Umaandar na naman pagka-possessive ni Juancho. HAHA. Pero paano yarn Panasree? Nariyan ang girlfriend.
Tulala si Pan habang pauwi siya sa kanila. Lianne didn’t suspect her. In fact, nagpasalamat pa nga si Lianne sa kaniya. “Thank you Pan. Nag-alala talaga ako kanina nang makita ko ang video. Nag-alala ako kay Juancho, buti nasa tabi ka niya.” Napailing siya at parang nakonsensya. Kung siya yun, baka e nagduda na siya. Umalis siya para hindi niya madisturbo ang dalawa. Kaya ngayon, nagpasya siya na babalik nalang siya ng Shantara baka e makahabol pa siya sa meeting. Pagdating niya doon, hindi na niya naabutan si Bobby at ang client, pero ang nakita niya ay si Logan. Hindi na sana niya ito papansinin. Galit pa rin siya dito tungkol kay Sara. Hanggang ngayon ay kinakain pa rin siya konsensya niya. “Pan, sandali..” Hinawakan ni Logan ang kamay niya at dinala sa parking lot. May gusto siyang sabihin. “Pan, bakit ka nandito?” “May meeting ako with the client.” Tumango si Juancho. “Ganoon ba? G-Galit ka pa rin ba sa akin?” Sinamaan niya ito ng tingin. “Sino namang matutuwa sa gina
"Isang milyon?" aniya "Oo. Kung kulang pa, sabihin mo lang." Ipinagkrus ni Pan ang kaniyang mga kamay. Akala niya talaga si Juancho ang pag-usapan nila. Gulat na gulat siya na si Logan pala. 'May gana kang mag-alala sa anak na hindi mo kadugo kesa sa totoo mong anak?' aniya sa isipan niya. Mas lalong nagngingitngit ang loob ni Pan. "Hindi ako satisfy sa isang milyon. 5 milyon ang gusto." Ngumisi si Julia. "As expected sa isang kagaya mo na pera lang ang habol." Ilang pang-iinsulto na ang narinig ni Pan mula sa kaniya. "Give me your bank account," sabi ni Julia. Ibinigay naman ni Pan ang bank account niya. Wala pang limang minuto, nagnotify na sa kaniyang phone ang ilang zero na numero na nadagdag sa bank acc. niya, tanda na nagsend na sa kaniya si Julia ng limang milyon. "I expect na hindi mo na ipapakita yang mukha mo kay Logan. Alam mo naman siguro siya ang tagapagmana ng Gamesoft. Gusto ko siyang protektahan sa mga kagaya mong manggagamit." Tumango si Pan.
Nagtingin tingin si Pan sa mga relo na nakadisplay. Hindi niya tinitignan ang presyo. Ang hinahanap niya ay yung pinakamaganda na alam niyang magugustuhan ni Juancho.“Ito nga miss, pakilabas..” Saad niya at itinuro ang relo na gusto niyang bilhin para kay Juancho.“Gusto mo ito?” tanong ni Pan nang sinusubukang isukat ang relo sa kamay ng binata.Walang pakialam si Juancho sa relo. Yung puso niya kasi ay parang sasabog na.Inaalagaan siya ni Pan at gusto niya itong pakiramdam na ito. He doesn’t if he’s dreaming or not.But he wished na sana hindi matapos ang araw na ito.“This is expensive,” aniya.“So? Millionaire ako ngayon.” Pagyayabang ni Pan.Tinaasan niya ito ng kilay. “I wouldn’t mind to pay-"“No need Mr. Bec. I’m a millionaire. Don’t worry, ako ang sugar mommy mo ngayong araw.”Namula at nanlaki ang mata ni Juancho sa sinabi ni Pan habang ang mga nakarinig sa paligid ay parang natatawa na kinikilig.“God woman, you’re amazing,” mahinang sabi ni Juancho.Hinila niya si Pan at
