Red flag talaga itong si Juancho, pero bet ko siya. Sorry guys, color blind po si Ms. A niyo.
One morning, magkasama si Bobby at Pan para mamili ng nga materyales na gagamitin nila sa kanilang execution sa kanilang photoshoot sa kanilang client. "Pan," tawag ni Bobby kay Pan dahil nakita nila si Sara. Alam ni Bobby ang lahat dahil sinabi ni Pan sa kaniya. At nakita nila itong pinapahiya ng isang mayamang babae na tingin nila e owner ng shop ngayon, sa harapan pa ng maraming tao. Napahawak si Pan sa kamay ni Bobby. Alam niyang kagagawan yun ng ama ni Logan. "Ganto ba ang ginagawa nila? Nag-uutos sila ng tao para pahirapan ang babaeng yan?" Hindi makasagot si Pan. Nakapako ang paningin niya kung paano sampalin at sabihan ng magnanakaw si Sara. Nanginginig ang kamay niya pero hindi niya kayang ihakbang ang paa niya. Yun ay dahil natatakot siya. At binalaan rin siya ni Juancho na huwag makialam. Kung hindi siya sinabihan no'n ni Juancho ay baka tumakbo na siya at niligtas si Sara. "Pan, anong gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Bobby. Tumalikod si Pan. "Lip
Lasing na si Bobby, ganoon rin si Sasha, Lianne at Trisha. Si Pan naman ay hindi umiinom, dahil ayaw niyang umuwi na malanghap ng anak niya ang alak mula sa bibig niya. Si Leon ay tahimik ngunit namumula na dahil sa alak at kanina pa siya panay tingin kay Pan. Tuloy naiirita si Juancho. "Stop moving," saad ni Josh. Ayaw niyang umalis si Pan sa tabi niya dahil ramdam niyang tatabi agad ang mga kalalakihan na naghihintay lang ng pagkakataon. "Okay.." Tumingin si Pan kay Juancho at nang magtagpo ang paningin nila, nginitian niya ito. Tumingin rin siya kay Lianne na nakasandal na sa balikat ni Juancho at lasing. Tinaasan siya ni Juancho ng kilay kaya bumaling nalang ang paningin niya sa alak. Ngunit dahil ramdam pa rin niya ang titig ni Juancho sa kaniya kaya sumulyap na naman siya. Agad na namula ang pisngi niya dahil sa titig nitong tumatagos hanggang kaluluwa niya. 'Bakit ba panay siya tingin? May mali ba sa mukha ko?' Pasimple niyang hinawakan ang pisngi niy
"Pwede na ba akong umuwi?" tanong ni Dom pagkahatid nila kay Lianne sa bahay nito. "Balik sa sasakyan." Mariing sabi ni Juancho. Tumingin si Dom kay Pan. "Help me.." "Nasa bingit rin ng kamatayan ang buhay ko." Sagot ni Pan na para bang isang grim reaper so Juancho, taga sundo ng kaluluwa nila.Tahimik silang nagbubulungan kung anong torture ang gagawin ni Juancho sa kanila na para bang hindi sila naririnig ni Juancho.‘Iniisip ba nila na hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila sa lakas ng boses nila?’ Napahinto sila sa paglalakad nang huminto si Juancho. Biglang napalunok si Dom, si Pan naman ay nangatog ang binti.Juancho is not smiling. Yung awra niya ay madilim at igting pa ang panga.Kung alam lang ni Pan ito kakahinatnan niya, sana pala umuwi na siya kasabay ni Leon at Sasha. “Kailan pa kayo naging close dalawa?” Nagkatinginan si Pan at Dom. “Hindi kami close/Matagal na!” Nagkatinginan ulit sila dahil hindi pareho ang sagot nila. Pinanlakihan ni Pan ng mata si Dom. “Ar
