hahahhahaha. Medyo naging kamatis rin ako dito kay Juancho. Jusmeeee
Natapos na rin ang maliligayang sandali ni Juancho at Pan na kasama ang isa’t-isa dahil kailangan nilang bumalik na sa mga dati nilang buhay.Bogbog ang katawan ni Pan dahil hindi siya tinantanan ni Juancho bago sila umuwi kaya nagpahinga na muna siya sa bahay nila.At habang natutulog siya, hindi niya nakita na doble ang perang binibigay ni Juancho sa bank account niya.No’ng hapon, paggising niya, nakipagbonding lang muna siya sa anak niya sandali bago siya pumunta ng studio.Kailangan niyang magpakita kay Bobby at marami siyang ipapaliwanag dito.“PANASREE!” Sigaw ni Bobby nang makita siya.“B-Bakit ka sumisigaw?” aniya sabay takip ng tenga. “Hah! Talaga bang wala kang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid mo?”“Na ano?”“Woy babae ka, hihanap na ni Lorciano ang girlfriend ni Logan.”Nabitawan ni Pan ang bag niya. Nanlaki ang mata at parang naputol ang kaniyang hininga. “A-Anong sabi mo?”“Alam na niya girl kaya nag-alala kami sayo at baka mamaya tsinugi ka na niya. Saan ka ba galin
“Juancho? Let’s go?” sabi ni Lianne ng nakangiti. Tumango si Juancho at tumayo sa table niya.Ngayon siya pumayag na magdate sila ni Lianne at hindi maitago ni Lianne ang kasiyahan na nararamdaman niya dahil lalabas sila ng boyfriend niya.“What do you think of my fit? Maganda ba?”Tumango si Juancho. “Maganda.” Sabi niya and it was bland. Para bang hindi man lang siya nabigla o naimpress.Lianne couldn’t ask more so she was grateful na kahit papaano ay boyfriend pa niya ang kaibigan niya at tumutugon ito sa mga tanong niya.Pupunta sila ng Shantara Restaurant—ang pinakakilalang restaurant sa lugar nila lalo’t masasarap lahat ng dish nila doon.“Matagal rin natin itong hindi nagawa. Can we do it again next time bago ka bumalik ng Manhattan?”“Sure,” sabi ni Juancho at ngumiti sa kaniya.Agad na namula si Lianne.Pagpasok nila ng Shantara, nakita nilang dalawa si Logan kasama ang babaeng si Sara.“Logan,” sabi ni Lianne na nagulat nang makita si Juancho.“Oh. Anong ginagawa niyo dito?”
Next morning, sunod sunod na ang trabaho ni Pan at Bobby. Kasama ni Pan ngayon si Trisha. Pupunta sila sa isang kumpanya na may-ari ng product na pino-promote ni Trisha.Siya ang magiging assistant ni Trisha ngayon. Taga ayos ng buhok at taga re-apply ng make-up.Pagdating nila sa Diyamante—isang brand name na ang product ay skin care at whitening soup, umupo si Pan sa waiting area habang si Trisha at tumuloy sa office ng assistant ng CEO.From Trisha: Ate Pan, matatagalan pa po ako sa loob. Wala pa kasi si madam.Napabuntong hininga si Pan dahil maghihintay pa pala siya ng matagal kay Trisha. Pero ayos lang dahil bayad naman ang bawat oras niya.Tumayo muna siya para maglibot libot sandali.At sa kaniyang paglibot-libot, napagkamalan pa siya bilang isang empleyado.“Miss, pakidala ito sa rooftop.” Saad ng isang empleyado na hindi kilala ni Pan.Hindi na siya nakareact dahil biglang ipinatong sa kaniya ang isang box ng mga hindi naayos sa pagpack na whitening soup. Umalis rin agad ang
Pagewang-gewang sa paglalakad si Pan tangay ang isang gin na hawak niya. Hindi maawat ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.Ilang beses na niyang nahuli si Logan na may inaatupag na ibang babae. Ilang ulit na siyang nagpatawad, ilang ulit na siyang niloko. Sawa na siya, pagod na siya. At ngayon, sa kaarawan niya, susurpresahin niya sana ito, pero siya ang nasurpresa.Pagkaalis niya sa bar, pumasok siya sa isang sasakyan na hindi niya alam kanino.Sa unahan, may isang lalaki doon na walang buhay na nakatingin sa kaniya mula sa salamin. Maputi ang balat at matangos ang ilong. Ngunit kahit gaano pa kagwapo ang binata, ito’y nakakatakot dahil sa mga mata niyang kung titigan ka ay para bang hinuhusgahan na ang pagkatao mo.Nang mapatingin si Pan sa kaniya, agad na ngumiti si Pan kahit na patuloy na umiiyak."Logan! There you are!" Lasing na aniya at humagikgik. “Bakit nakipaghaIikan ka doon sa sinabi mong kaibigan mo lang? Akala ko ba babe ay kaibigan mo lang? Bakit nakalabas na ang di