May 3M pang natira sa bigay ni Julia. Kinabukasan, nagpunta si Pan ng hospital para mag inquire kay Symon Bec, ang pinakamagaling na doctor na kailangan niya para sa operasyon ng anak niya.“Miss, hindi po nag-oopera si Dr. Bec ngayon pero may mga ibang doctor po kami na available. Kung gusto niyo, pwede ko kayong i-reffer sa-"“Bakit hindi available?”“Busy po kasi ang hospital director. Hindi na po siya nag-oopera.”Alam ni Pan na hindi yun totoo. Alam niyang nago-opera pa si Dr. Bec pero kung may o-operahan man siya, mga piling tao lang.Yung mga VIP.“P-Pwede ko ba siyang makausap? Please… Gusto ko siya ang mag-opera sa anak ko. Kahit magkano, magbabayad ako.”“Hindi po humaharap si Dr. Bec sa ibang tao. Pero susubukan ko pong sabihin sa kaniya na may nagrequest sa serbisyo niya. Iwan niyo na lang po ang details niyo dito ma’am. Pero gaya po ng sabi ko, hindi ko po maipapangako kung papayag siya.”Bagsak ang balikat ni Pan.Umuwi siya at nanalangin na sana ay pumayag ang ama ni Jua
Hindi pumayag si Juancho na sasama si Pan ng hindi siya kasama kaya naka-convoy sila ngayon sa sasakyan ni Leon.Si Pan ay nasa sasakyan ni Juancho dahil magwawala ito kung sasabay siya kay Leon.Tahimik lang siya dahil hanggang ngayon nakakunot pa rin ang noo ng binata.“Ahh—"“Nadelete ba ang number ko sa phone mo?” kunot noong tanong ni Juancho.“Huh? Ah hindi naman..”“Then bakit parang ang hirap sayo na tawagan ako para sabihing inuuwi ka ng iba sa bahay nila?”‘Nagsiselos ba siya?’ nagpipigil si Pan ng ngiti sa labi niya matapos niyang titigan ang lukot na mukha ni Juancho.“Answer me, bakit?”“Ano kasi… Hindi naman si Leon ang ipupunta ko. Si Sasha.”“Wow. I can’t believe you. Hindi mo ba naisip anong mararamdaman ko? Baby, you surrendered yourself to me. Hindi ba sumagi sa magandang isipan mo na may commitment ka sa akin?”‘Diyos ko. Bakit ako kinikilig? Galit na nga siya.’Sinubukan ni Pan mag poker face pero yung labi niya, tinatraydor siya.. Ngumingiti siya ng kusa.“Sinong
Samantala, habang may dinner sa pamilyang Debrah, malalim naman ang iniisip ni Logan tungkol sa kaibigan niyang si Juancho.“Kailan pa nagsimula na mag-iba si Juancho?” tanong niya.No’ng nasa bar at sinugod siya ni Leon at pinagtulungan nila ni Ark, nagulat siya nang biglang nawala si Juancho. Ni hindi man lang siya tinulungan.“Saan siya nagpunta no’ng gabi na yun?” puno ng pagtataka niya.Maraming beses na niyang napapansin na iba ang trato ni Juancho sa kaniya.They were okay bago ito umuwi galing Sicily pero nitong mga nakaraang buwan, pakiramdam niya ay nag-iba na ito sa kaniya.Kung minsan na tinatawagan niya ito, hindi siya sinasagot ni Juancho.Na para bang iniiwasan siya nito.Iniisip niya kung anong problema. Alam niya sa sarili niya na hindi naging kaso sa kanila noon ang tungkol sa mga magulang nila.“Did I miss something important?” tanong niya sa sarili niya.“Logan,” napatingin si Logan kay Julia.“Tita,”“Kamusta ka?”“Ayos naman po…”“Mabuti naman.. Ahm.. gusto ko lan
"What is it you want to talk?" tanong ni Juancho."About Pan."Kung alerto na ang mga pulis sa magnanakaw, ganoon rin si Juancho. Everything that concerns Pan ay ayaw niyang kaligtaan."Galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko. May nangyari kasi sa amin ni Gidette. But I was just drunk so hindi ko yun sinasadya. Nahuli niya kaming hubad dalawa."Juancho finds that amusing. Kaya tumaas ang sulok ng labi niya na ikinakunot ng noo ni Logan.'Namalikmata lang siguro ako.' Saad ni Logan sa isipan niya. 'But why does he looks so happy? Am I perceiving wrong?' "So iyon pala ang dahilan bakit ayaw na niyang makipagbalikan sa'yo?""Oo. I committed a great sin. Kahit sino hindi na nanaisin na bumalik sa akin kapag ganoon.""Tama nga naman," sabi ni Juancho na sinusubukan magseryoso pero napapangiti ng kusa. Hindi niya talaga makontrol ang traydor niyang labi. Pero anong magagawa niya e gusto niyang ngumiti? "Why are you happy?" kunot noong tanong ni Logan. Hindi na siya nakatiis "I'm no