Alas nueve ng umaga, nakaabang na si Bobby at Pan kay June, yung client nila na gustong magprenup photoshoot, sa Shantara resto. May follow-up meeting sila para sa preparation sa prenup. “Ayos ka lang?” tanong ni Bobby nang mapansin na malalim ang iniisip ni Pan. “Oo. Ayos lang ako. Sa tingin mo ba Bobs, pwede ko ng gawin ang balak ko kay Juancho?” “Yung tungkol sa ama niya? Bakit? May nangyari ba kay Zahara?” “Maayos naman ang anak ko. Pero gusto ko kasing magamot na siya as early as now. Iniisip kong ilakad na siya kay Juancho.” Natahimik si Bobby at nag-iisip rin. “Sa nakikita ko Pan, pinapahalagahan ka na ni Juancho. Pero hindi ko alam anong iri-react niya oras sabihin mo ang pakay mo sa kaniya.” Napabuntong hininga siya. “Hindi ko rin alam saan mag-uumpisa. Hindi ko naman alam kamusta si Juancho sa pamilya niya. Ang alam ko lang sa kaniya ay galit ang mama niya sa kaniya.” (LOUD CRASH) Sabay na napalingon si Bobby at Pan nang marinig na parang may platong nabasag
Tulala si Pan habang pauwi siya sa kanila. Lianne didn’t suspect her. In fact, nagpasalamat pa nga si Lianne sa kaniya. “Thank you Pan. Nag-alala talaga ako kanina nang makita ko ang video. Nag-alala ako kay Juancho, buti nasa tabi ka niya.” Napailing siya at parang nakonsensya. Kung siya yun, baka e nagduda na siya. Umalis siya para hindi niya madisturbo ang dalawa. Kaya ngayon, nagpasya siya na babalik nalang siya ng Shantara baka e makahabol pa siya sa meeting. Pagdating niya doon, hindi na niya naabutan si Bobby at ang client, pero ang nakita niya ay si Logan. Hindi na sana niya ito papansinin. Galit pa rin siya dito tungkol kay Sara. Hanggang ngayon ay kinakain pa rin siya konsensya niya. “Pan, sandali..” Hinawakan ni Logan ang kamay niya at dinala sa parking lot. May gusto siyang sabihin. “Pan, bakit ka nandito?” “May meeting ako with the client.” Tumango si Juancho. “Ganoon ba? G-Galit ka pa rin ba sa akin?” Sinamaan niya ito ng tingin. “Sino namang matutuwa sa gina
"Isang milyon?" aniya "Oo. Kung kulang pa, sabihin mo lang." Ipinagkrus ni Pan ang kaniyang mga kamay. Akala niya talaga si Juancho ang pag-usapan nila. Gulat na gulat siya na si Logan pala. 'May gana kang mag-alala sa anak na hindi mo kadugo kesa sa totoo mong anak?' aniya sa isipan niya. Mas lalong nagngingitngit ang loob ni Pan. "Hindi ako satisfy sa isang milyon. 5 milyon ang gusto." Ngumisi si Julia. "As expected sa isang kagaya mo na pera lang ang habol." Ilang pang-iinsulto na ang narinig ni Pan mula sa kaniya. "Give me your bank account," sabi ni Julia. Ibinigay naman ni Pan ang bank account niya. Wala pang limang minuto, nagnotify na sa kaniyang phone ang ilang zero na numero na nadagdag sa bank acc. niya, tanda na nagsend na sa kaniya si Julia ng limang milyon. "I expect na hindi mo na ipapakita yang mukha mo kay Logan. Alam mo naman siguro siya ang tagapagmana ng Gamesoft. Gusto ko siyang protektahan sa mga kagaya mong manggagamit." Tumango si Pan.
