabi niya huwag ko raw pabayaan ang anak niya at ikaw.”Ngumiti si Pan. “Bakit pati ako? Si Zahara lang naman ang kailangan niyang alalahanin.”“Maniwala po kayo Ms. Pan, pinapahalagahan po kayo ni sir dahil tumatanaw siya sa inyo ng utang na loob.”“Hindi pa rin ako makapaniwala na may taong kagaya niya. Hindi ko alam kung tanga ba siya o mabait lang talaga.” “Ganoon nga po talaga si sir, Ms. Pan. Kalahating mabait, kalahating tanga. Pero kahit na ganoon siya, malaki ang respeto ko sa kaniya.”Pinunasan ni Pan ang luha sa mata niya at tumingin kay Zahara na nakatulog na dahil sa walang humpay na pag-iyak.“Ms. Pan, marami pong a