Habang pauwi si Pan sa bahay nila, nakatanggap siya ng mensahe galing sa hospital.That Symon Bec refused for an audience.Nakagat ni Pan ang labi niya. Kailangan na niyang makakilos agad para kay Zahara."Ahm.. Dom, nasaan pala ang daddy ni Juancho?" sinusubukan niyang makakuha ng impormasyon tungkol kay Symon Bec."I don't know. Hindi naman namin madalas pinag-uusapan ang dad niya dahil marinig lang ni Juancho ang pangalan ng sarili niyang ama, magagalit na siya.""Bakit raw?""Hindi ko alam e. Malaki ang galit niya sa ama niya."Agad na napaisip si Pan kung ano marahil ang dahilan. Kung gantong galit si Juancho sa ama niya, tiyak niyang mahihirapan itong kumbinsihin sa pakay niya.'Anong gagawin ko?'"Bakit mo pala naitanong?" "Wala naman.." Nanahimik na siya hanggang sa nakarating na sila sa kanila."Salamat sa paghatid Dom," aniya."Welcome Madam baby.""Huwag mo nga akong tawagin niyan.""Ayoko. Ang ganda ng Madam baby." Natatawang sabi ni Dom at agad na pinaandar paalis ang sa
Ramdam ni Pan ang paninitig ni Juancho sa kaniya sa hapagkainan. Kapag tinitignan niya ito, bigla na lang siya nitong ngingitian kaya tuloy e nagtataka siya kung bakit."How's the food?" he asked."Ayos lang naman." Sagot niya at kumain muli."Hindi mo ba gusto ang food, papa?" tanong naman ni Zahara."Papa likes the food." Sabi niya at napilitang kumain.Tumingin si Pan sa kinakain niya at sumubo na lang ulit. Pumasok sa isipan niya ang pinag-usapan nila ni Aaron kanina. 'Hangga't walang inaamin si Aaron, walang makukuha si Lorciano laban sa akin.' Sabi niya sa kaniyang isipan at pinilit na pinakalma ang sarili."Is there something wrong baby?" mahinahong tanong ni Juancho."Huh?""Namutla ka na lang bigla. May problema ka ba?""W-Wala.. Wala akong problema, Juancho." Saad niya at kumain uli."Are you sure?" kumunot ang noo nito. Tumango siya at ngumiti. Tumango na lang si Juancho kahit na gusto niyang itanong kung sino yung lalaking kasama ni Pan sa larawan. Pagkatapos nilang kuma
Pagkagising ni Pan, wala na sa tabi niya si Juancho at Zahara. Napipilitan siyang tumayo at lumabas para tignan ang sala.Nang mapadungaw siya sa ibaba, nakita niya ang dalawa na nakasalampak sa sahig habang nagbubukas ng luggage si Juancho. Si Zahara sa tabi ay nakikigulo sa papa niya. Naghikab siya at pumasok uli sa loob ng kwarto para makaligo. Inaantok pa siya pero dahil gising na ang dalawa, wala siyang choice kun'di ang maligo na lang. Napatingin siya sa orasan nakita niyang alas singko pa lang ng umaga. Pumasok siya ng banyo pagkatapos niyang maghubad ng damit. Tinignan niya ang buong katawan niya at huminga ng malalim ng makitang nag-iwan si Juancho nang maraming red marks."Mukhang nanggigil nga siya kagabi." Mahinang usal niya. Tapos napatingin siya sa tiyan niya. "Kailangan ko na sigurong ipaalam na buntis ako. Baka mamaya e mapasobra siya at mapano pa si baby. Pero, dapat e magpunta muna ako ng hospital." Pagkatapos niyang magmuni-muni ay agad siyang pumailalim sa show