Nagtingin tingin si Pan sa mga relo na nakadisplay. Hindi niya tinitignan ang presyo. Ang hinahanap niya ay yung pinakamaganda na alam niyang magugustuhan ni Juancho.“Ito nga miss, pakilabas..” Saad niya at itinuro ang relo na gusto niyang bilhin para kay Juancho.“Gusto mo ito?” tanong ni Pan nang sinusubukang isukat ang relo sa kamay ng binata.Walang pakialam si Juancho sa relo. Yung puso niya kasi ay parang sasabog na.Inaalagaan siya ni Pan at gusto niya itong pakiramdam na ito. He doesn’t if he’s dreaming or not.But he wished na sana hindi matapos ang araw na ito.“This is expensive,” aniya.“So? Millionaire ako ngayon.” Pagyayabang ni Pan.Tinaasan niya ito ng kilay. “I wouldn’t mind to pay-"“No need Mr. Bec. I’m a millionaire. Don’t worry, ako ang sugar mommy mo ngayong araw.”Namula at nanlaki ang mata ni Juancho sa sinabi ni Pan habang ang mga nakarinig sa paligid ay parang natatawa na kinikilig.“God woman, you’re amazing,” mahinang sabi ni Juancho.Hinila niya si Pan at
May 3M pang natira sa bigay ni Julia. Kinabukasan, nagpunta si Pan ng hospital para mag inquire kay Symon Bec, ang pinakamagaling na doctor na kailangan niya para sa operasyon ng anak niya.“Miss, hindi po nag-oopera si Dr. Bec ngayon pero may mga ibang doctor po kami na available. Kung gusto niyo, pwede ko kayong i-reffer sa-"“Bakit hindi available?”“Busy po kasi ang hospital director. Hindi na po siya nag-oopera.”Alam ni Pan na hindi yun totoo. Alam niyang nago-opera pa si Dr. Bec pero kung may o-operahan man siya, mga piling tao lang.Yung mga VIP.“P-Pwede ko ba siyang makausap? Please… Gusto ko siya ang mag-opera sa anak ko. Kahit magkano, magbabayad ako.”“Hindi po humaharap si Dr. Bec sa ibang tao. Pero susubukan ko pong sabihin sa kaniya na may nagrequest sa serbisyo niya. Iwan niyo na lang po ang details niyo dito ma’am. Pero gaya po ng sabi ko, hindi ko po maipapangako kung papayag siya.”Bagsak ang balikat ni Pan.Umuwi siya at nanalangin na sana ay pumayag ang ama ni Jua
Agad nanginig si Zahara nang hawakan siya ng mama niya. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Pan ngayon.Buong akala niya ay papa Juancho lang niya at daddy Logan ang magbabantay kay lola Susana.“SUMAGOT KA!” Pan shouted, nanginginig na rin sa galit. Hindi niya mapapalagpas kung may sino pa mang magpahamak sa mga anak niya. She won’t stay still kahit pa isang dalagita ang nasa harapan niya ngayon at mukhang hindi delikado.Hindi na siya magpapaloko pang muli. Nilagay niya sa isipan niya na kahit inosente ay pwedeng gumawa ng kahindik-hindik na krimen.“PAN!” Logan came at binawi sa kaniya si Zahara. “What are you doing?”Nagulat si Pan sa presensya ni Logan. Agad niyang tinignan si Zahara na hindi makatingin sa kaniya.“That girl! Bakit nandito yan?” turo niya kay Zahara na umiiyak at takot na takot.“Ano naman kung nandito siya?”“Hindi ako nakikipagbiruan Logan. Who the fvck is she?”“Why are you cursing?” kumunot na ang noo ni Logan, hindi na rin siya natutuwa sa mga sinasabi
Nagmamadali si Pan na umalis ng hospital pero alam niyang nakasunod si Juancho sa kaniya.Huminto siya at huminga ng malalim bago niya ito nilingon. “Kailan mo ba ako titigilan?” kunot noong tanong niya.“Wala ka bang balak tanungin ako kung bakit hindi ko madalaw ang anak natin sa puntod niya?”Agad na nalukot ang mukha ni Pan. “Tinatanong pa ba yan? Noon pa lang, alam ko ng wala ka ng pakialam sa anak ko kaya bakit pa ba ako magtataka sayo ngayon?”Umigting ang panga ni Juancho. Lumapit siya kay Pan. “Nagkamali ako Pan pero hindi ibig sabihin no’n ay wala na akong pakiramdam. Mali ako ng inakala noon, inaamin kong maling mali ako pero tama bang husgahan mo ang buong pagkatao ko? Ni minsan ba hindi mo nakita kung paano ko minahal si Zahara? Kung paano ko pinahalagahan ang anak natin? Nasaktan ako no’ng nalaman ko na hindi siya sa akin. Ang mali ko lang, hindi ko muna inalam ang kwento. Hindi kita pinakinggan.”Namumuo na ang luha sa mata ni Pan. Kapag usapang Zahara, madali siyang bu