Isang make-up artist si Pan. Tumatanggap rin siya ng raket kapag tungkol sa photoshoot ang request ng kliyente sa kaniya. Wala siyang inuurungan lalo na’t kailangan niya ng pera para pangchemotherapy sa adoptive daughter niya na iniwan lang sa kaniya ng kaniyang pinsan at hindi na binalikan.Pagkagising niya kaninang umaga, wala na si Juancho sa tabi niya ngunit nag-iwan ito ng note sa table na, “umalis ka agad kasama ng mga basura mo.”Napabuntong hininga siya at nasaktan ng konti nang mabasa ang basura. Pakiramdam niya ay siya talaga ang tinutukoy ni Juancho na basura.Nasa skwelahan siya ngayon dahil siya ang make-up artist ng mga senior high students para sa kanilang pictorial sa nalalapit na Graduation day.“Pan, nabalitaan mo na ba? Narito na raw si Juancho sa Pinas.” Napatingin si Pan sa kaibigan niyang si Bobby. Ang photographer sa pictorial.“T-Talaga?” medyo nautal siya.“Oo. May nakakita raw sa kaniya kahapon sa birthday ng boyfriend mo. Teka, bakit wala ka sa birthday ni L
Sumakay si Pan sa kotse ni Juancho. Agad na pinaandar ni Juancho ang sasakyan paalis kaya napatingin si Pan sa kaniya.“Saan tayo pupunta?”“Scared?”Tumikhim si Pan at umiling. “Nagtatanong lang.”Tumingin si Pan sa labas ng bintana. Hindi lang halata ngunit sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Maya-maya pa, nakita niyang dinala siya ni Juancho sa condo nito. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa gawi ng binata.Kinakabahan siyang nagtanong. “Bakit tayo nandito?”“Nagpunta ka rin naman dito kahapon, Limot mo na?”“Oo pero alam mo na may nangyari sa atin.”Tumitig si Juancho sa mga mata niya dahilan kung bakit natigilan si Pan. Nagtaas baba na rin ang dibdib niya, tanda na kabado siya.Nang itigil ni Juancho ang sasakyan, hinubad niya ang kaniyang seatbelt at agad na lumapit kay Pan kaya si Pan ay napasandal sa kaniyang inupuan, nanlalaki ang mata at magkasunod na lumunok.Hinawakan ni Juancho ang pisngi niya at ngumisi. “Bakit parang takot ka ngayon samantalang ang lakas ng loob m
Malalaki ang hakbang ni Logan na lumapit sa kaniya at hinablot ang kamay niya. “Anong ginagawa mo sa kotse ni Juancho?”“Paki mo?”“PAN!”“Ano ba Logan? Hindi ba sabi ko break na tayo? Kaya pwede ba huwag mo na akong pakialaman?”Umalis siya at hindi nagpapigil kahit na ilang beses pa siyang tinawag ni Logan.Umuwi si Pan sa bahay nila. Gabi na at ang gising na lang ay ang lola niya. “Pan, ginabi ka ata? Sabi ni Zahara umuwi ka kanina.”Hindi masabi ni Pan kung saan siya nagpunta sa lola Iseng niya. “May raket po kasi la kaya umalis po ako agad. Si Zahara po?”“Tulog na kanina. Umiyak yun kanina dahil sumasakit na naman ang likod niya.”Nag-alala si Pan. “La, tinawagan niyo sana ako. Kamusta na siya?”“Nakatulog na. Nawala rin naman agad ang sakit.”Napaupo si Pan sa sofa at napahilamos sa mukha niya. Kailangan niya ng malaking halaga para sa bone marrow transplant ng anak. Pero paano niya yun gagawin kung nauubos na ang kinikita niya sa gamot pa lang ni Zahara.Idagdag pa na kailanga
Agad na hinablot ni Juancho ang kamay niya at kinaladkad ito papuntang empty room na siyang naging tambayan nila pansamantala.Agad na nilock ni Juancho ang pinto ng classroom at agad na hinawakan ang panga ni Pan habang isinandal ito sa pader. Sinagad ang pasensya niya at sagad na sagad na talaga siya."Talaga bang hindi ka titigil?"Ang totoo ay kinakabahan si Pan pero pilit niyang pinapakita na hindi siya kinakabahan."Seryoso ako sa offer ko sa'yo Juancho. Katawan ko, kapalit ang pera mo."Puno ng pagnanasa ang mga mata ni Juancho habang nakatingin sa kaniya. Ngunit maliban sa pagnanasa na yun, naroon rin ang dismaya at galit.Hindi maintindihan ni Pan kung bakit galit si Juancho sa kaniya. Wala naman siyang ibang ginawang mali kun'di ang pumayag lang na may mangyari sa kanilang dalawa."Bakit sa akin? Bakit hindi kay Logan? Anong gusto mong mangyari? Pag-awayin kami?"Kahit hindi tunay na magkapatid si Logan at Juancho, tinuring nila ang isa't-isa na magkapatid dahil magkaibigan