Kinagabihan, halos hindi na makalapit si Felicity kay Pan dahil laging pinipigilan ni Juancho. Kahit ang pagtabi sa hapag ay bawal na rin.“Juancho, kay Felicity na ako tatabi.” Sabi ni Pan dahil si Felicity lang mag-isa sa kanang bahagi ng mesa. “Bakit sa kaniya pa? I just came home. Sa tabi lang kita dapat.”Kumunot ang noo ni Felicity. “Pan wanted to sit next to me.”“No. I said, she’ll sit next to me. Kung ayaw mo, umalis ka.”“JUANCHO!” Sabi ni Pan dahil hindi niya aakalaing gaganunin ni Juancho si Felicity.“She’s my friend.” Giit ni Felicity. “She’s my baby.” Sagot naman ni Juancho. Napanganga si Felicity sa kaniyang narinig. Sobrang possessive ni Juancho at ngayon lang niya nasaksihan ito. Kaya pala no’ng mga pagpaparamdam niya noong una sa Manhattan ay walang epekto dahil hindi man lang kailanman tinamaan si Juancho sa alindog niya.“Nag-aaway ba kayo papa, tita?” inosenteng tanong ni Zahara habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.Natahimik ang dalawa kaya si Pan ay aga
“Just go home dahil wala kang makukuha sa akin.” Mariing sabi ni Aaron kay Lorciano.Kumuyom ang kamao ni Lorciano. Alam niyang hindi sila maayos ni Aaron, pero inakala niyang tutulungan siya nito oras banggitin niya si Logan.“Kung sabagay, wala ka namang pakialam sa pamangkin mo. Hindi na dapat ako magtaka kung mas kakampihan mo ang babaeng yun. I wonder kung anong binigay niya sayo para pagtakpan mo ang meron sa inyo.”Agad na tumalim ang mga mata ni Aaron. “Hindi ako kagaya mo na mas masahol pa sa hayop. Kung hindi ko man magawang lapitan si Logan yun ay dahil kontrolado mo ang utak ng pamangkin ko. Sa tingin mo ba, hindi namin sinubukan na mapalapit sa kaniya?”Ngumisi si Lorciano. “Kontrolado? Kung kontrolado ko lang sana talaga ang utak niya ay hindi na sana ako mahihirapan pa gaya ngayon. Nilason ni Pan ang isipan niya kaya hindi na ako sinusunod ni Logan. I am hoping na that you would help me to avenge your nephew pero wala ka pa lang kwenta.”Mahinang natawa si Aaron. “Then
“FINALLY!” Sigaw ni Dom nang matapos na ang 6 months contract nila ni Juancho sa Manhattan. “Pwede na rin tayong umuwi.”Tumingin siya sa gawi ni Juancho at nakita niya itong nagliligpit na ng gamit. “Saan ka? Uuwi ka na?”“Yes.” Walang kurap na sabi niya.“Bukas na tayo sa makalawa uuwi.”“I’ll go home now. Kung gusto mo pa magpabukas, it’s up to you.”Tumaas ang sulok ng labi ni Dom habang nakatitig sa kaibigan. Kita niya sa mata nito na excited na itong umuwi. Ilang buwan lang siyang nawalay kay Pan at Zahara, pero kung makaasta ay para bang ilang taon itong nawala.“Grabe ka talaga. Anong klase kang kaibigan at bigla mo na lang akong iniiwan dito?” Pagdadrama niya pero tinaasan lang siya ni Juancho ng daliri.Sumimangot siya pero hindi na siya nito pinansin pa.Matapos niyang maligpit ni Juancho ang gamit niya, agad na niyang tinawagan ang dad niya na uuwi na siya.“Papasundo kita.”“No need. I just called para malaman kung nasaan si Pan at Zahara ngayon.”“Kasama nila si Felicity
Binigyan ni Felicity si Pan ng tubig upang ito’y kumalma. Hindi na rin ito umiiyak ngayon. Ngumiti siya pagkatapos nitong maubos ang isang baso ng tubig.“S-Sasabihin mo ba ito kay Juancho?” naroon ang kaba sa boses ni Pan.“Hindi, kaya huwag kang mag-alala.” Sagot ni Felicity sa kaniya. “Pero pwede ko bang malaman bakit ka nagsinungaling sa kaniya?”Humawak si Pan ng mahigpit sa baso niya. Ramdam pa rin niya ang kaba niya pero hindi na gaya kanina.“Kailangan ko si tito Symon para sa anak ko.”Doon na napaayos ng upo si Felicity.“Mahina ang puso ni Zahara, kaya natatakot akong pa-operahan siya sa sakit niya maliban na lang kung magaling ang doctor na hahawak sa kaniya."“Kaya mo ba nilapitan si Juancho para mapalapit kay sir Symon?”Tumango si Pan. “Aksidente ang una naming pagkikita noong nakauwi siya ng Sicily. Alam mo naman siguro ang nakaraan namin ni Logan.. No’ng nahuli ko si Logan na may ginagawang kalokohan, doon ko nakita si Juancho muli pagkatapos ng walong taon. Iyon ang