Nang maging tahimik na ang lahat, dahan-dahang lumabas si Marie sa kwarto niya para silipin muli ang babae na narinig niyang ang pangalan ay Lou.Nakita niya ito sa sofa na umiiyak kaya dahan-dahan niya itong nilapitan.“Ate,” halos manginig ang labi niya nang tawagin niya ito.Tumingin sa kaniya si Lou at mapait na ngumiti.Lumapit si Marie sa kaniya. “T-Totoo ba yung narinig ko, ate? Na kinidnap ka ni dad at tinago ka niya dito?”Sandaling natigilan si Lou saka niya hinarap ulit si Marie.“Tabi ka,” mahinang sabi niya at pinatabi niya si Marie sa kaniya.“Talaga bang anak ka ni Lorciano?”Tumango si Marie.“Napakabait mo namang bata. Hindi ka bagay maging anak niya. Siya demonyo, ikaw hindi.”Kitang kita ang galit sa mukha ni Lou.“Hindi ka ba galit sa akin ate? A-Anak ako ng demonyo.”Hinawakan ni Lou ang mukha niya. “Pero sinasaktan ka rin niya kahit anak ka niya. Paano ako magagalit sayo?”“Ano pong nangyari ate? B-Bakit ka narito?”“D-Dahil kinuha niya ako. Kinidnap niya ako at
Ngumiti si Pan at bumaling kay Logan. “I’m sorry Logan, mukhang may hindi yata ako naintindihan sa sinabi mo.”Umiling si Logan, hindi siya makapaniwala sa pagmaang-maangan ni Pan.“I’m not here to argue with you. Magkikita pa naman tayo next time.”Sabi ni Logan at umalis. Kumuyom ang kamao ni Pan. Nakatitig lang siya kay Logan habang sumasakay ito sa kaniyang sasakyan.“Paano niya nalaman?” kinakabahan at nagtatakang tanong ni Pan sa sarili niya.Nanatili lang siya sa ganoong position hanggang sa nagpasya na siyang tumalikod para pumasok ng hospital.Pagpasok niya, naabutan niya ang mama niya na pinupunasan si lola Susana.“Ma!” Napatingin si Leila sa kaniya at agad na nanlaki ang mata nito. Lumapit si Pan sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigpit.“Anak, finally…” mahinang sabi ni Leila.“Ma, kamusta si lola?” tanong ni Pan nang makalayo siya sa yakap. Tumingin siya kay lola Susana at nakita niya itong nakahiga sa kama at walang malay.“She’s not getting better. Nag-aalala na nga
“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Logan habang nakatingin sa kawawang si Zahara. Nakatulog ito sa labis na pag-iyak.“I need to see her. I need to see Pan.” Sagot ni Juancho.“Lalapitan ka pa kaya niya? Kakausapin ka pa kaya niya?”“Babawiin ko siya Logan. Wala siyang choice kun’di kausapin ako dahil may anak kami at nasa akin si Zahara.”“Sa galit niya sayo, parang malabo na kausapin ka niya.”“You’ll help me para kausapin niya ako. And besides, hindi lang ako ang may pakay sa kaniya.” Ngumisi si Juancho. “Ikaw rin naman.”Napainom si Logan ng wine. Nasabi nga ni Zahara sa kanila na may dalawang bata kanina, isang babae, isang lalaki.“I only have a child.” Sabi ni Juancho na sinigurado sa doctor na tumingin noon kay Pan kung kambal ba ang anak niya.When the doctor said earlier, isa lang ang fetus ang nakita niya noon sa tiyan ni Pan, alam na agad ni Juancho na hindi kambal ang anak niya at ang isang bata na nakita ni Zahara kanina ay maaaring anak ni Logan.“Zahara said may dalawan
Agad naibaba ni Logan ang eyeglasses niya nang biglang pumasok si Zahara sa pinto, tumatakbo papuntang kwarto at umiiyak.Agad niya itong sinundan ng may pag-aalala sa mukha. Nakita niya ito, particularly sa kama, nakadapa at umiiyak.His heart aches upon seeing his daughter crying like that. “What happened to you?”Hindi siya sinagot ni Zahara kaya nagkusa siyang lumapit dito, lumuhod sa tabi nito at dahan-dahang hinaplos ang ulo ng anak.“What happened? Bakit ka umiiyak, anak?”Tumingin si Zahara sa kaniya, humihikbi habang nagsusumbong. “D-Dad, n-nakita ko po si mama.”Nagulat si Logan, nanlalaki ang mata niya. Pan is home?“Pero nagalit po siya sa akin.”“Why?”“She didn’t recognize me, dad. Tapos yung anak niya, natakot sa akin, akala niya halimaw ako.” Parang nadurog ang puso ni Logan sa kaniyang narinig.“Akala siguro ni mama inaway ko ang kapatid ko. Pero hindi po dad.”Agad na niyakap ni Logan si Zahara.“I hate my face, dad. Halimaw po ba ako? Hindi na po ba ako makikilala n
“Mama, malayo po ba ang bahay ni lola?” tanong ni Dahlia habang nakatingin sa labas ng bintana.“Medyo malayo.”“Ah… Let’s stop for awhile mama. I’m really starving. Can we eat first bago tayo umuwi?”Napailing nalang si Pan sa kakulitan ng kaniyang anak.“Alright.” Napipilitang sabi niya. Agad siyang tumingin sa driver.“Kuya, pababa kami sa Shantara.”“Okay ma’am.” Magalang na sabi ng driver sa kaniya. Kahit na nasa abroad si Pan, hindi niya pinabayaan ang Shantara dahil ito ang huling ala-ala ni Aaron para kay Zahara.She wanted to preserve it hanggang sa muli silang magkita ng anak niya sa kabilang mundo.Pagdating nila doon, hindi na nagulat si Pan nang makita niya na maraming customers sa Shantara. After all, sikat ito at masarap magluto ang mga chef niya.Pumasok sila ng mga anak niya kasama ng mga bodyguards.“Mama, faster!! I am really hungry.”Natatawang nagpatianod si Pan kay Dahlia habang si Wil naman ay inosenteng nakasunod sa mama niya.Nang umupo na sila, agad silang bi
6 years later…..“Sino ka?” tanong ni lola Susana kay Juancho nang pumasok ito ng bahay niya.“Lola, ako ito, yung paborito mong apo…”“Apo? Wala akong natatandaan na apo na gaya mo. Hindi kaya ay isa kang magnanakaw?”Lola Susana’s case is getting worse day by day dahil sa labis na katandaan nito. Nanlalabo na nga ang paningin niya at nakakalimutan na rin niya ang ibang bagay-bagay.“May apo ka la at iyon ay si Juancho.”“Sino? Wano?”“Juancho po…” nakangiting sabi ni Juancho. “Dito ka muna la ah, dalhin ko lang sa kusina itong binili ko.” At nagtungo siya sa kusina kung saan ay naabutan niya doon si Leila na nagluluto.“Para ka talagang dad mo.” Sabi ni Leila dahil kanina lang, si Symon ang huminto sa bahay para dalawin siya.“Pareho kaming pogi, tita?”Natawa si Leila at napailing.Nagkabalikan naman si Leila at Symon sa loob ng anim na taon pero hindi sila magkasama sa iisang bahay dahil kailangan alagaan ni Leila si lola Susana.Kaya si Symon nalang ang palaging bumibisita sa kani
Ilang buwan na ang nakalipas, si Juancho ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanap niya kay Pan.He stopped accepting client dahil mas priority niyang mahanap. Pero kahit na anong gawin niya, wala pa rin siyang lead na nakukuha.He doesn’t know what to do anymore. Umaasa na lang siya na papanigan siya ng swerte.Ngayon, hawak-hawak niya ang isang supot na naglalaman ng prutas. Papunta siya sa bahay ng mga Salvi para kaniyang mabisita si lola Susana.Nang makarating siya, agad niyang kinatok ang pinto nito at ngumiti ng malapad.“Oh Juancho, narito ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala? Wala nga akong sasabihin sayo tungkol sa apo ko.”Ngumiti si Juancho, inaasahan niya na ito. “Ikaw po ang ipinunta ko dito, la. Kailangan niyo pong alagaan ang katawan niyo lalo’t wala na kayong kasama kaya binilhan ko po kayo ng prutas.”Pinagsingkitan siya ni lola Susana ng mata. “Naku hijo, hindi mo na ako madadala sa mga ganyan. Masiyado na akong matanda para maloko mo sa iyong matatamis na salita.”Ngu