Lumilipas ang oras habang hinihintay ni Felicity si Aaron na makarating sa isang café na napagkasunduan nila. Tatawagan na sana niya ito nang makita niyang pumasok ito sa entrance door. Agad na nagtiim bagang siya habang hinihintay niyang makalapit ito sa kaniya.“Anong ginawa mo?” diretsang tanong niya.“What do you mean?” kunot noong tanong ni Aaron. Bigla na lang siyang tinawagan ni Felicity kahapon na gusto nitong makipagkita sa kaniya.“Did you harass Pan?”“No.” Walang kurap na sagot ni Aaron. “Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon, baka dahil sa hindi siya pinatulog ng sinabi ko.” Ngumisi si Aaron bagay na ikinataka ni Felicity.“Ano bang sinabi mo?”“That her child is actually mine.”Pagkasabi niya no’n, agad na nanlaki ang mata ni Felicity. “Ano? Nahihibang ka na ba?” Napatayo na siya at halos murahin na niya si Aaron sa pagmumukha.“I am serious. Have you seen her cousin?”Hindi siya nakasagot dahil hindi. Hindi naman niya kilala ang pamilya ni Pan maliban sa ina nitong
“Baby, are you okay?” tanong ni Juancho nang magkatawagan sila ni Pan. Pansin niya kasi na tila yatang puyat ito. Nagtataka tuloy siya kung may problema ba.“Huh? Ah oo, ayos lang ako.”“May problema ba kay Zahara? You seemed tired.”“Wala naman.” Sabi ni Pan. “Yeah, wala naman.” Ngumiti pa siya para lang ipakita kay Juancho na ayos lang talaga siya at wala itong dapat na ipag-alala.“Anong ginagawa ni Felicity diyan? Hindi ka ba niya tinutulungan? She’s really useless.”Napataas ang kilay ni Felicity sa kaniyang narinig. Hindi siya nakailag sa paratang ni Juancho sa kaniya. ‘Aba’t!’ Hindi masundan ni Felicity ang sasabihin ng biglang lumingon si Pan sa kaniya.Napilitan tuloy siyang ngumiti. ‘That punk! Siya ang useless!’ Pinagmumura nalang niya si Juancho sa isipan niya.“Uy Juancho, wag ka ngang ganyan sa kaibigan mo.” Nahihiyang sabi ni Pan. Hindi na nga siya makatingin sa mata ni Felicity.“Kung hindi naman niya nagagawa ang trabaho niya then she’s really useless. Look at yoursel
Tumawa si Pan para maitago ang kaba na nararamdaman niya. “Natural na medyo hawig siya kay Lou dahil magpinsan kami. At pwede ba, tantanan mo na ako dahil wala kang mahihita sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ang anak mo at si Lou.”Binitawan siya ni Aaron pero ang mga mata nito ay nagliliyab sa determinasyon para mahanap ang anak niya at si Louella.“Hindi ako naniniwala na wala kanga lam kung nasaan sila, Ms. Pan. Bago ako mawala sa mundong ito, kailangan kong makita ang anak ko. Kahit man lang ang masilayan siya at aking mahagkan ay magawa ko.”“Mawala?” kunot noong tanong ni Pan.“May sakit ako.. At may taning ang buhay ko. Kaya ko ginagawa ang lahat para lang mahanap ang anak ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. ‘Sa kaniya ba namana ni Zahara ang pagiging sakitin niya?’ takang tanong nito sa isipan.Pero dahil wala na siyang plano na sabihin sa lahat ang tungkol sa katauhan ni Zahara, kaya hindi niya hinayaan ang sarili niya na magpadala sa awa. ‘Kahit pa mamatay ka, hindi ko ibibig